Q1 Module 9

You might also like

You are on page 1of 36

K Kindergarten

Quarter 1 – Module 9:
Kaya Kong Alagaan Ang Aking Katawan
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Module 9: Kaya kong Alagaan ang Aking katawan
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of
the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among
other things, impose as a condition the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their
respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Development Team of the Module


Writers: Marivic P.Panes, Avegail E. Reid, Mark Merril A. Laguyo, Dorina R. Bayo, Alyssa Marie O. Orillo, Leny C. Bose
Editor: Alma M. Belarmino
Reviewers: Alma M. Belarmino, EdD.
Illustrator: Aries V. Panes, Avegail E. Reid, Dave Adryn V. Dablo, Rene Jay Canales
Layout Artists: Marivic P. Panes
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director ,
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Omar A. Obas, CESO V- Schools Division Superintendent,
Jasmin P. Isla- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD,
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Jade T. Palomar – REPS, Kindergarten
Meilrose B.Peralta EdD. -CID Chief
Hazel G. Aparce- EPS, LRMDS
Antonio R. Pasigado, Jr. - ADM Coordinator
Alma M. Belarmino EdD. –EPS, Kindergarten

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
K
Kindergarten
Unang Markahan- Module 9:
Kaya Kong Alagaan Ang Aking Katawan

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Kindergarten Self Learning Module (SLM) para sa araling kaya kong alagaan ang aking
katawan.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga
gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit
ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
module na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa module.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Kindergarten Self Learning Module (SLM) para sa araling kaya kong alagaan ang aking
katawan.

Ang module na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

2
Ang module na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa module.


Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng


modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
Subukin
laktawan ang bahaging ito ng module.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan


Tuklasin tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay


Pagyamanin upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng module.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap


Isaisip o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang


Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

3
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa module.
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng module


na ito.
Sa katapusan ng module na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng module na ito:

1. Gamitin ang module l nang may pag-iingat.


2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa module.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang module na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa module na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng module na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha


ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Essential Competency:

Identify one’s basic needs and ways to care for one’s body (PNEKBS-Ii-8)

Ang Modyul na ito ay tungkol pag-aalaga sa sarili. Kinikilala ang mga pangunahing
pangangailangan at paraan sa pag-aalaga sa sariling pangangatawan. Hinati ito sa
dalawang bahagi.

 Unang Bahagi - Kuwentuhan – Pagbabasa ng kuwento tungkol sa magkaibigan


na may pamagat na “Gayahin mo Ako”.
 Ikalawang Bahagi – Aralin - Nakikilala ang sariling pangunahing pangailangan at
paraan sa pangangalaga sa sariling pangangatawan.

5
UNANG BAHAGI

Kuwentuhan
Para sa Magulang:

Magandang araw! Taos puso po kaming nagpapasalamat sa patuloy mong paggabay


sa iyong anak.

Ikaw ang magbabasa ng kuwento habang nakikinig ang iyong anak. May mga gabay
na tanong bago at pagkatapos ng kuwento. Sundan lamang ang modyul. Ang mga
kaakibat na inaasahang kasagutan sa mga tanong ay mababasa kasunod ng mga
tanong. Maaari ding basahing muli ang kuwento sa oras na gusto ninyo.

Gabayan din ang inyong anak sa pagsagot sa gawain pagkatapos ng kuwento.

6
Para sa Magulang: Bago basahin ang kuwento, magtatanong muna sa bata.

Tanong:
1. Ano kaya ang mangyayari sa bata kapag hindi siya marunong mag-alaga sa sariling
katawan?
2. Ano naman ang ginagawa mo para mapanatiling malinis at malusog ang iyong
pangangatawan.

Magulang: Magbabasa tayo ngayon ng kuwento tungkol


sa magkaibigan. Makinig nang mabuti at simulan ko na ang
pagkukuwento.

Ang kuwentong ating babasahin ay pinamagatang


“Gayahin Mo Ako!” na isinulat ni Marivic P. Panes at iginuhit
ni Aries V. Panes.

7
Magkalaro, magkasama, magkakampi… Malapit man sa isa’t-isa, sila naman ay
Ganyan ang magkaibigan na sina magkaibang.
Doy at Roy.

8
Matagal natutulog si Roy sa gabi. Nanonood Sapat naman ang tulog ni Doy. Masigla ang
siya ng TV. Naglalaro rin ng “online games.” kanyang katawan.

9
Wala ng oras si Roy na mag-alaga sa sarili.
Malinis sa katawan si Doy. Naliligo at
Matagal kasi siya kung gumising. Puyat siya at
nagbibihis ng malinis na damit. Nagsisipilyo rin
matamlay pa.
ito ng ngipin.

10
Kumakain ng masusustansiyang pagkain si Hotdog, soda at kendi naman ang madalas
Doy. Umiinom din siya ng gatas. kinakain ni Roy.

11
Nagtaka si Roy sa sigla ni Doy.
Madaling napapagod si Roy sa paglalaro.
Tinanong niya ito.
Malakas at masigla naman si Doy.
“Doy bakit palagi kang masigla?”

“Gayahin mo ako!” ang sagot ni Doy.

12
Hindi na nagpupuyat si Roy.

Maaga na rin siyang gumigising. Naliligo at


kumakain ng mga masustansiyang
pagkain. Nagsisipilyo din siya ng ngipin.

Masigla na si Roy gaya ni Doy.

13
Mga tanong pagkatapos basahin ang kuwento:

Dito nagtatapos ang ating kuwento. Ihanda ang sarili at sagutin ang mga tanong.

1. Sino-sino ang magkaibigan sa kuwento?

Inaasahang sagot ng bata: Ang magkaibigan po sa kuwento ay sina Doy at Roy.

2. Ano ang mga ginagawa ni Roy at matagal siyang natutulog sa gabi?

Inaasahang sagot ng bata: Matagal natutulog si Roy sa gabi dahil siya ay nanonood ng
TV at naglalaro ng online games.

3. Paano naglilinis ng katawan si Doy?

Inaasahang sagot ng bata: Si Doy ay naliligo at nagbibihis ng malinis na damit.


Nagsisipilyo rin ito ng ngipin.

4. Paano ginaya ni Roy si Doy?

14
Inaasahang sagot ng bata: Si Roy ay hindi na nagpupuyat. Gumigising nang maaga.
Naliligo, kumakain ng masusustansiya at nagsisipilyo ng ngipin.

IKALAWANG BAHAGI

Subukin
Panuto: A. Bilugan (O) ang mga larawan na nagpapakita ng wastong pangangalaga
ng katawan.

Panuto B. Isulat ang bilang 1, 2, 3 sa kahon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga


kaganapan.

15
Tuklasin
Magulang: Basahin ang mga pahayag tungkol sa batang si Ken.

Si Ken ay batang malinis, malusog at malakas. Ginagawa niya ang mga sumusunod:
\

paliligo pagsisipilyo paghuhugas ng


kamay

pagtulog ng sapat

pagkain at paglalaro/
pag-inom ng pag-eehersisyo
masusustansiyang
pagkain at
inumin

16
Suriin
Para sa Magulang: Pag-usapan ang tungkol sa mga ginagawa ni Ken.

A. Si Ken ay naliligo. Narito ang kanyang mga gamit sa paliligo.

B. Narito ang mga hakbang ni Ken sa paliligo. Una, sunod at panghuli.

1 2 3
Maglagay ng sabon at shampoo. Banlawan ang buong katawan.
Basain ang buong katawan.

17
C. Si Ken ay nagsisipilyo. Narito ang mga ginagamit ni Ken sa pagsisipilyo.

D. Narito ang mga hakbang ni Ken sa pagsisipilyo. Una, sunod at ang panghuli.

1 2 3
Sipilyuhing mabuti ang mga ngipin, Magmumog ng tubig. Huwag itong
Maglagay ng toothpaste sa
toothbrush. gilagid at dila. lunukin. Linisin din ang sipilyo.

18
E. Si Ken ay naghuhugas ng kamay. Narito ang mga mga ginagamit ni Ken sa
paghuhugas ng kamay.

F. Narito ang mga simpleng hakbang sa paghuhugas ng kamay. Una, sunod at ang
panghuli.

1 2 3
Kuskusin sa pagitan ng mga daliri,
Basain ang kamay at maglagay ng likod ng mga kamay, dulo ng mga Banlawan nang husto sa dumadaloy
sabon. daliri, ilalim ng mga kuko. na tubig.

19
G. Si Ken ay kumakain. Narito ang ilan sa mga masustansiyang pagkain at inumin ni Ken.

20
H. Kailangan din ni Ken ng laro at sapat na tulog para lumakas at sumigla ang kanyang
katawan.

21
Pagyamanin
Para sa magulang: Gabayan ang bata sa pagsagot sa bahaging ito. Ihanda ang lapis at
simulan ang pagsagot.

Gawain 1
Panuto: Tulungan natin ang batang ito na malinis ang kanyang katawan. Iugnay sa
larawan ng bata ang mga kailangan niya sa pagligo. Sundan lamang ang halimbawa.

22
Gawain 2: Markahan ng tsek () ang larawan kung ito ay dapat mong kainin o
inumin upang maalagaan ang iyong katawan.

Gawain 3: Markahan ng tsek ( ) ang mga gawain na nagpapakita ng tamang


pangangalaga ng katawan.

23
Gawain 4 : Tingnan ang mga larawan. Alamin kung ano ang kasunod. Bilugan ang
tamang larawan sa ibaba.

1 2 3

24
Isaiisip

Para sa magulang : Isa sa mga pangunahing pangangailangan ay ang masustansiyang


pagkain at inumin. Upang mas matandaan pa ang mga masustansiyang pagkain at
inumin, maaaring awitin ang “Ang Gatas at Ang Itlog.”
Magulang: Sabayan mo ako sa pag awit sa awiting “ Ang Gatas at Ang Itlog”.

Ang Gatas At Ang Itlog ♪

Ang at ang

Pagkaing pampalusog

Ang at

Pagkaing pampaganda

Uminom ka ng

Kumain ka ng

At hindi magtatagal

Ikaw ay bibilog

25
Magulang: Ang palaging pagkain ng mga masustansiya ay nakabubuti sa katawan.
Maaari ding uminom ng mga bitamina na mabibili sa mga botika para sa dagdag na
sustansiya ng katawan.

Para sa magulang: Ipaintindi sa bata ang maaaring maging epekto sa katawan sa sobrang
pagkain ng matatamis at maaalat, pag-inom ng soda, softdrinks at iba pang inuming hindi
masustansiya. Kabilang sa maging epekto sa bata ay ang pagkakasakit, pagkasira ng ngipin,
obesity, UTI o hirap sa pag-ihi. Ugaliing uminom ng sapat na dami ng tubig araw-araw.

26
Para sa magulang : Mahalaga ang pagkakaroon ng malinis na pangangatawan. Ito
ang susi upang maiwasan ang ibat-ibang sakit. Basahin sa ibaba ang mga paraan sa
pag-aalaga sa sariling pangangatawan.

Napapanatiling malinis Naghuhugas ng


ang aking katawan kamay bago at pagkatapos kumain.
sa pamamagitan ng paliligo. Nagsisipilyo din ng ngipin pagkatapos
kumain.

27
Magulang: Ang pag-eehersisyo at paglalaro ay mahalaga. Nakatutulong ito na
mapanatiling malusog at malakas ang katawan.

Kailangan din ng katawan ang pahinga. Isang paraan


ng pagpapahinga ay ang pagtulog ng sapat na oras.
Nakatutulong ito upang maibalik ang lakas ng iyong
katawan.

28
Isagawa

Para sa magulang: Ihanda ang lapis at pangkulay. Ipasulat sa bata ang pangalan sa
linya na nakalaan. Kapag hindi pa sanay ang bata sa pagsulat ng kanyang
pangalan, gabayan siya.

May dalawang gawain ang bata. Basahin ang bawat panuto at ipaintindi sa kanya.

Gawain 1: Hayaan ang bata na sabihin ang bawat ginagawa sa larawan. Pakulayan
ang mga ito. Ipabakat ang mga salita.

Gawain 2: Hayaan ang bata na pagsunodsunurin ang mga hakbang sa paglilinis ng


katawan. Ipasulat ang bilang na 1 para sa una, 2 para sa kasunod at 3 para sa panghuli.
Kapag hindi pa marunong ang bata na magsulat, gabayan siya.

29
Pangalan

Gawain 1
Panuto: Kulayan ang mga larawan. Bakatin ang mga salita.

30
Gawain 2
Panuto: Isulat ang bilang 1, 2, 3 sa kahon ayon sa pagkakasunodsunod ng mga
kaganapan.

A.

B.

31
32
Subukin A. Pagyamanin Gawain 2
Pagyamanin Gawain 3
Subukin B.
Pagyamanin Gawain 4
Isagawa Gawain 2
Pagyamanin Gawain 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

 Kindergarten Curriculum Guide

 Kindergarten Teacher’s Guide

33
PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong


SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-
aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 12.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

34

You might also like