You are on page 1of 2

MGA TAUHAN

ANG TUSONG KATIWALA – Ang katiwalang ito ay ang katiwalang nilulustay ang
kayamanan na pag mamay ari. Isa itong sakim at huwad na tao

ANG MAY ARI – Ang may ari naman ay isang taong sakim sa salapi o kayamanan na
nagpakita ng Gawain hindi makatarungan sa mga mata ng diyos.

BAKIT IBINAHAGI NI HESUS ANG PARABULA?


- Ibinahagi ito ni hesus upang maging isang tanda na may mga bagay na dapat
ay isinaalang alang natin, tulad na lamang ng ating mga kapwa hindi tayo
marapat nmaging maramot sa ating mga ari-arian o kayamanan bagsuk ay
tayo ay mas maging mapag bigay.

ANO ANG MENSAHE NG PARABULANG


BINASA?
- Ang mensahe ng parabulang binasa ay hindi ang kayamanang pisikal o pera
ang maaring maidala sa hangganan, bagkus ang yamang kalooban ang
madadala mo sa lagpas pa sa hangganan o pang habang buhay. At hindi
maaring gawing diyos ang mga kayamanang pisikal sapagkat ang diyos ay
iisa lamang at ito ang tunay na gagabay sa ating buhay. At upang maging
maayos ang iyong buhay ay gumawa ka ng mabuti sa iyong kapwa upang
hindi ka magkasala at ang iyong kayamanan ay mapupunta sa tama.
BUOD NG PARABULA
Sa simula ay nag hayag si hesus ng isang panibagong parabola. Kanyang sinimulan
ang parabola sa isang mayamang tao na mayroong katiwala. Ang hindi alam ng
taong mayaman ang kanyang katiwala ay nilulustay ang ari – arian. Ng mayroong
nag sumbong sa kanya ay agad niyang ipinatawag ang katiwala. Sinabi ng taong
mayaman na kanyang ihanda ang ulat pangangasiwa sapagkat siya ay tatanggalin
na sa kanyang tungkulin.

Sa labis na pag aalala ay napaisip siya sa kung ano ang kanyang gagawin, hindi na
niya kayang mag bungkal ng lupa at ayaw naman niyang mamalimos sa daan. Ng
biglang pumasok sa kanyang isipan ang maari niyang gawin upang siya ay manatili
sa kanyanng pinag tatrabahuhan at kanyang tungkulin o mag karoon siya ng
tirahan kahit na siya ay mawalan.

Isa isa niyang ipinatawag ang ang nag kakautang sa kanyang amo, itinanong niya
kung mag kano ang kanilang pag kakautang. Ipinakita niya sa mga nag - kakautang
ang kasulatan ng kanilang pag kakautang at sinabing palitan ang utang sa ibang
presyo. Ipinag patuloy niya pa ang kanyang Gawain na lubhang ikinatuwa ng ng
kanyang amo at pinuri ang kanyang ginawa dahil ipinamalas daw nito ang
kanyang angking katalinuhan. Sinabi pa nito na mas mahusay ang mga
makasanlibutan kaysa sa mga maka-diyos sa pag ggamit ng mundo. At nag patuloy
si Hesus sa kanyang pag sasalita sinabi niyang gamitin ang mga kayamanan sa pag
gawa ng mabuti sa kaapwa sapagkat kaht maubos ito ay tatanggapin kayo sa
tahanan ng walang hangganan.

Matapos iyon ay kanyang binigkas ang mga salitang “walang aliping maaring
maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang sa
isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang
ikalawa. Hindi kayo maaaring manglikod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan”.

At ng marinig ito ng mga Pariseo ay kinutya si Hesus ng mga ito sapagkat sila ay
mga sakim sa salapi. At dahil dito ay sinabi ni Hesus “ Nagpapanggap kayong
matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga
puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam suklam sa
mga mata ng Diyos.

You might also like