You are on page 1of 3

Pangalan: Maria Christine B.

Rapayrapay
Taon: 2nd year
Gawain Blg. 1
Repleksyong Papel
“Kahirapan: Kasalanan ba ng Gobyerno o Kasalan mo?”

Noong Nobyembre 2018 ay naipalabas ang dokumentaryo ni Atom Araulo sa iWitness na


pinamagatang “Dito Sa Lungsod”. Ang dokumentaryong ito ay nagpamulat pa lalo na sa
Pilipinas particular na sa Maynila ay talamak nga talaga ang kahirapan, pagkawala ng trabaho at
patuloy na pagdami ng populasyon. Bilang isang propesyonal sa hinaharap matatamo ng
Pilipinas ang pag-angat ng Ekonomiya kung Una, tama at wasto ang paglalaan ng Budget sa
bawat sektor ng lipunan, Pangalawa, ay ang wastong pag pagkaltas ng buwis sa mga trabahador
at sa mga negosyante malaki man ito o maliit at Pang huli, ay kung itutuloy ng Gobyerno ang
BBB Program (Build Build Build Program), ngunit hindi lamang dapat nakadepende ang mga
tao sa Gobyerno dapat ay sa sarili’y matuto rin tumayo sa sariling mga paa maghanap ng
pinagkakakitaan o trabaho.
Ang kahirapan ang dahilan kung bakit patuloy ang pagdami ng mga “out-of school
youth”
gaya na lamang ng kwento tungkol sa isang dalagita sa dukumentaryo na si Lalyn Penaflor na
galing sa Butuan City ngunit nagpunta sa Maynila para mag-aral at umasang makamtan ang
kaginhawaan ng buhay ngunit mali siya ng akala rito, tumigil siya sa pag-aaral at nag-tatrabaho
na lamang at sumaside line sa pagbabalat ng bawang. Kung ating mamarapatin ay dapat
nakapokus lamang siya sa pag-aaral ngunit pinili niyang magtrabaho at sumide-line na lamang,
at dapat rin ay mayroon silang bahay na matutuluyan ng maayos ngunit tumitira lamang sila sa
isang bahay na nakakasulasok at dapat ay totoong bahay at lupa nila, ngunit hindi. Isa rin na
patuloy na nakakaranas ng kahirapan ay sina Nanay Cristy at ang kanyang asawa na may
Parkinson's Disease na halos 5 taon na kung ating iisipin ang dobleng hirap sa parte ni Nanay
Cristy ay talaga nga namang nakakapanlumo, isang matandang nagkokolekta ng kalakal sa araw
araw at suma-sideline rin sa pagbabalat ng bawang dagdag pa ang hirap niya sa pagaalaga sa
kanyang mahal na asawa. Sa paguusapan pa lamang na ito ni Nanay at ni Atom ay naantig na
ako:
Atom: magkano kinita Nay?"
Nanay: 150
Atom: malaki na yan Nay?
Nanay: MALAKI NA TO SAKIN(TUMATAWA/MASAYA)
Sa hirap ng buhay natuto ang mga tao na tanggapin kahit maliit na bagay na napaghihirapan nila
nasasanay na sila sa ganoong bagay pero malaki impact nila doon. Makaraos lang sila sa isang
araw makakain lang sila ayos na sila doon na kung iisipin ay napakahirap “They only settle for
less”.
Kaya bilang isang propesyonal sa hinaharap gusto kong maitayo o makatulong man
lamang
Sa mga mahihirap at upang tumaas din ang Ekonomiya ng Pilipinas. Sa aking palagay ang 3.2
Bilyong Alokasyon sa Budget ng National Housing Authority ay talaga ngang kulang kumpara
sa 33 Bilyon na panukala nila, sa 25% na informal settlers sa Manila palang ay kulang na ang na
ang 3.2Bilyon, dahil ayon sa Trading Economics, ang Housing Index sa Pilipinas ay tumaas na
sa 11878 PHP/SQ. METER sa ika-apat na kwarter sa taong 2019 kung ito ay imumultiply sa
3.6milyon na informal settlers noong 2018 ay kulang na kulang talaga ang 3.2 Bilyon na pondo
ng National Housing Authority para sa mga pabahay. Ang pagkakaroon ng tamang pagkaltas ng
buwis sa mga negosyante at mga trabahador ay siyang magiging bunga ng Gross Domestic
Product ng Pilipinas upang matamo ang paglago ng Ekonomiya gaya na lamang sa Canada. Ang
BBP Program ang proyekto ng Gobyerno na kung saan matutugunan ang kakulangan sa trabaho,
sa mataas na presyo at solusyon sa traffic at transportasyon ayon sa Mindanation, malaking
bagay bilang tugon sa unemployment at patuloy na traffic na isa rin sa malaking isyu ng
Pilipinas.
Kung maisasakatuparan ang pag-iral ng tatlong punto na isinaad ko upang magkaroon
ang
Pilipinas na pag-angat sa Ekonomiya ay lalago ang ating bansa mas malaking oportunidad para
sa isat-isa, kung ang pa-pairalin rin ay pagkakaisa at hindi pansarili lamang partikular na sa mga
“buwaya” na matatawag sa Gobyerno ay mas aasenso ang ating bansa. Bukod sa lahat kung ang
bawat isa ay hindi lang din aasa sa Gobyerno kundi tatayo sa sariling paa upang magsikap ay
matatamo natin ang tagumpay hindi lamang sa sarili kundi sa buong Pilipinas mismo. Babangon
tayo ganun na din ang Pilipinas kung hindi natin paiiralin ang “Crab Mentality”. Ang Kahirapan
ay hindi kasalanan ng Gobyerno o ng Sarili mo kundi ang mga maling pag-iisip na nabubuo dahil
sa hindi pagiging makatao.
Mga Napagkunan ng Impormasyon:
•https://tradingeconomics.com/philippines/housing-index •https://radicalhousingjournal.org/wp-
content/uploads/2019/04/06_Retrospectives_Dizon_105-1 29-1.pdf
-Maria Christine Rapayrapay, 2020.

You might also like