You are on page 1of 11

Kabanata 2:

Aralin 1: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas


Bukod sa pulitika ng pagpaplanong pangwika sa pilipinas, sarisaring hamon ang
kinakaharap nito sa gitna ng pagbabago ng panahon at modernisasyon ng lipunan.
Ang mayamang kultura, kasaysayan at makulay na pulitika sa bansa ang nagbubunsod
ng pagbabago sa sitwasyon ng polisiyang pangwika sa edukasyon at iba pang aspekto
ng lipunan.
Multikultural ang Pilipinas
Arkipelago ang ating bansa kung kaya’t ang katangiang heograpikal nito ang
nagdudulot ng pagkakaiba-iba ng wika at kultura.
McFarland (2004) lagpas 100 na magkakaibang wika
Nolasco (2008) humigit-kumulang 170 na iba’t ibang wika
Bukod sa mga rehiyon na wika sa pilipinas, laganap na rin ang paggamit ng Filipino
bilang lingua franca ng bansa.
85.5 % ng kabuuang populasyon ay may kakayahang magsalita ng pambangsang wika.
Itinuturing din ang wikang Ingles bilang pangunahing ikalawang wika.
Ayon sa survey noong 1994, 74% ang nagsasabing nakauunawa sila sa wikang Ingles.
Sa kalagayang higit 100 ang mga rehiyonal na wikang ginagamit sa bansa, malaki ang
hamon namakabuo ng pangkalahatang polisiyang pangwika na makatutugon sa
pangangailangan ng lahat ng etnoliguwistikong grupo.
Mga Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil
sa dami ng mga mamamayang naaabot nito.
Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang
malalayong pulo at ibang bansa.
Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng
mga local na channel.
Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay
ang mga teleserye, mga pangtanghaling mga palabas, mga magazine show, news and
public affairs, reality show at mga programang pantelebisyon.
Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o
pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyong-milyong
manonood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay
nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.
Walang subtitle o dubbing ang mga palabas sa mga wikang rehiyonal. Ang madalas na
exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga
mamamayan sa Pilipinas ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang
namulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa mga lugar na di
katagalugan.
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO
 Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.
 Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung
may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap.
 Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino
naman sa tabloid.
 Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan
nila ang wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid:
 Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong
maakit agad ang mambabasa.
 Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng
impormalidad
 Hindi pormal ang mga salita.

SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA


1. Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.
2. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.
3. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na
malilibang sa kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki.
4. Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng
mamayan ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
5. Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa
pamantayan ng propesyonalismo.
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG
POPULAR
FLIPTOP
 Pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap.
 Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma
bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw ang paksang
tinatalakay.
 Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya naman
kadalasan ang mga inagamit na salita ay balbal at impormal at mga salitang
nanlalait.
 Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung isinasagawa sa
wikang ingles ay tinatawag na “Filipino Conference Battle
PICK-UP LINES
 Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinsagot ng isang bagay na
madalas naiuugnay sa pagibig at iba pang aspekto sa buhay.
 Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may pagkakataon ring nasa
wikang Ingles o kaya naman ay Taglish.
HUGOT LINES
 Tawag sa linya ng pag-ibig. Tinatawag ding lovelines o love quotes.
 Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na na
nagmarka sa puso’t isipan ng mga mnunuod.
 Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish.
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT
1. Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang
bahagi ng komunikasyon sa bansa.
2. Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadalaat natatangap ng ating bansa
kaya ito ay kinilala bilang “Text Capital of the World”.
3. Madalas ang paggamit ng code switching at madala pinaiikli ang baybay ng mga
salita.
4. Walang sinusunod na tuntunin o rule.
SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET

1. Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.

2. Karaniwang may code switching.

3. Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago I post.


4. Ingles ang pangunahing wika dito.

5. Naglalaman ng mga sumusunod

 Impormasyon sa ibat ibang sangay ng pamahalaan

 Mga akdang pampanitikan

 Awitin

 Resipe

 Rebyu ng pelikulang Pilipino

 Impormasyong pangwika

SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN

1. Ingles ang pangunahing ginagamit sa pakikipag komunikasyon maging sa mga


dokumentong ginagamit

2. Gumamit rin ng Filipino kapag nagiindorso ng produkto sa mga mamayang


Pilipino.

SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN

1. Gumamit ng wikang Filipino si dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang


SONA bilang pagpapakita ng pagpapahalaga rito.

2. Hindi pa rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga teknikal na hindi agad
nahahanapan ng katumbas sa wikang Filipino

SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON

1. DepEd Order No. 74 of 2009

 K hanggang grade 3 ay unang wika ang gagamitin bilang panturo.

 Sa mataas na antas ay nanatiling bilinggwal ang wikang panturo (Filipino at


Ingles)

Aralin 2: KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO


(Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal)
DELL HATHAWAY HYMES
 Isang mahusay, kilala, at maimpluwensiyanglingguwista at anthropolist na
maituturing na “higante” sa dalawang larangan.

 Interesado sa tanong na “Paano banakikipagtalastasan ang isang tao?”

 Pinag-aralan ang lahat ng diskursong nangyayari sabuhay; usapan sa tao sa


mesa, mito, alamat, at mgabugtong;mga testimonya sa
korte,talumpatingpampolitika, mga elehiya at mga salitang ginagamitsa
pamamaalam.

 Gusto niyang malaman kung “paano nagkakaiba-iba ang wika ng mga ito sa iba’t
ibang kultura.”

 Linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist

 Isinilang sa Portland, Oregon noong Hunyo 7, 1927.

 Nagtapos ng Bachelor’s Degree in Literature and Anthropology sa Reed College


noong 1950 at Ph.D.in Linguistics nong 1955.

 Nagturo sa Harvard University,University of California,Berkeley at University of


Pennsylvania bilang Dekano ng Graduate School of Education

 Propesor sa University of Virginia mula 1987–1998(retiro)

 Yumao noong Nobyembre 13,2009 : 82 edad dahil sa Alzheimer’s

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO o Communicative Competence

Mula sa Portland Oregon na si Dell Hymes noong1966.

John J. Gumperz (Linguistic Competence) – NoamChomsky 1965

Masasabing ang taong nagtataglay ng kakayahang pangkomunikatibo ay kung


nagamit ang wika sa wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang
komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos ang
dalawang taong nag-uusap.

Mabisang Komyunikeytor maituturing kung may kakayahang pangkomunikatibo at


kakayahang lingguwistiko o gramatikal.

Ayon kay D.H nararapat ding malaman ang paraan ng paggamit ng wika
ng lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang matugunan at maisagawaito
nang naayon sa kanyang layunin
Bagaric,et al.2007 – ang isang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay
hindi lang kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan,at galing sa paggamit
ng wikang naaangkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo.

Higgs at Clifford 1992 - kailangang pantay naisaalang-alang ang pagtalakay sa


mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma okayarian(gramatika) ng wikang ginamit
sa teksto.

Dr. Fe Otanes – Ang paglinang sa wika ay nakapokussa kapakinabang idudulot nito sa


mag-aaral,matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanap buhay, makipamuhay
sa kanilangkapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na
kanilang ginagalawan.

Ang pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika- ay makabuo ng isang pamayanang


marunong, mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.

Shuy 2009 – kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na


konteksto nglipunan at kultura—ito’y ang wika kung paanong ginagamit at hindi lang
basta ang wika at mga tuntunin nito.

Silid-aralan ang Daan Tungo sa Paglinang ngKakayahang


Pangkomunikatibo ng mga Pilipino

Dito ang pormal na pagkatuto ng wika.

Nasusukat ang kakayahang pangkomunikatibong mga mag-aaral sa tatas sa


pagsasalita ng wika, kakayahang umunawa, at makagamit ng tamang salita o wika sa
angkop na pagkakataon

Ang pagkatuto ng wika sa silid-aralan ay maiangat mula sa pagkilala sa gramatika


upang mapalawig, maiugnay, at magamit sa mga aktuwal na sitwasyon sa totoong
mundo o satunay na buhay, pasalita man o pasulat.

Cantal – Pagkalinawan 2010- propesor sa Hawaii, ang mahusay na klasrum pangwika


ay may aktibong interasiyon sa pagitan ng guro at ng estudyante, at estudyante sa
kanyangkapwa estudyahte.

Guro- ang nagsisilbing tagapatnubay/facilitator lamang sa iba’t ibang Gawain sa


klasrum at Estudyante – aktibong nakikilahok sagaawaing pangkomuikasyon.

Komponent ng KakayahangPangkomunikatibo (kakayahang lingguwistikoo


gramatikal)

Canale at Swain (1980-1981)- 3 komponentpara sa unang framework o modelo o


Kaalaman at kakayahang gramatikal, sosyolinggwistiko, at istratedyik.
Canale (1983,1984)- binuo ang ikaapat na component – kakayahang diskorsal mula
sa kakayahang sosyolingguwistiko.

Kakayahang Gramatikal – (Canale at Swain ) ay pag-unawa at paggamit


sa kasanayan saponolohiya,morpolohiya,sintaks,semantikagayundin ng mga tuntuning
pang-ortograpiya.

Kakayahang Gramatikal- magbibigaykakayahang sa taong nagsasalita upangmagamit


ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahuluganng
mga salita.

Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino

(kakayahang Sosyolingguwistiko) “Ang wika’y mabisang instrumento sa pakikipag


– ugnayan. Ito ay daan upang magkaunawaan”

Ayon sa mga pag-aaral na isinigawa ni Dua (1990) ang ilan sa mga pangunahing
dahilan sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-uusap ay pwedeng mag-ugat
sa tatlong posibilidad na maaaring magmula sa taong nagsasalita tulad ng :

 Hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita ang kanyang intensyon

 Hindi maipahayag ng maayos ng nagsasalita ang kanyang intensyon

 Pinipili ng nagsasalitang huwag nalang sabihin ang kanyang intensyon dahil sa


iba’t ibang kadahilanan tulad nang nahihiya siya, at iba pa.

Ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang nag-uusap ay maaari ring mag-ugat


sa tagapakinig tulad ng mga sumusunod:

 Hindi narinig at hindi naunawaan

 Hindi gaanong narinig at hindi gaanong naunawaan

 Mali ang pagkakarinig at mali rin ang pagkaunawa

 Narinig at naunawaan

Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon


 Ayon sa lingguwistang si Dell Hymes, maging mabisa lamang ang komunikasyon
kung ito ay isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may mga bagay na
dapat isaalang-alang.
DELL HATHAWAY HYMES ( June 7, 1927)
-isang lingguwista, sosyolingguwista, anthropologist, and folklorist na nagtatag ng mga
pundasyon ng pandisiplina para sa ethnograpikong pag-aaral ng paggamit ng wika.
SPEAKING
S (setting) - Pakikipag-usap ng maayos sa lugar at sitwasyon. Pook o lugar kung saan
nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao.
(Saan ginaganap ang pag-uusap?)
P (Participant) – mga kalahok sa pag-uusap. Isaalang-alang ang taong
pinagsasabihan / kinakausap.
(Ano ang pakay/layunin ng pag-uusap?)
E (ends) – pakay / layunin at inaasahang banga ng pangungusap.
(Ano ang pakay/layunin ng pag-uusap?)
A (act sequence) – Ang daloy ng pakikipag-usap.
(Paano ang nagging takbo ng usapan?)
K (keys) – tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapt ding isaalang-
alang ang sitwasyon ng usapan. Kung ito ba ay pormal / di pormal.
(Ano ang tono ng pag-uusap?)
I (instrumentalities) – medium ng pakikipag-usap. Iniaangkop natin ang tsanel na isa-
isip and medium ng pakikipagtalastasan.
(Anong tsanel /midyum ang ginamit sa pag-uusap?)
N (norms) – paksa ng usapan.
e;g (usapang pangmatanda, usapang pambabae lamang, usapang panlalaki lamang)
G (genre) – Diskursong ginagamit kung nagsasalaysay, nakikipagtalo/nangangatwiran.
Nagsasalaysay ba? Nakakalarawan ba?
(Anong uri ng diskurso ang ginagamit?)
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
(KAKAYAHANG SOSYOLIGGUWISTIKO)
Sa modelong ginagamit nina canale at swain, inisa-isa nila ang tatlong kakayahang
pangkomunikatibo;
*Lingguwistiko / gramatikal – Ang kakayahang linggwistiko ay tumutukoy sa
kakayahan o abilidad ng pag-aaral ng tatlo o higit pang mga lenggwahe, wika, at
dayalekto.
MUNGKAHING KOMPONENT NG KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO O
KAKAYAHANG GRAMATIKAL
 Sintaks
 Morpolohiya
 Leksikon
 Ponolohiya / palatunugan
 Ortograpiya
*SOSYOLINGGUWISTIKO
 (Sosyolek – isang partikular na pangkat)
-Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay ang pagsaalang-alang ng isang tao sa
ugnayan niya sa mga kausap, ang impormasyon pinag-uusapan, at ang lugar ng
kanilang pinag-uusapan. Ang ugnayan ng wika sa lipunan nang may naaangkop na
panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyon
pangkomunikasyon.
EX: 1. Magandang araw po! Kumusta po kayo?
(pakikipag-ugnayan sa mga nakatatanda at may awtoridad)
ISTRATEDYIK – Ito tumutukoy at nangangahulugan ng isang kakayahang
pagpapakita ng mininsing pagpaplano kung papaano gagawin o isasagawa ang
isang bagay. Ang kakayahang ito ay nakikitaan ng tinatawag na Strategy.
PRAGMATIK – Ang kakayahang pragmatiko ay tumutukoy sa isang kakayahang
sosyolinggwistika na ginagamit ng mga tao sa araw-araw. Kabilang narito ang
pagkakaroon ng kakayanang makaintindi ng sinasabi o paggalaw ng tao at kung ito
ay angkop sa nangyayaring sitwasyon. Kasama rito ang pagtukoy sa emosyon o ibig
sabihing tinuran o sinabi ng isang tao.
DISKORSAL – Ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa mismong kakayahan na
matiyak o masigurado na tama ang isa o higit pang kahulugan ng teksto at
sitwasyon na nakapaloob o nakaayon sa konteksto.
Sa pagtatalakay sa kakayahang sosyolingguwistiko ay maari nating balikan
ang usapin tungkol sa pagkakaiba ng competence o performance o pagganap.
Pananaw ni Savignon
Competence – ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika.
Performace – ay ang pag gamit ng wika.
Sa mga bagay na dapat isaalang-alang para sa epektibong komunikasyon na inisa-
isa ni Hymes sa kanyang acronym na SPEAKING, mapapansing tatlo sa mga ito ay
ang participants, setting, at norm na binibigyan din ng konsiderasyon ng isang
taong sosyolingguwistik.
Ayon kay Fantini
( Sa pagkalinawan 2004)
 May mga salik-panlipunang dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika, ito ay
ang ugnayan ng nag-uusap, paksa, lugar, at iba pa.
 Ang isang taong may ganitong uri ng kakayahan ay inaangkop ang wika sa
kanyang kausap ba ay bata/matanda, hindi nakapagtapos, lokal ba/dayuhan.
 Inaangkop din niya sa lugar na pinag-uusapan, tulad ng kung nasa ibang
bansa/lugar ba siya na hindi masyadong nauunawaan ng kanyang wika.
 Inisa-alang – alang din niya ang impormasyong pinag-uusapan, ito ba ay
tungkol sa iba-ibang pananampalataya.

Kailangan alam at magamit ng nagsasalita ang angkop sa wika para sa hinihinging


pagkakataon.
ANG PAGLAGANAP NG PAGGAMIT NG BEKI LANGUAGE
- Ang sagot ni kalihim Luistro nang tanungin hinggil sa paggamit ng Beki
Language:

“Ang paggamit ng bagong nabubuong kolokyal na kagaya ng “beki” ay kasama


sa pagbabago ng mga wika at hindi natin mapipigilan. Kapag ang ganitong salita
ay naging katanggap-tanggap na sa lipunan at ginagamit ng mayoridad, saka
palang ito naisasali sa opisyal na komunikasyon”

ANG PAGKABIHASA NG MARAMING MAG-AARAL SA WIKANG INGLES KAYSA


WIKANG FILIPINO
Ang sagot ni Kalihim Luistro nang tanungin higgil sa maraming mag-aaral na binasa
paggamit ng wikang Ingles :

“Ang naumpisahan na nating reporma sa bagong K-12 Curriculum na nagnanais na


tumugon sa hamon na mahasa ang ating kabataan na gamitin at palawigin ang wikang
ating kinagisnan pati narin ang ating Pambansang Wika. Kasama na rito ang paggamit
ng kanilang unang wika.”

ANG PAGKAKAROON NG MOTHER TONGUE BASED –MULTILINGUAL


EDUCATION
Ayon kay DepEd secretary Brother Armin Luistro, FSC, “Ang paggamit ng wikang
ginagamit din sa tahanan ng mga unang baiting ng pag-aaral ay makatutulong upang
mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpatibay rin sa kanilang
kamalayang sosyo-kultural."

You might also like