You are on page 1of 2

Alamat ng Bahaghari (Version 2)

isinulat ni Kenneth Monterola


Sa simula pa lamang, mayroon ng pitong kulay dito sa mundo. Sila ay sina
Pula, Kahel, Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo at Lila.

Inatasan sila ni Bathala na magbigay ng kulay dito sa mundo ngunit sa


hindi inaasahang pagkakataon, hindi sila magkasundo-sundo. Sinabi ni
Bathala, na magtulong-tulong at magbigayan sa lahat ng oras sa isa’t-isa
ngunit hindi nila ito ginagawa. Patuloy silang hindi nagkakasundo sa iba’t
ibang bagay. Palagi silang nagkakaroon ng kumpitensya sa isa’t-isa lalo na
sa oras ng kanilang trabaho.

Sabi ni Luntian, “Ako ang pinakamaraming nagawa dito kaya nararapat


lamang na ako ang mabigyan ni Bathala ng gantimpala.”

Ngunit sumagot si Bughaw, “Anong sinasabi mo dyan na ikaw ang


maraming nagawa? Hindi hamak na mas marami ang ambag ko kaysa iyo.
Tingnan mo na lamang ang karagatan at ang kalangitan, at iyong makikita
ang aking pinaghirapan kung kaya ako ang nararapat na mabigyan na
sinasabi mong gantimpala.”

Ngunit hindi pa natapos ang alitan, bagkus ay lalo pa itong lumala dahil
nakisali sa usapan ang iba pang mga kulay. Nagpapagalingan sila ng
nagpapagalingan. Pasikatan ng pasikatan at walang nagpapatalo. Gusto
nilang lahat na mabigyan ng gantimpala, kaya lalong tumindi ang kanilang
kumpitensya. Nagkagulo sila dahil sa kanilang pagtatalo.

Narinig ni Bathala ang nangyayari, ang pagtatalo ng mga kulay. Dahil dito,
nagalit si Bathala. Pinarusahan sila nito.

Sinabi niya, “dahil hindi kayo magkasundo, paparusahan ko kayo ng ayon


sa inyong kagustuhan. Dahil palagi kayong magkakakumpitensya, gusto
kong malaman ninyo ang kahalagahan ng kooperasyon sa isa’t-isa. Ang
kahalagahan ng bawat isa sa inyo. Mula ngayon hanggang sa habang
buhay. Gagawin ko kayong isa upang nang sa gayon ay maramdaman
ninyo ang inyong kahalagahan at kagandahan ng bawat isa sa inyo.”

Kung kaya, pinagsama ni Bathala ang pitong kulay. Pinagdikit-dikit niya ang
mga ito. At dahil sa sobrang nagalit si Bathala kung kaya siya ay nahabag sa
pag-iyak. At nagtago ang mga kulay sa takot kay Bathala. Lumabas na
lamang sila pagkatapos umiyak ni Bathala. Ngunit laking gulat nila nang
sila’y lumabas ay dikit-dikit na sila. Hindi na nila mapaghiwalay ang
kanilang mga sarili kahit anong pilit nila. At nalaman nila na mula sa pito,
sila’y naging isa.

Sa pangyayaring iyon, sinasabing si Bathala na kanilang hari ay nahabag.

Kung kaya ngayon, ang habag na hari na pinagmulan ng mga ito ay sa


paglaoy naging bahaghari. Ang pitong kulay ay tinawag na bahaghari.

Mapupuna natin ngayon na ang bahaghari ay lumalabas na lamang


pagkatapos ng ulan na nangangahulugang pag-iyak ni Bathala. At makikita
natin dito ang pitong kulay na naging isa na hanggang sa ngayon ay
tinatatawag nating BAHAGHARI.

Buod ng Alamat ng Bahaghari (Version 2)

Noong araw ay magkakahiwalay ang pitong kulay sa bahaghari. Sila ay sina


Pula, Kahel, Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo at Lila.

Inatasan sila ni Bathala na magbigay kulay sa mundo ngunit hindi


sila magkasundo-sundo. Panay ang pagpapasikat nila at pakikipag-
kumpitensya sa isa’t isa.

Dahil napapadalas ang kanilang pagtatalo, nagalit sa kanila si Bathala.


Pinarusahan niya at pinagdikit-dikit ang mga ito. Dahil sa pangyayaring
iyon, sinasabing si Bathala na kanilang hari ay nahabag sa pag-iyak.

Ang habag na hari sa kaluna’y naging bahaghari. Ang pitong kulay na


ngayo’y magkakadikit ay tinawag na bahaghari.

Lumalabas lamang ang bahaghari sa tuwing makatapos ang pag-ulan na


ang sabi ay nangangahulugan ng pag-iyak ni Bathala. Iyan ang alamat ng
Bahaghari.

Aral

 Iwasan ang pagiging mainggitin at mapagmataas. Huwag gumawa ng


mga bagay na ikalulungkot ng Diyos.

You might also like