You are on page 1of 7

Aralin 9

Ako, Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon

Ikaw ba ay isang batang madaling matakot tuwing may kalamidad


o isang batang mahinahon kapag may nararanasang pagsubok o
paghihirap sa buhay?

Alamin Natin

Suriin ang ipinahahayag ng nasa larawan.

70
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang mensaheng ipinakikita sa larawan?
Sinasabi sa balita sa radyo na may paparating na malaks na
bagyo kaya dapat maghanda ang lahat.

2. Pansinin ang mga tauhan. Ano ang pagkakaiba-iba sa


reaksiyon nila nang marinig ang balita sa radyo?
Ang tatay ay kampante o mahinahon lamang dahil alam
niyang handa na lahat ng kailangan. Ang nanay ay takot at
hindi alam kung nakahanda na ang kanilang mga kailangan.
Ang batang babae ay natatakot din. mahinahon lang din ang
anak na lalaki.

3. Sino sa kanila ang nais mong tularan kung makararanas ka


ng ganitong pangyayari? Ipaliwanag.
Ang tatay dahil siya ay mahinahon at alam niyang handa na
ang mga kailngan nilang mag-anak.

4. Tukuyin ang ugaling ipinakita ng ama sa larawan. Tama ba


ang ipinakita ng ama? Bakit?
mahinahon at hindi siya nag-panic. Opo dahil kung magiging
kamapante ka hindi matatakot ang iyong pamilya dahil alam
nila na ikaw ay maaasahan at handa kayo ano man ang
mangyari.

70
Isagawa Natin

Gawain 1
Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito para maipakita ang
pagiging mahinahon. Ilahad ang iyong magiging damdamin.

1. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall.


Bigla ninyong naramdaman na yumayanig ang kapaligiran.
Mananatili kaming mahinahon at isipin ang napagaralan
kung ano sang dapat gawin kapag lumilindol.

2. Nagsusulat ka ng iyong takdang-aralin ng biglang inagaw ng


iyong kapatid ang iyong ginagamit na pangsulat.
Hindi ako maggagalit magiging mahinahon ako na kausapin
siya para ibalik ang aking panulat o di kaya hayaan ko na
lang sa kanya at kukuha na lang ako ng ibang panulat.

3. May mahalaga kang bagay na ibinabahagi o ikinukwento sa


iyong kamag-aral ng bigla ka niyang pinagtawanan.
Itatanong ko sa kanya ng maayos kung bakit niya ako
pinagtatawanan at kung may mali o nakakatawa ba sa aking
sinabi.

71
Isapuso Natin

Kaya mo na bang maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon?

Gumawa ng Self-Assessment Organizer. Punan ang bawat


kahon ng mga sagot batay sa iyong natutuhan. Gamitin ang mga
gabay. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Mga Gabay:
A. Isulat kung ano ang nalaman mo sa araling ito.
Nalaman ko sa araling ito na ang pagiging mahinahon ang pairalin
sa lahat ng pagkakataon para makaiwas sa panganib.

B. Isulat ang mga kaya mong gawin batay sa mga nalaman


mo.
Bago ako mag-react sa mga nangyayari pagiisipan ko muna
ito o paghahandaan ang mga bagay na dapat paghandaan.

C. Isulat ang mga sinisimulan mo nang gawin.


Kapag nalaman ko sa balita na may bagyong darating tinutulungan
ko ang aking mga magulang na ihanda ang dapat na ihanda sa
paparating na bagyo.
Kung may mga hindi kami pagkakaintindihan ng aking kapatid ako
ay nagiging mahinahon na hindi ko siya masaktan o lumala ang
away naming.
72
D. Isulat ang mga dapat mo pang gawin.
 Isarado ang mga bintana at iwasan ang lumabas kapag
nagsisimula na ang bagyo.
 Tanggalin ang mga saksak ng mga gamit na de-kuryente
kung hindi naman ito importante
 Umiwas na makipagsagutan o patulan ang kapatid

E. Isulat ang pagpapahalagang natutuhan mo sa araling ito.


Ang pagiging mahinahon ay mahalaga na ugaliin dahil malaking
bagay ito para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at lumala
ang isang di pagkakaintindihan at makakaiawas sa ano mang
sakuna na kaakibat ng isang pangyayari.

Tandaan Natin
Ang pagiging mahinahon ay ugaling dapat ipagmalaki. Ang
taong nagpapakita ng ganitong pag-uugali sa lahat ng
pagkakataon ay magiging masaya, maayos, at maunlad ang
buhay. Iniiwasan niyang gumawa ng mali. Nakangiti pa rin habang
siya’y kinakantiyawan o tinutukso. Palagi siyang nag-iisip ng
maganda tungkol sa kapuwa.
Ang pagiging mahinahon ay nagpapakita ng kabaitan,
pagpapatawad, hindi madaling magalit, o humusga. Masaya sa
katotohanan at hinaharap ang kinabukasan nang may katatagan
at katapangan. Hindi siya natataranta at nalilito. May pokus sa
kaniyang mga isasakatuparang desisyon. Ang kahinahunan ay
susi sa maunlad na kinabukasan. Ang taong mahinahon ay may
mapanuring pag-iisip sa pagtuklas ng katotohanan.

73

Isabuhay Natin
Magbigay ng dalawang karanasan na nagpatunay na ikaw ay
mahinahon kung may hinaharap na problema sa pamilya o
paaralan.

Ipaliwanag kung paano mo ito ginawa. Gamitin ang template sa


ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Karanasan Mga ginawa na nagpakita ng pagkamahinahon

1. Malimit na pag-ulan noong nakaraang buwan –


nanatililamang kami sa loob ng bahay at sinigurado na
handa ang lahat kung lumakas man ang pag-uulan
2. Hindi pagkakaintindihan naming magkapatid – iniiwasan ko
na lamang muna siya habang ako ay galit pa para hindi ko
siya masaktan or masabihan ng masakit.

Subukin Natin
Bigyan ng marka ang sarili. Lagyan ng tsek (✔) ang sagot na
nagpapatunay na isa kang mahinahong mag-aaral at ipaliwanag
ito. Gawin ito sa sulatang papel.
Palagi Madalas Minsan Hindi Paliwanag

1. Mahinahon ka ✔ Masama ang


ba kapag inaaway makipag-away
ka ng iyong ano man ang
kaklase? dahilan.

2. Nagagalit ka ba ✔ Siya ay
kapag pinagsasabihan
maingay ko ng maayos.
ang katabi mo?
3. Kung naitulak ka ✔ Tatanungin ko
habang siya kung bakit
bumibili siya nanulak,
ng pagkain, baka kasi hindi
pagsasalitaan naman niya
mo ba nang sinasadya.
masakit ang
may
kasalanan?

4. Magiging ✔ Hindi
mahinahon ka makakatulong
ba kung may kung ako ay
sunog malapit
magpapanic.
sa inyong
bahay?

5. Maayos kang ✔ Pagsasabihan


nakapila. ko ang sumingit
Biglang may na hindi
sumingit, maganda ang
sisimangot ka kanyang
ba? ginawa.

Ngayon na marami ka nang natutuhan o nalaman hinggil sa


pagiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon, magiging gabay mo
ito para sa magandang hinaharap.
Binabati kita. Handa ka ng mag-aral ng susunod na aralin.

75

You might also like