You are on page 1of 1

PAHINA NG GAWAING PAGKATUTO

(Learning Activity Sheet)


Unang Markahan
I. PANGUNAHING IMPORMASYON:
Pangalan : ____________________________________________________ Iskor: _______________________
Baitang/Pangkat: ______________________________________________ Petsa:_______________________
_______________________________________________________________________________________
Pamagat ng Gawain: MGA SANHI NG PAGSISIMULA NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Target na Kasanayan: Nasusuri ang mga dahilan sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigidig.
Sanggunian: Cruz, Mark Alvin M. et al., Kasaysayan ng Daigdig, pp. 351-352
Blando, Rosemarie C. et al., Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan, pp. 450-452
(Author, Title, Pages)

II. TALANG HALAW NA KAISIPAN:


MGA SANHI SA PAGSISIMULA NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Ang Unang Digmaang Pandaigdig o World War I (1914-1918) ay nagsimula


noong ika-28 ng Hunyo 1914 ng mapaslang sina Archduke Franz Ferdinand, ang
crown prince ng imperyong Austria-Hungary at asawang si Sophie habang sila ay nasa
lungsod ng Sarajevo, Bosnia. Ngunit bago pa maganap ang insidenteng ito ay
mayroon ng malalim na mga dahilan sa pagsisimula ng World War I. Ito ang mga
sumusunod:
Una, imperyalismo. Ang imperyalismo ay ang pagkontrol ng makapangyarihang
bansa sa pulitika, ekonomiya at kultura ng isang mahina bansa. Ang pag-uunahan at
pagpaparamihan ng mga teritoryong masasakop na siyang pinagkukunan ng mga
yamang likas ang isa mga itinuturong dahilan sa pagsisimula ng WWI. Halimbawa na
lamang nito ay ang ginawang paghahati-hati ng mga kanluranin sa mga lupain ng
Africa.
Pangalawa, militarismo. Ang mga kanluranin ay nagpaparami ng mga armas na
nagresulta sa paghihinalaan ng mga bansa. Isang halimbawa nito ay ang ginawa ng
Germany na palawakin ang kanilang hukbong pandagat.
Ikatlo, nasyonalismo. Ang nasyonalismo ay ang pagmamahal sa bayan at
pagnanais na makamit ang kalayaan buhat sa mga mananakop. Halimbawa nito ay
ang pagnanais ng mga Serbs sa Bosnia na mapabilang sa Serbia.
Ika-apat, pagbuo ng mga Alyansa. Ang paghihinalaan, inggit at pangamba ang
nagtulak sa mga bansang kanluranin na pumasok sa mga lihim na kasunduan upang
mapangalagaan ang kanilang mga interes. Ang triple alliance at triple entente ang ilan
sa mga halimbawa ng mga alyansang ito.

III. GAWAIN: SUBUKAN MO!


Punan ng mga mahahalagang impormasyon ang mga pangungusap patungkol sa mga
sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.
1. Sina Archduke Franz Ferdinand at asawang si Sophie ay pinaslang noong
__________ habang sila ay nasa ___________.
2. Ano ang dahilan ng pagpasok ng mga bansang
kanluranin sa mga lihim na kasunduan?
Ano ang kanilang pinoprotektahan? Ipaliwanag.
3. Lumikha ng concept map na magpapakita ng mga
salik sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Bahagyang ipaliwanag ang bawat salik.

You might also like