You are on page 1of 4

GROUP 3

Activity 4 – Broadcast Media

DZBB-AM
Ang DZBB (maliwanag DZ-double-B; 594 kHz AM) brodkast bilang GMA
Super Radyo DZBB 594 AM ay ang pangunahing himpilan ng radyo sa AM
ng GMA Network sa Pilipinas. Ang kanilang studio ay matatagpuan sa loob
ng GMA Network Center sa EDSA corner Timog Avenue, Diliman, Quezon City,
samantalang ang kanilang transmisor ay matatagpuan sa Barangay
Panghulo Obando, Bulacan.
24 oras ang pagsasahimpapawid ng Super Radyo DZBB 594 AM maliban sa
Lunes, kung saan hindi ito sumasahimpapawid mula 12:00 ng hating gabi
hanggang 4:00 ng madaling araw, at maliban sa Semana Santa ng Bawat Taon,
kung saan hindi ito sumasahimpapawid mula 12:00 ng hating gabi sa Huwebes
Santo hanggang 4:00 ng madaling araw sa Linggo ng Pagkabuhay.
Sa kasalukuyan, Ang Super Radyo DZBB 594 AM ay isa sa mga
nangungunang himpilan sa AM band sa Kalakhang Maynila at isa sa mga
pinakapinaparangalang himpilan ng radyo sa Pilipinas.

Kasaysayan:
1. Bilang Dobol B 580/594 (1950-1989)
Itinatag ang DZBB noong 14 Hunyo 1950 ni Robert "Uncle Bob" Stewart, sa isang
maliit na silid tanggapan sa Gusaling Calvo, Escolta, Maynila, gamit ang mga
lumang kagamitan at isang lumang transmitter. Kahit na kulang sila sa bagong
kagamitan, ang himpilan ay nakapuntos ng mga karangalan dahil sa kanilang
pagsasahimpapawid sa mga balita, mga huling kaganapan, mga nangyayari sa
Senado at sa Kapulungan ng mga Kinatawan, mga eksklusibo at blow-by-blow
na pagtutok sa mga mahahalagang pangyayari sa bansa. Sila rin ang gumawa
ng mga programang tumatak sa industriya tulad ng Camay Theater of the
Air, Tawag ng Tanghalan, Newscoop, Kuwentong Kutsero at iba pa. Ang iba rito
ay nasahimpapawid sa telebisyon.
Dahil sa pagiging matagumpay ng DZBB, napagpasyahan ni Bob Stewart na
subukan ang telebisyon noong 23 Oktubre 1961 bilang RBS DZBB-TV Kanal 7 (na
ngayo'y kilala na sa pangalang GMA-7 Maynila). Ang kanal 7 at ang DZBB ay
naipagbili sa grupo nina Gilberto Duavit, Sr., Menandro Jimenez and Felipe
Gozon noong 1974.
2. Bilang DZBB Bisig Bayan 594 (1989-1999)
Noong huling bahagi ng dekada '80 at unang bahagi ng Dekada 90, ang
himpilan ay nakilala bilang "Radyo Bisig Bayan". Dahil dito mas naging kilala ang
himpilan sa mga tagapagkinig ng radyo sa Kalakhang Maynila.
3. Bilang Super Radyo DZBB 594 (1999-Kasalukuyan)
Noong Enero 4, 1999, binago nila ang pangalan ng himpilan bilang "Super
Radyo" at karamihan ng kanilang mga palatuntunan ay tungkol sa mga balita at
kasalukuyang pangyayari sa bansa.
Noong 2017, opisyal na inilunsad ng DZBB ang kaunahunahang
nitong Jingle para sa istasyon, maging na rin ang bagong ina-ayos na radio
booth, maging na rin ang muling pag-lulunsad ng Dobol B sa News TV, matapos
ang 5 taong pagka-wala sa telebisyon.

Mga Palabas:
Ang karamihan ng mga palatuntunan ng DZBB ay tungkol sa balita, mga
kasalukuyang isyu at pagsusuri sa mga ito. Ang kanilang mga programa sa
umaga ay tinatampukan ng mga kilalang mamamahayag sa telebisyon. Ang
mga sikat na programa nila ay kinabibilangan ng "Saksi sa Dobol B" ni Mike
Enriquez at "Dobol A sa Dobol B", nina Arnold Clavio at Ali Sotto. Ang programa
ni Mike Enriquez ay nagmula sa Saksi, isang balitaan sa telebisyon ng GMA
Network na dati niyang tinatampukan.
Ang himpilang ito ay may balitaan na pinamagatang "Super Balita", at ito ay
sumasahimpapawid ng tatlong beses kada araw; umaga (sumasahimpapawid
sa lahat ng himpilan ng Super Radyo sa Pilipinas), hapon and gabi. Isinasa-ere din
nila ang mga programa ng GMA Network at GMA News TV tulad ng 24 Oras, ang
pangunahing balitaan ng GMA Network at "Dobol B sa News TV", kung saan
mapapanood ang mga programa ng DZBB sa GMA News TV.

Mga Personalidad ng Radyo:

• Arnold Clavio
• Mike Enriquez
• Manolo Favis
• Eddie Ilarde
• Joel Reyes Zobel
• Ali Sotto
• Nathaniel Cruz (GMA News resident meteorologist)
• Melo del Prado
• Rene Sta. Cruz
Mga dating Personalidad ng Radyo:

• Robert "Uncle Bob" Stewart (deceased)


• Inday Badiday (deceased)
• Johnny Midnight (deceased)
• German Moreno (deceased)
• Jay Sonza
• Raul Virtudazo
• Mel Tiangco (former EVP and COO of GMA Kapuso Foundation,
currently anchor of 24 Oras and host of Magpakailanman on GMA
Network)
• Helen Vela (deceased)
• Gina de Venecia (former member of the Philippine House of
Representatives for the 4th district of Pangasinan)
• Arnell Ignacio (currently Assistant Vice President for Community Relation
and Services Department of the Philippine Amusement and Gaming
Corporation)
• Bobby Guanzon (deceased)
• Jessica Soho
DZBB-AM
Mike Enriquez
Joel Reyes Zobel
Tapagpagpalabas
Arnold Clavio
Ali Sotto

Pambungad na DZBB Station Jingle


tema (Instrumental)

Bansang
Philippines
pinagmulan

PAGGAWA

3 hours (2011-2012)
Oras ng
5 hours (2017-
pagpapalabas
kasalukuyan)

PAGSASAHIMPAPAWID

Orihinal na himpilan GMA News TV

Banghay ng
NTSC 480i
larawan

First incarnation:
February 28, 2011 –
Orihinal na September 7, 2012
pagtakbo Second incarnation:
April 24, 2017 –
kasalukuyan

You might also like