You are on page 1of 13

University of Perpetual Help System DALTA

Las Piñas City


S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

DAMDAMIN, PANANAW AT KAALAMAN NG MGA MAGAARAL

NG UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA NA

KUMUKUHA NG KURSONG NARSING HINGGIL SA SAKIT NA

DENGUE.

Isang Pamanahong- Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamentong Filipino,

Kolehiyo ng Narsing ng University of Perpetual Help System Dalta.

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Ng

BSN1-B
University of Perpetual Help System DALTA
Las Piñas City
S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

Enero 2011

DAHON NG PAGPAPATIBAY 

Bilang pagtupad sa isa sa mga panangailangan ng asignaturang Filipino 2,

Pagbasa at Pagsulat 1 Tungo sa Pananaliksik, ang mapanahong-papel na ito na

pinamagatang “ANG PANANALIKSIK TUNGO SA SAKIT NA DENGUE” ay inihanda at

iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa mag-aaral ng unang taon ng

kursong narsing sa University of Perpetual Help System Dalta (S.Y. 2010-2011) na

binubuo nina:

 Joenalyn Borbon Mary Grace Gopeng

Reynaline Haban Paula Elaine Ramos

Rona Isabelle Bautista

  Tinatanggap sa ngalan ng kagawaran ng Filipino, kolehiyo nursing ng

University of Perpetual Help System Dalta, bilang isa sa mga pangangailangan sa

asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Gng. Ana Deloeste


University of Perpetual Help System DALTA
Las Piñas City
S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

Propesor ng Asignaturang Filipino2

PASASALAMAT

  Taos-pusong pasasalamat an gaming ipinaaabot sa mga sumusunod na

indibidwal dahil sa mahalagang tulong, kontribusyon at/o suporta tungo sa

matagumpay na reyalisasyon ng mapanahong-papel na ito:

 Sa Poong Maykapal, sa paggabay at pagdinig sa aming dalangin lalung-lalo

na sa sandaling kami ay pinanghihinaan ng pag-asang matapos naming ito

nang maayos sa itinakdang panahon,

 Sa aming mga kani-kaniyang pamilya, sa pag-unawa at pagpapahintulot sa

aming umuwi sa oras a hindi naming kinagawian matapos lamang ang

pamanahong papel,

 Kay Gng. Ana F. Deloeste, an gaming masigasig na guro sa Filipino 2 sa

pagtulong sa amin at paggabay sa paggawa ng isang pamanahong-papel sa

pamamagitan ng pagtuturo ng tamang hakbangin sa pagsulat ng isang

pamanahong papel,

 Sa mga awtor, editor at mananaliksik ng akdang pinaghanguan naming ng

mahahalagang imporamsyong ginamit sa pagsulat ng una at ikalawang

kabanata ng pamanahong papel na ito at,

 Sa aming respondante, sa paglalaan ng panahon upang matapat na

masagutanang aming inihanda kwestyoneyr.

Muli, maraming-maraming salamat po.


University of Perpetual Help System DALTA
Las Piñas City
S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

-Mga Mananaliksik

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

I. Introduksyon

Walang tao ang gustong magkasakit sapagkat sa panahong ito na

hindi basta-basta ang pagkita ng pera mas makabubuting umiwas sa sakit

upang sa ibang bagay na lamang mailaan ang perang kinikita. Lalo na

ngayong panahon ng tag-ulan, talagang napakaraming sakit ang

maaaring dumapo sa isang tao. Isa sa mga dapat na iwasang sakit ay ang

dengue fever, ito rin ay itinatawag na break bone fever. Ito ay delikadong

sakit na kapag napabayaan ay maaaring ikamatay ng isang tao.

ANG DENGUE Hemorrhagic Fever (DHF, H-fever) ayon sa Department

of Health ay isang "acute infectious viral disease" na kadalasang

nakakaapekto o nakukuha ng mga bata,pero hindi rin pinapaligtas ang

mga may edad na. Kadalasan ay sumusulpot ang dengue sa mga tropics,

mga lugar na tag-init at tag-ulan ang climate, tulad ng mga bansa sa

Asya. Damay ang Pilipinas, lalo na sa mga lugar na maraming populasyon.


University of Perpetual Help System DALTA
Las Piñas City
S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

Ang sakit na dengue ay nakukuha sa kagat ng lamok na  Aedes aegypti

Ito'y nangangagat lamang tuwing umaga. Nangingitlog ang lamok na ito

sa mga lugar na kung saan ay may tubig na hindi dumadaloy tulad ng

mga plorera, lata, dram, timba, lumang gulong at iba pa.. Ang taong

naimpeksyon nito ay nagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal ng

dalawa hanggang pitong araw na kapag hindi naagapan ay maaring

ikamatay.

II. Layunin

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng mga impormasyon

tungkol sa mga

pananaw ng mga tao hinggil sa saki na dengue. Layunin din nito na

masagot ang mga sumusunod na tanong:

1. May sapat bang kaalaman ang mga tao sa sakit na dengue?

2. Paano maiiwasan ang sakit na dengue?

3. Ano ang epekto ng sakit na dengue sa nadapuan nito?

I. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral ay ang magbigay ng impormasyon at

tulong sa dengue.

Impormasyon na nagsasaad kung papaano makakaiwas sa sakit na

dengue. Ito rin ay tumutukoy upang mapalawak ang kaalaman ng tao sa


University of Perpetual Help System DALTA
Las Piñas City
S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

sakit na dengue na lumalaganap sa Pilipinas atkung anoang mga epekto

nito.

II. Saklaw at Limitasyon

Ang sakop ng pag-aaral ay kaalaman ng tao sa sakit na dengue.

Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanunganupang

makapangalap ng datos. Nakapokus ang pag-aaral sa mga nakuhang

sagot mula sa mga respondante. Sapagkat kulang sa panahon ang mga

mananaliksik, maaring makaapekto ito sa lawak ng pag-aaral.

III. Depinisyon ng Terminolohiya

Upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito,

narito ang ilan sa terminolohiyang ginamit at ang angkop na kahulugan

para rito:

• Dengue Fever- Ang dengue fever ay isang nakakahawang sakit na

nagmumula sa dengue virus. Ang dengue virus na ito ay naisasalin

o naililipat sa pamamagitan ng kagat ng lamok.

• Break Bone Fever- Ito ay isang klase ng dengue fever na ang mas

kadalasang dinadapuan ay mga taong may edad na labing-lima

(15) pataas.
University of Perpetual Help System DALTA
Las Piñas City
S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

• DENGUE HEMORRHAGIC FEVER (DHR)- Ang Dengue Hemorrhagic

Fever ay

masmalalang uri ng dengue at ito ay nakamamatay

• Aedes aegypti -ay isang uri ng lamok na nagdadala ng dengue at

DHF

KABANATA II

Mga Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura


University of Perpetual Help System DALTA
Las Piñas City
S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

I. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disrenyo ng pamaraang

deskriptibanalitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito

ang damdamin, pananaw at kaalaman sa dengue ng mga respondante.

II. Mga Respondante

Ang mga piniling respondante sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na

kumukuha ng kursong Narsing sa University of Perpetual Help System Dalta sa

ikalawang semester.

SEKSYON UNANG IKALAWANG IKATLONG IKAAPAT NA KABUUNG


 TAON  TAON  TAON  TAON DAMI

BSN-A 10 10 10 5 35

BSN-B 30 10 5 5 50

BSN-C 15 - - - 15

KABUUAN 55 20 15 10 100
G DAMI

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondante sa una at ikalawang semester

sapagkat sila ang pinakamadaling makatutugon sa mga pangangailangan sa

pamanahong papel sa ito at upang magkaroon ng pantay na representasyon ang

bawat tao.
University of Perpetual Help System DALTA
Las Piñas City
S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

III. Instrumento ng Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong

makapangalap ng mga datos upang masuri ang damdamin pananaw at kaalaman

sa pag-aalaga sa may sakit na dengue ng mga respondante.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik

sa iba’t ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga aklat, tisis, proposal,

disertasyon, at pamanahong papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang

impormasyon sa internet.

IV. Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at

hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at

disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-

aaral na ito sa pamamagitan ng mataas na kompleks na istatistikal na

pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat

aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik. Dahil isandaan (100) ang

mga respondante, naging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng

porsyento dahil sa bawat dami ng bilang ay awtomatikong kartumbas sa porsyento

na iyon.
University of Perpetual Help System DALTA
Las Piñas City
S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTRPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at


impormasyon :

Inalam ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang


kasarian.

Walumpu’t anim sa kanila ay babae,samantalang labin apat ay mga


lalaki.

Pansinin ang kasunod na grap:

Grap 1
University of Perpetual Help System DALTA
Las Piñas City
S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

Distribusyong ng mga Respondente Ayon sa kasarian

A.Respondenteng Babae

B.Respondenteng Lalaki

Limampu’t pito sa mga respondente ay nasa edad I6-I7.Ang


tatlumpu’t dalawa sa
respondente ay may edad I8-I9.Ang walo sa mga respondente ay may
edad na 2o pataas.Ang natitirang tatlo sa mga respondente ay may edad
na I4-I5.pansinin Ang kasunod nag rap:
Grap 2
Distribusyong ng mga respondente ayon sa edad
University of Perpetual Help System DALTA
Las Piñas City
S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

Sa isandaan,apatnapu’t walo (48%) ang nagsabing sila ay may


katamtamang kaalaman sa dengue batay sa kanilang pansariling
assessment.Sampu (10%) sa kanila ang nagsabing sila ay may
kaunting kaalaman hinggil sa dengue.tatlumpu’t lima (35%) sa mga
respondente ang nagsabing alam na nila ang dengue,samantalang
lima(5%) samga respondente ang nagsabing wala silang kaalaman
hinggil dito.ang natitirang dalawa (2%) ay walang pakialam hinggil
ditto.Pansinin ang kasunod na grap.

Grap 3
Pansaraling Asesment ng mga Respondente sa Kanilang Kaalaman
Hinggil
Sa Dengue

Hinggil naman kung saan nila narinig o natutuhan ang kaalaman ukol sa
dengue, limampu’t pito (57%) ang nagsasabing nagmula sa telebisyon,
University of Perpetual Help System DALTA
Las Piñas City
S.Y. 2010-2011 2 nd Semester

tatlo (3%) respondante na nagsasabing nagmula sa dyaryo, sampu (10%)


naman ay mula sa usap-usapan, dalawa (2%) respondante ang mula sa
radyo, gayundin sa internet na may walong (8%) respondante.

Pinagmulan ng Kaalaman ng mga Respondante Hinggil sa Dengue.

You might also like