You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY ARALIN

Filipino VII
PAMPINAL NA PAKITANG-TURO
NOBYEMBRE 30, 2021 GRADE VII - AGILA

I. LAYUNIN:
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natatalakay ang iba't ibang aspekto ng pandiwa;
b. Napapahalagahan ang paggamit ng pandiwa at ang aspekto nito
c. Nakasasagawa ng pormula sa pagbanghay ng pandiwa ayon sa aspekto nito.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Pandiwa at Pagbabagong Anyo nito Batay sa Aspekto
Sanggunian: Bagong Filipino (Sa Salita at Gawa) Angelita L. Aragon at Magdalena O. Jocson, p. 174-
178
INTERNET, naritrib noong ika 13 ng Disyembre 2021
https://youtu.be/Qo9c6G8vQzU
Kagamitang Panturo: Spinning Wheel, Kartolina, Laptop, Mga larawang gagamitin sa pagtuturo
Kasanayan: Limang (5) makrong kasanayan: Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, Pagsulat, at Panonood.

III. PAMARAAN (4 A's)

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. PANIMULANG GAWAIN
Magandang Araw, Klas.
Tumayo ang lahat para sa panalangin.
maaari mo bang pangunahan ang ating
panalangin. G.Jude
Tayo po ay sandaling manalangin. Dakilang Diyos,
kapurihan ka po Ama...
Salamat ginoo.
Bago po tayo umupo, maaari po ba natin munang
ayusin ang kanyang-kanyang upuan at pakipulot
narin ng mga basura na ating makikita. Opo ginoo.

Magandang umaga, kamusta ang araw ninyo? Maayos naman po ginoo.

May liban po ba sa klase? Mayroon po ginoo.

Bb. Kimberly, maaari mo po bang itala kung ilan


ang liban sa klase. Opo ginoo.

Salamat binibining kalihim.

2. PAGGANYAK
Naghanda po tayo ng slide upang mas lalo pa
nating maintindihan ang ating talakayan.
Pakibasa nga ng unang bilang. Bb. Reina. 1. Awit, umawit, umaawit, aawit.

Mahusay. Pakibasa naman ng pangalawang


bilang. 2. Salita, nagsalita, nagsasalita, magsasalita.
G. Rodel

Magaling. Pakibasa naman ng pangatlong bilang. 3. Tayo, tumayo, tumatayo, tatayo.


Bb. Erica

Salamat binibini. Basahin mo naman ang pang- 4. Lakad, naglakad, naglalakad, maglalakad.
apat na bilang. G. Willy

Mahusay ginoo. Sa panghuling bilang, basahin mo 5. Kain, kumain, kumakain, kakain.


nga po ito Bb. Kylie

Magaling binibini. Salamat sa mga nagbasa. Opo Ginoo.

3. PAGLALAHAD NG ARALIN
Ngayong araw ay ating tatalakayin ang tungkol sa
Pandiwa at ang Pagbabagong anyo nito batay sa
Aspekto. Tayo ay gagabayan ng sumusunod na Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay
mga Layunin. inaasahang:

a. Natatalakay ang iba't ibang


aspekto ng pandiwa;
b. Napapahalagahan ang paggamit
ng pandiwa at ang aspekto nito
c. Nakasasagawa ng pormula sa
pagbanghay ng pandiwa ayon sa
aspekto nito.

Opo ginoo.
Mahusay. Handa na ba ang lahat.

4. PAGHAWAN NG SAGABAL
Manonood ng bidyu upang maunawan ang tungkol
sa pandiwa.

5. PAGTALAKAY
A. AKTIBITI
Maroon tayo ditong Spinning Wheel na naglalaman
ng mga salitang naglalarawan ng kilos. Tukuyin
ninyo kung ang salita ba ay naganap na,
nagaganap o gaganapin pa lamang. Ang laro
nating ito ay tatawaging "Rolyo ng mga salitang
kilos"

Malinaw ba? Opo ginoo.

Atin na itong simulan.

(Unang ikot - umawit.) Tukuyin ang salita kung ito Ang salitang umawit ay naganap na.
ba ay naganap, nagaganap o magaganap. G. Juan
Magaling ginoo. Gamitin naman ito sa Umawit kami ng paburito naming kanta kanina.
pangungusap. Bb. Sheila Marie

Tama ka binibini. (Ikalawang ikot - Tumatangis)


Tukuyin kung ito ba ay naganap, nagaganap o Ang pandiwa pong tumatangis ay nagaganap.
magaganap. G. Domingo

Mahusay ang iyong tinuran ginoo. Magbigay


naman ng pangungusap gamit ang pandiwang Bakit kaya tumatangis si Pedro?
tumatangis. Bb. Dalia

Bakit kaya tumangis si Pedro. Tama ang iyong


halimbawa binibini. (Ikatlong ikot - Magbabasa)
Tukuyin kung ang pandiwa bang magbabasa ay
naganap na, nagaganap o magaganap pa lamang. Ang salitang magbabasa ay pandiwang gaganapin
G. Linden pa lamang. Magbabasa ako ng libro bukas, iyan po
ang halimbawa ng pangungusap gamit ang salitang
magbabasa.

Napabilib mo ako doon ginoo, Mahusay. Paikutin


pa natin ang Rolyo ng mga salita.
(Ika-apat na ikot - Nagmaneho) Anong pandiwa Ang salita pong nagmaneho ay isang naganap
ang salitang nagmaneho? Bb. Fatima nang pandiwa.

Pantastiko. Gamitin naman ito sa pangungusap. G. Si Peter ay nagmaneho kanina ng Jeep.


Philip

Mahusay na halimbawa ginoo.


(Ika-limang ikot - Uuwi) Anong pandiwa naman ito? Ito po ay pandiwang magaganap pa lamang at ang
Peter. pangungusap po para rito ay Uuwi kami sa
probinsya bukas.

Tumpak ginoo. Mahusay ang inyong mga tinuran Salamat po ginoo.


at mga ginawang halimbawa.

B. ANALISIS
Ano po ba ang napansin ninyo sa mga salita na Base po sa mga salita na ating pinag-aralan,
ating pinagtuonan ng pansin kanina? Adrian. nahinuha ko po na ang mga ito ay mga salitang
kilos o pandiwa. Napansin ko rin po na may iba't
ibang klase ng pandiwa. May mga pandiwa pong
gaganapin pa lamang gaya doon sa pandiwang
uuwi. May mga pandiwa naman po na naganap na
gaya ng sa pandiwang umawit. May mga
pandiwang rin po na nagaganap pa lamang. Ang
halimbawa po nito ay yung sa pandiwang
tumatangis.

Napabilib mo ko ginoo, mahusay na pag-aanalisa.


Ang pandiwa po ay salitang nagsasaad ng kilos. Ito
may tatlong aspekto. Ngayon, si Binibining Emelyn
naman ang magtuturo sa inyo kung ano ba ang Opo ginoo.
mga ito. Maliwanag ba?
Alamin natin ko kung paano ito po ito matutukoy. Opo binibini.
Handa na po ba ang lahat?
Magaling.

C. ABSTRAKSYON
Naghanda po tayo ng presentasyon upang
malaman ang mga terminong makakatulong sa atin
sa lalo pang pag-unawa ng mga aspekto ng
pandiwa.
Maaari mo bang basahin ang unang slide.Bb. Aspekto ng pandiwa
Isabella. - Ipinapakita ng aspekto kung kailan nangyari,
nangyayari, at mangyayari ang isang kilos.
Perpektibo ang tawag sa kilos na naganap na.
Imperpektibo naman ang pandiwang nagaganap at
Kontemplatibo naman ang pandiwang magaganap
pa lamang.

Maraming salamat binibini.


Ang tatlong aspekto ng pandiwa ay tinatawag ding
aspektong naganap na o perpektibo, aspektong
magaganap o kontemplatibo at ang aspektong
nagaganap o Imperpektibo.
Ngayon, paki-basa naman po ng pangalawang
slide. G. Rey. Pawatas
-Ang pandiwang patawas po ay anyong neutral. Sa
bahagi pong ito makikita ang pagbabanghay ng
pandiwa batay sa aspekto nito.

Maraming salamat ginoo. Tingnan ninyo ang sunod


na slide. Dito makikita ang mga halimbawa ng
salitang-ugat. Maaari mo po ba itong basahin. Bb. Salita, awit, tayo, lakad, at kain.
Kim.

Magaling. Sa sunod na slide ay makikita naman


ang mga panlaping maaaring ibanghay upang
makabuo ng isang aspekto ng pandiwa.
Maaari mo bang basahin ang nasa slide. G. Mark Mga halimbawa ng panlapi:
Jay. mag, an, in, ma, um, mang, han.

Salamat ginoo. Nagyon, anung panlapi ang maaari


nating ilapat sa salitang-ugat na "salita" upang Mag po binibini.
makabuo tayo ng isang pandiwa? Bb. Aileen.

Anung pandiwa ba ang mabubuo kapag Magsalita po binibini.


pinagsama natin ang panlaping mag at salitang-
ugat na salita?

Mahusay. Tingnan ninyo sa sunod na slide kung


ano ang pormula sa pagbabanghay ng isang
pandiwa tungo sa nais nating aspekto.
Anu po ba sa tingin ninyo ang kontemplatibo Magsasalita po binibini.
aspekto ng pandiwang magsalita?
G. Jay Mark.
Magsasalita bukas sa isang pagtitipon ang aming
Tama ginoo. kalihim.
Gamitin nga ito sa isang pangungusap. G. Willy.

Magaling ginoo. Sa pagbabanghay ng


kontemplatibo pandiwa mula sa patawas nitong
anyo, kailangan nating ulitin ang unang pantig ng
salitang-ugat kaya ito ay magiging pandiwang
"magsasalita". Nagsasalita po binibini.
Ano naman ang Imperpektibong aspekto nito? Bb.
Claire.

Ano sa tingin mo binibini ang naging pormula sa Opo binibini. Sa tingin ko po, inulit uli ang unang
pagbabanghay nito? Maaari kang magsimula ka sa pantig ng salitang-ugat nito. Ngunit sa
patawas nitong anyo. pagkakataong ito, binago po yung unang titik ng
panlapi mula sa "m" tungo sa "n".

Kahusayan binibini, magandang pag-aanalisa!


Tingnan uli natin ang nasa slide. Gaya ng sinabi ni
binibining Claire, binago ang unang titik ng
panlaping "mag" mula sa "m" tungo sa "n" at inulit
uli ang unang pantig ng salitang-ugat nito. Kaya ito
ay naging pandiwang nagsasalita. Binibini, ang perpektibong pandiwa po ng magsalita
Ano naman ang perpektibong pandiwa nito? ay nagsalita. Sa pagkuha po nito, binago lamang
Magsimula uli sa patawas nitong anyo. G. Reymar. yung unang titik ng salitang-ugat. Mula sa titik
nitong "m", ito ay naging "n".

Galing naman, tama yun ginoo. Iyan po ang


makikita natin sa slide.
Patuloy po tayo, tumungo naman tayo sa salitang-
ugat na "awit". Binibini, pwedi pong gamitin natin ang panlaping
Anu po bang panlapi ang pwedi nating ilapat dito? "um". Maaari rin naman ang panlaping "mag" at
Bb. Gemma. "an".

Berigud binibini.
Maaari nga ang tatlong panlaping nabangit, ngunit
isa lamang po ang pipiliin natin. Doon na tayo sa
panlaping "um".
Nangangahulugan na ang patawas na pandiwa
nito ay "umawit".
Mga ginoo't binibini, sa panlaping "um", awtomatik
nang perpektibong pandiwa ang siyang patawas Umasa po binibini.
na anyo nito. Magbigay pa tayo ng halimbawa ng
pandiwa na may panlaping "um". G. Rodell.
Opo binibini.
Yun. Diba, mapapansin ninyo na awtomatik na
siyang perpektibo. Nakuha po ba?

Magaling. Ano sa tingin ninyo ang Imperpektibong Binibini, ang Imperpektibong aspekto po nito ay
aspekto ng "umawit"? Ipaliwanag rin ang naging umaawit. Sa pagbabanghay nito, inulit ko ang
pormula sa pagbabanghay nito. Bb. Joana. unang pantig ng salitang-ugat kaya ito ay naging
pandiwang umaawit.

Napakagaling binibini. Gamitin nga ang pandiwang Si Joana ay umaawit habang nagsasampay.
umaawit sa isang pangungusap.
Ginoong Jacob.

Mahusay na pangungusap ginoo. Ibigay naman


ninyo ang kontemplatibong aspekto ng umawit at Ang kontemplatibong aspekto po nito ay aawit. Sa
ipaliwanag rin ang naging bagbabanghay nito. pagbabanghay po nito, inalis ko po yung panlapi
Zairon. nito, ngunit inulit ko naman yung unang pantig ng
salitang-ugat.

Tama ka ginoo.
Mukhang nakuha na ninyo ang paraan sa
pagbabanghay ng pandiwa tungo sa iba't ibang
aspekto nito. "Um" rin uli po binibini. Kaya ito ay magiging
Anu ang panlaping maaari nating ilapat sa salitang- pandiwang tumayo.
ugat na "tayo". Bb. Amy.

Mahusay binibini. Tumatayo po binibini ang imperpektibong aspekto


Anu ang imperpektibo at kontemplatibong aspekto nito, samantalang tatayo naman ang
ng pandiwang tumayo? Bb. Chin kontemplatibong aspekto nito.
Sa pagbabanghay po nito, inulit po natin ang unang
pantig ng salitang-ugat para makuha natin ang
imperpektibong aspekto nito. Sa pagkuha naman
po ng kontemplatibong aspekto nito, tinangal po
natin yung panlapi ng tumayo ngunit inulit parin
natin yung unang pantig ng salitang-ugat nito.

Nakakabilib na pagpapaliwanag binibini.


Iyan po ang patungkol sa pag-aaral ng Aspekto ng
pandiwa ayon sa gamit.
Nawa'y marami kayong natutuhan sa naging
talakayan natin.

D. Apl
Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Bubuo Una, dalawa..
tayo ng dalawang pangkat para dito. Magbilang na
tayo. Simulan natin sa unahan.
HANDA na po binibini.
Ngayong may dalawang pangkat na, handa na po
ba ang lahat? Panuto: Pipili ng pinuno ang bawat pangkat.
Papangunahan niya ang pagtatalaga sa mga
Mahusay, simulan na natin. pupunta sa unahan.
Tukuyin ang tatlong aspekto ng pandwa sa larawan
na makikita sa pisara. Gawan din ng pangungusap
ang bawat aspekto nito. Gumawa din ng chant ang
bawat pangkat. Ang chant ay gagamitin kapag
tapos nang sagutan ang napagkasunduang gawain.

Huray.
Mahusay. Sabay sabay tayong sumigaw ng huray.

6. PAGLALAHAT Ang tatlong aspekto po ng pandiwa ay ang


Anu nga ba yung tatlong tatlong aspekto ng aspektong naganap na o perpektibo, aspektong
pandiwa? Bb. Erza. nagaganap o imperpektibo, at ang aspektong
magaganap pa lang o kontemplatibo.
Tama binibini. Ang pandiwang patawas po ay anyong neutral. Sa
Ano naman ang kahulugan ng padiwang patawas? bahagi pong ito makikita ang pagbabanghay ng
G. Matthew. pandiwa batay sa aspekto nito.

Mahusay ginoo. Ang panlapi po na maaari ilapat sa salitang-ugat na


Ano ang panlaping maaari ilapat sa salitang-ugat laba ay "nag". Kaya ang magiging pandiwa po nito
na laba? Bb. Esther. ay naglaba.

Tumpak binibini. Naglaba, naglalaba, maglalaba.


Ibigay naman ninyo ang tatlong aspekto ng
pandiwang naglaba. G. Luke.

Mahusay. Ang tatlo pong halimbawa ng kontemplatibong


Magbigay naman kayo ng tatlong halimbawa ng pandiwa ay magbibihis, tatakbo, at kakain.
kontemplatibong pandiwa. G. Malachi.

Tama. mahusay na halimbawa. Nagbibihis, tumatakbo, at kumakain.


Ano naman ang Imperpektibong aspekto ng
halimbawa na nabangit ni Malachi. Bb. Ruth.
Nagbihis, tumakbo, kumain, iyan po ang
Berigud binibini. Ano naman ang perpektibong perpektibong aspekto ng mga halimbawa na
aspekto nito? G. Shalom. nabangit ni ginoong Malachi.

Mahusay ginoo. Si Naruto ay tumakbo sa pagka-meyor ngayong


Gamitin nga ang pandiwang tumakbo sa isang eleksyon.
pangungusap. Bb. Maria.

Magaling binibini. Salamat po binibini.


Mahuhusay ang inyong mga naging sagot! Binabati
ko kayo.

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay aspekto ng pandiwa kung saan ang kilos ay magaganap pa lamang.
a. Imperpektibo
b. Pawatas
c. Perpektibo
d. Kontemplatibo

2. Ano ang Perpektibong aspekto ng salitang "tapon" at "kuha"?


a. Nagtapon at Kumukuha
b. Nagatapon at Kumuha
c. Kumuha at Nagtapon
d. Nagtapon at kumukuha

3. Kontemplatibo: Aakyat/Tatayo/Tatawa; Perpektibo:___________?


a. Umakyat/Tumayo/Tawa
b. Umaakyat/Tumayo/Tumawa
c. Aakyatin/Tumayo/Tumatawa
d. Umakyat/Tumayo/Tumawa
4. Ito ang tawag sa kombinasyon ng salitang-ugat at panlaping para makabuo ng isang pandiwa.
a. Pandiwa
b. Kontemplatibo
c. Aspekto
d. Pawatas

5. Ang mga halimbawa ay uri ng salitang-ugat. alin dito ang hindi kasali?
a. Awit
b. Tayo
c. Gumalaw
d. Kain

V. TAKDANG ARALIN:

I.) Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


a.
b. Mahalaga ang pag-aaral ng aspekto ng pandiwa? Ipaliwanag.

II. Mag-aral patungkol sa mga tuon o pokus ng pandiwa sa librong "Bagong Filipino (Sa Salita at Gawa)
Angelita L. Aragon at Magdalena O. Jocson, p. 180-182".

Inihanda nina:

EMELYN BERNAL

ALVIN NACMAN GARCIA

BSE - Filipino 2

You might also like