You are on page 1of 5

REPORTER NO.

13 (RAMOS)

ANG FILIPINO SA KOMUNIKASYONG ONLINE

KOMUNIKASYONG ONLINE
Kaugnay ng online communication o komunikasyong nagaganap sa internet ang computer-
mediated communication (CMC) ay isang larangan na pinag-aaralan ng maraming
mananaliksik sa kasalukuyan. Dahil sa mabilis at dinamikong pagbabagong nagaganap sa
komunikasyong online, naging malawak at masalimuot ito nangangailangan ng pananaliksik sa
maraming aspekto.
Ayon kay Herring (1996), isa sa mga naunang nagsagawa ng mga pananaliksik sa larangang
ito, ang CMC ay kumunikasyong nagaganap sa pagitan ng tao at kompyuter. Inaalam ditto kung
paanong nagbabago (kung nagbabago nga) ang ugali ng tao sa pakikipagtalastasan gamit ang
kompyuter bilang midyum at internet. Naniniwala sina.
Wood at Smith (2005, 40) na maraming pagkakaiba sa paraan ng komunikasyon ng tao sa
CMC dahil sa kakaibang katangian ng sistemang ito. Kung tutuusin, tao pa rin naman ang target
ng komunikasyon, dumadaan nga lamang ito sa teknolohiya ng kompyuter at internet na siyang
paktor ng mga pagbabago. Ang mga aparatong kabilang sa kompyuter tulad ng monitor,
mouse, keyboard, at iba pa, at ang Sistema at kalikasan ng internet ang siyang bumubuo ng
CMC o komnet.
Ang konsepto ng komunikasyon na paghahatid at pagtanggap ng mensahe ay taglay ng
komnet. Samantala, tumutukoy si SHEIZAF RAFAELI sa kanilang dialogue ni Newhagen (1996)
sa Journal of Computer-Mediated Communication na may pamagat na “Why
Communication Researchers Should Study the Internet: A Dialogue” ng limang katangiang
taglay ng komnet na natatangi sa ibang anyo ng komunikasyon. Una ay ang packet-
switching. May kinalamata ito sa teknikalidad ng pagsasalin ng mga data (packet) sa
network, ang proseso kung paanong ang datos mula sa isang kompyuter ay naisasalin sa iba
pang kompyuter na nakakabit sa internet.

Pangalawa ay multimedia. Ang pagsasama-sama ng teksto, larawan, tunog at video ay


isang litaw na katangian ng komnet. Sa teknolohiya ng kompyuter at internet, maaaring
makabuo ng mensaheng kalakip ang lahat ng ito. Dahil dito, lalong lumilinaw ang impormasyon
sa pamamagitan ng halimbawang audio-visual. Kakaiba at nakakaaliw ang ganitong paraan ng
komunikasyon.

Ikatlo ay ang interactivity. Hindi dalawa o maliit na grupo lamang ang nasasakop ng
koment, Posible sa ganitong uri ng komunikasyon ang interaksyon ng napakalaking grupo ng
tao. Bukod pa sa nasasakop nito ang malaking grupo, ang distansya o lugar ng nagpapalitan ng
mensahe ay hindi alalahanin.
Ikaapat ay ang synchronicity o may kinalaman sa panahon. Nilalampasan ng komnet
hindi lamang ang agwat o distansya kundi maging ang panahon o oras. Maaaring
maganap nang sabay ang komunikasyon sa magkahiwalay na panig, maaari rin
namang may nakapagitang panahon. Sa sabay na interaksyon, ang tagal ng patlang ay
naghuhudyat ng iba’t ibang kahulugang kaiba sa kahulugang ibinabadya ng harapang
pag-uusap. Sa harapang pag-uusap, madaling matutukoy ang dahilan ng patlang ng
salita ngunit sa komnet ay nagpapahiwatig ito ng Maraming kahulugang mahirap malaman
kaagad tulad ng abala ang kausap o may ibang kausap, hindi interesado, wala ang kausap,
problemang teknikal, at iba pa. Anu’t anuman, mahirap magkaroon ng reaksyon sapagkat hindi
sigurado sa dahilan. Samantala, sa interaksyong may nakapagitang panahon o hindi sabay ay
may ibang katangian. Minsan ay may mga tanong o paksang pinag-uusapan sa komnet na kahit
taon na ang itinatagal ay patuloy pa ring nabubuhay na tila ba kasalukuyan pa ring pinag-
uusapan tulad ng mga nagaganap sa porum o thread ng isang newsgroup.
At ang ikalima ay hypertextuality. Ang pagbabasa ng mga teksto sa karaniwang babasahin ay
tinatawag na linear na pagbasa (Wood at Smith 2005, 43). Ito ay ang pagbabasa ng teksto
sang-ayon sa kung ano ang anyong nakikita ng mata. Sa komnet, multilinear na tinatawag ang
pagbabasa sapagkat walang tiyak na daloy ng mga teksto ang sinusunod ng bumabasa.
Maaaring basahin ang teksto kung saan ibig simulant ang pagbabasa. Bukod pa rito, maaari rin
sa komnet ang mga tekstong nakapaloob sa teksto na ikinakabit sa pamamagitan ng tinatawag
na link kung ibig sa itong basahin. Sa pisikal na katangian, ito yaong maaaring pindutin kapag
itinutok ang cursor ng mouse.
Samantala, may dalawang malawak na uri naman ang komnet ayon sa panahon ng
pagkakaganap nito, ang synchronous at asynchronous. Bahagyang tinalakay na sa itaas ang
synchronicity. Tinatawag na synchronous ang komnet kung ang komunikasyon ay nagaganap
nang halos sabay sa magkabilang dulo ng nagpapalitan ng mensahe. Ang halos magkasabay
na panahon ay kilala sa tawag na real-time. Isang maganadang halimbawa ng ganitong uri ng
komnet ay ang instant messaging (IM)/online chat o simpleng chat. Halos katulad ng harapang
pag-uusap ang chat o chatting. Mabilis na nagaganap ang palitan ng mesahe.

Ang ikalawang kategorya ng komnet ay asynchronous. Ito ang komunikasyong may


patlang na panahon. Halimbawa nito ang email, nangungunang uri ng komnet mula pa nang
magsimula ang komunikasyong online ayon ka Thurlow (2004, 28). Email ang kahawig ng
karaniwang pakikipagsulatan, may pinagmulan na siyang gumawa ng sulat at may adres din ng
padadalhan. Ang adres na ito nga lamang ay hindi pisikal na adres na tulad ng nakasulat sa
labas ng bahay. Kaiba sa karaniwang sulat, ang email ay maaaring magtaglay ng katangiang
multimedia at hypertextual.
Asynchronous din na uri ang Bulletin Board System (BBs). Tulad ng Pisikal na bulletin bord na
nakikita sa kampus, nakapaskil (post na termino ng komnet) dito ang iba’t ibang impormasyon,
mensahe o paksa. Sino man ay maaaring bumasa at magbigay ng reaksyon sa binasa o maaari
ring mag post ng panibagong impormasyon. Bawat paksay nakahanay sa thread at ang mga
reaksyon o puno tungkol dito ay forum namang tinutukoy. Ang palitan ng mensahe ay
nagaganap kung kailan lamang mababasa ng isang miyembro ng forum halimbawa ang isang
post ng ibang miyembro. Ang patlang ng panahon ay maaaring Segundo, oras, buwan o taon
depende kung gaano kasigla naturang forum. Kung tutuusin, may pagkakataong maging
synchronous ang ganitong uri ng komnet kung nagkataong parehong online ang nag-uusap na
sangkot. Ngunit dahil sa lawak ng sakop at dami ng sangkot sa ditto, bihirang maging
synchronous komunikasyong ito.
URI/ANYO NG KOMUNIKASYONG ONLINE
Malayo na ang naging ebolusyon ng komunikasyon mula noon hanggang sa kasalukuyang
panahon. Mula sa mga unang kaparaanan ng paghahatid ng mensahe tulad ng apoy, tunog, at
pag-unawa sa lagay ng panahon, ngayon teknolohiya na ang isa sa pangunahing ginagamit sa
paghahatid ng mensahe. Tunay nga na kasabay ng pag-unlad ng globalisasyon ay ang pag-
unlad din ng komuniksayon. Isa sa mga dahilan nito ay ang internet. Dahil sa internet, winaksi
nito ang tradisyunal na paghahatid ng mensahe. Kung dati ay kailangan mo pang maghintay ng
2 hanggang 3 araw upang ipadala ang isang elektronikong kagamitan at internet upang ipadala
ang mensahe kahit sa malalayong lugar sa aktuwal na oras o panahon o ang tinatawag na real-
time.
May iba’t ibang paraan ng pakikipagkomunikasyon gamit ang internet. Ang tool o mga
kagamitan ang siyang na ring daan upang maisagawa ang pakikipag komunikasyon online
gamit ang internet-based na mga teknolohiya. Ang komunikasyong online ay maaaring
synchronous o asynchronous. Synchronous kapag nakikipagkomunikasyon ang dalawang o
higit pang mga tao sa aktuwal na panahon o real time habang asynchronous naman kapag
nagkakaroon ng gap sa oras sa pagitan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Narito
ang iilan sa mga uri o anyo ng komunikasyong online.
1. Website – ito ay koleksyon ng mga magkaugnay na wepages na naglalaman ng mga
multimedia, na kadalasang nakikilala sa isang domain name at naipublisa sa isang web
server. Ito ay maaaring ma-access sa publiko tulad ng Internet Protocol (IP) network,
tulad ng internet, o ng mga pribado tulad ng local area network (LAN) sa pamamagitan
ng uniform resource locator (URL).

Ang website o www or World Wide Web ay nagsimula bilang isang electronic brochure
na ginagamit buong mundo sa loob ng 24 oras. Mula sa website na ito, ang bawat
screen na naglalaman ng mga impormasyon ay tinatawag na page. Naglalaman ito ng
mga salita, graphic images, mga larawan, tunog at bidyo. Ang mga link na nakapaloob
sa nasabing pahina ang maghahatid sa mga user sa iba pang pahina. Ang mga user ay
may kalayaang pumili kung alin sa mga link ang bubuksan at babasahin. Ang mga
modernong website ay hindi na lamang isang presentasyonal kung hindi ginagawa na
itong interkatibo at lugar para sa paghahanap ng mga personal na impormasyon hinggil
sa isang bagay o tao. Makikita sa ibaba ang halimbawa ng website ng MSU-IIT.

2. Email – mas pinaikling termino para sa electronic mail. Isa itong paraan ng pagpapalitan
ng mensahe ng mga tao gamit ang mga elektronikong kagamitan. Ang unang Sistema
ng email ay nangangailangang online ang dalawang tagagamit sa parehong oras upang
magamit ang serbisyo nito. Subalit ang Sistema nito ngayon ay nakabatay na sa store-
and-forward model. Ang mga email server ay tumatanggap, nagpapadala, naghahatid,
at nag-iimbak ng mga mensahe. Hindi kinakailangang sabay mga-online ang dalawang
gumagamit upang magamit ang serbisyo nito. kailangan lamang itong makakonekta sa
isang mail server o webmail interface upang makapagpadala at makatanggap ng
mensahe.
Ginagamit din ang email para sa pampublikong komunikasyon, partikular na sa mailing
list. Ang isang karaniwang email adres ay may dalawang bahagi: ang user name at ang
domain/server name na hinihiwalay gamit ang simbolong @.

Halimbawa:
juandelacruz@yahoo.com
user name server name

3. Chat – Ang instant messaging o chat ay isang synchronous na uri ng komnet o yaong
komunikasyong nagaganap sa pareho o magkasabay na oras o real-time sa mas
kilalang tawag sa wika ng internet. Ang dalawa o higit pang tao na maaaring nagmula
kung saan-saang lugar ay maaaring mag-usap nang sabay-sabay nang hindi kailangang
nagkakaharap nang mukhaan, ito ang pangunahing elemto ng chat. Tanging ang iskrin
ng monitor lamang ang kaharap at kasama ng isang sangkot, at sa pamamagitan ng
pagtipa sa keyboard, nagkakaroon na ng koneksyon ang bawat partisipante ng
komunikasyon. Kaiba sa maraming uri ng komnet, ang chat ay isang Gawain sa internet
na aktibong nagaganap, hindi man pareho ang time zone na kinabibilangan ng
dalawang nagcha-chat, ilang dagat man ang layong nakapagitan sa kanila, hindi ito
hadlang upang maganap ang isang masiglang pag-uusap. Ang kahingian lamang nito ay
ang sabay na pagkakataong naaakses nila ang internet at teknolohiyang tumutugon
upang maganap ito.

Sa kabuuan, ang mag chat sa mensahe ay maiikli lamanng upang makapagbigay agad
ng agarang tugon ang ibang kalahok. Katulad na lamang ng harapang komunikasyon na
nakakakuha agad ng tugon. Ang Chatiquette ay isang terminong pinagsama mula sa
chatetiquette. Isa itong baryasyon ng netiquette na naglalarawan sa mga pangunahing
batas sa online na komunikasyon. Isa sa halimbawa nito ay ang pagbabawal sa
paggamit ng malalaking titik dahil maaaring bigyang-kahulugan ito nag alit ang sender
nito. matutunghayan sa ibaba ang isang halimbawa ng pakikipag-usap gamit ang chat.

4. Video-conferences – isang online interactive space na ginagamit upang makapagchat


sa pamamagitan ng mga mensahe o boses gamit ang microphone at camera.

Maaaring magkita rito ang dalawang nag-uusap online at mag-usap tulad ng isang
karaniwang tawag gamit ang selpon. Isa itong synchronous na uri ng komnet dahil nag-
uusap ang dalawa o higit pang kalahok sa parehong panahon at nakakakuha ng
agarang tugon.

5. Mailing List – isang birtuwal na email group na ginagawa ng isang grupo ng mga tao
nan aka-subscribe sa isang particular na email. Kapag nagpadala ka ng mensahe
awtomatikong makatatanggap ang lahat ng email nan aka-subscribe dito at maaaring
magpadala ng tugon na makikita rin ng lahat ng kasangkot. Madalas ginagamit ang
mailing list bilang networking tool.
Dalawang Uri ng Mailing List
1. Announcement list – na kung saan ang mga tao ay ginagamit bilang tagatanggap ng
mga newsletter, peryodik, at patalastas. Dati, ginagawa ito sa pamamagitan ng
postal system subalit dahil sap ag-usbong ng email, naging popular na ang email
mailing list.

2. Discussion list – ito ay nagpapahintulot sa mga miyembro na mag-post ng kanilang


sariling aytem na makikita ng lahat na napabilang nito.

6. Newsletter – may pagkakatulad ito sa mailing list subalit isahan lamang ng daloy ng
komunikasyon. Ang isang awtor ay magpapadala ng mensahe sa iilang mga tao, nan
aka-subscribe ka ng update ng isang newsletter mula sa inyong paaralan o unibersidad,
o kapag naka-subscribe ka sa isang news website).

7. Instant Messengers – isang communication software na libre at karaniwang


nangangailangan ng pagpaparehistro ng account at pangalan. Ginagamit ito para sa
mga pribadong pag-uusap at pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng messaging,
video, at iba pang serbisyong pantelepono. Madalas sa mga IM ay suportado ang
conferencing (pagpapalitan ng mensahe na higit sa dalawa), at maaaring makatawag
kahit na landline sa buong mundo. Maaaring makapagpadala ng file, hyperlink, voice
over, IP o video chat gamit ito.

8. Social Networks – umusbong ito sap ag-unawang ang mga aktibong gumagamit online
ay nagnanais na maging permanenting konektado sa ibang mga tagagamit sa birtuwal
na mundo. Nagnanais sila na magbahagi ng update sa kanilang buhay, balita, interes, at
iba. Sa pamamagitan ng profile na karaniwang makikita sa mga SNS, maaaring mapag-
alaman ang iilan sa mga karaniwang impormasyon tulad ng pangalan, lugar, trabaho,
mga gusto at iba pa. kapag tagasunod ka naman sa iisang user maaari mong malaman
kung ano ang kanyang ibinabahagi sa nasabing SNS.

You might also like