You are on page 1of 11

MODULE SA FILIPINO 10

“Si Rizal ay nagpunyagi at nagwagi sa kanyang mga mithiin. Gamit ang pluma
ang sambayanang Pilipino ay lumaya sa pagkaalipin. Mga aral ng El Fili…
pahalagahan at isabuhay natin.”

Layunin:
a. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy
sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito.
b. Nabibigyang-halaga ang mga pangyayaring naganap sa lipunan sa panahong
nasulat ang akda.
c. Nabibigyang-kahulugan ang mga mahihirap na salita mula sa aralin batay sa
denotatibo at konotatibong kahulugan.

Pangkalahatang Panuto:
Maging maingat sa pagsagot at basahing mabuti ang bawat panuto.

PAHINA 473: Mahahalagang tauhan ng El Filibusterismo


 Gawain: Pag-Usapan Natin (#1,2,3 AT 5)
Nasasagot ang mga tanong hinggil sa tekstong binasa. Hindi bababa ng tatlong
pangungusap bawat bilang.

 Pahina 482- Sagutin natin(#1,2,3 at 5)


Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto.

PAHINA 503: SA KUBYERTA


 Pag-Usapan Natin (Pag-usapan natin (#1, 2 at 4)
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto.
PAHINA 512: SA ILALIM NG KUBYERTA
 Pag-Usapan Natin (1, 2 at 3)

PAHINA 518: MGA ALAMAT


 Pag-Usapan Natin (1, 2 at 5)

PAHINA 528: KABESANG TALES


 Pag-Usapan Natin (#1, 3 at 5)

PAHINA 535: NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO


 Pag-Usapan Natin (#1, 2 at 4)

Rubriks sa Sanaysay
Pamantayan 4 3 2 1

Nilalaman Kompleto at Wasto ang May ilang Maraming


wasto ang detalyeng detalye na kakulangan sa
lahat ng nakasaad sa hindi dapat nilalaman ng
detalyeng talata isama sa talata talata
nakasaad sa
talata
Presentasyon Organisado at Maayos ang Hindi gaanong Hindi gaanong
sinusing pagkalalahad maayos ang maunawaan
mabuti ang ng mga detalye nailahad na ang nilalaman
pagkasunod- talata. Hindi ng talata
sunod ng mga gaanong
ideya o maunawaan
kaisipan ang nilalaman
Wastong Tama ang Tama ang Tama ang mga Hindi wasto
baybay at pagkabaybay baybay ngunit bantas ngunit ang baybay at
bantas at paggamit ng may ilan na may ilang gamit ng mga
mga bantas hindi nagamit kamalian sa bantas
ng wasto ang baybay
mga bantas
Kabuuan

Ma’am Cherry
PAHINA 473: Mahahalagang tauhan ng El Filibusterismo

 Gawain: Pag-Usapan Natin (#1,2,3 AT 5)

1. Ano ang nag-udyok kay Rizal upang isulat and nobelang El Filibusterismo?
Ang nag-udyok kay Rizal upang isulat ang nobelang El Filibusterismo ay
upang masaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong
paring martir. Isa rin sa rason kung bakit niya na sulat ang nobelang ito upang
pukawin ang mga tao sa mga masasama at pang-aabuso na ginagawa ng
mga Espanyol. At ang nobelang ito ang nagsilbing daan upang magbigay
inspirasyon sa mga naghihimagsik at upang ipatuloy ang pag-antig at
pagising ng damdamin ng mga Pilipino.

2. Ano-ano ang mga suliranin at paghihirap ang naranasan ni Rizal habang


isinulat niya ang nobelang ito? Paano niya ito napagtagumpayan?

Ang mga suliranin at paghihirap ang naranasan ni Rizal habang isinulat niya
ang nobelang ito ay kung kinulang siya sa salapi sa Noli ay higit siyang
kinapos nang ginawa na niya ang El Fili halos lumiban sya sa pagkain
makatipid lamang, nakapagsanla narin siya ng kanyang mga alahas upang
matustusan ang pagsusulat. Hindi lamang kawalan sa pondo ang kanyang
naging suliranin upang matapos ang nobela naging balakid din ang suliranin
niya sa puso, sa pamilya at sa kaibigan. Natagumpayan niya ito dahil sa
tulong ni Valentin Ventura, siya ang gumastos upang maituloy ang
paglilimbag ng nobela noong Setyembre 1891.

3. Bakit ilang kopya lamang ng nobelang El Fili ang nakarating sa kamay ng


mga Pilipino? Paano kaya nila ito napagyaman?

Ilang kopya lamang ng nobelang El Fili ang nakarating sa kamay ng mga


Pilipino dahil nasamsam sa Hongkong ang mga aklat na ipinadala ni Rizal
gayundin din ang kopyang ipinadala niya sa Pilipinas. Ipinasira ng
Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela subalit may ilang nakalusot
at nagbigay ng malaking inspirasyon para maghimagsik. Napagyaman nila ito
sa pamamagitan ng pag-antig at pagising sa damdamin ng mga Pilipino, kung
ang Noli ay siyang gumising sa at nagpaalab sa diwa at damdamin ng mga
Pilipino ukol sa mga karapatan at nakatulong naman ng Malaki ang El Fili kay
Andres Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid na
nakasasagabal sa pahhihimagsik noong 1896.

5. Paano nakaapekto sa iyong pagkatao ang gintong aral na taglay ng araling


ito?
Ito'y makakaapekto sa iyong pagkatao sa pamamagitan ng isip at pagiging
masinop. At kung ang kaisipang taglay ng sanaysanay ay hindi mo ginagamit
ng mabuti o matuwid. Makakaapekto ito gaya ng hindi pagkakaintindihan
dahil hindi wasto ang paggamit nito.

 Pahina 482- Sagutin natin(#1,2,3 at 5)

1. Bakit kailangang pag-aralan mo muna ang kaligirang pangkasaysayan ng nobela


bago mo basahin ang kabuoan ng nobelang El Filibusterismo ? Paano ito
makakatulong sa iyo?

Kailangang pag-aralan mo muna ang kaligirang pangkasaysayan ng nobela bago


mo basahin ang kabuoan ng nobelang El Filibusterismo dahil upang may ideya
tayo sa kung anong klaseng nobela ang binasa mo. Bago basahin ang nobela
ay napakaimportante na alam mo ang mga tauhan ng iyong binasa. Ito ay
nakakatulong sa akin at sa iba pang gustong bumasa upang mas magandang
basahin at mas lalong maintindihan moa ng iyong binasang nobela.

2. Bakit kaya El Filibusterismo ang pamagat sa nobela? Ano-ano pa kaya ang mga
tatalakayin sa kabuoan ng nobela?

El Filibusterismo ang pamagat sa nobela dahil ayon kay Rizal, lingid pa sa mga
Pilipino ang kahulugan nito noong una hanggang masaksihan nila ang malagim
at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir. Malinaw pa sa kanyang
alaala ang matinding takot na hatid ng mensahe ng salitang Filibustero dahil
mahigpit na ipanagbawal sa kanilang tahanan ang pasambit man lamang ang
salitang ito. Ang mga tatalakayin sa kabuoan ng nobela ay ang mga paghihirap
na dinanas ng mga Pilipino sa mga Espanyol.

3. Para sa iyo, maituturing mo bang klasiko o walang kamatayan ang nobelang El


Filibusterismo ? Bakit?

Para sa akin, maituturing parin na klasiko o walang kamatayan ang nobelang El


Filibusterismo dahil sa ating panahon ngayon mayroon paring mga tao ang
nawalan ng karapatan at mga taong naghihirap.
5. Bilang kabataang Pilipino, paano mo bibigyang-halaga ang mga gintong aral na
iyong makukuha sa nobela?
Bilang kabataang Pilipino, bibigyang-halaga ko ang mga gintong aral na aking
makukuha sa nobela sa pamamagitan ng pamamahagi sa mga kagaya ko na
kabataan ang aking mga natutunan at gagamitin ko rin ang gintong aral sa aking
buhay.
PAHINA 503: SA KUBYERTA

 Pag-Usapan Natin (Pag-usapan natin (#1, 2 at 4)

1. Paano inilarawan ni Rizal ang Bapor Tabo? ang beteranong kapitan ng barko?

Ang Bapor Tabo ay isang hugis pabilog kaya nga tinawag siyang Bapor Tabo
dahil sa anyo nito na animo ay isang tabo. Ito ay napipinturahan ng puti, ung
tatanawin mo ito maihahalintulad mo rin ito sa Bapor Estados sapagkat
bumubuga rin ito ng itim na usok sa pagkakawangis ay mapapansin mo ring may
dalawa sapagkat ang Bapor Tabo ay nahahati rin sa dalawa na may ibaba at
itaas.

2. Saan mo maaaring maihahalintulad ang bapor? Ano ang sinisimbolo nito?

Ang mabagal na pagtakbo ng bapor sa ilog Pasig ay simbolo ng mabagal na


takbo ng kaunlaran sa Pilipinas. Higit pa rito, ang pag unlad ay mabagal dahil
natatakot ang mga nakapwesto na ung uunlad ang bansa, mawawala rin ang
kapangyarihan nila.
4. Bakit nagkaroon ng pagtatalo sa itaas ng kubyerta? Ano ang masasabi mo sa
mga sangkot dito at sa paksang pinagtalunan?
Nagtatalo ang mga prayle dahil magkaiba ang kanilang mga mungkahi. Para sa
akin ang masasabi ko dito ay dapat mag isip sila ng mas mabuting paraan kaysa
pinagtatalunan ang dalawang paraan na ayaw naman ng isa't isa.

PAHINA 512: SA ILALIM NG KUBYERTA


 Pag-Usapan Natin (1, 2 at 3)
1. Anong mensahe ang nais iparating ni Rizal kaugnay ng kalagayan ng mga
pasahero sa ilalim at itaas ng bapor?

Ang mensahe na nais iparating ni Rizal kaugnay ng kalagayan ng mga pasahero


sa ilalim at itaas ng bapor ay ang hindi pagkapantay-pantay na pagtrato dahil
ang mga pasahero sa taas ay ang mga illustrado o may mararangyang
pamumuhay, samantala naman ang nasa ilalim ng kubyerta ay ang mga dukha o
mahihirap.

2. Bakit hindi alintana ng magkaibigang Basilio at Isagani ang ingay sa kanilang


paligid? Paano nila pinaghandaan ang layuning ito?

Hindi alintana ng magkaibigang Basilio at Isagani ang ingay sa kanilang paligid


dahil taimtim silang nakikipag-usap sa mayamang siKapitan Basilio na taga-San
Diego. Pinaghandaan nila ang layuning ito sa pamamagitan ng paghanda sa
lahat kabilang na rito ang mga gastusin, ang magtuturo, at ang gagamiting
paaralan.

3. Bakit kaya nasabi ni Kapitan Basilio na hindi magtatagumpay ang plano ng


magkaibigang Basilio at Isagani? Paano naman ito tinanggap ng dalawa?

Kaya nasabi ni Kapitan Basilio na hindi magtatagumpay ang plano ng


magkaibigang Basilio at Isagani dahil sasalungatin lamang nito ni Padre Salvi at
kulang sila sa salaping ipangugugol sa pagpapatayo ng akademya. Tinaggap
nila ito sa pamamagitan ng pagpupursigido at pagiging matatag.

PAHINA 518: MGA ALAMAT


 Pag-Usapan Natin (1, 2 at 5)

1. Alin sa mga alamat ng Ilog Pasig na naikuwento ang iyong nagustuhan at bakit?

Ang nagustuhan ko sa mga alamat ng Ilog Pasig ay ang Alamat ni Donya


Geronima dahil sa kabila nang naging pinagdaanan niya sa lalaking minahal niya
at kinalimutan sya ay patuloy parin siyang naghintay sa kanya hanggang sa
mabalitaan niyang ang kanyang hinintay ay naging arsobispo sa Maynila at
nagpagawa siya ng kuweba sa may ilog para sa kay Donya Geronima kaya siya
ay tumira hangga’t mamatay at dito rin siya inilibing.
2. Bakit nayanig si Padre Salvi pagkatapos magkuwento ni Padre Florentino
tungkol sa kuweba at nang tanungin siya ni Simoun kung mas mabuti bang
itinago sa beateryo ng Sta. Clara si Donya Geronima sa halip na inilagay sa
isang yungip sa ilog?

Nayanig si Padre Salvi pagkatapos ikuwento ni Padre Florentino ang Amanat ni


Donya Geronima sapagkat Isa itong kasiraan sa kanilang mga prayle Gaya nga
ng sinabi ni Simoun bakit hindi na lang pinatira sa loob ng beateryo ang Donya
Geronima sapagkat ang mga prayle ay mayroong malinis na image sa lahat
sapagkat sila ay ang kinatawan ng Diyos kaya dalidaling binago ni Padre Salvi
ang usapan sa pagkukuwento ng Isa pang Alamat ukol sa paghihimala ni San
Nicolas at isa pa sa rason ay dahil ginahasa niya sa Maria Clara.

5. Bakit biglang natahimik at sumama ang pakiramdam ni Simoun nang mapunta


ang usapan sa pagkasawi ni Ibarra nang makapasok sa Lawa ng Laguna? Ano-
anong mga alaala at damdamin kaya ang ibinabalik ng usapan at ng lugar na ito
sa kanya.
Ang dahilan kung bakit bigla na lamang tumahimik si Simoun nang nadatnan nila
kasi ang lawa ay bigla na lamang nagtanong si Ben Zayb sa kapitan kung saan
napatay ang Isang Guevarra, Navarra o Ibarra. Siya ay namutla sapagkat ang
tinutukoy nilang Ibarra ay walang iba kundi siya. Si Simoun at si Ibarra ay iisa,
Siya ay nagbalik sa katauhan ni Simoun na isang mag aalahas upang maghiganti
at balikan ang kanyang kasintahan na si Maria Clara.

PAHINA 528: KABESANG TALES


 Pag-Usapan Natin (#1, 3 at 5)

1. Sa kabanatang ito ay nakilala mo si Kabesang Tales. Paano mo siya ilalarawan


bilang:
a. anak ni Tata Selo
Si Kabesang Tales ay naging isang mabuting anak kay Tandang Selo. Bukod sa anak
na si Juli at Tano, iniisip rin ng kabesa ang kapakanan nito. Nagkaroon sila ng pagtatalo
at matagal hindi kinausap ni Tandang Selo si Kabesang Tales nang payagan nitong
magkawal ang anak na si Tano. Di kalaunan ay namatay si Tandang Selo sa isang
engkwentro kalaban ang batalyon na sinalihan ni Tano.
b. bilang magulang nina Juli at Tano
Si Kabesang Tales bilang ama ay masipag, matiyaga, at responsableng ama si
Kabesang Tales ay nagsumikap upang mabuhay ng maayos ang kanyang pamilya
maganda ang pangarap nya sa kanyang mga anak,lalo na kay Juli gusto niya itong
papag-aralin sa Maynila kaya naman nagsisipag siya ng mabuti.
c. bilang kabesa ng Barangay
Si Kabesang Tales bilang kabesa ng barangay ay naging magastos dahil kinailangan
niyang bumili ng mga magagarang damit at naubusan din siya ng oras sa pagpunta sa
kabisera.

3. Kung ikaw si Kabesang Tales, sasang-ayon ka rin ba sa pagbubuwis sa iyong


sariling nilinang na lupa? Susunod ka rin ba sa payo ng iyong ama na huwag lumaban
sa maypakapangyarihan?
Kung ako si Kabesang Tales, ako ay sasang-ayon sa pagbubuwis ng aking sariling
nilalang lupa kahit na alam ko na ito ang mali at susunod sa aking ama sapagkat alam
na alam natin na mahirap lumaban sa mga may kapangyarihan, kahit ano pang gawin
ko ay siguradong mamatalo’t matalo lamang.

5. Bakit nagbago si Kabesang Tales mula sa pagiging maamong tupan tungo sa


pagiging mabangis na nilalang? Ano ang kinalaman ng panggigipit na pinagdaanan niya
sa kamay ng mga prayle sa malaking pagbabagong ito?
Nagbago si Kabesang Tales mula sa pagiging maamong tupan tungo sa pagiging
mabangis na nilalang dahil tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng
mga prayle ang lupa. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya. Napilitan din si Juli at
mamasukan kay Hermana Penchang. Nung nakalabas na sya sa kulungan at nakita
niya ang prayle kasama ang bagong may-ari, kinuha niya ang rebolber ni Simoun at
ipinagpalit ito sa kuwintas ni Juli.

PAHINA 535: NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO


 Pag-Usapan Natin (#1, 2 at 4)

1. Ilarawang ang kutsero bilang mamamayan at bilang Katoliko. Ano-anong mga


pagmamabis ang ginawa ng guardia civil sa kanya?
Ang kutsero, bilang isang mamamayan ay nabibigyan ng pangbubugbog ng mga
guwardiya sibil sa kanyang mga pagkakamali na wala siyang perang pang bayad at iba
pa. Bilang isang katoliko naman ay siya ay maraming alam na kung ano at mukhang ito
ay nirerespeto. Ang mga pagmamalabis na ginawa ng mga guwardiya sibil sa kanya ay
dinala siya sa kwartel at binugbog nila ang kutsero ng walang awa.
2. Bakit gayon na lang ang paghihintay niya sa sinasabi niyang “Hari ng mga Indio”?
Anong damdamin ang inihahatid sa kanya ng pag-asang balang araw ay makawawala
rin ang hari sa kanyang tanikala?
Gayon na lang ang paghihintay niya sa sinasabi niyang “Hari ng mga Indio” sapagkat
nais na niyang matapos ang paghihirap na dinadanas ng mga Indio sa kamay ng mga
Espanyol.

4. Ano-ano ang masasamang balitang nalaman ni Basilio? Kung ikaw ay nasa kanyang
kalagayan, paano mo haharapin ang mga ito?
Ang masasamang balitang nalaman ni Basilio ay ang pagdakip kay Kabesang Tales at
ang pagkamatay ng mga hayop sa gubat. Kung ako man ay makakarinig ng balitang ito,
ako ay magiging malungkot at magtataka kung ano ang dahilan kung bakit ito nangyari.

You might also like