You are on page 1of 8

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO NG FILIPINO

Gawain Blg.___, Kwarter I

Pangalan ng Mag-aaral : _____________________________________________
Baitang – Pangkat: __________________________________________________
Petsa:____________________________________________________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Kayo ba ay gumagamit ng magagalang na pananalita sa pakikipag-
usap? Sa mga nakatatanda sainyo? Sa anong sitwasyon nyo nagagamit
ang mga magagalang na pananalit? Dapat ba natin itong gamitin sa lahat
ng pagkakataon?
Sa kasalukuyang panahon at hemerasyon, nakakaligtaan na ng ilang
ang paggamit ng magagalang na pananalita sa pakikipag-usap. Maraming
mga kabataan na rin ang hindi mo mariringgan na gumagamit ng
magagalang na pananalita. Ang magagalang na pananalita ay
kinakailangan at nararapat gamitin sa lahat ng oras. Ito ay ginagamit sa
pagbati, pakikipagkilala, pakikipag-usap, paghingi ng paumanhin at
pahintulot.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Markahan Most Essential Learning Competencies K-12 CG Codes
Una Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t
ibang sitwasyon:
 sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin. (F6PS-Id-12.22)
 pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid.
(F6PS-IIc-12.13)
 pagpapahayag ng ideya.
 pagsali sa isang usapan. ((F6PS-IVc-15)
 pagbibigay ng reaksiyon. F6PS-IIIf-12.19)
(F6PS-IVh-12.19)

III. MGA GAWAIN

PANUTO:
Basahin, suriin at unawain ang inihandang mga gawain na lilinang sa iyong
kaalaman sa paggamit ng mgagagalang na pananalita sa iba’t ibang
sitwasyon.

Gawain 1
Bumuo/buuin ang mga pangungusap batay sa isinasaad na sitwasiyon.
Gamitan ng magagalang na salita.
1. Magbigay ng limang pangungusap kung paano ka makatutulong upang maiwasan
ang patuloy na pagdami ng may kaso ng COVD-19.
a. _______________________________________________________________
b. _______________________________________________________________
c. _______________________________________________________________
d. _______________________________________________________________
e. _______________________________________________________________

2. Maraming organisasyon ang tumulong upang

______________________________________________________________

3. Kailangang sundin ang mga ipinatutupad na health protocol ng IATF upang

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Isang napakalaking hamon ngayong new normal para sa akin ang

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Ang pag-aaral sa new normal ay

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

GAWAIN 2
A. PANUTO: Suriing mabuti ang mga larawan. Gamit ang semantic web sa
ibaba isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang larawan. Gamit
ang magagandang salita, bumuo ng tig-iisang pangungusap sa kanilang
pagkakatulad.
LARAWAN A LARAWAN B

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakatulad

Gawain 3
Basahin at unawain ang tula. Sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Epidemya (COVID-19)
Ni: Sandy Panganiban

Sa panahon ngayo’y ingatan ang sarili

Dahil biktima ng virus ay sadyang dumarami
Mapabata man o matanda, walang pinipili
Kaya paalala ko’y sa tahanan ay manatili
Paghugas ng kamay ay ating ugaliin
Kung aalis man, alcohol ay baunin
Mga paalala sa TV ay ating sundin
Ito’y para rin sa kaligtasan natin

Huwag hahayaang matuyo ang lalamunan

Pag-inom ng tubig ay huwag ipagpaliban
Iwasan ang malamig at baka makasanayan
Pag-iingat sa sarili ay pahalagahan.

Sa mga estudyanteng lubhang nagsasaya

Dahil sa pagkansela ng pasok sa eskwela
Alamin ang dahilan at huwag basta tumawa
Pagpasa ng iyong grado’y huwag sa virus iasa.

Pagpunta sa matataong lugar ay iwasan

Pakikisalamuha sa iba ay ‘yong bawasan
Sa ating pag-ubo’y bibig ay takpan
Maging mabuting ehemplo sa mga kabataan

Takot at pangamba, sa lahat ay mababakas

Hiling ng bawat isa’y makahananp ng lunas
Nang masilayan pa ang magandang bukas
Magkaroon ng masaya at maligayang wakas

Mga biktima nito ay h’wag husgahan

Pagkakaroon ng sakit ay di kagustuhan
Ating ipagdasal kanilang kaligtasan
Sa ganitong paraan natin sila matutulungan

Mga doktor at nars ay sadyang kahanga-hanga

Kanilang propesyon ay tunay na ginagawa
Kahit buhay man nila ay itinataya
Walang pag-aalinlangan basta’tmakatulong sa kapwa

O Panginoong Diyos, mundo ay yakapin

Bigyang lakas-loob ang bawat isa sa’min
Pagsubok na bigay ay malulutas rin
Mga panalangin naming sana’y iyong dinggin.

1. Sa tulang binasa, anong talata ang nakaantig sa iyong damdamin? Bakit?

___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Bakit dapat nating sundin ang mga paalala sa telebisyon?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Paano natin dapat na tratuhin ang mga naging biktima ng COVID-19?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

4. Ano ano ang mga dapat nating gawin upang hind tayo mahawaan ng virus na
COVID-19?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

5. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa ating mga

doktor at nars bilang mga frontliners?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Gawain 4
Basahin at intindihin ang usapan. Pagkatapos, sagutan ang mga katanungan
sa ibaba.

Mara: Magandang umaga Clara.

Clara: Magandang umaga din Ate.
Mara: Bakit ka nakasilip diyan sa bintana?
Clara: Nagpapaalam po kasi ako kay nanay na lumabas, pero hindi siya pumayag.
Dahil kahit sumilip daw ako sa labas, wala akong makikitang mga bata.
Mara: Alam mo ba ang dahilan kung bakit ayaw ni nanay na lumabas ka?
Clara: Ang sabi lang po ni Nanay dahil daw po sa kumakalat na virus, yung COVID
19
daw po Ate.
Mara: Tama si Nanay, Clara. Hindi basta-basta ang virus na iyan. Maraami na ang
nagbuwis ng buhay dahil nahawa sila pati na ang ating mg doktor at nars y
marami na ring nagbuwis ng buhay dahil sa CIVID-19 kaya napakadelikado
na
sa ating lahat na lumabas lalo na sa katulad mong bata. Lalo pa’t di natin
nakikita ang virus.
Clara: Nakakatakot po pala ate. Kaya po ba halos lahat ng nasa labas ay nakasuot
ng
face mask?
Mara: Iyan ang katotohanan Clara. Isa iyong pamamaraan upang maiwasang
mahawa
sa virus na iyan.
Clara: At ang palagiang paghuhugas ng kamay ay dapat din nating isagawa. At wag
rin natin kalilimutan na magdala ng alcohol sa tuwing tayo ay lalabas.
Mara: Magaling! At huwag din nating kalimutang isagawa ang tinatawag na social
distancing.
Clara: Ano po ang ibig sabihin ng social distancing?
Mara: Ang social distancing ay ang isang metrong pagitan ng isang tao sa isa pang
tao.
Clara: Ahh iyon po pala ang ibig sabihin ng social distancing Ate.
Mara: Opo tama ka! Kaya ipinagbabawal din ang mga pagtitipon gaya ng
pagdiriwang
ng Pista, kaarawan, reunion, pagpunta sa mga mall at iba iba pang pagtitipon
ngayong panahon ng pandemya.
Clara: Bawal po ang mga pagtitipon dahil hindi po nagkakaroon ng social distancing
tama po ba ate?
Mara: Tama!
Clara: Ngayon ay nauunawaan ko nang mabuti kung bakit ayaw ni nanay na
palabasin
ako. Maraming salamat po ate. Marami po akong natutunan sa iyo.
Mara: Walang anuman Clara. Magtanong ka lang kung may mga hindi ka pa
naiintindihan.
Clara: Opo ate.

Mga Tanong:
1. Magbigay ng mga diyalogong nagpapakita ng paggalang na binanggit sa usapan.
___________________________________________________________________

2. Nagpakita ba ng paggalang si Clara sa kanyang nakatatandang kapatid na si

Mara?
Patunayan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ang pagsunod ba sa lahat ng utos ng magulang ay nagpapakita ng paggalang?

Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Ano ang mga magagalang na pananalita ang ginamit sa usapan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 5
Bumubo ng isang tula o awit na nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa
kapwa sa panahon ng pandemya. Ang tula ay bubuuin ng dalawang saknong na
may tig-aapat na taludtod. Bigyan ng pamagat.

Rubriks sa Pagpupuntos

Pamantayan at Iskor
75-84 85-90 91-95 96-100
Hindi maayos ang May lohikal na Maayos ang Mahusay na
mga organisasyon organisasyon organisasyon pagkasunod-
ng mga ideya ngunit hindi pagkakabuo ng sunod ng mga
masyadong mga ideya. ideya at naaayon
mabisa ang ideya. sa mga tanong

Pagwawakas
Binabati kita, naisagawa mo ng mahusay ang layunin ng gawaing ito. Tandaan na
hindi lamang sa pananalita naipakikita ang paggalang kundi sa kilos at gawa.
Kumilos ng magalang kung nakikipag-usap sa mga nakatatanda.

IV. SUSI SA PAGWAWASTO

.

GAWAIN 1
Depende sa sagot ng bata

GAWAIN 2
Depende sa sagot ng bata

GAWAIN 3
1. Depende sa sagot ng bata
2. Para di mahawaan ng virus na COVID-19
3. Huwag husgahan at ipagdasal ang kanilang mabilisang paggaling
4. Depende sa sagot ng bata
5. Depende sa sagot ng bata

GAWAIN 4
1. Depende sa sagot ng bata
2. Oo, dahil gumagamit siya ng magagalang na pananalita sa pakikipag-usap
3. Depende sa sagot ng bata
4. Po at opo

GAWAIN 5
Depende sa sagot ng bata
IV. MGA SANGGUNIAN

Panganiban, Sandy., Maikling Tula- Epidemya (COVID-19)

https://www.facebook.com/130723377543543/posts/598417547440788/

https://www.shutterstock.com/search/dirty+environment

https://www.123rf.com/stock-photo/dirty_environment.html?
sti=moqzb743q4s052us4xl

Inihanda ni:
CHRISTINE B. ANLUECO
Caracaran ES
Rapu-Rapu West District

You might also like