You are on page 1of 18

Mga nilalaman

Ang Plano sa pag-aayuno . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3

Day 01: Magsimula muli . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4

Day 02: Sagipin ang sarili sa sarili . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7

Day 03: Lakas na nagbibigay Tagumpay . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10

Day 04: Limutin ang dapat limutin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13

Day 05: Saan ka patungo? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15

2|P a g e T H E B R E A K T H R O U G H C O M M U N I T Y C H U R C H
2 0 2 2 P R A Y E R , F A S T I N G , A N D C O N S E C R A T I O N

Day 01 – Mga Pagpipilian (Jan 10 – Monday)

 Tubig lamang
 Sabaw at inumin lang
 Ang kakainin lamang ay:
 Agahan lang  Tanghalian Lang  Hapunan lang
 Iba pa _______________________________________________________

Day 02 – Mga Pagpipilian (Jan 11 – Tuesday)

 Tubig lamang
 Sabaw at inumin lang
 Ang kakainin lamang ay:
 Agahan lang  Tanghalian Lang  Hapunan lang
 Iba pa _______________________________________________________

Day 03 – Mga Pagpipilian (Jan 12 – Wednesday)

 Tubig lamang
 Sabaw at inumin lang
 Ang kakainin lamang ay:
 Agahan lang  Tanghalian Lang  Hapunan lang
 Iba pa _______________________________________________________

Day 04 – Mga Pagpipilian (Jan 13 – Thursday)

 Tubig lamang
 Sabaw at inumin lang
 Ang kakainin lamang ay:
 Agahan lang  Tanghalian Lang  Hapunan lang
 Iba pa _______________________________________________________

Day 05 – Mga Pagpipilian (Jan 14 – Friday)

 Tubig lamang
 Sabaw at inumin lang
 Ang kakainin lamang ay:
 Agahan lang  Tanghalian Lang  Hapunan lang
 Iba pa _______________________________________________________

P U R S U E G O D | P S A L M 2 4 3|P a g e
January 10, 2022, Lunes
Magsimula muli
Basahin: 2 Hari 17;1-9, 12-14, 32-33; 2 Hari 18:5-6; Kawikaan 11:28; Awit 37:25

Reflect:
Ang pagsunod kay Hesus ay nakapaloob sa limang kaparaanan:
ang kilalanin si Hesus, ang mahalin si Hesus, ang paglingkuran si
Hesus, ang manatiling malapit kay Hesus, at maging kawangis ni
Hesus. Ang mga kaparaanan ito ay laging nahaharap sa mga
hamon mula sa ating mga sarili at sa ating kapaligiran.
Tulad ng karanasan ng Israel sa pangununa ni haring Oseas, sila
ay nalihis mula sa kanilang pagsunod at pagsamba sa Diyos dahil
sa mga kasalanan na pinili nilang gawin at ang pinaka-ugat ng
lahat ng ito ay ang pagkakaroon nila ng parehas na pag-ibig sa
Diyos at sa diyus-diyusan. Nalagay sa kompromiso ang kanilang
pananampalataya--habang sila ay sumasamba sa Diyos, tuloy
pa rin ang kanilang pagsamba sa mga diyus-diyusan (v.32-33).
Ang tawag dito sa wikang ingles ay ang pagkakaroon ng double
life.
Ang pagkakaroon ng double life ay nagsisimula sa isang
kompromisong pananampalataya sa halip na sagradong
pamumuhay (consecrated life). Ang ganitong uri ng
pananampalataya ang siyang pinakadahilan kung bakit ang
ating mga panalangin ay hindi dinidinig ng Diyos; kung bakit
hindi natin masumpungan ang uri ng buhay na ipinangako ni
Hesus (Juan 10:10b); kung bakit hindi natin nararating na maging
kawangis ni Hesus; kung bakit paulit-ulit ang ating mga kabiguan

4|P a g e T H E B R E A K T H R O U G H C O M M U N I T Y C H U R C H
2 0 2 2 P R A Y E R , F A S T I N G , A N D C O N S E C R A T I O N

at ang kawalan ng tunay na kagalakan at kapayapaan; kung

bakit walang paglago at walang nagiging impluwensiya ang
ating mga buhay upang makaakay ng mga kaluluwa sa
Panginoon.
Ang susi sa pagkakaroon ng isang matagumpay na
pananampalataya (malaya sa pagkukunwari at tunay na
deboto sa tunay na Diyos) ay nagsisimula sa Diyos at sa ating
mga sarili. Hindi tulad ni haring Oseas, si haring Ezequias ay
nanatiling tapat sa Diyos, naging masunurin kung kaya’t siya’y
pinagtagumpay ng Diyos sa lahat ng kanyang mga naging
gawain. Ito ang isang bagay na hindi dapat nagbabago sa
ating mga buhay—ang maging isang tapat na tagasunod ni
Hesus anuman ang nangyayari sa ating buhay at maging sa
ating kapaligiran.
Ang lahat ng bagay sa mundo ay walang katiyakan subalit
maaari natin piliin ang mga bagay na hindi nagbabago at tunay
na may katiyakan—ang pagkakaroon natin ng isang matibay na
relasyon sa Diyos, ang mga pangako at pangunguna ng Diyos,
ang kanyang pag-ibig, layunin, at naisin para sa atin. Sa
pamamagitan ng mga ito, tiyak na hindi tayo matatakot at
matitinag anuman ang mangyari.
Sa pagharap natin sa taon 2022, tayo ay maaaring magsimula
muli. At kung tayo ay haharap sa presensiya ng Diyos ng may
pagsisisi, maaari tayong makabalik sa pagkakaroon ng iisang
pag-ibig na para lamang kay Hesus—ang siyang tunay na
katagumpayan na dapat natin nilalakaran habang tayo ay
nabubuhay.

Pagsisiyasat sa sarili:
P U R S U E G O D | P S A L M 2 4 5|P a g e
Ano ang isang sanhi ng pagkakaroon mo ng double life at ano
ang isang hakbang na maaari mong gawin upang ito ay iyong
mapagtagumpayan?__________________________________________
________________________________________________________________

Paano mo pinaniniwalaan na ang dapat natin unahin higit sa
lahat ay ang isang malinis na pamumuhay at tapat na
pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pasimula at sa buong taon ng
2022? Ano sa tingin mo ang idudulot nito sa iyong buhay?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

PERSONAL APPLICATION:
Isulat ang isang hadlang sa pagkakaroon mo ng tunay na
kaugnayan sa Diyos at ang mga hakbang upang ito ay iyong
mapagtagumpayan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

6|P a g e T H E B R E A K T H R O U G H C O M M U N I T Y C H U R C H
2 0 2 2 P R A Y E R , F A S T I N G , A N D C O N S E C R A T I O N

January 11, 2022, Martes

Sagipin ang sarili sa sarili
Basahin: 1 SAMUEL 27:1-12, 1 SAMUEL 21:10-15, AWIT 37:15-19,22

Bago maging ganap na hari si David, kinailangan niyang

magtago sa matagal na panahon mula sa banta ni haring Saul
laban sa kanyang buhay. Sa isang pagkakataon, nagpasya si
David na makipag-alyansa sa mga Filisteo at ginamit niya ito
bilang proteksiyon sa pagtugis sa kanya ni haring Saul. Bagamat
siya ay nagtagumpay sa kanyang hangarin (1 Sam.27:4),
makikita natin ang naging pagkukulang ni David sa ginawa
niyang hakbang na ito—ang kawalan ng pagpapasakop sa nais
ng Diyos para sa kanyang buhay.

Ang 1 and 2 Samuel ay puno ng mga kuwento na kung saan

laging may pagsangguni si David sa Diyos bago siya magpasya
sa isang gawain. Subalit ang pagsangguning ito sa Diyos ay hindi
nangyari nang siya ay makipag-isa sa mga Filisteo na kilala bilang
mortal na kawaay ng mga Israelita. Ang hakbang na ito ay isang
pagsisiwalat na si David ay napangunahan ng kanyang takot at
iniligay niya sa kanyang mga kamay ang pagliligtas ng kanyang
buhay. Tila nalimutan na ni David ang katapatan ng Diyos nang
siya ay iligtas ng Diyos sa unang pagkakataon na nakaharap
niya ang mga Filisteo at nagkaroon siya ng karunungan na
magpanggap na isang baliw.

Ang Awit 37 ay naisulat ni David matapos na siya ay maligtas

mula sa panganib ng kamatayan sa kamay ng mga Filisteo.

P U R S U E G O D | P S A L M 2 4 7|P a g e
Makikita natin ang kwentong ito sa 1 Samuel 21:10-15. Matapos
ang pangyayaring ito, nakalikha ng isang awit si David na
nagpapahayag ng mga katotohanan kung sino ang Diyos—
tumutugon sa mga dalangin ng mga matutuwid (t.15,17), hindi
iniiwan at tinutulungan at binibigyan ng pag-asa ang mga
nagdurusa (t. 18), at laging tumatayo bilang tagapagligtas ng
mga taong nalalagay sa panganib (t.22). Ilan lamang ang mga
ito mula sa naging pagkakilala ni David sa Diyos, subalit ang
lahat ng ito ay tila kanyang nalimutan nang gumawa siya ng
mga sariling hakbang upang makatakas sa banta ni haring Saul.

Nais ng Diyos na sa bawat sitwasyon ng ating mga buhay, Siya

ang dapat natin unang nilalapitan upang sumanggani, hingin
ang karunungan, at idulog ang lahat ng ating pangangailangan
sa diwa na Siya ay tapat, marunong sa lahat, mahabagin, at
nagmamahal sa atin. Ang hindi paglapit sa Diyos sa anumang
sitwasyon ay kawalan ng pananampalataya sa Diyos. Kung
kaya’t sa mga panahon na hindi natin alam ang dapat natin
gawin, alam dapat natin kung saan tayo lalapit—sa Diyos higit sa
lahat.

Ang magliligtas sa atin sa lahat ng hamon ng buhay ay walang

iba kundi ang Diyos at hindi ang ating mga sarili. Ang pagliligtas
mula sa ating mga sariling karunungan at kalakasan ang siyang
pinaka-mainam natin gawin sa lahat ng pagkakataon.
Mangyayari lamang ito kung patuloy tayong lalapit at
magpapakumbaba sa Diyos.

8|P a g e T H E B R E A K T H R O U G H C O M M U N I T Y C H U R C H
2 0 2 2 P R A Y E R , F A S T I N G , A N D C O N S E C R A T I O N

Pagsisiyasat sa sarili:
Sa nagdaang taon, ano ang isang bagay na ginawa mo nang
walang pagsangguni sa Diyos? Ano ang naging bunga nito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
PERSONAL APPLICATION:
Mula sa Awit 34 (maaari mong basahin ang kabuuan), ano ang
isang pangungusap ng Diyos na nais mong panghawakan bilang
gabay sa mga pinaplano mong gawin at mithiin para sa taong
2022?__________________________________________________________

P U R S U E G O D | P S A L M 2 4 9|P a g e
January 12, 2022, Miyerkules
LAKAS na nagbibigay ng tagumpay
Basahin: LUCAS 4:1-15, 22-24, 28-30, 5:21, 6:2, 12; 1 JUAN 2:15-16, 4:4

Hindi ipinangako ng Diyos na kapag tayo’y naging tagasunod ni

Cristo, hindi na tayo daranas ng mga pagsubok sa buhay. Ang
katotohanan, haharap at daraan tayo sa mga pagsubok subalit
naroon din ang katiyakan na sasamahan tayo ng Diyos na sa
kanyang biyaya, tayo’y maaaring magtagumpay. Ang mga
pagsubok ay may iba’t-ibang mukha tulad ng karamdaman,
kakapusan sa pananalapi, at marami pang iba na may
kinalaman sa ating mga sarili. Subalit bilang mga tagasunod ni
Cristo, hindi natin dapat isaisantabi ang isang uri ng pagsubok na
maaaring makaapekto sa ating buhay pananampalataya at sa
pagkakaroon natin ng isang matuwid na pamumuhay.

May dalawang uri ng pagsubok ang nararapat natin bigyan ng

pansin pagdating sa ating pagiging taga-sunod ni Cristo: ang
pagsubok sa ating mga sarili at ang pagsubok na dulot ng
nangyayari sa kapaligiran.

Mula sa mga tukso na inihain ni Satanas laban kay Hesus,

kinailangan ng Panginoon ang ibayong lakas upang pigilan niya
ang kanyang sarili at hindi mahulog sa mga ito. Ang mga tuksong
ito ay may kinalaman sa kahalayan (hunger for bread—lust of the
flesh), kayamanan (kingdoms of the world—lust of the eyes), at
kapangyarihan (putting God to test*—pride of life). Madalas ang
mga ito rin ang nagiging dahilan ng paglayo natin sa Diyos at

10 | P a g e T H E B R E A K T H R O U G H C O M M U N I T Y C H U R C H
2 0 2 2 P R A Y E R , F A S T I N G , A N D C O N S E C R A T I O N

labis na nakakasira ng ating relasyon sa kanya kung tayo ay

mahuhulog kahit isa lang sa mga ito.

Ang mga pagsubok ni Hesus ay hindi natapos sa kanyang

pakikipag-tuos laban kay Satanas. Naroon din ang mga
pangungutya at panggigiit ng mga relihiyosong tao sa gitna ng
kanyang paglilingkod o ministry. Maaari natin ihalintulad ang
mga ito sa pressure na nasa paligid natin. Tulad ng nangyayari sa
buong mundo, ang sakit na COVID-19 ay tila hindi pa natatapos.
Dahil dito, nagdudulot ito ng pagbagsak ng ating ekonomiya at
pagkakasakit na minsan ay nauuwi sa kamatayan. Sa kabila ng
mga lunas na natutuklusan ng agham, hindi pa rin ito nagbibigay
ng lubos na katiyakan na magiging maayos ang lahat maging sa
panibagong taon na ating haharapin.

Ano ang naging susi ng Panginoong Hesus upang

mapagtagumpayan niya ang lahat ng ito? Sa tatlong
pagkakataon, ipinakita sa atin ng Biblia kung ano ang susi sa
pagkakaroon niya ng katagumpayan sa lahat ng mga tukso at
pagsubok: ang kapuspusan ng Banal na Espiritu (Lucas 4:1), ang
pagkaalam sa Salita ng Diyos (Lucas 4:4,8,12), at ang patuloy na
pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin
(Lucas 6:12). Ang tatlong susi na ito ang tanging
makapagbibigay ng katagumpayan sa atin upang tulad ng
Panginoong Hesus, ay ating mapagtagumpayan ang mga tukso
at pagsubok sa ating mga buhay. Tunay na ang katiyakan na
hatid ng Salita ng Diyos, ang kapangyarihan at lakas na hatid ng
Banal na Espiritu, at ang pagkakaroon ng isang malapit na
ugnayan sa Diyos ang siyang magbibigay ng lakas sa atin upang
mapasaatin ang tunay na tagumpay—ang manatiling matuwid
at matatag sa presensiya ng Diyos.

P U R S U E G O D | P S A L M 2 4 11 | P a g e
Pagsisiyasat sa sarili:
Ang tatlong uri ng tukso na binanggit sa Lucas 4 at 1 Juan 2 ay
kabaligtaran ng dapat na inaasahan na makita sa atin bilang
mga tagasunod ni Cristo: ang payak na pamumuhay (simple
living), ang malinis na pamumuhay (purity), at ang
pagkakaroon ng mababang kalooban (humility). Alin sa
tatlong ito ang madalas mong nagiging struggle? ____________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Paano mo magkakaroon ng bisa ang kapangyarihan ng Salita
ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos sa iyong buhay? Ano ang
nararapat mong gawin?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

PERSONAL APPLICATION:
Disiplinahin ang sarili at sadyain ang pananalangin at
pagbabasa ng Bible sa oras na iyong ilalaan araw-araw.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

*pinapagawa sa Diyos ang isang bagay na hindi ayon sa

kalooban ng Diyos--isang uri ng pagmamataas at kawalan ng
pagpapasakop sa nais ng Diyos sapagkat ang kagustuhan ng
ating mga sarili ang siyang nais natin masunod.

12 | P a g e T H E B R E A K T H R O U G H C O M M U N I T Y C H U R C H
2 0 2 2 P R A Y E R , F A S T I N G , A N D C O N S E C R A T I O N

January 13, 2021, Huwebes

LIMUTIN ANG DAPAT LIMUTIN
Basahin: FILIPOS 3:13-14, ISAIAS 43:18-19, EZEKIEL 39:26

Ayon sa Salita ng Diyos, may tatlong bagay na dapat natin

limutin sa pag-usad natin sa panibagong taon:

LIMUTIN ANG MGA NAKARAAN (Filipos 3:13-14). Ayon kay Apostol

Pablo mula sa Filipos, dapat natin limutin ang nakaraan at sikapin
na marating ang layunin na makilala ng lubusan ang
Panginoong HesuCristo. Ano ba ang pinatutungkulan na dapat
natin limutin mula sa panulat ni Apostol Pablo? Batay sa kabuuan
ng Filipos 3, ang mga bagay na dapat limutin ay ang mga
narating niya bilang isang edukado at relihiyosong tao (t.4-6).
Ang mga achievements na ito ay walang halaga kumpara sa
pagkakaroon ng isang matibay at malalim na relasyon at
pagkakilala kay Hesus. Ito ang dapat na binibigyan natin ng
pagpapahalaga higit sa anumang bagay o layunin sa ating mga
buhay.

LIMUTIN ANG MGA NANGYARI NOON (Isaias 43:18-19). Ang Isaias

43 ay tungkol sa pagtawid ng mga Israelita sa Dagat na Pula
habang sila ay hinahabol ng mga sundalo ng Egipcio. Ang
himalang ito ang siyang sinasabi na dapat ng limutin sapagkat
may mga bagong pagkilos at bagong kaparaanan na gagawin
ang Diyos pagdating ng panibagong araw. Ang Diyos ay hindi
nagbabago subalit maging ang kanyang kapangyarihan subalit
nilalayon lagi ng Diyos na ipamalas ito sa pamamagitan ng mga
bagong karanasan at kaparaanan.

P U R S U E G O D | P S A L M 2 4 13 | P a g e
LIMUTIN ANG MGA KAHIHIYAN NA SINAPIT (Ezekiel 39:26). Ang
Diyos ay Diyos ng panibagong simula at panibagong
pagkakataon. Sa bawat kahihiyan na ating sinasapit dulot ng
kasalanan na nagawa natin, ninanais ng Diyos na maging
malaya tayo dito mula sa ating tunay na pagsisisi. Ang kahihiyan
ay madalas na nagiging hadlang upang mawala ang
kumpiyansa natin bilang mga anak ng Diyos at nagiging dahilan
ito ng paglayo natin sa kanya. Subalit ang Diyos ay
mapagpatawad, manunubos, at mahabagin. Hindi niya
kailanman binibilang ang ating mga pagkakamali. Ang
katotohanan, sa tuwing tayo ay nagsisisi, binubura niya maging
ang mga nagawang kasalanan upang tayo ay makapagsimula
muli.

Pagsisiyasat sa sarili:
Ano ang dapat mong limutin sa pag-usad at pagharap mo sa
bagong taon? _________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Ano ang mga dapat mong pahalagahan na may kinalaman sa

iyong relasyon sa Diyos na hindi mo nagbiyan ng pansin noong
2021? _________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

PERSONAL APPLICATION:
Kumpletuhin ang pangungusap: Sa taong 2022, lilimutin ko ang
_________________ at haharap ako sa panibagong taon ng may
__________________________________ upang marating ko ang aking
mithiin ayon sa kalooban ng Diyos.

14 | P a g e T H E B R E A K T H R O U G H C O M M U N I T Y C H U R C H
2 0 2 2 P R A Y E R , F A S T I N G , A N D C O N S E C R A T I O N

January 14, 2021, Byernes

Saan ka patungo?
Basahin: GENESIS 16:1-13, AWIT 121

Tulad ng tanong ng anghel ni Yahweh kay Hagar, ito rin ang

nais itanong ng Diyos sa atin ngayon—“saan ka nanggaling at
saan ka papunta?” Tayong lahat ay may pinanggalingan na
sitwasyon mula sa taong 2021 at tiyak na may mga ninanais
tayong magandang mangyayari sa 2022. Subalit hindi natin
mararating ang ating mga minimithi maliban na samahan
tayo ng Diyos at marinig ang kanyang tinig.
Tulad ni Hagar, nagkaroon ito ng tiyak na direksiyon nang
marinig niya ang tinig ng Diyos at nang kanyang makita ang
pagsama ng Diyos sa kabila ng kanyang sinapit. Sa
pangyayaring ito, masusumpungan natin ang tatlong
katangian ng Diyos na magdudulot sa atin ng isang matibay
na pananampalataya:
Nangungusap ang Diyos upang siya’y ating kausapin. Ang
pagkausap ng Diyos ay isang indikasyon na nais niyang
magkaroon ng isang malapit na ugnayan sa atin. Ang
pagtugon natin sa pangungusap ng Diyos ay hindi lamang sa
salita kundi sa bawat pagsasapamuhay ng kanyang sinasabi.
Sa ganitong paraan, ipinapakita natin na pinaniniwalaan
natin ang sinasabi sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng
kanyang Salita na ating pinagbubulay-bulayan, pinag-
aaralan, at naririnig mula sa mga preachings.

P U R S U E G O D | P S A L M 2 4 15 | P a g e
Nakatingin ang Diyos sa atin upang siya’y may gawin. Sa
tuwing tayo ay dumaranas ng mga pagsubok sa buhay,
madalas na tanong natin ay “nasaan ang Diyos?” Ang Diyos
ay palaging nasa kanyang trono na nagmamatyag sa atin.
Ang pagmamatyag na ito ay hindi isang panunuod lamang
kundi naroon ang pagkilos ng Diyos at abutin tayo mula sa
ating mga kalagayan. Tulad ng isang lifeguard,
nagmamatyag ito upang sagipin ang sinomang nalulunod;
hindi ito maaaring walang gawin. Ang Diyos kailanman ay
hindi tayo kayang tiisin; kumikilos ang Diyos sa lahat ng
pagkakataon at hindi niya ipinagwawalang bahala ang mga
kalagayan natin. Siya ay puno ng habag at biyaya sa ating
mga buhay. Anuman ang nakikita niyang kalagayan natin,
naroon palagi ang pagkilos niya para sa atin.
Nangungusap ang Diyos upang siya’y ating sundin. Hindi
lamang mga pangako ng Diyos ang dapat natin
panampalatayanan kundi maging ang mga nais niyang
ipagawa sa atin. Nang si Hagar ay kausapin ng Diyos, ang
unang iniutos sa kanya ay bumalik at muling magpasakop kay
Sarah. Maaaring mahirap itong gawin para kay Hagar subalit
ito rin ang susi upang kanyang maranasan ang mga
ipinangako ng Diyos para sa kanya. Ang pagsunod sa Diyos
ang susi upang patuloy natin makamtan ang kanyang mga
pangako.
Sa taong 2022, patuloy natin sikapin na marinig ang tinig ng
Diyos at sa ating pagdinig, tiyakin natin sa ating puso na ang
Diyos kailanama’y hindi malayo sa atin. Siya ay higit na mas
malapit kaysa sa ating inakala o naiisip. At kailangan natin
siyang sundin.
16 | P a g e T H E B R E A K T H R O U G H C O M M U N I T Y C H U R C H
2 0 2 2 P R A Y E R , F A S T I N G , A N D C O N S E C R A T I O N

Pagsisiyasat sa sarili:
May dalawang tinig ang nagtatalo sa ating isip: ang tinig ng
Diyos at ang tinig na sumisira ng ating pananampalataya at
sarili (ex. tinig ng takot, insecurity, anxiety, bitterness,
unforgiveness, loneliness, lust, false accusations, etc.). Ano ang
madalas mong pinakikinggan at ano ang idinudulot nito sa
iyo? _____________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Paano mo mas mapakikinggan ang tinig ng Diyos? Ano ang
kailangan mong gawin? ____________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
PERSONAL APPLICATION:
Ano ang isang bagay na pinapagawa ng Diyos sa iyo subalit
hindi mo ito makuhang gawin dahil pinangungunahan ka ng
iyong sariling laman o kalooban? __________________________
__________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________
Ano ang mga hakbang na dapat mong gawin upang
masunod ang nais ng Diyos? _______________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

P U R S U E G O D | P S A L M 2 4 17 | P a g e
18 | P a g e T H E B R E A K T H R O U G H C O M M U N I T Y C H U R C H

You might also like