You are on page 1of 5

ARELLANO UNIVERSITY

ELEMENTARY DEPARTMENT

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

ARALIN 6: Paggalang Sa Opinyon Ng Iba

Pangunahing Konsepto:

Mabuting paraan ng pakikipagkapwa ang pagdinig at paggalang sa opinyon


at kaisipan ng iba.
Kung may isang paksang tinatalakay o pinag-uusapan, hingin muna ang
opinyon o saloobin ng lahat, pagkatapos ay pagsama-samahin ang lahat ng ito,
timbangin ang mga maaaring gawin at hindi gawin at saka magkaroon ng
konklusyon.
Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng
pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang sa opinyon nito.

PAGPAPAKITA NG PAGGALANG SA OPINYON NG IBA

❖ Kung may pagkakataong hindi nagustuhan ang naibigay na opinyon sa iyo,


maging mahinahon lamang sa pakikipag-usap.
❖ Iwasang magbigay ng mga mungkahi o opinyon na makakasakit ng
damdamin ng ibang tao.
❖ Kailangang tanggapin natin ang opinyon ng iba lalo na kung ito ang MAS
makabubuti, maging tiyak at sigurado lamang bago isagawa ito.

PAGSASABUHAY NG PAGGALANG SA OPINYON NG IBA

➢ Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon at pagkilala sa


halaga ng lipunang kinabibilangan.
➢ Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapuwa sa pamamagitan ng
maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.
➢ Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto sa
kaniyang pagkakamali.
Mga Halimbawa:

1. May kalayaan tayong magbigay ng ating mga opinyon sa iba lalo na sa iba’t-
ibang social media platforms at ganoon din ang iba sa atin. Kaya importanteng
matutuo tayo kung paano galangin ang mga sinasabi sa atin ng iba at ganoon din
sila sa atin.

2. Sa pag-uusap na may kaugnayan sa paggawa ng mga proyekto. Halimbawa, sa


paaralan, dapat pakinggan ang panig at mga rekomendasyon ng bawat miyembro
upang makakuha ng magandang ideya para sa ikabubuti ng inyong mga gawain.
Importanteng making tayo sa kanila dahil iyon ay nagpapakita na iginagalang natin
ang kanilang mga opinyon.
Bilang Ng Aralin.:____________________________Bilang Ng Pagsasanay.:________
Pangalan:____________________________________Guro:_________________________
Grade/Sec.:___________________________________Petsa:_________________________
Asignatura:___________________________________

PANUTO: Pag-aralan ang mga sitwasyong ito kung sino ang gumagalang sa
opinyon ng kapwa. Lagyan ng tsek ang kahon.

1. Ang sinumang tumutol sa gagawin natin ay aalisan ko ng karapatan


sa organisasyong ito.

2. Anak, sige. Kung sa palagay mo iyan ang tama, gawin mo.

3. Itay, naman, sinasabi ko naman sa inyo na ang ipinapagawa ninyo ay


panahon pa ni Lolo. Huwag nap o ninyong ipagawa sa amin.

4. Alam po ninyo, Inay, tama kayo. Maaaring luma na po ang mga


kaugaliang iyon ngunit nakikita kop o na angkop pa rin ang mga ito sa aming mga
kabataan.

5. Hindi ko sinasabing mali si Mommy. Pero kapag sinunod natin ang


sinasabi niya, magmumukha tayong baduy. Magiging katatawanan tayo sa ating
ibang mga kaeskuwela. Sasabihin nila na modern na ang panahon pero tayo’y
makaluma pa rin.

6. Tayo ay magtutungo sa tabing-dagat. Sino ang gusting sumama? Sino


ang ayaw?

7. Kayo na lang ang manuod ng sine, ayaw ko ng palabas. Magpakasaya


kayo. Bukas ikuwento ninyo na lamang sa amin.

8. Huwag na tayong humingi pa ng mga plano nila. Ito na lamang an


gating sundin.

9. Bago ako magsimula sa mga sasabihin ko, nais ko munang magsalita


kayong lahat kung ano ang inyong masasabi sa mga proyektong gagawin natin.

10. Siya ay isang napakabuting pangulo ng kanilang organisasyon,


nakikinig siya lagi sa mga opinion ng kaniyang mga miyembro.
Bilang Ng Aralin.:____________________________Bilang Ng Pagsasanay.:________
Pangalan:____________________________________Guro:_________________________
Grade/Sec.:___________________________________Petsa:_________________________
Asignatura:___________________________________
PANUTO: Ipaliwanag kung paano mo nirerespeto ang opinyon ng iba sa mga
sumusunod na sitwasyon.

1. Nagpapaliwanag ang iyong kaklase ng sagot niya sa inyong guro.

2. Nais ng iyong kaibigan na magbigay ng kaniyang saloobin sa ginawa mong


pagkakamali dahil nangopya ka sa pagsusulit.

3. Alam mong gusto ni Mia na magsalita sa harap ng klase para ibigayang


kaniyang mga opinyon ngunit siya ay natatakot na baka hindi siya pakinggan.

4. Isa-isang magsasalita ang bawat miyembro ng grupo para sa ikagaganda ng


proyekto ninyo.

5. Nasira ng kapatid mo ang iyong paboritong damit. Nais niyang magpaliwanag sa


iyo kung bakit.
(DLP)

Pangalan______________________________________Grade/Sec.:_________________
Asignatura:____________________________________Aralin:______________________
Bilang Ng Aralin:______________________________
Konsepto: Naipapakita ang tamang paggalang sa opinyon ng ibang tao na
sinasabayan nang pagkakaintindihan at pagkakaisa.

PANUTO: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng paggalang sa opinion


ng ibang tao. Lagyan ito ng kulay at sa ibaba ng larawan ay magbigay ng
maikling pagpapaliwanag.

PALIWANAG:

You might also like