You are on page 1of 4

CORONILLA NG BATANG HESUS

Banal na Batang Hesus, sinasamba ko ang Iyong Krus at isinusuko ko ang aking sarili sa Iyong
Banal na Kalooban.

+ Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espirito Santo. Amen +

Kaibig-ibig na Trinidad, inaalay namin sa Iyo ang lahat ng pagsamba ng Puso ng Banal na
Batang Hesus.

At ang Verbo ay nagkatawang tao.


At nakipamayan sa atin.

Ama Namin...

Kabanal-banalang Trinidad, inaalay namin sa Iyo ang ginawa Mo sa kaluluwa ng Mahal na


Birhen sa sandali ng Pagkakatawang-tao.

At ang Verbo ay nagkatwang tao.


At nakipamayan sa atin.

Ama Namin...

Kaibig-ibig na Trinidad, pinasasalamatan Ka namin dahil sa mga biyayang ipinagkaloob mo kay


San Jose, alang-alang kina Hesus at Maria.

At ang Verbo ay nagkatawang tao.


At nakipamayan sa atin.

Ama Namin...

Ang Labindalawang Misteryo ng Banal na Pagkabata ni Hesus

1. Ang Pagkakatawang-Tao ng ating Panginoon

Banal na Batang Hesus, sinasamba Ka namin sa sandali ng Iyong pagkakatawang tao.

At ang Verbo ay nagkatawang tao.


At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria...

2. Ang pananatili Niya sinapupunan ng Banal Niyang Ina

Kaibig-ibig na Bata, sinasamba Ka namin sa siyam na buwan Mo sa sinapupunan ni Maria.


At ang Verbo ay nagkatawang tao.
At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria...

3. Ang Kapanganakan Niya

Banal na Bata, sinasamba Ka namin sa panganganak sa Iyo sa isang silungan ng hayop.

At ang Verbo ay nagkatawang tao.


At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria...

4. Ang Pagstahan Niya sa silungan ng hayop

Kagiliw-giliw na Bata, mahalagang Kayaman ng Langit at lupa, sinasamba Ka namin sa


sabsaban sa kasamahan ng mga Angel at mga Pastol ng Betlehem.

At ang Verbo ay nagkatawang tao.


At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria...

5. Ang Pagtutuli sa Kaniya

Diyos ng Pag-ibig, na Siyang kabanalan mismo, sinasamba Ka namin nang tanggapin Mo ang
tanda ng Tipan sa Iyong pagtutuli. Gawin Mong matulad ang puso namin sa Iyo.

At ang Verbo ay nagkatawang tao.


At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria...

6. Ang paghahain sa Kaniya sa Templo

Kaibig-ibig na Bata, ialay Mo kami sa Diyos na Iyong Ama kasama Mo, nang kami ay ganap na
maibigay sa Pag-ibig.

At ang Verbo ay nagkatawang tao.


At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria...

7. Ang Pagpapakita Niya


Banal na Batang Hesus, naninikluhod kami sa Iyong Banal na mga paa sa kasamahan ng mga
Mago. Maging Ikaw lamang ang Hari ng aming mga puso magpakailanman.

At ang Verbo ay nagkatawang tao.


At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria...

8. Ang pagtakas Niya patungong Ehipto

Banal na Bata, na bilang Diyos na Makapangyarihan, ay tumakas mula kay Haring Herodes,
patakasin Mo kami, higit sa kamatayan, mula sa anino ng kasalanan.

At ang Verbo ay nagkatawang tao.


At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria...

9. Ang pagbabalik Niya mula sa Ehipto

Pinakamakapangyarihang Bata, ilayo Mo kami sa espirito ng mundo at gawin Mong tumubo sa


amin ang pananabik para sa Langit.

At ang Verbo ay nagkatawang tao.


At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria...

10. Ang Tagong Buhay Niya sa Nazaret

Pinakamamahal na Bata, gawin mong ibigin namin ang tago at payak na buhay, at ipadama Mo
sa amin ang kasiyahan sa kaalaman na kami ay iniibig ng Banal na Pamilya.

At ang Verbo ay nagkatawang tao.


At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria...

11. Ang paglalakbay Niya kasama nina Maria at Jose

Banal na Batang Hesus, pakabanalin Mo ang lahat ng aming mga hakbang. Dahil Ikaw lamang
ang aming Kayamanan, nawa’y lagi ka naming hanapin sa aming mga Simbahan, upang
dumalangin at sumamba sa Iyo, Ikaw na aming tagapagligtas at Diyos.
At ang Verbo ay nagkatawang tao.
At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria...

12. Ang pananatili Niya sa Templo sa kasamahan ng mga guro

Kamangha-manghang Batang Hesus, na ang lahat ng Yaman ng karunungan at kaalaman ay


Sumasaiyo. Halina at manahan Ka sa aming mga puso. Maging Guro ka nawa namin, ituro Mo
sa amin ang Iyong Kalooban at ibigay Mo sa amin ang biyaya na masunod ito nang tapat at may
kagalakan.

At ang Verbo ay nagkatawang tao.


At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria...

Panalangin

Batang Hesus, lumalapit ako sa Iyo,


Batang Hesus, tingnan Mo ako,
Batang Hesus, pakinggan Mo ako,
Batang Hesus, nanalig ako sa Iyo.

Gawin mong maamo at mapagkumbaba ang aking Puso tulad ng sa Iyo,


Malinis at walang sala tulad ng sa Iyo,
Masunurin at nagtitiwala tulad ng sa Iyo,
Mapagbigay at mapagpasensya tulad ng sa Iyo,

Ikalag Mo ako sa lahat ng nagpapalayo sa akin sa Iyo


At ilapit mo ako nang buo sa Iyo.
Nawa’y mamuhay ako gaya sa Iyo at para sa Iyo,
Sa kapayakan at pagtitiyaga,
Sa mga ginhawa at paghihirap sa buhay na ito,
Nang mamuhay sa Iyong Kaluwalhatian sa Langit kasama Mo.
O Hesus, maging Hari Ka ng aming mga puso at aming Tagapagligtas,
Ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen

You might also like