You are on page 1of 30

6

ESP
Quarter 3-Module 5: Week 5
(Gawa Ko, Ipagmamalaki Ko)

Department of Education ● Republic of the Philippines


Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 - Module 5: Gawa Ko, Ipagmamalaki Ko
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot
sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan
ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte Tagapamanihala ng
mga Paaralan: Edilberto L. Oplinaria

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa EsP 6


Manunulat: Rizza B. Basinillo
Illustrator and Layout Artist:
Proofreader, In-House Content and Language Editors:

Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Mary Ann M. Allera


Asst. Schools Division Superintendent
Members Maria Eva S. Edon, Ph.D. CID Chief
Erl C. Villagonzalo, PhD., EPS-EsP
Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D.
Norhatta Daud, PhD., PSDS
Amelita Bagol, Ed. D. Coordinating Principal
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Romelyn D. Ventures, ESP I
Mary Grace B. Yap, ESP II
Nive M. Villaflores, ESP I

Inilimbag sa Pilipinas ng: ______________________


Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 3-Module 5: Week 5
Gawa Ko, Ipagmamalaki Ko

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan ng Departamento ng Edukasyon.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon, mga
magulang na mag - email ng inyong mga puna at sa Kagawaran ng
mungkahi Edukasyon sa lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman
Pahina
COVER PAGE i
COPYRIGHT PAGE ii
TITLE PAGE ii
Aralin 1 – Ang Natatanging Pagkilala
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 4
Pagyamanin 5
Isaisip 6
Isagawa 6
Tayahin 7
Karagdagang Gawain 8
Aralin 2 – Mga Pamantayan sa Pag-angat at Kalidad ng Serbisyo
Alamin 10
Subukin 10
Balikan 11
Tuklasin 12
Suriin 12
Pagyamanin 13
Isaisip 13
Isagawa 14
Tayahin 14
Karagdagang Gawain 16
Aralin 3 – Ang Etiko sa Paggawa
Alamin 17
Subukin 17
Balikan 18
Tuklasin 19
Suriin 20
Pagyamanin 21
Isaisip 21
Isagawa 21
Tayahin 22
Karagdagang Gawain 23
Aralin
Ang Natatanging Pagkilala
1
Alamin

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Edukasyon sa


Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Kwarter, ika-limang
Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay n g suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay
sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na binubuo ng mga aralin na
kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayan sa Pagkatuto: Naipagmalaki ang anumang natapos na gawain na


nakasusunod sa pamantayan at kalidad.
• Naipagmalaki ang anumang natapos na gawain na nakasusunod sa pamantayan at
kalidad.
• Naitala ang mga gawain na kailangang ipagmalaki.
• Nabibigyang halaga ang anumang natapos na gawain o serbisyo.

Subukin

Panuto: Basahin ng mabuti at unawain ang bawat katanu ngan. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Si Ana ay dumalo sa kaarawan ng kanyang pinsan. Nakita niyang maraming
pambalot ng pagkain ang nakakalat mula sa okasyon. Ano ang maaring gawin sa
balat ng Zest-O upang mapakipakinabang ito?
a. Gagawin niyang bag para lalagyan ng mga butones.
b. Ibibigay niya sa basurero upang mailagay sa tamang lalagyan .
c. Ilalagay niya sa basurahan upang gupitin at gawing mga unan .
d. Hahayaan niya lamang na nakakalat ito upang upang hindi siya mahirapan .
2. Ang pagiging malikhain sa paggawa ay nakakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay
ng isang tao. Ang paggamit ng mga patapong bagay na pwede pang mapagkakitaan.
Ano ang mainam na paggamit ng mga pira-pirasong tela?
a. Pantakip sa mga muwebles.
b. Paggawa ng mga unan upang makatipid sa mga gastusin .
c. Pansala sa paggawa ng gata upang panghalo sa mga ulam.
d. Paggawa ng bag na sisidlan ng mga lumang damit upang hindi masikip sa
aparador.
3. Sa paggawa ng mga produktong pangkalakal, dapat ba na de kalidad ang iyong
pagka kagawa? Bakit?
a. Oo, upang mabebenta ito kaagad.
b. Hindi, dahil matagal kang makaipon .
c. Hindi, dahil nag-aaksaya ka lang ng panahon.
d. Oo, para maayos itong tingnan at magagamit ng pang matagalan.
4. Lumikha ka ng isang kakaibang bagay at usong-uso ito sa iyong paligid. Ano ang
gagawin mo makapaghanapbuhay ang iyong kapwa?
a. Ipagyabang ang mga bagay na ginawa mo.
b. Ibebenta ng may kamahalan ang halaga.
c. Maging madamot sa taglay na kakayahan .
d. Ipamahagi sa iba ang iyong kaalaman upang maging maunlad.
5. Ano ang dapat ninyong gawin para maipakita ang pagka malikhain sa iyong mga
gawain?
a. Magplano ng mabuti upang tiyak ang iyong gawain.
b. Maglaan ng tamang panahon sa paggawa ng mga gawain .
c. Iwasan ang pagbago-bago ng iyong isipan upang tiyak ang layunin ng
iyong mga gawain.
d. Gawin ito na may ipinamalas na kakayahan upang lumitaw ang
tunay mong kahusayan.
6. Paano ka makakasunod sa pamantayan at kalidad na gawain?
a. Sa pamamagitan ng pagmamadali sa mga gawain.
b. Sa pamamagitan ng pabago-bago sa iyong kaisipan.
c. Hindi sumusunod sa tamang instruksyon kaya hindi naibigay ang inaasahan.
d. Paglalaan ng tamang panahon na igugugol mo sa iyong paggawa upang
maipapakita ang pagkamalikhain.
7. Ano ang dapat gawin sa mga basura na pwede pang gamitin para maka-tipid ng
gastusin?
a. Huhugasan at kukumpunihin uli para magagamit kinabukasan.
b. Susunugin lahat ng basura para mawala ang kalat.
c. Kukumpunihin agad para muling gamitin.
d. Ililibing sa lupa upang hindi magkalat.
8. Bakit kailangan sumunod sa pamantayan upang makamit mo ang kalidad ng iyong
ginagawa?
a. Upang hindi pagagalitan ng may ari.
b. Upang marami kang mabebentang produkto sa pamilihan.
c. Upang madaling matapos ang mga nakatakdang gawain.
d. Upang may kalidad ang kinalalabasan ng iyong produktong ginagawa.
9. Paano mo mapagsunod-sunod ang mga pamantayan sa paggawa ng isang gawain?
a. Magplano ng mabuti upang tiyak ang kinalabasan nito.
b. Hindi pabago-bago ang desisyon upang matiyak ang iyong gawain.
c. Tiyakin na may kakayahang tumugon sa anumang suliranin.
d. Maglaan ng panahon at takdang oras sa pagsunod ng pamantayan para may
kalidad ang iyong gawain.
10. Ano ang mangyayari kapag hindi sumusunod sa pamantayan at kalidad ng gawain?
a. Madaling masira ang bagay na hindi polido ang pagkakagawa.
b. Hindi kaakit-akit tingnan ng mga tao kaya hindi ito mabenta sa pamilihan.
c. Maaliw ang mamimili dahil mura ang pagbebenta ng mga produktong kinakalakal.
d. Hindi orihinal at hindi malikhain ang pagkakagawa sa mga produktong ito.
Balikan

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.


1. Anong Batas ang ipinapatupad sa pagkukumpol-kumpol ng mga basura sa ating
paaralan?
a. Republic Act No. 9003 Ecological Solid Waste Management.
b. Republic Act No. 8485 Animal Welfare Act.
c. Batas Pambansa 702 Pagtanggi ng mga ospital sa mga pasyenting hindi
makapagbigay ng pasiunang bayad lalo na kong emergency.
d. Republic Act 8749 Philippine Clean Air Act.

2. Kung ako ay tatawid sa highway, saan ko dapat ito ginagawa?


a. Kahit saan basta walang sasakyan.
b. Kung saan may traffic lights na nakalagay.
c. Kung saan may pedestrian lane na nakaguhit.
d. Kung saan walang pulis na nagbabantay o nakakakita.
3. Ano ang layunin ng RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act?
a. Ang malinis na hangin na nilalanghap natin araw-araw.
b. Ang pagbabawal sa mga mag-aaral na manatili sa mga Internet Café.
c. Ang pagpaninigarilyo sa mga publikong lugar, gaya ng terminal, restawran, at
paaralan.
d. Ang kapakanan ng mamamayan lalung-lalo na ang mga kabataan laban sa
pinsalang dulot ng droga.

4. Anong batas ang nagsasabi na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong
pangangalaga at sinuman ang lumabag dito ay parurusahan?
a. RA 8485 c. RA 9003
b. RA 9165 d. RA 9211

5. Alin sa mga sumusund ang hindi karapatan ng mga bata?


a. Magkaroon ng mga kaibigan upang makapaglaro.
b. Mamumuhay bilang isang malayang mamamayan.
c. Mabigyan ng kalinga, kasama, at wastong pangangalaga.
d. Makapag-aral sa isang sikat na unibersidad at mabigyan sa lahat ng
kailangan niya.
Tuklasin

Panuto: Ang mga Pangulong may programa sa ating bansa.

Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ika labing anim


na pangulo ng ating bansa. Siya ang nagpapahinto
ng kontraktwalisasyon upang lahat ng manggagawa
ay makakapaghanabuhay ng maayos. Siya rin ang
nagpapatigil sa mga taong gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot.

Pangulong Benigno Aquino III, siya ang


nagpapatupad ng lifeline rate para sa kuryente.
Ibinibigay niya ang mas mababang presyo ng
kuryente para sa mga mahihirap na pamilya ng ating
bansa. Pagbibigay ng mandatory immunization
services para sa mga kabataan upang matiyak ang
kalusugan nila.

Pangulong Joseph Ejersito Estrada, siya ang nagtatag


ng repormang sakahan at pagbabalik ng kapayapaan
at kaayusan ng ating bansa. Binigyan niya ng lupa
ang mga magsasakang walang lupain.

Pangulong Corazon Aquino, siya ang nagtatag ng


demokrasya sa ating bansa para magkaroon ng
kalayaan ang ating bansa sa pamumuno ni Pangulong
Marcos. Siya ang pasimuno sa pagbawi ng mga
nakaw na yaman ng mga Marcos. Nagsakripisyo siya
para sa ating kalayaan. Ipinamahagi din niya ang mga
lupain sa mga magsasaka.

Suriin

Panuto: Sagutin ang bawat katanungan.


1. Sinong pangulo ng ating bansa ang nagsasakripisyo para makamit natin ang
kalayaan mula sa pamumuno ni Pangulong Maracos?
2. Sino ang pangulo na nagtatag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002?
3. Ano ang programang itinatatag ni Pangulong Benigno Aquino III para sa mga
kabataan?
4. Bakit kailangan makipag “PEACE TALK” si Pangulong Joseph E. Estrada sa mga
MILF at MNLF?
5. Paano natin nakamit ang kalayaan mula sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand
Marcos?

Pamantayan sa pagsagot ng mga katanungan Puntos


Napakahusay sumagot sa mga katanungan. 5
Mahusay sumagot sa mga katanungan ngunit hindi tumpak sa 4
tamang kasagutan.
Katamtaman lang ang pagkakasagot. 3
Di gaanong mahusay ang pagkakasagot. 2
Di sadyang mahusay sumagot sa mga katanungan. 1
Kabuuang Puntos

Pagyamanin

Panuto: Itala ang mga gawain na kailangan mong maipagmalaki. Punan ang kahon sa
ibaba.
Mga Gawaing
Naipagmalaki

Gawain ko upang ako Kanino ko ito


ay tularan Ipamahagi

1.
2. 1.
3. 2.
4. 3.
5. 4.
5.
Isaisip

Panuto: Punan ng mga angkop na salita na nasa kahon ang bawat patlang pangungusap.

kontraktwalisasyon lifeline rate


kapayapaan immunization
services
demokrasya

1. Si Pangulong Rodrigo R. Duterte ang nagpapahinto ng _______ upang lahat ng


manggagawa ay makakapaghanabuhay ng maayos.
2. Si Pangulong Benigno Aquino III, ang nagpapatupad ng _________ para mababa
ang singil ng koryente.
3. Si Pangulong Joseph E. Estrada ang nagtatag ng repormang sakahan at pagbabalik
ng ________sa ating bansa.
4. Pagbibigay ng mandatory ___________ para sa mga kabataan upang matiyak ang
kalusugan nila.
5. Si Pangulong Corazon C. Aquino ang nagtatag ng __________ sa ating bansa upang
makalaya sa pamumuno ni Pangulong Marcos.

Isagawa

Panuto: Iparis ang mga salita sa Hanay A sa tamang kahulugan sa Hanay B. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa kwaderno.

Hanay A Hanay B

1. kontraktwalisasyo a. katahimikan
2. lifeline rate b. tiyak na kalusugan para sa kabataan
3. kapayapaan c. kalayaan
4. immunization services d. mababang singil sa kuryente
5. demokrasya e. maayos na pamumuhay
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa kwaderno.
1. Si Alex ay tinanghal bilang mahusay na lider sa kanilang koponan. Ano ang kanyang
gagawin sa taglay niyang talento?
a. Ipagdamot sa kapwa ang kanyang mga nalalaman.
b. Ipamahagi sa iba ang kanyang taglay na kakayahan na may katumbas na halaga.
c. Ipagyabang sa buong mundo ang nakamit niyang tagumpay upang hangaan siya.
d. Ipamamahagi sa kanyang kapwa ang taglay niyang kaalaman upang umunlad
ang iyong pamumuhay.
2. Ano ang mangyayari sa iyong gawain kapag hindi sumusunod sa pamantayan
atkalidad sa paggawa?
a. Hindi tiyak ang iyong mga gawain na ipinapakita.
b. Hindi maayos ang pagkakagawa kaya ito nasisira.
c. Hindi mo maipagmamalaki ang mga ninakaw na gawain.
d. Hindi malikhain dahil hindi nakakasunod sa tamang pamantayan.
3. Ang pagiging malikhain sa paggawa ay nakakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay
ng isang tao. Ang paggamit ng mga patapong bagay na pwede pang mapagkakitaan.
Ano ang mainam na paggamit ng mga pira-pirasong tela?
a. Pantakip sa mga muwebles.
b. Paggawa ng cushion o unan.
c. Pansala sa paggawa ng gata.
d. Paggawa ng bag na sisidlan ng mga damit.
4. Bakit kailangang may kalidad ang iyong mga gawain?
a. Upang maipakita ang pagkamalikhain
b. Upang maipagmamalaki ang ating pagkamalikhain.
c. Upang maitataguyod natin ang ating pagkamalikhain.
d. Upang tangkilikin ang taglay nating pagkamalikhain.
5. Paano ka makakasunod sa pamantayan at de kalidad na gawain?
a. Palaging nagmamadali sa paggawa ng mga gawain.
b. May pabago-bagong desisyon
c. Hindi sumusunod sa tamang instruksyon
d. Paglalaan ng tamang panahon sa iyong paggawa.
6. Sa paggawa ng mga produktong pangangalakal, dapat ba na de kalidad ang
pagkakagawa nito? Bakit?
a. Oo, upang mabenta kaagad sa pamilihan.
b. Hindi, dahil matagal kang makakaipon para sa iyong ikabubuhay.
c. Hindi, dahil mas mahaba ang panahon na igugugul natin para magawa ang isang
gawain.
d. Oo, para maibenta ka agad at magagamit ng pang matagalan.
7. Paano mo mapagsunod-sunod ang mga pamantayan sa paggawa ng isang gawain?
a. Sa pamamagitan ng pagplano ng mabuti para matiyak ang iyong
b. Iwasan ang pabago-bagong desisyon upang matiyak ang pagkakagawa.
c. Tiyakin na may kakayahang tumugon sa anumang suliranin upang mabigyan ng
solusyon.
d. Maglaan ng panahon at takdang oras sa pagsunod ng pamantayan para may
kalidad ang iyong gawain.
8. Bakit kailangan sumunod sa pamantayan upang makamit mo ang kalidad ng iyong
ginagawa?
a. Upang hindi pagagalitan ng may ari.
b. Upang marami kang mabebentang produkto sa palengke.
c. Upang madaling matapos ang mga nakatakdang gawain.
d. Upang may kalidad ang kinalalabasan ng iyong produktong ginagawa.
9. Sa paggawa ng mga produktong galing sa paglililok, ito ay mahirap gawin ngunit
tanging manlililok lamang ang may taglay na kakayahan para gawin ito. Kung ikaw
ay isang manlililok, ano ang dapat mong gawin sa iyong taglay na kakayahan?
a. Tumahimik lang na parang walang nalalaman.
b. Ipamahagi ang iyong kahusayan na may kaakibat na halaga.
c. Ipamamahagi sa kapwa ang nalalaman upang mapakinabangan
d. Ipagdamot upang hindi ka malagpasan sa iyong mga na tagumpayan.
10. Ang pagiging malikhain sa mga gawain ay taglay ng tao na may angking talino.
Paano mo maipapakita ang iyong pagkamalikhain sa iyong mga gawain?
a. Sa pamamagitan ng paglaan ng panahon sa pagsumite ng mga gawain.
b. Sa pamamagitan ng pagkilala sa mga taong tumutulong para matapos ang iyong
mga gawain.
c. Sa pamamagitan ng pag-isip ng mga paraan upang matugunan ang
pangangailangan nito.
d. Sa pamamagitan ng may kakayahang tumugon sa pamantayan at kalidad ng
serbisyo o paggawa.

Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ang mga patlang sa bawat pangungusap. Pumili ng mga salita na nasa loob
ng bilog.

kalidad
gawaing bahay
sirang bayag
gastusin
gawing unan

1. Ako ay nakakasunod sa mga pamantayan at ________sa paggawa.


2. Tumutulong ako sa ____________.
3. Magaling ako magkukumpuni ng ____________.
4. Namumulot ako ng mga pambalut ng pagkain para_____________.
5. Nagkukumpuni ako ng mga patapong bagay para makatipid sa ______.
Susi sa Pagwawasto
Aralin Mga Pamantayan sa Pag-
2 angat sa Kalidad ng
Serbisyo

Alamin

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Edukasyon sa


Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Kwarter, ika-limang
Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay
sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na binubuo ng mga aralin na
kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayan sa Pagkatuto: Naipagmalaki ang anumang natapos na gawain na


nakasusunod sa pamantayan at kalidad.
• Natutukoy ang tamang gawaing nagpapakita ng pagkasunod sa pamantayan at
kalidad sa paggawa o serbisyo.
• Naitala ang mga pamantayan sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo.
• Naisasabuhay natin ang kahalagahan ng pagsunod sa pamantayan at kalidad sa
paggawa.

Subukin

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Isulatang titik ng tamang sagot sa iyong
kwaderno.
1. Ang monumento ni Dr. Jose Rizal ay ginawa ng isang _______.
a. karpentero c. tubero
b. barber d. manlililok
2. Ang paggawa ng mga gusali ay gawain ng isang ____________.
a. enhenyero c. tubero
b. barbero d. sapatero
3. Sino ang gumagawa ng sapatos at sandalyas?
a. sapatero c. barbero
b. tubero d. bumbero
4. Ang paggawa ng damit ay gawain ng isang _______.
a. mananahi c. barbero
b. enhenyero d. manlililok
5. Ang paggawa ng tinapay ay gawain ng mga _______.
a. sapatero c. panadero
b. mananahi d. barbero
6. Ang paggugupit ng buhok ay isang taglay na kakayahan ng isang ______.
a. tubero c. sapatero
b. barbero d. enhenyero
7. Sa ating nayon, ang kadalasan na gumagawa ng bahay ay ang ______.
a. karpentero c. tubero
b. enhenyero d. panday
8. Ano ang tawag sa taong dalubhasa sa sining?
a. pintor c. manlililok
b. artista d. manlalaro
9. Nasira ang gripo sa aming bahay. Sino ang aking tatawagin?
a. barbero c. sapatero
b. tubero d. panadero
10. Nasusunog ang mga bahay sa kalapit na barangay namin. Sino ang aking
tatawagin?
a. barbero c. bumbero
b. tubero d. panadero

Balikan

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Sinong Pangulo ng ating bansa ang nagsulong ng Comprehensive Dangerous Drugs


Act 2002?
a. Benigno Aquino III c. Rodrigo Roa Duterte
b. Joseph Ejersito Estrada d. Gloria Macapagal Arroyo
2. Ang pangulo ng ating bansa na nagtatag ng immunization services para matiyak ang
kalusugan ng mga kabataan.
a. Benigno Aquino III c. Joseph Ejersito Estrada
b. Rodrigo Roa Duterte d. Gloria Macapagal Arroyo
3. Sinong pangulo ng ating bansa na nagsasakripisyo para makamit ang kalayaan mula
sa pamumuno ni Pangulong Marcos?
a. Corazon Aquino c. Joseph Ejersito Estrada
b. Benigno Aquino III d. Rodrigo Roa Duterte
4. Anong batas ang itinatatag ni Pangulong Benigno Aquino III para sa mga kabataan?
a. Demokrasya ng ating bansa. c. lifeline rate
b. Immunization services. d. kontraktwalisasyon
5. Sinong pangulo ang ating bansa ang nagtatag ng kontraktwalisasyon upang
makapamuhay ng maayos ang mga tao?
a. Rodrigo Roa Duterte c. Joseph Ejersito Estrada
b. Benigno Aquino III d. Corazon Aquino
Tuklasin

Basahin at unawain ang mga pamantayan sap ag-aangat ng kalidad ng serbisyo sa


ibaba.

Mga Pamantayan sa Pag-aangat sa kalidad ng Serbisyo

1. Panahon – gaano kabilis ang paggawa.


2. Takdang oras – maibibigay mo sa takdang oras ang iyong serbisyo o produktong
ipinangako.
3. Kumpleto – naibibigay mo ng buo ang inaasahan sa iyo.
4. Paggalang – naibibigay mo ang paggalang maging sa mga batang katulad mo o
baka namimili ka lang ng mga inaasahan sa iyo.
5. Hindi pabago-bago- buong kahusayan mong ginagawa ang mga nakatakda sa iyo
sa
lahat ng panahon.
6. Tiyak – tamang paggawa.
7. Kakayahang Tumugon – madaling mabibigyan ng solusyon ang tanong at ang di
inaasahang problema.
8. Nakasusunod sa Tamang Instruksyon – binabasa o iniintinding mabuti ang mga
panuto.
9. Naabot ang Inaasahan – naabot mo ang quality ng gawa na inaasahan sa iyo.
10. Mapagpasalamat – palaging magpasalamat sa mga gawain o serbisyo na
natatapos
mong gawin higit lalo kung may mga tao na tumutulong sa iyo para matapos mo
ang
mga bagay o gawaing ito.

Suriin

Ang Pagkamalikhain
By: Rizza Binolirao Basinillo

Sa simula’t sapol ng ating karanasan,


Panginoo’y nagbibigay ng tiyak na kinabukasan.
Maging sa panahon o takdang oras,
ay nakalaan at naaabot ang inaasahan.

Ang pagkamalikhain ay taglay ng bawat isa sa atin,


May kakayahang tumugon ng anumang suliranin.
Maging Malaya sa pagbasa ng isipan,
Para maipakita ang taglay mong kakayahan.

Sadyang napaka malikhain nating mga Pilipino,


Mapagpasalamat at magalang kahit kanino.
Sapagkat ang takbo ng mundong ito,
Hindi natin alam kung saan patungo.

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa tula na iyong binabasa.


1. Ano ang tinitiyak ng Panginoon sa kanyang mga tauhan?
2. Kailan naaabot ang iyong inaasahan na galing sa lumikha sa atin?
3. Paano mo matiyak kung ano ang laman ng kanyang isip?
4. Ano ang kailangan nating gawin upang mabasa ang isipang ng isang tao?
5. Anong ugali ang mayroon sa tula na iyong binabasa?

Pamantayan sa pagsagot ng mga katanungan


Puntos
Napakahusay sumagot sa mga katanungan. 5
Mahusay sumagot sa mga katanungan ngunit hindi tumpak sa 4
tamang kasagutan.
Katamtaman lang ang pagkakasagot. 3
Di gaanong mahusay ang pagkakasagot. 2
Di sadyang mahusay sumagot sa mga katanungan. 1
Kabuuang Puntos
Pagyamanin

Panuto: Itala sa loob ng bilog ang mga pamantayan sa pag-angat at kalidad ng serbisyo
na sinalungguhitang salita sa tula na iyong binabasa.

1.
10. 2.

3.

9.
Pamantayan sa
Pag-angat at
kalidad ng
serbisyo 4.

8.

7. 6. 5.

Isaisip

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang Tama kung wasto
ang pagpapahayag nito, at isulat ang salitang Mali kung mali naman ang pagpapahayag
nito.

_____1. Magpasalamat sa mga taong tumutulong sa iyo para matapos ang iyong mga
gawain.
_____2. Pinaghihintay mo ang taong nangangailangan ng iyong tulong.
_____3. Nabibigyan mo ng solusyon ang anumang suliranin na nagaganap sa iyong mga
gawain.
_____4. Bilisan ang pagkilos upang tiyak ang pagkakagawa ng anumang gawain.
_____5. Gayahin ang gawain ng iba upang mapabilis ang pagkakagawa ng mga Gawain
na nakatakda sa iyo.
Isagawa

Panuto: Punan ng mga angkop na salita ang bawat patlang sa pangungusap. Pumili ng
mga salita sa kahon na nasa ibaba.

takdang oras hindi pabago-bago


tiyak kakayahang tumugon
magpasalamat

1. Si Ben ay may ______________ para lutasin ang anumang suliranin.


2. Seguraduhin mong _________ ang pagkakagawa ng iyong gawain para hindi ka
mapagalitan.
3. Kailangan may _______________ ang pagsumeti nito upang hindi maghihintay ang
tao.
4. Iwasan ang _________________ ang desisyon para matiyak ang pagkakagawa.
5. Kailangan _____________ palagi sa mga taong tumutulong sa iyo na mapabilis ang
paggawa ng iyong mga gawain.

Tayahin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang mangyayari sa ating mga gawain kapag hindi sumusunod sa pamantayan
at kalidad ng serbisyo o paggawa?
a. Hindi maayos ang pagkagawa
b. Maayos ngunit may kulang sa pagkagagawa
c. Laging pabago-bago ang takbo ng isipan
d. Hindi mahusay at walang kalidad ang pagkakagawa
2. Aling aspeto ng tao ang dapat iwaksi upang maging matagumpay?
a. Disiplina sa sarili
b. Ambisyon sa buhay
c. Pagkapositibo sa iyong pananaw
d. Nagpapadala sa kahinaan ng loob
3. Si Flor ay isang masipag at mabait na bata. Pagkatapos ng klase, siya ay umuuwi
kaagad sa kanilang bahay upang mag-igib ng tubig at magsibak ng kahoy. Sino ang
dapat tularan?
a. Si Flora na palaging lumiliban sa klase?
b. Si Nora na nagdadabog kapag inuutosan ni nanay?
c. Si Mara naglalaro kasama ang aking mga kaibigan pagkatapos ng klase?
d. Si Flor na umuuwi kaagad sa bahay pagkatapos ng klase para mag-igib ng
tubig at magsibak ng kahoy para gawing panggatong.
4. Anong pamantayan sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo ang ipinamalas sa
sitwasyong ito?
Buong kahusayan mo nang ginagawa ang nakatatakda sa iyo.
a. Tiyak c. Mapagpasalamat
b. Kumpleto d. Hindi pabago-bago
5. Ang pagkamalikhain sa paggawa ay nakakatulong sa pag-unlad ng ating bansa. Alin
dito ang HINDI makakatulong sa paglinang ng pagkamalikhain ng tao?
a. Madalas na pagliban sa klase c. Pagkain ng masustansiyang pagkain
b. Pagbabasa ng iba’t ibang aklat d. Pagdalo sa mga seminar pangkabataan
6. Si Alvin ay mahusay gumawa ng disenyo sa bahay. Kinabukasan, nakita ito ni Alex
at ginagaya ang disenyo nila upang mapadali ang paggawa ng gawain na nakatakda
sa kanya. Sino ang nagpapakita ng de-kalidad na gawain?
a. Si Alvin na mahusay ang pagkakagawa.
b. Si Alex na ginagaya ang disenyo nila upang mapadali ang gawain niya.
c. Si Alex na inuubos ang oras sa paggawa ng mga desinyo na hindi galing sa
kanya.
d. Si Alvin na may taglay na kahusayan sa pagsunod sa pamantayan ng paggawa
at
de-kalidad na serbisyo.
7. Sino ang dapat tularan upang magtagumpay sa buhay?
a. Si Rizza na busalsal ang mga gawa.
b. Si Rizza na palaging nakipag-usap sa mga kapitbahay.
c. Si Rizza na gumagawa ng disenyo ng mga damit pambata.
d. Si Rizza na pinipili ang uri at kulay ng tela na gagamitin upang gumanda ang
gawain.
8. Sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo, ito ay kailangang pumasa sa mga
pamantayan. Alin sa ibaba ang sumusunod sa pamantayang ito?
a. Pinag-antay mo ang taong nanghingi sa iyo ng tulong.
b. Buong kahusayan mong ginagawa ang mga nakatakda sa iyo
c. Hindi ka nagpapasalamat sa taong tumutulong sa iyo sa panahon ng kagipitan.
d. Sinasabi ng guro na ang proyekto ay ilalagay sa tagalupi ngunit ang sa iyo ay
sa sobre.
9. Ang taong malikhain ay makatutulong sa pagtuklas ng solusyon sa anumang
suliranin.
Alin sa sumusunod na katangian ng isang taong malikhain?
a. Madaling makibagay sa iba’t ibang pagkakataon ngunit walang sariling desisyon
b. Sensitibo sa mga kakulangan sa kapaligiran at nangunguha ng ideya sa iba
c. Orihinal, mayaman sa ideya at may malakas na motibasyon upang magtagumpay
d. Nakatatayo sa sariling desisyon at nakadepende sa ideya ng kanyang mga
kasamahan
10. Ano ang dapat iwaksi upang magtagumpay sa buhay?
a. disiplina c. ambisyon
b. pagkapositibo d. kahinaan ng loob
Karagdagang
Gawain

Panuto: Punan ang mga patlang sa bawat pangungusap. Pumili ng mga parirala na nasulat
sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
bilang mahusay na tao pamantayan sa paggawa
aking talinto aking mga gawain
nagsisikap

1. Ang paglilinis ng bahay ay aking ______________araw-araw.


2. Marami akong matatanggap na medalya kapag____________sa pag-aaral.
3. Maayos ang aking proyekto kapag sumunod ako sa ________.
4. Ipinagmamalaki ko ang aking__________________.
5. Pinararangalan ako _______________ na tao.

Susi sa Pagwawasto
Aralin
Ang Etiko sa Paggawa
3
Alamin

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Edukasyon sa


Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa ikatlong Kwarter, ika- limang
Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay
sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na binubuo ng mga aralin na
kinakailangang matapos sa loob ng isang lingo.

Pamantayan sa Pagkatuto: Naipagmalaki ang anumang natapos na gawain na


nakasusunod sa pamantayan at kalidad.
• Nailalarawan ang pagkasunod sa mga pamantayan sa Pag-angat sa Kalidad
ng Serbisyo.
• Nakagagawa ng pangungusap gamit ang mga paraan sa etikong paggawa.

Subukin

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katan ungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kwaderno.
1. Sino ang dapat sundan ang yapak n g pagiging matagumpay na tao dito sa ating
mundo?
a. Si Berta na sablay ang mga gawain.
b. Si Ana na hindi tiyak ang mga ginagawa.
c. Si Saria na nagnanakaw ng mga disenyo para matapos kaagad ang mga
ginagawa.
d. Si Maria na pinaplano at sumusunod sa paman tayan ng gawain para
masabi ang kalidad nito.
2. Sa paggawa ng ating proyekto kailangan sumusunod sa pamantayan para masabi
natin na may kalidad ito. Alin dito ang sumusunod sa pamantayan?
a. Ginagawa ang proyekto na hindi tiyak.
b. Minamadali ang paggawa para maging una.
c. Pinaghihintay ang taong nangangailangan ng tulong mo.
d. Buong kahusayan mong ginagawa ang mga proyektong nakatakda sa iyo.
3. Nagkaroon ng suliranin sa iyong plantang pinapasukan, ngunit mabilis mo itong
nahanapan ng solusyon. Anong pamantayan sa pag-aangat sa kalidad ng
serbisyo ang ipinamalas dito?
a. tiyak c. may kakayahang tumugon
b. kumpleto d. hindi pabago-bago ang isipan
4. Ano ang mangyayari kapag hindi sumusunod sa pamantayan at kalidad sa
paggawa?
a. Maging malinis at maayos ang paggawa
b. Maayos ang paggawa ngunit may kulang
c. Maayos ang paggawa at may kahusayan na ipinamalas
d. Maayos ang paggawa at naisumiti sa takdang oras ang mga gawain.
5. Pinag-aantay mo ang iyong guro sa proyekto na nakatakda sa iyo. Anong
pamantayan
sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo ang ipinamalas mo?
a. panahon c. paggalang
b. kumpleto d. mapagpasalamat
6. Anong pamantayan sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo ang ipinamalas dito.
Buong kahusayan kung ginagawa ang mga nakatakda sa akin.
a. tiyak c. hindi pabago-bago
b. kumpleto d. naaabot ang inaasahan
7. Mayroon kang ipinangako sa iyong guro na magsumiti ng proyekto ngunit
hindi mo naipasa. Anong pamantayan sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo?
a. takdang oras c. hindi pabago-bago
b. mapagpasalamat d. kakayahang tumugon
8. May suliranin ang dinaranas sa ating barangay ngayon subalit madali mo itong
nabigyan ng solusyon. Anong pamatayan sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo
ang ipinamalas dito?
a. kumpleto c. hindi pabago-bago
b. panahon d. kakayahang tumugun
9. Tama ba na ang ibinibigay na serbisyo ay naayon sa pamantayan sa pag-angat at
kalidad sa paggawa?
a. Oo, para maging pinakamahusay.
b. Oo, para maayos at mahusay ang pagkakagawa.
c. Hindi, dahil mahaba ang oras na iginugugol dito.
d. Hindi, dahil nauunahan ka ng iyong mga katunggali.
10. Paano gumagawa ng tama at de-kalidad na serbisyo?
a. Sa pamamagitan ng pagtatanong sa nakakaalam.
b. Sa pamamagitan ng pagkukunwaring marunong sa anumang gawain .
c. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pamantayan sa pag-angat sa
kalidad ng serbisyo.
d. Sa pamamagitan ng paggawa at panggagaya sa iba para may kalidad
ang iyong gawain.

Balikan

Panuto: Sagutin ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kwaderno.
1. Ako ay nagluluto ng tinapay, buong kahusayan ko ang ipinamalas dito upang maging
masarap. Paano ako makikilala?
a. Sa pamamagitan ng aking ugali.
b. Sa pamamagitan ng aking alindog.
c. Sa pamamagitan ng magandang pakikitungo sa kapwa.
d. Sa pamamagitan ng aking husay at tiyaga sa pagluluto ng tinapay.
2. Tungkulin ng tao na ipamahagi ang kanyang taglay na talento.
a. Tama c. Siguro
b. Mali d. Mainam
3. Alin ang Hindi kasali sa tamang pagsunod sa kalidad ng serbisyo.
a. Magsumiti ng gawain na hindi tiyak.
b. Magsumiti ng gawain na may kahusayan.
c. Magsumiti ng gawain a may ipinamalas na kalidad.
d. Magsumiti ng gawain na may tamang pan ahon at takdang oras.
4. Alin sa sumusunod na katangian na maaari mong taglayin upang magtagumpay?
a. Mahilig lumiban sa klase.
b. Umuwi kaagad pagkatapos ng klase para makatulong sa mga gawaing bahay.
c. Pagkatapos ng klase aliwin ang sarili sa paglalaro ng basketball.
d. Palaging magdadabog kapag in uutusan ng magulang na mag-iigib ng tubig at
maghuhugas ng pinggan.
5. Gumagawa ka ng isang proyekto, nakita mong nahihigitan pa ang iyong inaasahan.
Anong pamantayan sa paggawa sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo.
a. Magpasalamat c. Naabot ang inaasahan
b. Kakayahang tumugon d. Nakasusunod sa tamang intruksyon

Tuklasin

Ang Etiko sa Paggawa

1. Maging iba ka – umiwas sa mga maling gawi sa paggawa na ipinakikita ng


karamihan sa isang gawain.
2. Maging una ka – maipapakita ang kahusayan sa pamamagitan ng pagiging una sa
pagtatapois ng gawain subalit tiyak na maganda ang kalidad ng produkto o gawain.
3. Maging pinakamabuti ka, pinakamagaling, at pinakamahusay – ang gawaing may
magandang kalidad na pinaghuhusayan, pinagbubutihan, at pinagbubuhusan ng
kakayahan.
4. Maging orihinal ka – hindi manggagaya kahit kaninong gawain upang maipakita
ang taglay na pagkamalikhain.
Suriin

Ang Sining ng Aking Buhay


By: Rizza Binolirao Basinillo

Ako’y naiiba sa aking pagsilang,


Taglay ko ang katangian na dapat mong masilayan
Katangiang naiiba magpakailan man
Kaya’t dapat kong ipamahagi sa aking mga kabataan.

Maaring maipakita ang aking kahusayan


Tiyaking maganda ang aking masisilayan
Kaya’t masasabi ko na, ikaw ay una
Kapag ipinamalas mo ang taglay nitong ganda.

Ang pinakamagaling, ang s’yang pinakamahusay


Dapat ibibigay ang lahat ng saysay
Sapagkat makikita sa iyong gawa ang iyong sarili
Kaya pagbutihin mo itong lagi.

Sikaping orihinal ka sa iyong sarili


Huwag manggagaya sa ‘yong katabi
Umiwas sa mga nakaw at h’wag magmamadali
Isipin mo na lamang malikhain ang ating lahi.

Panuto: Sagutin ang mga tanong ayon sa nabasa mong tula. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.
1. Ano ang taglay na katangian ng tao na nasa tula na dapat nating masilayan?
2. Ano ang kabutihang maidudulot kung maipakita mo ang taglay mong kahusayan na
dapat kung masilayan?
3. Bakit kailangang hangarin ang pinakamabuti, pinakamagaling, at pinakamahusay
na gawain?
4. Maipagmalaki mo ba ang iyong mga gawain? Bakit?

Pamantayan sa pagsagot ng mga katanungan Puntos


Napakahusay sumagot sa mga katanungan. 5
Mahusay sumagot sa mga katanungan ngunit hindi tumpak sa 4
tamang kasagutan.
Katamtaman lang ang pagkakasagot. 3
Di gaanong mahusay ang pagkakasagot. 2
Di sadyang mahusay sumagot sa mga katanungan. 1
Kabuuang Puntos
Pagyamanin

Panuto: Gumawa ng pangungusap gamit ang mga paraan ng etiko sa paggawa.

1. Maging iba ka= ________________________________


Mga
Paraan 2. Maging una ka= _______________________________
ng Etiko
3. Maging pinakamabuti ka = ______________________
sa
Paggawa
4. Maging pinakamahusay ka= ______________________

5. Maging orihinal ka =____________________________

Isaisip

Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang Tama kung wasto ang
pagpapahayag nito at isulat ang salitang Mali kung mali ang pagpapahayag nito.
____1. Sikaping maging orihinal at hindi manggagaya sa anumang gawain ng iba.
____2. Dapat ipagyabang mo sa iyong kapwa ang taglay mong kahusayan.
____3. Maaring maipakita ang iyong kahusayan sa pamamagitan ang kahusayan sa
pamamagitan ng pagiging una.
____4. Ang gawaing may magandang kalidad ay pinaghuhusayan.
____5. Dapat magkaroon ng mataas na pamantayan upang malagpasan ang inaasahan.

Isagawa

Panuto: Iparis ang mga pariralang nasa Hanay A sa kanyang mga kahulugan sa Hanay B.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
Hanay A Hanay B
1. maging iba ka a. kaakit-akit
2. maging una ka b. tunay
3. maging pinakamabuti c. pambihirang gawain
4. maging pinakamahusay d. Nasa tuktok
5. maging orihinal e. Bukod tangi

Tayahin

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kwaderno.

1. Mayroon kang ipinangako sa iyong guro na magsumiti ng proyekto ngunit hindi


mo naipasa. Anong pamantayan sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo?
c. Takdang oras c. Hindi pabago-bago
d. Mapagpasalamat d. Kakayahang tumugon
2. Anong pamantayan sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo ang ipinamalas dito.
Buong kahusayan kung ginagawa ang mga nakatakda sa akin.
c. Tiyak c. Hindi pabago-bago
d. Kumpleto d. Naaabot ang inaasahan
3. Sa paggawa ng ating proyekto kailangan sumusunod sa pamantayan para masabi
natin na may kalidad ito. Alin dito ang sumunusunod sa pamantayan.
a. Ginagawa ang proyekto na hindi tiyak.
b. Minamadali ang paggawa para maging una.
c. Pinaghihintay ang taong nangangailangan ng tulong mo.
d. Buong kahusayan mong ginagawa ang mga proyektong nakatakda sa iyo.
4. Anong pamantayan sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo ang ipinamalas sa
sitwasyong ito. Laging magpasalamat sa mga gawain o serbisyo lalo na’t may mga
taong tumutulong para matapos ito kaagad.
c. Tiyak c. Mapagpaslamat
d. Kumpleto d. Hindi pabago-bago
5. May suliranin ang dinaranas ng ating barangay ngayon subalit madali mo itong
nabigyan ng solusyon. Anong pamantayan sa pag-aangat sa kalidad ng serbisyo ang
ipinamalas dito?
a. Kumpleto c. Hindi pabago-bago
b. Panahon d. Kakayahang tumugon
6. Sino ang dapat tularan?
a. Si Berta na sablay ang mga gawain.
b. Si Liza na pabago-bago ang isipan.
c. Si Saria na nagnanakaw ng desinyo para matapos kaagad ang gawain
d. Si Maria na pinagplanohan at sumusunod sa mga pamanatayan na gawain.
7. Pinag-aantay mo ang taong nangangailangan ng iyong tulong. Anong pamantayan
sa pag-angat ang ipinamalas dito?
a. Panahon c. Paggalang
b. Kumpleto d. Mapagpapasalamat
8. Tama ba na ang binibigay na serbisyo ay naaayon sa pamantayan sa pag-angat at
kalidad ng serbisyo?
a. Oo, para maging pinakamahusay
b. Oo, para maayos at mahusay ang paggawa
c. Hindi, dahil mahaba ang oras na ginugugol ditto
d. Hindi, dahil nauunawaan ka ng iyong mga katunggali.
9. Ano ang mangyayari kapag Hindi sumusunod sa pamantayan at kalidad sa
paggawa?
a. Maging maayos at malinis ang pagkagawa
b. Maayos ang pagkagawa ngunit may kulang
c. Maayos ang pagkagawa at may kahusayan
d. Maayos ang paggawa at naisumiti ng tamang oras
10. Paano gumagawa ng tama at de-kalidad na serbisyo?
a. Sa pamamagitan ng pagtanong sa mga nakakaalam
b. Sa pamamagitan ng pagkukunwaring marunong sa lahay ng bagay
c. Sa pamamagitan ng panggagaya at pangungupya sa gawain ng iba.
d. Sa pamamagitan paglalaan ng panahon at tiyak na gawain upang maging
malikhain.

Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ang patlang ng mga pariralang nasa ibaba upang maging ganap na
pangungusap.

maging iba maging una


maging magaling maging orihinal
maging mabuting

1. Ako ay may taglay na kulay kayumanggi, kaya ay _____ sa mga amerikano.


2. Siya ay _______ sa kanyang pag-iinsayo araw-araw.
3. Mag iinsayo ako ng mabuti upang maipakita na ako ay _______ sa laban.
4. Ang pagsunod sa utos ng magulang ay nagpapahiwatig na ikaw ay ______ an ak.
5. Ako ay gumawa ng isang damit na may sariling desinyo at ipinakita na _______.

Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

https://ccsearch.creativecommons.org/collections/brooklynmuseum
https://www.pexels.com/search/art%20beautiful%20bloom%20613431/
https://www.pexels.com/search/person%20knitting%20brown%20leather%20textile%2098
2657/
https://www.pexels.com/photo/rodrigo-duterte
https://ccsearch.creativecommons.org/search?q=photo%20of%20President%20Joseph%2
0Ejersito%20Estrada&license=&license_type=modification&categories=&extension=&asp
ect_ratio=&size=&source=&searchBy=&mature=false
https://ccsearch.creativecommons.org/search?q=photos%20of%20President%20Corazon
%20Aquino&license=&license_type=modification&categories=&extension=&aspect_ratio=
&size=&source=&searchBy=&mature=false
https://ccsearch.creativecommons.org/search?q=photos%20of%20President%20Corazon
%20Aquino&license=&license_type=modification&categories=&extension=&aspect_ratio=
&size=&source=&searchBy=&mature=false
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com

You might also like