You are on page 1of 26

6

ESP
Quarter 3-Module 3: Week 3
(Pinagkukunang-Yaman:
Pahahalagahan at Pananagutan Ko)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


ESP - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 -Modyul 3: Pinagkukunang-Yaman: Pahahalagahan at
Pananagutan Ko
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi.Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano
mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang
pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang
magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram
at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte
Tagapamanihala ng mga Paaralan : Edilberto L. Oplinaria
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa ESP 6
Manunulat: Joy R. Bandiala, Merasamil P. Lim, Agnes E. Manatad
Illustrator and Layout Artist:
Proofreader, In-House Content and Language Editors:
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Mary Ann M. Allera
Assistant Schools Division Superintendent

Members Maria Eva S. Edon, Ph.D. CID Chief


Erl C. Villagonzalo, Ph.D., EPS-EsP
Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. PSDS
Norhatta Daud, PhD., PSDS
Amelita Bagol, Ed. D. Coordinating Principal
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Romelyn D. Ventures, ESP I
Mary Grace B. Yap, ESP II
Nive M. Villaflores, ESP I

Inilimbag sa Pilipinas ng: ______________________


Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del
Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com

i
6
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 3-Module 3: Week 3
Pinagkukunang-Yaman:
Pahahalagahan at Pananagutan Ko

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan ng Departamento ng Edukasyon
. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon,
mga magulang na mag - email ng inyong mga puna at sa Kagawaran
ng mungkahi Edukasyon sa lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

ii
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina

COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
TABLE OF CONTENTS

Aralin 1 – (Pinagkukunang-Yaman: Pahahalagahan at Pananagutan


Ko)

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 5
Notes to the Teacher 6
Pagyamanin 6
Isaisip 9
Isagawa 9
Notes to the Teacher 9
Tayahin 10
Karagdagang Gawain 10

Aralin 2 – (Likas-kayang Pag-unlad)

Alamin 11
Subukin 11
Balikan 13
Tuklasin 13
Suriin 14
Notes to the Teacher 15
Pagyamanin 15
Isaisip 17
Isagawa 17
Notes to the Teacher 17
Tayahin 18
Karagdagang Gawain 18

Susi sa Pagwawasto 19
Sanggunian 20

iii
Aralin
Pinagkukunang-Yaman,
1 Pahahalagahan at
Pananagutan Ko

Alamin

Panimula

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa ESP.


Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Kwarter, Ikatlong Linggo . Ito ay
ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-
aaral sa mga paksa sa ESP 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos
sa loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan sa pagmamahal sa bansa at
pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at
mapagkalingang pamayanan.
Pamantayan sa Pagganap:
Naipakikita ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para sa kasalukuyan at
sususnod na henerasyon.
Kasanayang Pampagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na nakagagamit
ng may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman.
• Maipapaliwanag ang kahulugan ng pananagutan at pagpapahalaga.
• Matutukoy ang mga paraan upang maipakita ang pagpapahalaga at
pananagutan sa kabuhayan at paggamit ng pinagkukunang-yaman.
• Maiisa-isa ang mga pananagutan ng bawat kasapi sa pangangasiwa at
pangangalaga ng mga pinagkukunang yaman.
• Makakagawa ng isang poster na nagpapakita ng pangangalaga at
pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman.

Halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng modyul na ito. Simulan na natin ang iyong
paglalakbay. Tara na!!!
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.
_____ 1. Ito ay itinuturing na kasingkahulugan ng mga salitang tungkulin, obligasyon at
responsibilidad.
A. pagmamahal
B. pananagutan
C. pagpapahalaga
D. pagmamalasakit
_____ 2. Ang pagbibigay ng mataas na uri na edukasyon at kaalaman ng mga
kabataan sa lahat ng antas ukol sa tamang paraan sa pangangasiwa sa kabuhayan
at pinagkukunang yaman ay pananagutan ng _________.
A. paaralan
B. simbahan
C. pamahalaan
D. pribadong sector
_____ 3. Nakita mo ang iyong kaklase na si Julio na nagtatapon ng basura kahit saan.
Ano ang iyong gagawin?
A. gayahin
B. pabayaan
C. pagtawanan
D. susuwayin at sabihan na itapon ang basura sa tamang lugar
_____ 4. Ito ay isang batas na nagbabawal sa pagbebenta o pagbibili ng isda na sa
pamamagitan ng dinamita.
A. Republic Act 418
B. Republic Act 438
C. Republic Act 448
D. Republic Act 428
_____ 5. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng importansya, maaaring sa isang tao,
bagay o mga pangyayari.
A. pagmamahal
B. pananagutan
C. pagpapahalaga
D. pagmamalasakit
_____ 6. Alin sa mga sumusunod na mga gawain na nagpapakita ng pagpapahalaga
sa pinagkukunang-yaman?
A. pagdidinamita
B. pagtitipid ng tubig
C. illegal na pagtotroso
D. patuloy na pagputol ng mga puno
_____ 7. Ito’y isang pananagutang hinuhubog ang mga anak sa tamang
pangangalaga ng kalikasan.
A. pamilya
B. paaralan
C. simbahan
D. pamahalaan
_____ 8. Paano mo maipapakita na ikaw ay may pagpapahalaga sa pinagkukunang-
yaman sa bansa?
A. pagkaka-ingin
B. pagdidinamita
C. pagputol ng mga puno
D. panatilihing malinis ang kapaligiran

_____ 9. Bakit kailangan nating pahalagahan ang ating pinagkukunang-yaman?


A. Upang ito ay masira
B. Upang hindi matugunan ang pangangailangan ng tao.
C. Upang mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran
D. Upang ito ay hindi mapakinabangan sa susunod na henerasyon.

_____10. Paano ipinakita ni Jurgenne Primavera na karapat-dapat siya sa karangalan


bilang isa sa “ Heroes of the Environment?”
A. sa pamamagitan ng pagmamahal sa kanyang magulang
B. sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking halaga para sa environment
C. sa pamamagitan ng kanyang kontribusyon sa pangangalaga at pagprotekta
ng kalikasan
D. sa pamamagitan ng pagkapanalo sa isang patimpalak tungkol sa
environment

Balikan

Panuto: Paghahanay: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy na personalidad sa Hanay


A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

_____1. A. International Peace Awardee

_____2. B. Isang tanyag na Komposer


at musikero

_____3. C. Kauna-unahang babae


3 Na nagging pangulo sa
Republika ng Pilipinas

____4. D. Kilala bilang magaling


sumayaw

_____5. E. Kilala bilang Miss Saigon


noong 1989

F. Naging kalihim ng DILG

Tuklasin

Basahin ang balita sa ibaba na nagbigay ng karangalan sa bansa sa


pamamagitan ng ipinakitang pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at
pinagkukunang-yaman.

Isang Pinay, Bilang Environmental Hero


Constancia Paloma

Isang retiradong siyentipikong Pilipino ang nagbigay ng karangalan sa bansa


matapos siyang mailathala sa Time Magazine bilang isa sa “Heroes of the
Environment” (Mga Bayani ng Kalikasan)
Si Jurgenne Primavera, naninirahan sa Iloilo ay senior scientist sa Southeast
Asia Fisheries and Development Center (SEAFDEC) hanggang sa siya ay mag-retiro
noong taong 2006. Sinabi ni Primavera sa isang panayam na natutuwa siya na
nailathala siya ng Time Magazine sapagkat ito ay magdadala sa kaniyang kampanya
sa mas malawak na audience.
“Hindi ito para sa akin. Ito ay para sa mga bakawan (mangroves),” sabi niya.
Isa sa Primavera sa 30 grupo ng mga tao, na binibuo ng mga aktibista, siyentipiko,
mga tanyag na tao, imbentor at mananalapi sa buong mundo na pinarangalan dahil
sa kontribusyon sa pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan.
Hindi nila malulutas mag-isa ang suliranin sa climate change o ang endangered
species. Subalit dahil sa kanilang mga halimbawa, ang kanilang kusang pag-aalay ng
sarili sa bagay na sinasabi nilang “hopeless case,” ang mga bayani n g kalikasan ay
nagbigay ng ilaw sa dilim,” ayon din sa ulat ng Time Magazine.
May ulat mula sa pamahalaan na mayroon na lamang 120,000 ektarya ng
bakawan sa Pilipinas. Bumaba ito mula sa 500,000 na ektarya noong 1990.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Paano ipinakita ni Jurgenne Primavera na karapat-dapat siya sa karangalan
bilang isa sa “Heroes of the Environment?”
2. Bakit niya binibigyan ng pagpapahalaga at pananagutan ang
pinagkukunang-yaman?

Suriin

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Sagutin ng Tama o Mali, Tama
kung ang sinasabi ng pangungusap ay wasto at Mali kung hindi wasto.Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang.
_______1. Naging environmental hero si Jurgenne Primavera dahil sa kanyang
adbokasiya bilang isang mang-aawit.
_______2. Pinapahalagahan na may pananagutan sa likas na yaman ang isang
“Senior Scientist” na si Jurgenne Primavera.
_______3. Ang may akda sa seleksyong binasa na may pamagat na Isang Pinay,
Bilang Environmental Hero ay si Constancia Paloma.
_______4. Isa sa pagpapahalaga na gagawin na kontribusyon ay ang
pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan.
_______5. Magkatugon ang pangangailangan ng tao at likas yaman sa isa’t-isa.
B. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Bakit kailangang magkaroon tayo ng pagpapahalaga at pananagutan sa
kabuhayan at likas-yamang pinagkukunan nito?
2. Paano makatutulong ang isang batang tulad mo na matiyak na ang susunod na
henerasyon ay may pagkukunang-yaman para sa kanilang kabuhayan?

Mensahi para sa Bata


Sa pagsagot ng mga tanong sa Suriin B, kailangang gawing basehan ang rubrics na
nasa ibaba.

RUBRICS
Orihinalidad 30%
Nilalaman 30%
Kaangkupan 30%
Kayusan 10%
Kabuuan 100%

Pagyamanin

Sa pag-aaral sa modyul na ito malalaman natin kung paano natin nagagamit


na may pangangalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang – yaman.
Ang pananagutan ay ang dapat gawin ng isang sektor o tao para sa kaniyang
sarili at para sa kaniyang bayan. Kasingkahulugan nito ang mga salitang tungkulin,
obligasyon at responsibilidad. Samantala ang pagpapahalaga naman, ito ay ang may
kaukulang pag-iingat at pagmamahal sa kung anuman ang iyong pag-aari o teritoryo.
Tumutukoy din sa pagbibigay ng importansya, maaaring sa isang tao, bagay o mga
pangyayari.

Ang mga sumusunod ay may pananagutan sa pangangalaga sa likas ng yaman.


Pananagutan ng pamahalaan- Bilang isa sa mga pangunahin at mahalagang kasapi
ng lipunan ay may panananagutan sa ating mga likas na pinagkukunang yaman. Ang
pamahalaan ay nagtalaga ng ahensiya na siyang nangunguna sa pangangasiwa ng
ating kalikasan at kapaligiran. Ito ay ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
o (DENR).
Ito ang mga iilan sa mga batas na na ginawa ng panahalaan na naglalayong
panatilihin at proteksyunan ang mga likas na yaman ng Pilipinas.
Artikulo II, Seksyon 16 ng Saligang Batas ng 1987, Dapat pangalagaan at isulong
ng estado ang karapatan ng sambayanan sa kanais-nais na ekolohiya na tugma sa
kalikasan.
Republic Act 428-Batas na nagbabawal sa pagbebenta o pagbili ng isdang nakukuha
sa pagdidinamita at paglalason.
PD 705 o Selective logging (PD 705). Ang pagpili lamang sa kung anong puno ang
maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan.
May mga proyektong inilunsad ang pamahalaan upang pag-igtingin ang kampanya
para mapangalagaan ang likas na yaman, tulad ng Oplan Sagip Gubat, Clean and
Green Project at iba pa.
Pananagutan ng paaralan ang pananagutang ito ay bigyan ng mataas na uri ng
edukasyon ang mga kabataan o mag-aaral sa lahat ng antas ukol sa mga tamang
paraan ng pangangasiwa ng bansa at yaman nito.Tungkulin ng paaralan, lalot higit sa
mga guro na isali sa kanilang pagtuturo ang pagpapahalaga sa mga yaman ng bansa,
tulad ng Kabataan Kontra Basura,Paggamit ng 5Rs Recycle,Reuse , Reduce, Recover
at Repair at iba pa.
Panangutan ng simbahan ang pananagutan ng simbahan ay ang himukin ang
kanilang mga kasapi o miyembro na pahalagahan ang kalikasan at itama ang mga
maling gawain ng kasapi lalo na sa pagsira sa kalikasasn.
Pananagutan ng pribadong samahan ang pangangalaga sa kapaligiran ay lalong
magtatagumpay kung ang mga pribadong mamamayan ay makilahok sa pag-aalaga
sa kalikasan at maglunsad ng ibat-ibang programa panradyo o pantelebisyon upang
hikayatin at pag-igtingin ang kampanya sa pangangalaga sa likas na yaman ng bansa.
Pananagutan ng pamilya nasasabi na ang pamilya ang pinaka-unang magbibigay
aral at impormasyon sa pangangalaga ng ating kalikasan. Pag-igtinging hikayatin ng
mga magulang ang kanilang mga anak at hubugin ang mga ito sa pangangalaga at
pagpapahalaga sa kalikasan.
Pananagutan ng mga mamamayan -obligasyon ng bawat mamamayan ang
pangalagaan ang ating kalikasan. Makilahok tayo sa mga programang nais iparating
ng ating pamahalaan lalong lalo na kung ito ay tungkol sa pag-iingat ng ating
kalikasan. May karapatan tayong gumawa ng ingay kung mayroong mga taong nais
sumira sa ating kalikasan. Isabuhay natin anumang kaalaman sa pag-
iingat,pangangalaga at pagpapahalaga sa ating kalikasan.

Mga paraan sa pag-aalaga ng ating kalikasan:


1.Magtanim ng mga puno at halaman. Ang mga pinutol na puno ay dapat palitan ng
mga bagong puno.
2.Iwasan ang pagkakaingin o pagsusunog ng mga puno sa kagubatan at kabundukan.
3. Iwasan ang paggamit ng nakakasamang kemikal sa pananim.
4.Huwag saktan, hulihin,o patayin ang mga hayop sa kagubatan at kabundukan lalo
na sa mga hayop na malapit nang maubos.
5.Huwag gumamit ng dinamita o mga lason sa pangingisda.
6. Huwag magtapon ng mga basura kung saan -saan.
7.Magkaroon ng water treatment,tamang water exit upang maiwasan ang mga
maruruming tubig mula sa mga pagawaan,pook alagaan ng mga hayop at pabrika.
8.Makilahok sa mga proyekto o programa ng pamahalaan para sa kapailigiran o
kalikasan.
9. Sundin ang mga batas ukol sa pagpapahalaga,pag-iingat at pangangalaga ng likas
na yaman sa ating bansa.
10.Pangalagaan at pahalagahan ang mga panlibangang pook tulad ng mga parke,
zoo at iba pa. Panatilihing malinis at maayos ang mga ito,protektahan ang mga bagay
at mga puno nagbibigay ganda, atraksiyon, lilim sa mga taong pumupunta.
Panuto: A. Paano mo mapangalagaan ang likas na yaman at isulat sa mga bilog sa
ibaba

Mga Paraan sa
Pangangalaga sa
Likas na Yaman

B. Isa-isahin kung sinu-sino ang may pananagutan sa pangangalaga sa likas na


yaman at isulat sa mga bilog sa ibaba.

Sinu-sino ang
may
pananagutan sa
pangangalaga
sa likas na
yaman?
Isaisip

Tandaan!

Ang ____________ ay ang dapat gawin ng isang sektor o tao para sa kaniyang
sarili at para sa kaniyang bayan. Ang mga kasapi sa mga pananagutang ito ay ang
_________, __________, __________, _________, ___________, __________.
Ang _____________ naman, ito ay ang may kaukulang pag-iingat at
pagmamahal sa kung anuman ang iyong pag-aari o teritoryo. Maipapakita ito sa
pamamagitan ng _________________, ________________.

Isagawa

Panuto: Sa isang buong papel, gumuhit ng isang poster tungkol sa temang “Kalikasan
ay kayamanan: Pahahalagahan at Pananagutan Ko”
Mensahi para sa Bata
Sa pagwawasto ng pagguhit ng isang poster sa isagawa, kailangang gawing
basehan ang rubrics na nasa ibaba.
RUBRICS
Orihinalidad 30%
Nilalaman 30%
Kaangkupan 30%
Kayusan 10%
Kabuuan 100%
Tayahin

Panuto: Buuin ang mga pahayag batay sa napag-aralan.Piliin sa mga salita na nasa
loob ng kahon ang naaangkop na sagot sa bawat bilang. Isulat ito sa patlang.

edukasyon DENR(Department of Environment and Natural Resources)

dinamita magulang mamamayan PD 705 o Selective logging

pagpapahalaga pamahalaan putulin reduce sektor

1. Ang pananagutan ay ang mga dapat gawin ng isang ____________ para


sa kanyang sarili at bayan.
2. Ang Republic 428 ay ang pagbabawal sa pagbebenta o pagbibili ng isda na
pinatay sa pamamagaitan ng ______________.
3. Tungkulin ng bawat kawani ng sector ng ____________na bigyan ng
kaalaman ang mga kabataan sap ag-aalaga ng kalikasan.
4. Isa sa mga programa ng pamahalaan ay ang pagpili lamang sa kung anong
puno ang maaaring __________.
5. Trabaho ng mga ______________ ang hubugin ang mga anak sa
pangangalaga at pagpapahalaga sa kalikasan.
6. Isagawa ang 5R’s recycle, reuse, __________, recover at repair.
7. ____________ ang pagpili lamang sa kung anong puno ang maaaring
putulin at kung ano ang dapat iwanan.
8. Ang ______________ay kagawaran na tumutulong sa pamahalaan na
pangalagaan ang kapaligiran o likas na yaman.
9. Ang ___________ ang gumagawa ng mga batas o programa para sa
kalikasan.
10. Magkaroon ng disiplina sa sarili ang mga _____________ para
mapangalagaan ng maayos ang ating kalikasan .

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat sa iyong kwaderno ang iyong pangako kung paano mo mapangalagaan
ang ating kalikasan na may kasamang pananagutan
Aralin
Likas - kayang Pag-unlad
2
Alamin

Panimula
Magandang buhay sa iyo! Narito na naman ako upang samahan ka sa iyong
pag-aaral upang sa katapusan ng modyul n a ito ikaw ay inaasahang:
Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan sa pagmamahal sa bansa at


pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at mapagkalingang
pamayanan.

Pamantayan sa Pagganap:

Naipakikita ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para sa kasalukuyan at


sususnod na henerasyon.

Kasanayang Pampagkatuto : Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na nakagagamit


nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman.
• Maipapaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng likas-kayang pag-unlad o
sustainable development.
• Makasusulat ng pangako sa pag-aalaga ng likas-kayang pag-unlad.
• Mapapahalagahan ang likas-kayang pag-unlad sa kalikasan.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.
1. Ang ___________ ay ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para sa
kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon.
A. pananagutan
B. pagpapahalahga
C. likas-kayang pag-unlad
D. likas-tamang pag-unlad
2. Anu-ano ang 5R’s?
A. reduce, reuse, recycle, return, repair
B. remain, reuse, recycle, recover, repair
C. reduce, reuse, recycle, recover, repair
D. repair, reuse, recycle, recover, recount
3. Kung ang isang batang katulad mo ay nakakita ng tubig na tumatagas sa kalsada.
Ano ang iyong gagawin?
A. pabayaang tumatagas
B. ipaalam sa may-ari
C. tatawag sa tanggapan ng water district
D. paglaruan at maligo sa tubig na tumatagas sa kalsada
4. Nais ng pamilya ni Mang Juan na magtayo ng bahay dahil dito naisipan nilang
pumutol ng mga punong-kahoy sa kagubatan. Ano ang gagawin ni Mang Juan upang
hindi maubos ang mga punong-kahoy sa kagubatan?
A. pagkatapos putulin ang mga puno ay aalis na parang walang paki- alam
B. palitan ang mga punong pinuputol sa kagubatan
C. maging mapagmalaki sa kanyang ginawang pagputol sa mga puno sa
kagubatan
D. pabayaang maiwang kalbo ang kagubatan
5. Nakita mo ang iyong kapitbahay na nagtatapon ng basura at nakita mong ang
basurang tinatapon ay hindi nabubukod ang mga basura mula sa nabubulok at hindi
nabubulok.
A. pabayaan na itapon nalang ang mga basura kahit hindi ito nabubukod mula
sa nabulok at di-nabubulok.
B. sigawan na ipabukod ang mga basura mula nabulok at di-nabubulok na
basura.
C. itsitsismis sa mga kapitbahay na hindi siya marunong magbukod ng basura
mula sa nabulok at di-nabubulok na basura.
D.paki-usapan ng maaayos na kung maaari dapat ibukod ang mga basura mula
sa nabulok at di-nabubulok.
6. Ang mga sumusunod ay ilang paraan sa pangangalaga sa likas na yaman maliban
sa isa.
A. pagpapabaya sa mga anyong tubig sa paligid
B. palitan ang mga punong pinuputol sa kagubatan
C. mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaingin
D. matutuhan ang simple at responsabling paggamit ng mga materyal na bagay
7. Paano makatutulong sa mga tao ang wastong pangangalaga sa kalikasan?
A. para sa ikaunlad sa kabuhayan sa kasalukuyan at sa susunod pang
henerasyon
B. para palitan ang mga punong pinuputol sa kagubatan
C. para magkaroon ng makinis na kutis
D. para sa kapyapaan at pagsulong ng federalism sa bansa
8. Paano mapangangalagaan ang likas na yaman ng ating bansa?
A. sa pamamagitan ng pagtapon ng basura saan -saan
B. sa pamamagitan ng pagputol ng mga puno sa kagubatan
C. sa pamamagitan ng matalinong paggamit nito
D. sa pamamagitan ng pagsira ng kalikasan
9. Bakit nawawala ang biodiversity sa ating kapaligiran?
A. dahil sa pag-aalaga ng mga ito
B. dahil sa labis na pagmamahal sa mga ito
C. dahil sa pag-aaruga sa mga ito
D. dahil sa labis na pagkaka-ingin at paggamit ng mga pestisidyo sa mga
halaman
10. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang likas-kayang pag-unlad?
A. Sa pamamagitan ng matalinong pangangalaga sa kapaligiran
B. Sa pamamagitan ng pagpapabaya sa pangangalaga ng kapaligiran
C. Sa pamamagitan ng pagmamalabis sa pagputol ng mga puno sa kagubatan
D. Sa pamamagitan pag-aksaya ng tubig sa paligid

Balikan

Panuto: Paghahanay: Hanapin sa Hanay B kung ano ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B

_____1. Simbahan A. Obligasyon ng bawat isa ang


pangalagaan ang ating
kalikasan

_____2. Pamilya B. Pinaka-unang magbibigay aral


at impormasyon sa
pangangalaga ng ating kalikasan

____3. Paaralan C. ito ay ang naghimok ng


kanilang mga kasapi o
miyembro na pahalagahan ang
kalikasan

____4. Pamahalaan D. pangunahing nagtalaga ng


ahensiya sa pangunguna sa
pangangalaga ng kalikasan

_____5. Mamamayan E. Pagbibigay ng mataas na uri


ng edukasyon sa mga
kabataan sa pag-aalaga ng
kalikasan

F. Ito ang nagbibigay ng


pangaral tungkol sa paggamit ng
wasto sa mga kemikal at pestisidyo
Tuklasin

Panuto: Basahin ng mabuti ang sanaysay na nasa loob ng kahon na nasa ibaba.
Bakit nawawala na ang biodiversity sa ating kapaligiran? Ang pagkawala ng
iba’t ibang uri o species ng mga hayop at halaman sa ating daigdig ay bunga ng
maraming dahilan. Nariyan ang ginagawang labis na pagkakaingin. Ginagamit din
nang walang pag-iingat ang mga pestisidyo sa mga halaman. Nariyan din ang mabilis
na dumaraming tao. Napapalitan ng mga subdibisyon ang mga lupang pang-
agrikultura.
Sa ngayon ay umiinit ang kapaligiran. Namamatay nang tuluyan ang mga
hayop at halaman. Nawawala na rin ang mga punong masisilungan at ang mga ilog
at sapang nagpapalamig sa kapaligiran.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Para sa iyo, ano ang ibig iparating ng sanaysay?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________.

2. Sa pagmamasid mo sa ating paligid masasabi mo bang makatotohanan ang


mensahe ng sanaysay.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________.

3. Anu-ano ang mga maling ginawa ng mga tao sa pagkawala ng biodiversity sa


ating kapaligin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________________________________

Suriin

Panuto: Lagyan ng masayang mukha kung ito ay tamang ginawa at malungkot


na mukha kung ang ginagawa ay mali. Ilagay ang sagot sa patlang bago ang
bilang.
_______1. Labis na pagkakaingin sa kagubatan.
_______2. Paggamit ng walang pag-iingat ng mga pestisidyo sa mga halaman.
_______3. Pangangalaga sa mga punong masisilungan ng biodiversity.
_______4. Pag-iingat sa mga ilog at sapang nagpapalamig sa kapaligiran.
_______5. Pagkontrol sa populasyon na mabilis na dumarami.

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Sa tingin mo, bakit kaya unti-unting nawawala ang biodiversity sa ating
kapaligiran? Sino ang dapat sisihin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng biodiversity sa
ating kapaligiaran?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Mensahi para sa Bata


Sa pagsagot ng mga tanong sa Suriin B, kailangang gawing basehan ang rubrics na
nasa ibaba.

RUBRICS
Orihinalidad 30%
Nilalaman 30%
Kaangkupan 30%
Kayusan 10%
Kabuuan 100%

Pagyamanin

Ang Likas-kayang Pag-unlad


Ang likas-kayang pag-unlad ay ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para
sa kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon. Paano ng aba natin pangangalagaan
ang likas na yaman? Mapangangalagaan ang likas na yaman sa pamamagitan ng
matalinong paggamit nito. Naririto ang ilang mga paraan ng pangangalaga sa likas na
yaman.
1.
Palitan ang mga punong pinuputol sa kagubatan
2.
Panatilihing malinis ang kapaligiran
3.
Mahigpit na ipagbawal ang pagkakaingin
4.
Wastong paggamit at pagtitipid ng tubig
5.
Pangalagaan ang anyong-tubig sa paligid
6.
Matutuhan ang simple at responsableng paggamit ng mga materyal
na bagay
7. Pagbubukod ng mga basura mula sa nabubulok at di-nabubulok
8. Isagawa ang 5R’s (Reduce, Reuse, Recycle, Replace, Repair)
9. Sumunud sa panuntunan at batas na ipinatutupad tungkol sa
pangangalaga ng kapaligiran
10. Patuloy na magtanim ng mga halaman at puno
Matatamasa ang tunay nap ag-unlad sa kabuhayan sa pamamagitan ng
pagpapahalaga at pagiging mapanagutan sa likas-yaman. Magkatugon ang
pangangailangan ng tao at kalikasan sa isa’t isa. Kapuwa nakasalalay sa tao at
kalikasan ang pananatili o patuloy na pag-unlad ng bawat isa kaya dapat magpatuloy
ang pangangalaga sa likas-yaman para matugunan ang pangangailangan ng tao sa
kasalukuyan at sa kinabukasan.
A. Panuto: Isulat ang kahulugan at kahalagahan ng likas-kayang pag-unlad gamit
ang E-chart na nasa ibaba. Gawin ito sa isang buong papel.

KAHULUGAN

LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

KAHALAGAHAN

RUBRICS
Orihinalidad 30%
Nilalaman 30%
Kaangkupan 30%
Kayusan 10%
Kabuuan 100%
B: Kumuha ng isang buong papel. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga
gawain na makatutulong para mapangalagaan at maisulong ang likas-kayang pag-
unlad sa mga likas na yaman ng bansa.

RUBRICS
Orihinalidad 30%
Nilalaman 30%
Kaangkupan 30%
Kayusan 10%
Kabuuan 100%

Isaisip

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat blangko na nasa kahon, sa iyong
kwaderno.
Tandaan:

Ang__________________________________ ang wastong pangangalaga sa


kapaligiran para sa kasalukuyan at sa sususnod pang henerasyon.
Maipakikita ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagsagawa ng 5R’s
__________________, _________________, ________________, _____________,
________________.
Isagawa

Pag-aralan ang larawan na nasa ibaba. Gumawa ng isang slogan tungkol dito.
Gawin ito sa isang buong papel.

RUBRICS
Orihinalidad 30%
Nilalaman 30%
Kaangkupan 30%
Kayusan 10%
Kabuuan 100%

Tayahin

A. Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga pangungusap na nasa ibaba.


Lagyan ng tsek ( ̷ ) kung ang pangungusap ay tama at ekis ( × ) kung ang
pangungusap ay mali.
_____1. Ginagamit ko ng wasto at tinitipid ko ang tubig.
_____2. Labis na pagputol ni Mang Lito sa mga puno sa gubat.
_____3. Panatilihin kong malinis ang ating kapaligiran.
_____4. Pinagbubukod ni Lina ang mga basura mula sa nabubulok at di -nabubulok.
_____5. Hindi sumunod si Pedro sa mga batas at panuntunan sa pangangalaga ng
kalikasan.

B. Panuto: Suriin ng mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang tamang nawawalang
letra sa salita.
1. Pagbubukod ng mga basura mula sa nabubulok at

d - b k
2. Mahigpit na ipinagbabawal ang

G k i g

3. Wastong gamit at pagtitipid ng

4.Palitan ang mga( answer: punong) pinuputol sa kagubatan.


N o

5.Panatilihing malinis ang

k l r

Karagdagang Gawain

Isulat sa isang buong papel ang iyong pangako kung paano mo mapanatili ang
likas-kayang pag-unlad sa kasalukuyan at para sa susunod na henerasyon.
5. Magtanim ng mga puno at halaman. Ang
mga pinutol na puno ay dapat palitan ng
mga bagong puno.
5. pribadong sektor 4. Iwasan ang pagkakaingin o pagsusunog
4. mamamayan ng mga puno sa kagubatan at kabundukan.
3. pamilya
3. Iwasan ang paggamit ng nakakasamang
2. simbahan
kemikal sa pananim.
1. paaralan
2. Huwag gumamit ng dinamita o mga lason
Pagyamanin B sa pangingisda
1. Huwag magtapon ng mga basura kung
5. Tama saan-saan
4. Tama
Pagyamanin A
3. Tama
2. Tama
1. Mali
Suriin 10. pag-iingat 10. b
9. pangangalaga 9. b
8. pagpapahalaga 8. a
7. mamamayan 7. c
5. d
6. pribadong sector 6. d
4. f
5. pamilya 5. a
3. a
4. simbahan 4. d
2. c
3. paaralan 3. b
1. e
2. pamahalaan 2. a
Balikan
1.pananagutan 1. c
Isaisip Subukin
ARALIN 1
Susi sa Pagwawasto
Fdocument.pub
Kiow.com
Business.mb.com.ph
S2.glbing.com
www. Etravelpilipinas.com
cdn. Images. Dailystar.co.uk
entertainment. Inquirer.net
Pahina 90, VICARISH Publication and Trading, Inc
Ylarde, Zenaida R. et al (2016). Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon ESP 6,
Sanggunian
5. kapaligiran
4. punong
3. tubig
2. pagkakaingin
1. di- nabubulok
Tayahin B
5. X 6. repair
4. √ 5.recovery
3. √ 4. recycle
2. X 3. reduce
1.√ 2. reuse 10.C
Tayahin A 1. likas-kayang pag- 9. D
unlad
8. C
Isaisip
7. A
6. A
5. masaya na mukha 5. D
5. A
4. masaya na mukha 4. D 4. B
3. masaya na mukha 3. E 3. C
2. malungkot na mukha 2. B 2. C
1.malungkot na mukha 1. C 1. C
Suriin Balikan Subukin
ARALIN 2
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lrmdsldn@gmail.com

You might also like