You are on page 1of 19

10 SCHOOLS DIVISION OFFICE

Department of Education
National Capital Region

MARIKINA CITY

Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Globalisasyon: Konsepto at
Perspektibo

Manunulat: Amelia J. Maesa

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

Aralin
Mga Isyung Pang-ekonomiya:
1 Globalisasyon

Alamin

Sa araling ito ay susuriin natin ang sanhi at implikasyon ng mga lokal at


pandaigdigang isyung pang-ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong
pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran. Inaasahan din na maunawaan ang
globalisasyon bilang isyung panlipunan. Nilalayon din na pagkatapos ng modyul na ito ay
maipaliliwanag kung paano nito binago at binabago ang pamumuhay ng tao sa
kasalukuyan.

Araling Sakop ng Modyul 1

1. Konsepto ng globalisasyon

2. Dahilan, Dimensyon at epekto ng globalisasyon

3. Mga Pangunahing Institusyon na may bahaging ginagampanan sa globalisasyon

Sa pagtatapos ng aralin ikaw ay inaasahan na:

1. Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon:


1.1 nalalaman ang konsepto ng globalisasyon sa pamamagitan pag tala ng sagot sa tsart
kaugnay dito at pagpapaliwanag na hinihingi sa bawat tsart;

1.2 natutukoy ang mga dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon gamit ang Hanap
Salita at pagbibigay ng halimbawa sa bawat salita na maitatala;

1.3 natatalakay ang pangunahing institusyon na may bahaging ginagampanan sa Globalisasyon


(pamahalaan, paaralan, mass media, multinasyunal na korporasyo, NGO At mga
internasyunal na organisasyon).

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Subukin

Sa pagsusulit na ito masusukat natin ang iyong kaalaman sa modyul na ito,


upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Bigyan
mo ng pansin ang mga tanong na hindi mo masasagutan ng wasto at alamin ang sagot
nito sa mga susunod na aralin.

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang bago ang
bilang.
___ 1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakatumpak na kahulugan ng Globalisasyon?
A. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking direktang epekto sa sistema ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo.
B. Isang mahabang proseso ng pagsulong bilang nangungunang kaisipang pang-ekonomiya
sa pamamamagitan ng pagrereistruktura o muling pag-aayos ng pandaigdigang ekonomiya.
C. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong pulitikal at ekonomikal ng mga
bansang mahihirap at mas komplikadong pagkakaroon ng foreign direct investment.
D. Ang pagpapalaganap ng teknolohiya at ideya sa pamamagitan ng pandaigdigang
transportasyon at komunikasyon, daan upang humina ang sektor ng agrikultura ngunit
pinasigla ang industriya at paglilingkod.
___ 2. Isa sa hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago ng workplace ng mga
manggagawa na kung saan binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggagawa.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
A. Humigpit ang proseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa
bansa kaya’t kinakailangan ng mga world class workers.
B. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdigang pamilihan kaya’t
kinakailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na
manggagawa.
C. Humihirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t
kinakailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
D. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang
pasahod at pangongontrata lamang sa mga lokal na manggagawa.
___ 3. Ang mga ekonomista ay nagbigay ng kaniya-kaniyang konsepto at perspektibo ukol sa
Globalisasyon. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na naglalarawan sa nabanggit na
isyung panlipunan.
A. Pagkakaroon ng malayang kalakalan upang magkaroon ng kompetisyon.
B. Paglawak ng ugnayan sa pagitan ng mahihirap at mayayamang bansa.
C. Malayang pagpasok ng mga imported na produkto sa pandaigdigang pamilihan.
D. Paglawak ng integrasyon ng mga ekonomiya, kultura, pulitika at siyensiya sa daigdig.

___ 4. Dahil sa Globalisyon nagkaroon ng malayang kalakalan na kung saan tinanggal ng mga
bansa ang taripa, kota, mga krayterya para sa mga inaangkat na produkto at iba pang
hadlang. Alin sa mga sumusunod ang kabutihang dulot ng sistemang ito?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
A. Tataas ang kita ng mga lokal na prodyuser
B. Nakokontrol ang pagtaas ng presyo ng bilihin
C. Mas maraming produkto ang mapagpipilian ng mga mamimili
D. Magkakaroon ng maraming pamilihang pandaigdig na magbubukas sa isang
kompetisyon.
___ 5. Naging isang malaking pamilihan ng mga mayayamang bansa ang mahihirap na bansa dahil sa
malayang pagpasok ng mga imported na produkto. Ang kalagayang ito ang unti-unting
pumapatay sa maliliit na negosyo sa Pilipinas. Kung ikaw ay nagmamay-ari ng isang small
scale industry, paano ka makikipagkompetensya sa mga dayuhang mangangalakal?
A. Gumawa ng mura ngunit de-kalidad na produkto at serbisyo.
B. Humingi ng subsidiya sa gobyerno para lumaki ang puhunan.
C. Lumahok sa mga protesta para huwag papasukin ang mga imported na produkto sa bansa.
D. Bubuo ng isang samahan ng maliliit na negosyo sa Pilipinas at hilingin sa gobyerno na
ipatupad ang Guarded Globalization.
___ 6. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa B. Ekonomiya C. Migrasyon D. Pandemya (Covid-19)
___ 7. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang Globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot
ng kapinsalaan.
C. Dahil sa Globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng mga impormasyon at
kolaborasyon ang mga bansa.
D. Makikita sa Globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
___ 8. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa, ano ito?
A. Ekonomikal B. Teknolohikal C. Sosyo-kultural D. Sikolohikal
___ 9. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na binago ng
Globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pag-angat ng kalikad ng manggagawang Pilipino
B. Pagdagsa ng mga business process outsourcing (BPO) sa bansa
C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machine
D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
___ 10. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang Globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na
institusyon na matagal ng naitatag.
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa kalagayang panlipunan, ekonomikal at pulitikal na
aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga
malalaking industriya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Balikan

Matapos mong mabasa at masagutan ang ating panimulang pagsusulit, ating


balikan at tingnan muli ang ilan sa mga mahahalagang aralin na ating tinalakay sa
Unang Markahan.

Nakita mo sa nakaraang aralin na napakahalaga ng pagtutulungan ng mga mamamayan at ng


ating pamahalaan upang maging matagumpay ang paglutas sa mga suliranin pangkapaligiran.
Napagtanto natin na marami kang magagawa bilang mag-aaral upang protektahan ang iyong
kapaligiran.
Nasuri mo ang epekto ng pagkakaroon ng disiplina, pagkakaisa at pagsunod sa mga
ipinatutupad ng ating pamahalaan sa pagkakamit ng solusyon o paraan upang makabalanse tayo sa
kinakaharap ng ating bansa, lalo na’t tayo ay nakararanas sa kasalukuyan ng isang halimbawa
pandemya (Covid -19).
Importante ang pakikinig sa radyo, pagbabasa ng dyaryo at panunuod ng tv ‘upang malaman
natin ang mga kasalukuyang kaganapan sa ating bansa, sabi nga “Let’s be vigilant”, subali’t
napakahalaga na alam nating suriin ang totoong balita sa “fake news”. Iwasan natin ang pagpapasa ng
mga balita na nakikita natin sa FB lalo na at hindi naman tayo sigurado sa nilalaman at katotohanan
nito. Sa bawat balita na ating nakikita at “I forward” sa iba. Hindi tayo makatutulong sa ating bansa
bagkus ito ay magdudulot lamang ng karagdagang kalituhan at kaguluhan sa mga makababasa nito.
Sabi nga “Think before we click”and “Think before we share”. Lahat ng mga isyu na ating nababasa
at nakikita sa FB.

Gawain: AKO sa Panahon ng Pandemya (Covid-19)


Isulat ang iyong sagot sa talaang kwaderno (notebook).
Magbigay ng tatlong (3) pinakamahalagang nagawa mo sa panahon ng pandemya (Covid-19).
Ipaliwanag ang mga ito. Bakit mo nasabi na ang iyong ginawa na ay lubhang mahalalaga?

Sa iyong Tahanan AKO Sa Bayan ng Marikina

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Tuklasin

Matapos mong sagutin ang ating unang gawain kaugnay sa papel na ginampan mo sa
panahon ng pandemyang ito, subukin naman natin ang iyong kakayahan na makapagtala ng
mga salitang may kaugnayan sa Globalisasyon. Ito ay may kinalaman sa mga isyung pang-
ekonomiya na lubhang nakaaapekto sa ating bansa at maging sa karatig-bansa.

Maraming salita ang kaugnay sa Globalisasyon, maaaring mga produkto at serbisyo na ating
ginagamit araw-araw, maaaring gawa sa ating bansa o nagmula sa ibang bansa, mga produkto,
serbisyo na ang nagmamay-ari ay nasa ibang bansa.

Punan ng sagot ang tsart: Itala mo sa loob ng bilog na may guhit ang mga salita, maaaring
produkto at serbisyo na madalas mong ginagamit.

______

______ ______
Globalisasyon

______

Pamprosesong Tanong:
Isulat ang iyong naitala sa inilaan na espasyo o kahon sa ibaba.

1. Magbigay ng limang pangunahing produkto na iyong ginanagamit. Alam mo ba kung saang


bansa ito nagmula?

2. Kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng produkto at serbisyo, saang bansa mo gustong


manggaling ito o anong “Brand of Goods” ang pipiliin mo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Suriin
Ngayon naman ay basahin at pag-aralan mo ang mga araling kaugnay sa Mga
Isyung Pang-Ekonomiya: Globalisasyon, unawaing mabuti ang bawat aralin na
sumasalamin sa iba’t ibang isyu sa kasalukuyan na direktang nakaaapekto sa iyo , sa ating
pamilya, sa lungsod ng Marikina at sa ating bansa maging sa karatig bansa.

Aralin 1: Konsepto at Dimensyon ng Globalisasyon


Kahulugan at Konsepto ng Globalisasyon

Hindi natin napapansin na sa araw-araw ang mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa ating
buhay sa kasalukuyan ay ang Globalisasyon. Mula paggising, pagpasok sa paaralan, dati ay face to
face, panonood ng telebisyon at maging sa hapag-kainan ay makikita natin ang manipestasyon na ito.
Ngunit, kailan at paano nga ba nagsimula ang pandaigdigang penomenong ito? Paano nito binago ang
ating pamumuhay?

Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,


impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng
daigdig. (Ritzer, 2011). Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng
tao ang ugnayan sa bawat isa. Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa
pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng
kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.

Hindi na bago ang globalisasyon. Hitik ang kasaysayan sa ugnayan ng mga tao sa pamamagitan
ng kalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Sa katunayan, marami sa katangian ng Globalisasyon sa
kasalukuyan ay may pagkakatulad sa Globalisasyong naganap bago sumiklab ang Unang Digmaang
Pandaigdig noong 1914.

Nagkaroon ng Globalisasyon dahil kinikilala ng mga bansa na hindi sila mabubuhay nang walang
pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Ayon sa World Bank at International Monetary Fund, lubos na
mahalaga ang pagtutulungan ng mga bansa upang umunlad at ito ang pangunahing layunin ng
Globalisasyon.

Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang Globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay Thomas
Friedman ay higit na ‘malawak, mabilis, mura, at malalim’. Ayon sa kanyang aklat na pinamagatang
‘The World is Flat’ na nailathala noong taong 2006, ‘Any job-blue or white collar-that can be broken
down into a routine and transformed into bits and bytes can now be exported to other countries
where there is a rapidly increasing number of highly educated knowledge workers who will work for
a small fraction of the salary of a comparable American worker.’

Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular sa nagdaang dalawang dekada, marami sa
mga bansa ang gumamit ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya na nagbigay daan sa mas
malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan .

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
May limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng Globalisasyon.
Una ay ang paniniwalang ang ‘Globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa.
Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o
maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya,
mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay.

Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang Globalisasyon ay isang


mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
Ayon kay Scholte (2005), maraming ‘Globalisasyon’ na ang dumaan sa mga nakalipas na
panahon at ang kasalukuyang Globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring
magtapos sa hinaharap.
Mahirap tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang Globalisasyon kaya higit na
mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito.

Sa kabilang banda, ang pangatlong pananaw ng Globalisasyon ay naniniwalang may anim na


‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa kanya, may tiyak
na simula ang Globalisasyon at ito’y makikita sa talahanayan sa ibaba.

Panahon Katangian
Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at
Century) Kristiyanismo
Huling bahagi ng 15- siglo (late 15th Pananakop ng Europeo
century)
Huling Bahagi ng 18 Siglo hanggang Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-
unang bahagi ng ika-19 na siglo (late daan sa globalisasyon
18th-early 19th century
Gitnang bahagi ng ika-19 hanggang 1918 Rurok ng Imperyalismong Kanluranin
na siglo
Post-World-War 11 Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal
partikular ang komunismo at kapitalismo
Post- Cold War Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya.
Nagbigay–daan sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto,
serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pa sa pangunguna ng
United States
Talahanayan na nagpapakita ng anim na panahon o epoch ng globalisasyon(Therborn,2005)

Mula sa talahanayan, itinampok ni Therborn na ang globalisasyon ay hindi isang bagong


penomenon o pangyayari at hindi rin siklo.
Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo.

Ayon dito, ang simula ng Globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap


sa kasaysayan. Sa katunayan, posibleng maraming pinag-ugatan ang globalisasyon.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ilan dito ang sumusunod:

- Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998)


- Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong Roman
- Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
- Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang
Amerika

- Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon


- Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo
Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang Globalisasyon ay penomenong
nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.

Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing may tuwirang
kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon. Ito ay ang:

1. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang


Digmaang Pandaigdig.

Ipinakita ng Estados Unidos sa daigdig ang kaniyang lakas-militar nang talunin ang Japan at
Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naungusan ang France at Great Britain sa usaping
pang-ekonomiya at sakupin ang mga Asyanong bansang Korea (taong 1950) at Vietnam (1960-70).
2. Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and TNCs)

Bagamat ang mga makapangyarihang korporasyon sa daigdig ay nagsimula noong ika-18


hanggang ika-19 na siglo mula sa Germany, Great Britain at United States, marami sa mga ito ay
kasalukuyang nagtutuon ng pansin sa ibang bansa partikular sa mga developing nations. Isa sa mga
halimbawa nito ay ang Ford at General Motors. Dati’y mamimili ng sariling bansa ang pokus ng mga
kompanyang ito subalit sa kasalukuya’y malaking bahagdan o porsyento ng kanilang kita ay
nanggagaling sa mga bansa sa Asya at Latin America. (Tatalakayin ang isyung ito sa mga susunod na
bahagi.)

3. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War


Sinasabing ang pagbagsak ng ‘Iron Curtain’ at ng Soviet Union noong 1991 ang naghudyat
sa pag-usbong ng globalisasyon. Matapos ang pangyayaring ito’y mabilis na nabura ang markang
naghahati at naghihiwalay sa mga bansang komunista at kapitalista. Pumasok ang mga multinational
companies (MNCs) sa mga bansang dating sakop ng USSR tulad ng Ukraine, Estonia at Latvia.
Nagbukas ang mga bansang ito sa migrasyon, media, turismo at ugnayang panlabas.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Aralin 2: Anyo ng Globalisasyon
Mahalagang maunawaan natin na hindi lamang ang kapaligiran ang patuloy na nagbabago
kundi pati ang takbo ng lipunan na kinabibilangan ng bawat isa. At isa sa pagbabagong ito ay ang
Globalisasyon.
Mayroon tayong tatlong anyo ang Globalisasyon ang ekonomikal, sosyo-kultural at politikal
na magkakaugnay at magkakawing. At mayroon ding mabuti at di-mabuting epekto sa pamumuhay
ng tao.

Anyo ng Globalisasyon
Globalisasyon
Ekonomikal Sosyokultural Politikal

Mga Katangian ng Globalisasyon

1. Integration - ang pagsasama-sama ng mga bansang may iisang hangarin upang bumuo
ng iisang pangkat ng mga bansa na magsulong upang makamit ang hangarin nito. Halimbawa:
European Union (EU) at ASEAN
2. De-Localization - pagbabawas ng mga gawaing lokal at pag-usbong ng pandaigdigang
gawain.
Halimbawa: ang mga BPO at ang pamimili ng mga produkto.
3. Pagsulong ng Teknolohiya – tulad ng pagsulong sa larangan ng “science at digital
technology”, umusbong ang “knowledge economy” at napadali ang komunikasyon sa malalayo at
liblib na lugar.
4. Uri ng Outsourcing
• Business Process Outsourcing (BPO) – tumutugon sa prosesong pang-negosyo
ng isang kompanya.

Uri ng BPO ayon sa layo at distansya na pinagmumulan ng kompanyang magbibigay ng


serbisyo o produkto
a. Offshoring b. Nearshoring c. Onshoring
• Knowledge Process Outsourcing (KPO) - nakatuon sa mga gawaing
nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng
impormasyon at serbisyong legal.
5. Mabilis na paghahatid ng mga produkto at serbisyo sa mga tao
6. Mas malawak na Mobility - pagpapabilis sa daloy ng komersyo
7. OFW bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
8. Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural
9. Globalisasyong Pulitikal
10. Global Isyu

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong ekonomikal, politikal at
kultural sa usaping Globalisasyon. Ang mga ito ay sabay-sabay na nagpapabago ng
buhay ng maraming tao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon:


1. Guarded Globalization - pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na
naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang proteksyon ang mga ito upang
makasabay sa kompetisyon laban sa mga dayuhang negosyante.
Halimbawa: Taripa at subsidiya
2. Patas o Pantay na Kalakalan – layunin na mapanatili ang tamang presyo ng mga
produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng bumibili at nagbibili.
3. Pagtulong sa Bottom Billion – isinulat ni Paul Collier 2007, propesor ng Ekonomiks sa
Oxford Univeristy USA, na sinasabing hindi sapat na magkaroon ng mga programa at dapat ay
magkaroon ng sistema ng pamamahala na malaki ang kinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan
nito. Ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap na mga bansa sa
Asya lalo’t higit sa Africa.

Aralin 3: Mga Pangunahing Institusyon na may bahaging ginagampanan sa


Globalisasyon: Suriin ang mga pangunahing institusyon na may bahaging ginagampanan sa
Globalisasyon:

paaralan

pamahalaan
mass
media

Globalisasyon

multinasyunal
NGO na
korporayon

Internasyunal
na
Organisasyon

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Bakit maituturing itong isang isyu? Ang Globalisasyon isang panlipunang isyu sapagkat
tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ng tao at ang mga perennial
institusyon na kahit noon pa man ay mayroon na.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga perennial institutions: pamilya,
simbahan, pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito ay matatandang institusyong
nananatili pa rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin nito sa ating bansa at
maging sa iba’t ibang bansa.
Ang media (radio, TV, FB, mga pahayagan at iba pa) sa kasalukuyan ay lubhang
napakahalaga sapagkat dito natin makukuha ang mga bagong balita o kaalaman na lubhang
makaaapekto sa atin sa kasalukuyan lalo pa at tayo ay nasa pandemya (Covid-19), dahil ang
isyung ito ay global at nararanasan sa iba’t ibang bansa sa kasalukuyan.
Marami sa mga developing countries ang tumatangkilik at gumagamit ng cellular
phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa. Partikular dito ang mga bansang
tulad ng Pilipinas, Bangladesh at India.
Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay. Sa
paggamit nito, mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng
kalamidad. Isa rin dito ang mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao.
Ang NGO at ang tulong na ibinibigay o donasyon mula sa ibang bansa ay lubhang
mahalaga sa atin sa halos tatlong buwan tayong nasa lock down, maraming mga pamilya,
trabaho, negosyo at iba pa ang lubhang naapektuhan. Mapalad ang mga pamilya na direktang
natutulungan ng mga NGO.
Malaki ang naitutulong ng pag-usbong ng mga multinational at transnational
corporations sa isang bansa. Ilan sa mga ito ay ang pagdami ng mga produkto at serbisyong
mapagpipilian ng mga mamimili na nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa
pamilihan na sa kalaunan ay nagpapababa ng halaga ng mga nabanggit na produkto.
Maituturing itong pakinabang sa mga mamimili. Bukod dito, marami ang nabibigyan ng
trabaho ,

Mahalaga ang papel ng mga International Organizations, Multinational Corporations,


Private Groups at Non-Government Organization at maging ang mga pribabadong mga tao
sa Globalisasyon.

At malaking bagay ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan sa kasalukuyan na


halos ang buong mundo ay apektado ng pandemya (Covid 19), sa kasalukuyan kahit na ang
mayayamang bansa ay lubhang apektado kasama dito ang trabaho maging ang mga OFW at
mga multinasyunal na korporasyon.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Pagyamanin

Upang mapagtibay ang iyong kaalaman at pag-unawa sa ating paksang aralin, sagutan
mo ang inihandang Gawain sa ibaba.

Gawain: Hanap Salita


Kulayan at itala ang sampung salita na mahahanap mo sa loob ng kahon sa ibaba.
Magbigay ng halimbawa ng salita na mahahanap mo na may kaugnayan sa Globalisasyon.

P I M T I L P O J Z A P I O T A L
A R O U T S O U R C I N G E E P D
N I B L U O P U O L O A I K K E O
D E I S I N E B A I N L K O N A L
E G L O B A L I S A S Y O N O N A
E O T K A V O I O M E T Y O L I V
I A Y N I S E E K S L O V M O M N
S O S Y O K U L T U R A L I H I O
L A N U Y S A N I T L U M K I L E
L A N U Y A N S N A R T Y A K A W
D A M I L P O L I T I K A L A D Z
I N T E G R A S Y O N I Q L L O M

1. = _____________________________

2. = _____________________________

3. = _____________________________

4. = _____________________________

5. = _____________________________

6. = ________________________________

7. = _____________________________

8. = _____________________________

9. = _____________________________

10. = _____________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
Isaisip
Marami ka ng nabasa at nagawang gawain sa bawat aralin. Mahalaga na may
matandaan ka at pinakamahalaga dito ay ang pagsasabuhay ng mga natutunan mo sa
ating mga aralin.

Mahalagang tandaan at maunawaan na…


Madalas na hindi natin napapansin ang manipestasyon ng globalisasyon, na sa araw-araw ay
may mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa ating buhay sa kasalukuyan.
Ang pagnanais ng tao na magkaroon at makontrol ang pinagkukunang-yaman ang sinasabing
simula ng globalisasyon.
Na ang globalisasyon ay maaring tingnan bilang isang prosesong pangkasaysayan o integrasyon
ng kultura, ekonomiya at pulitika.

Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at


serbisyo. Mabilis na nagbago ang paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga
bansa sa daigdig sa nagdaang siglo.
Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong ekonomikal at sosyokultural ay ang paglakas ng
globalisasyong pulitikal. Globalisasyong pulitikal na maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan
ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng
kani-kanilang pamahalaan.
Ang pandemya (Covid-19) ay isang global issues at napakahalaga ng pagkakaisa at pagkaka -
buklod-buklod ng mga tao maging ang iba’t ibang institusyon, non-government organizations,
internasyunal organizations, multinasyunal korporasyon at maging ang mga private groups, upang
matugunan ang mga isyung kinakaharap sa kasalukuyan.
Bukod sa pagkakaisa at pagtutulungan dapat tayong maging disiplinado at responsableng
mamamayan upang di man tayo nakatutulong sa pagbibigay ng solusyong sa pandemya (Covid-19)
ay hindi naman tayo ang dahilan ng pagkalat ng pandemya. Sabi nga “Stay Home at Stay Safe”

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
Isagawa
Binabati kita! Upang masukat ang inyong mga natutunan sa modyul na ito. Maari
mo ng sagutan ang repleskiyon sa ibaba.

Ang aking repleksiyon sa aralin na ito…


Bilang isang mag-aaral, mayroon akong gampanin sa panahon ng pandemya (Covid-19)
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

May tungkulin ako sa Bayan ng Marikina


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Nasuri ko ang kahalagahan ng mga pangunahing institusyon na may bahaging ginagampanan


sa globalisasyon
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Gagamitin ko ang aking natutunan sa


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14
Tayahin
Muli binabati kita dahil nasagutan mo nang maayos at kumpleto ang gawain at natapos
ito sa takdang oras. Ngayon naman upang masukat ang iyong natutunan sa mga natapos na
aralin. Sagutan mo ang gawain sa ibaba.

Tukuyin ang Anyo ng Globalisasyon sa ibaba. Isulat ang letra sa bawat bilang.

A = Ekonomikal B = Sosyo-Kultura C = Pulitikal


_______ 1. ASEAN usapang Pangkapayapaan _______ 6. Pagpataw ng Taripa

_______ 2. Panunuod ng mga Korean tele nobela _______ 7. Amazon at Zalora

_______ 3. JICA Project ng Japan _______ 8. Outsourcing

_______ 4. Amnesty International _______ 9. United Nation

_______ 5. Pagkahilig sa K-pop Culture _______ 10. Military Assistance ng US

Karagdagang Gawain
Mahusay, kayang-kaya mong tapusin ang ating mga gawain at mas lalo
mong maunawaan ang ating paksang aralin. Talasan lamang ang mata at pang-
unawa para sa natitira pang gawain.

Punan ng LETRA ang bawat patlang upang mabuo ang tamang salita. Bigyan ito
ng halimbawa.
1. __KO____M__K__ = _________________________________

2. T__H__N____ = _________________________________

3. ____________AN = _________________________________

4. KO____________ = _________________________________

5. ________E______ = _________________________________

6. G __ __ __ __ L __ __ __ U = ________________________________

7. __A____ __E______ = ______________________________

8. __ E L __ __ __ L I __ __ __ __ __ __ = _____________________

9. S U __ __ __ __ __ __ __ = _________________________________

10. __ __ __ __ P A= _______________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 15
Sanggunian

Araling Panlipunan 10 Kontemporaryung Isyu. Learner’s Manual p. 144-186.


Para sa kahulugan ng konsepto kaugnay sa globalisasyon

Pandemya, Global Isyu, Globalisasyon, Outsourcing, Mobility, Integration, De-Localization


atbp.
Diksyunaryo “Webster” at Marikina”English/Tagalog “Dictionary
Retrieved from:

https://www.youtube.com/watch?v=bI2VO65luG4&feature=share para sa mga update


na balita
https://www.youtube.com/watch?v=VkFc2uKBYUU&feature=share

Susi sa Pagwawasto

Transnayunal.10 C.10
Multinasyunal.9 C.9
A.10 Integrasyon.8 A.8
A .9 Politikal.7 A.7
D .8 Ekonomikal.6 A.6
C .7 Sosyukultural.5 B.5
D .6 Teknolohikal.4 C.4
D .5 Globalisasyon.3 A.3
D .4 Mobility.2 B.2
B .3 Outsourcing.1 C.1
A .2
C .1 Hanap Salita Pag-uuri
Subuki Pagyamanin Tayahin
n

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 16
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Amelia J. Maesa


Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit: Gwendelene J. Corañez
Tagalapat: Gwendelene J. Corañez

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph 191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City,

1800, Philippines Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 17

You might also like