You are on page 1of 5

Pangkat 1

- Basahin ng isang kasama sa grupo ang balita habang nakikinig ang ibang kasama sa
grupo . Pagkatapos basahin at marinig ang balita ay sundin ang nakasulat na panuto
para sa gawain.

ALS, Patuloy na Isinasagawa


Ni: Mario Pardiňes

Matagumpay ang pagseserbisyo ng mga paaralan para


sa implementasyon ng Alternative Learning System (ALS) sa
mga kabataan at iba pang mamamayan na nais makatapos sa
pag-aaral.
Karamihan sa mga nakapasa sa ALS ay naghahahanap-
buhay na at ang iba ay naghangad na makatapos hanggang
kolehiyo. Noong nakaraang taon maraming nakapasa at na
accelerate sa kolehiyo.
Malaking tulong ang ALS sa pagtupad ng mga
pangarap sa buhay ng mga mag-aaral. Ang Alternative
Learning System ang magiging kaagapay ng mga mag-aaral na
nais pang makatapos at matupad ang mga pangarap sa
buhay.

Panuto: Gumawa ng 5 pangungusap batay sa napakinggang/nabasang balita. Isulat sa patlang


ang pangungusap ayon sa hinihingi sa bawat bilang.

Pasalaysay 1. ________________________________________________________________
Padamdam 2. ________________________________________________________________
Patanong 3. ________________________________________________________________
Pakiusap 4. ________________________________________________________________
Pautos 5. ________________________________________________________________
Pangkat 2
- Basahin ang balita. Basahin ang panuto para sa gawain.

Anak ng Mayamang Intsik, Kinidnap


Isang dalagitang anak ng negosyanteng
Intsik sa Binondo, Maynila ang kinidnap
kahapon ng hapon sa panulukan ng Kalye
Doroteo Jose at Avenida Rizal. Si Arlene Go, 12
taong gulang ay sasakay sa kotseng
minamaneho ng kanilang tsuper, nang 3
sandatahang lalaki ang pumigil sa kanila, ganap
na ikaapat ng hapon. Pilit na pinababa ang
drayber at mabilis na tumakas ang mga
kidnaper patungong Caloocan. Nabatid ng mga
pulis mula sa mga magulang ni Arlene na ang
mga kidnaper ay humihingi ng halagang 10
milyong piso bilang katubusan.

Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng pangungusap ang mga pangungusap na
may kaugnayan sa binasang balita. Lagyan ng wastong bantas ang mga
pangungusap.
__________ 1. Si Arlene Go ay isang 12 taong gulang na
anak ng mayamang Intsik
_____2. Magbigay ka ng 10 milyong piso kapalit
ng iyong anak
_____3. Tulungan ninyo ako Kinidnap si Arlene Go
_____4. Magkano ang kailangan ninyo kapalit ng
aking anak
_____5. Pakitulungan ninyo ako na makuha ko ang
ang aking anak mula sa mga kidnaper

Mga Sagot:
Uri ng pangungusap - Bantas na ginamit
1.
2.
3.
4.
5.
Rubrik sa Pagsulat sa Pagsasalaysay ng Balita

Mga 1 2 3 4
Krayterya
Pagkakasulat ng Hindi malinaw at hindi Medyo malinaw at Hindi lahat ay malinaw Lahat ay malinaw at
pangungusap malinis ang pagkakasulat medyo malinis ang at malinis ang malinis ang
pagkakasulat pagkakasulat pagkakasulat
Hindi maayos ang Medyo maayos ang Hindi lahat ng Lahat ng mga ideya
Organisasyon organisasyon ng mga organisasyon ng mga organisasyon ng mga ay maayos ang
ideya at hindi naaayon sa ideya at medyo ideya ay maayos at organisasyon at
paksa naaayon sa paksa naaayon sa paksa naaayon sa paksa

Pangkat 3
- Basahin nang may pag-unawa ang balita at basahin ang panuto para sa gawain.

Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19)

Ang Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa palahingahan. Ang taong


magkakasakit ay mahirap huminga. Ang mga simtomas sa sakit na ito ay lagnat, sipon, ubo
at iba pa. Ito ay sanhi ng isang bagong virus. Anumang edad ay maaring dapuan ng sakit
na ito. Madaling makahawa ang sakit na ito lalong-lalo na kung mahina ang resistensya ng
katawan ng isang tao.

Sa buong Pilipinas ay libo-libong mga tao ang namatay dahil sa virus na ito. Kaya
plano ng gobyerno na bibigyan ng bakuna kontra Covid-19 ang lahat ng mamamayang
Pilipino upang malabanan ang sakit na ito. Kailangang kumain ang mga tao ng
masustansiyang pagkain, uminom ng bitamina C at wastong oras ng pagpapahinga upang
mapalakas ang resistensiya laban sa virus.

Panuto: Isalaysay muli ang balita sa pamamagitan ng pagsulat ng buod nito gamit ang
iba’t ibang uri ng panungusap. Gawin ito sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
talata. Gamiting gabay ang rubrik sa pagsulat ng pagsasalaysay ng balita.

You might also like