You are on page 1of 5

MEKANIKS PARA SA POSTER

a) Ang paligsahan ay bukas para sa mga interesadong mag-aaral mula sa baitang 4


hanggang baitang 12.
b) Dapat angkop sa temang Buwan ng Wika ang larawang iguguhit – “Wika Filipino, Wika
ng mga Katutubo.”
c) Ang kalahokang siyang magdadalang mga kagamitan para sinasabing paligsahan.
d) Ilagay sa isang kalahating kartolinaang larawan iguguhit.
e) Binibigyan ng isa at kalahating oras ang bawat kalahok sa mga mag-aaral mula baitang 4
hanggang baitang 6 at isang oras para sa baitang 7 hanggang baitang 12 na matapos ang
kanyang poster.
f) Isumite sa taga-pangulo ang natapos na poster.
g) Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaring pasubalian.
h) Ang mga magwawaging Una hanggang Ikatlong gantimpala ay tatanggap ng Sertipikong
Pagkilala.
i) Ang kraytirya ay binubuo ng mga sumusunod:

Sining ng pagkakabuo 30%


Kaugnayan sa Paksa 20%
Pagpapakahulugan 20%
Pangkalahatang Biswal 15%
Orihinalidad 15%
Kabuuan 100%

MEKANIKS PARA SA MALIKHAING SAYAW


a) Bukas ang patimpalak na ito sa lahat ng mga mag-aaral ng Legacy of Wisdom Academy
Inc mula ika-7 baitang hanggang ika-12 baitang.
b) Binubuo ng 15-20 na miyembro sa bawat grupo.
c) Ang presentasyon ay tatagal ng 4-6 minuto. Pwedeng magdagdag ng tugtog na angkop sa
presentasyon.

Pamantayan:

Pagkamalikhain (kasuotan, props, konsepto) 30%


Koryograpi (kaangkupan ng ekspresyon ng mukha, kilos, 50%
galaw, kumpas)
Suporta ng Madla 20%
Kabuuan 100%

SABAYANG PAGBIGKAS

Panuntunan:
a) Bukas ang paligsahan sa mga mag-aaral mula ika-4 na baitang hanggang ika-6 na
baitang.
b) Inaasahang ang bawat kolehiyo ay may 15-20 kalahok (dalawampu’t-lima hanggang
tatlumpu)
c) Isang pyesa lamang ang gagamitin sa madulang sabayang pagbigkas
d) Pinahihintulutan ang paglalapat ng himig,tunog, o awitin at ang pagkakaroon ng
koryograpi.
e) Mahalaga sa madulang sabayang pagbigkas ang tinig, bigkas, pormasyon, blaking,
ekspresyon imahinansyon interpretasyon damdamin,tamng pagbigkas at larawang-diwa.
f) Maglapat ng sariling sining
g) Apat hanggang anim minuto lamang ang oras ng pagtatanghal ng madulang Sabayang
pagbasa
h) Bawat lalabis na minuto ay kabawasan ng isang 1 puntos na tatamuhin mula sa kabuuang
iskor.
i) Tatanggapin ang anumang kasuotang angkop sa pyesa ng Madulang Sabayang
Pagbigkas.
j) Pinal ang desisyon ng Hurado.

Krayterya:

I. Interpretasyon 60%
a) Orkestrasyon ng tinig (Pagkakahalu-halo, pagkakasabay-sabay, pagbuo, 30%
lakas, taginting, tempo,uri ng tinig at kaangkupan sa diwa ng pyesa)

b) Koryograpi (kilos,galaw,kumpas,blaking) 15%


c) Kaangkupan ng ekspresyon ng mukha 15%
II. Sangkap na Teknikal (kaangkupan ng pag-iilaw, tunog, awitin) 15%
III. Panghikayat sa madla 25%
a) Katauhan / personalidad 10%
b) Hikayat 5%
c) Kasuotan 10%
Kabuuan 100%

MEKANIKS PARA SA SPOKEN WORD POETRY

a) Ang bawat pangkat ay may dalawang kalahok (isang babae at isang lalaki) para sa
patimpalak na ito.
b) Ang kalahok ay magsusulat ng isang tula (maaaring Malaya o tugmaan na tula) tungkol
sa paksa.
c) Kailangang isaulo ng kalahok ang piyesa at itanghal sa madla sa loob ng 2-3 minuto. Sa
pagkakataong hindi masunod ang minimum na haba ng pagtatanghal, mababawasan ng
dalawang puntos mula sa kabuuang iskor ng kalahok. Sa parehong paraan, mababawasan
ng dalawang puntos ang iskor ng kalahok na hihigit sa limang minuto.
d) Ang kopya ng piyesa ay dapat maisumite sa organizing committee isang linggo bago ang
itinakdang petsa ng kumpetisyon.
e) Ang sumusunod ang kraytirya ng patimpalak sa Spoken Word Poetry:
I. Nilalaman (imagery, attitude,personal) -30%
II. Pagtatanghal - 20%
Pagbibigkas at Artikulasyon - 20%
Ekspresyon ng mukha at kilos ng katawan - 15%
Hikayat sa madla - 5%
Pagkabisa sa piyesa - 10%

Kabuuan - 100%

SABAYANG PAGBASA

a) Ang kalahok ay maaaring magmula sa baitang 1 hanggang baitang 3.


b) Ang piyesang gagamitin ay ayon sa napili ng tagapagsanay.
c) Ang mga kalahok ay 12-15 na miyebro na bibigyan ng 3-5 minutong pagbabasa sa araw
ng kompetisyon.
d) Walang pagpapakilala sa sarili, diretso na sa pagbasa ng kuwento.
e) Ang mga pamantayan sa paghatol ay ang sumusunod:
Interpretasyon at Ekspresyon 40%
Kahusayan sa pagbasa 30%
Tono at bigkas 30 %
Kabuuan 100%

You might also like