You are on page 1of 2

09.

15 8:40 PM
Uri/Anyo ng Komunikasyong Online
Malayo na ang naging ebolusyon ng komunikasyon mula noon hanggang sa
kasalukuyang panahon. Mula sa mga unang kaparaanan ng paghahatid ng mensahe tulad
ng
apoy, tunog at pag-unawa sa lagay ng panahon, ngayon teknolohiya na ang isa sa
pangunahing
ginagamit sa paghahatid ng mensahe. Tunay na nga kasabay ng pag-unlad din ng
komunikasyon.
Isa sa mga dahilan nito ay ang Internet. Dahil sa Internet, winaksi nito ang
tradisyunal na
paghahatid ng mensahe. Kung dati ay kailangan mo pang maghintay ng 2 hanggang 3
araw
upang ipadala ang isang liham sa malayong lugar, ngayon ay hindi na. Ang kailangan
mo lang ay
ang isang elektronikong kagamitan at Internet upang ipadala ang mensahe kahit sa
malayong
lugar sa aktuwal na oras o panahon o ang tinatawag na real-time.
May iba't ibang paraan ng pakikipagkomunikasyon gamit ang Internet. Ang Tool o mga
kagamitan ang siyang na ring daan upang maisagawa ang pakikipagkomunikasyon online
gamit
ang internet-based na mga teknolohiya. Ang komunikasyong online ay maaring
synchronous o
asynchronous. Synchronous kapag nakikipagkomunikasyon ang dalawa o higit pang mga
tao sa
aktuwal na panahon o real-time habang asychrounous naman kapag nagkakaroon ng gap
sa
oras sa pagitan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Narito ang ilan sa mga uri
o anyo ng
komunikasyong online.
1. Website – Ito ay koleksyon ng mga mag kaugnay na Webpages na naglalaman ng mga
multimedia, na kadalasang nakikilala sa isang domain name at nailathala sa isang
Web
server. Ito ay maaring ma-access ng publiko tulad ng Internet Protocol(IP) network,
tulad
ng Internet, o ng mga pribado tulad ng local area network (LAN) sa pamamagitan ng
uniform resource locator (URL).
Ang website o www or World Wide Web ang nagsimula bilang isang electronic
brochure na ginagamit ng buong mundo sa loob ng 24 oras. Mula sa website na ito,
ang
bawat screen na naglalaman ng mga impormasyon ay tinatawag na page. Naglalaman ito
ng mga salita, graphic images, mga larawan, tunog, bidyo. Ang mga link ang bubuksan
at
babasahin. Ang mga modernong website ay hindi na lamang isang presentasyonal kung
hindi ginagawa na itong interkatibo at lugar para sa paghahanap ng mga personal na
impormasyon hinggil sa isang bagay o tao.
2. Email – mas pinaikling termino para sa electronic mail. Isa itong paraan ng
pagpapalitanng mensahe ng mga tao gamit ang mga elektronikong kagamitan. Ang
unang sistema ng email ay nangangailang online ang dalawang taga gamit sa parehong
oras upang makagamit sa serbisyo nito. Subalit ang sestema nito ngayon ay naka
bantay
na sa store - and- forward model. Ang mga email server ay tumatanggap, nagpapadala,
naghahatid, at nag-iimbak ng mga mensahe. Hindi kinakailangan sabay mag-online ang
dalawang gumagamit upang magamit ang serbisyo nito. Kailangan lamang itong
makakonekta sa isang mail server o web mail interface upang makapagpadala at
makatanggap ng mensahe.
Ginagamit din ang email para sa pampublikong komunikasyon, partikular na sa
mailing list. Ang isang karaniwang email address ay may dalawang bahagi: ang user
name at ang domain/server name na hiniwalay gamit ang simbolong @.
Halimbawa : Juandelacruz@yahoo.com
User name. Server name
3. Chat – ang instant messaging o chat ay isang synchronous na uri ng komnet o
yaong
komunikasyong nagaganap sa pareho o magkasabay na oras o real-time sa ma's kilalang
tawag sa wika ng Internet. Ang dalawa o higit pang tao na maaring nagmula kung
saan-saang Lugar ay maaring mag -usap nang sabay-sabay nang hindi kailangan pang
magkaharap ng mukha, ito ang pangunahing elemento ng chat. Tanging ang iskrin ng
monitor lamang ang kaharap at kasama ng isang sangkot, at sa pamamagitan ng
pagtitipa sa keyboard ay nagkakaroon na ng koneksyon ang bawat partisipante ng
komunikasyon. Kaiba ng maraming uri ng komnet, ang chat ay isang gawain sa Internet
na aktibong nagaganap. Hindi man pareho ang time zone na kinabibilangan ng dalawang
nag-cha-chat, ilang dagat man ang layo na nakapagitan sa kanila ay hindi ito
hadlang
upang maganap ang isang masiglang pag-uusap. Ang kahingian lamang nito ay ang sabay
na pagkakataong naaakses nila ang Internet at teknolohiyang tumutugon upang
maganap ito.
Sa kabuuan, ang mga chat sa mensahe ay maikli lamang upang makapagbigay
agad ng agarang tulgon ang ibang kalahok. Katulad na lamang ng harapang
kumunikasyon na nakakakuha agad ng tugon. Ang chatiquette ay isang terminong
pinagsama mula sa chat + etiquette. Isa itong baryasyon, netiquette na naglalarawan
sa
pangunahing batas sa online na kumunikasyon. Isa sa halimbawa nito ay ang
pagbabawal
sa paggamit ng malaking titik dahil maaaring bigyang-kahulugan na galit ang sender
nito.
Matutunghayan sa ibaba ang isang halimbawa ng pag-uusap gamit ang chat.
4. Video-conference – Isang online interactive space na ginagamit upang makapag-
chat sa
pamamagitan ng mga mensahe o boses gamit ang mikropono at kamera.
Maaaring magkita rito ang dalawang nag-uusap online at mag-uusap tulad ng
karaniwang tawag gamit ang selpon. Isa itong synchronous na uri ng komnet dahil
nag-uusap ang dalawa o higit pang kalahok sa parehong panahon at nakakakuha ng
agarang tugon.

You might also like