You are on page 1of 12

NOBELA:

Banaag at Sikat
Ni Lope K. Santos

            Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at
alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng
lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.

            Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit
itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang
karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya
sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit
di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa
malayang pag-ibig.

            Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala
ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng
kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang
nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng
mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki
sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang
manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi
kasing radikal nito.

            Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y
daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang
pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng
iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga
simulain ng sosyalismo.

            Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking
may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang
abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang
bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng
lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng
salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba
pang pangunahing pangangailangan sa buhay.

            Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at
naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa
kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang
kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa
Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig
hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.

            Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi


nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at
halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si
Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng
kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

            Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin.


Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit
o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam
at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa
pangangailangan.

            Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at


pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang
hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si
Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang
ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at
Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa
Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng
maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay
ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni
Meni.

            Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na


makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga
kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin
na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang
makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang
anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga
pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila
Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang
nakasasagip sa gayong pangyayari.

            Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang


kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang
utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay,
sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don
Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na
Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.

            Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni


Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama
ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi
sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya
sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at
California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging
kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na
malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na
kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.

            Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia.
Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang
ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa
libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng
kuro-kuro at paniniwala.

            Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng


kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga
mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na
magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap
na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya.
Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga
kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang
lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa
buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina
Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito
sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na
napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis
sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang
paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng
dugo.

            Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa


pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan
nati’t palipasin ang diin ng gabi."

ALAMAT:
Alamat Ng Bayabas
Ayon sa kwento, meron daw isang hari noon na nagngangalang Haring
Barabas, ubod ng sungit at tapang, bukod dyan ay kuripot pa sya. Napaka bihira
nyang tumulong sa mga taong lumalapit at humihingi ng tulong sa kanya.

Maging ang kanyang mga katulong ay kanya ring binubulyawan. Nag iisa
lang sa buhay ang hari at wala syang pamilya. Laging masasarap na pagkain ang
nasa hapag kainan nya, ngunit ni hindi nya man lang mabiyayaan ang mga
nagugutuman. At minsan, may pulubing babae na nanghihingi ng pagkain sa kanya,
ngunit ayaw itong bigyan ng maramot na hari. Kaya't ang mga mumok at mga tira
tira nya ang pinagtyagaang pulutin at kainin ng pulubi.

At nagwika ang pulubi, "mas nanaisin ko pang magdanas ng hirap sa lupa at


makaranas ng tunay na kayamanan sa kabilang buhay, kaysa sa ugali mo mahal na
hari. Napapalibutan ka nga ng iyong kayamanan at sagana dito sa buhay mo sa
lupa, ngunit hindi mo madadala sa kabilang buhay ang iyong kayamanan." At binale
wala lamang iyon ng hari.

Maraming taon ang lumipas ngunit ganun pa rin ang ugali ng hari. At dahil sa
katandaan na rin nya, ay nagkasakit sya, at nalagutan ng buhay. Ngunit ni wala man
lamang nakipag libing sa kanya kundi ang kanyang mga katulong sa palasyo.

Lumipas ang mga araw, may napansing kakaibang halaman na tumutubo sa


puntod kung saan nakahimlay ang hari. At nagbunga ang punong ito ng bilog na
bunga na kung saan ay napansin ng kanyang dating mga kasambahay na tila may
korona ang prutas. Maasim ito kapag medyo hilaw pa, sumisimbolo ng asim ng pag
uugali ng hari ng ito'y nabubuhay pa. At ang prutas na ito ay tinawag ng mga taong
bayabas, ang alaala ni Haring Barabas.

Mga Kasabihan at Salawikain:


1. Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

2. Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.

3. Kung ano ang itinanim,  siya rin ang aanihin.

4. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

5. Ung ano ang itinanim,  siya rin ang aanihin.

6. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

7. Kung hindi ukol, hindi bubukol.

8. Kung may isinuksok, may dudukutin.

9. Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.

10. Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.

11. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

12. Nasa tao ang gawa,  nasa Diyos ang awa.

13. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

14. Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

TALUMPATI:
Buhay pa ba ang nationalismo?
Isa sa pinakamahalagang ugali nang tao sa isang bansang umuunlad ay ang
nationalismo.

Ngunit ano ba ang nationalismo?Ito ba’y ang pag sasakripisyo nang sariling
buhay para sa bansang minulatan. Kung ganyan ang iniisp nang karamihan ay
kokonti na lang ang magiging nationalista sa ating bayan. Ang tunay na kahulugan
nang nationalismo ay hindi ang pag sasakripisyo kundi ang pag mamahal sa sariling
bansa.

Kung tatanongin ko kayo ngayon ikaw ba’y makabayan? Isang filipinong may
nationalismo? Isa ka sa mga Pilipinong walang pake sa pinag mulan? Oras na para
mamulat ang mga mata nang bawat isa. Kung walang mag mahal sa ating sariling
lupa pano na ang mga pinaglaban nang ating mga ninuno? Muli ba tong
mababaliwala?

Mga kamagaral ko

Mga kababayan ko

Mga kapwa Pilipino

Tayo na at mag kaisa. Isa sa paraan upang pakita nating ang pag mamahal
sa bayan ay ang pag bili natin at pag tangkilik nang mga local na produkto.
Nakakatawang isipin pero ang dayuhan kumikita samantalang tayo ay lumulubog sa
kahirapan. Sa bawat pag bili natin nang mga imported na produkto. Panahon na
upang ihahon ang ating bansang Pilipinas sa kahirapan sa pamamagitan ng
nationalismo.

May kasabihan nga “ang kabataan ay ang pagasa nang inang bayan”.Tayo
raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan,o hihila sa
kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan.

Ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa


tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila.Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis
at gawa. Pagsikapan nating ipaunlad ang sariling bansa.

Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Kung
sa murang edad pa lang ay malaman na natin ang kahalagaan nang pagiging taong
may pag mamahal sa sariling bayan marahil sa kinabukasan ay masasabi na nang
lahat nang nakataas ang nuo “ako ay Pilipino”.

SANAYSAY:
Munting Alaala

Naiisip mo ba ang mga nangyayari sa bawat araw, nagtataka lang ako sa


mga tao sa tuwing pinagmamasdan ko sila mula sa aking kinalalagyan.
Sa dami ng kanilang mga ginagawa tila napakarami na nilang nalimutan mga bagay,
mga pinalampas na pagkakataon o oras.

Bakit nga ba tila masyadong masalimuot ang buhay ng tao, kaylan ka pa


bang huling umakyat ng bubong para matulog o para magpahangin, huling humiga
sa isang mahabang bangko at tumingala lamang sa langit habang pinagmamasdan
ang mga ulap, ang huling beses na naligo ka sa ulan o nagtampisaw sa baha,
kaylan ka huling naupo sa tabi ng kalsada habang katabi ang iyong mga kaibigan.
Kaylan kayo huling kumain ng mami sa kanto ng magkakasama, yung huling beses
na dinalaw mo ang iyong elementary school o high school, kaylan ka ulit bumalik sa
dati nyong tambayan at nagpalipas oras tulad ng dati nyong ginagawa, kaylan ka
huling naglaro ng teks. Masyado na bang marami ang mga bagay na hindi mo na
nagagawa pero ano nga nga ba ang pumipigil sa tao para magawa ang mga dati ay
nagagawa nya?

Sa paglipas ng panahon naaalala mo pa ba ito o itinabi mo na rin tulad ng


iyong mga laruan, kaylan mo pa ba huling hinawakan ang paborito mong laruan, o
binasa ang mga secret notes sa likod ng mga school notebook mo, o tinignan ang
mga matataas na grade na ibinigay sayo ng teacher mo, bakit ba hindi na pwede
pang ulitin ang mga gawain na ito o bakit sa paglipas ng panahon ay unti-unti na
ring nalilimutan ng tao ang mga simpleng bagay na ito na dati-rati ay labis na
nagpapasaya sa tao?

Gaano nga ba kadaling limutin ang munting kasiyahan na ito? totoo nga bang
habang tumatanda ang tao ay nawawala na rin ang kakayahan niyang maligayahan
sa mga munting bagay. Gaano na nga ba kalaki ang mundong ginagalawan mo
ngayon o pakiramdam mo lamang ay malaki ito. Nakalimutan na ba nga tao ang
mga kaligayahang inihain sa kanila ng kalikasan, at lumikha sila ng maliliit na mundo
sa gitna nang napakalaking mundong ito,.

Naniniwala lamang ako na ang mundo ang syang umiiwan sa kalikasan pero
kaylan man ay hindi iiwan ng kalikasan ang mundo.

BUGTONG:
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

Sagot: kandila

2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.

Sagot: langka

3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

Sagot: ampalaya

 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.

Sagot: ilaw

5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

Sagot: anino

6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Sagot: banig

7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Sagot: siper

8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

Sagot: gamu-gamo

9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

Sagot: gumamela

10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

Sagot: kubyertos

11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

Sagot: kulambo

12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

Sagot: kuliglig

13. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.


Sagot: kulog

15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.

Sagot: palaka

16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.

Sagot: kasoy

17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

Sagot: paruparo

18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.

Sagot: mga mata

19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

Sagot: tenga

20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Sagot: baril

21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

Sagot: bayong o basket

22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.

Sagot: batya

23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

Sagot: kamiseta

24. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.

Sagot: saraggola

25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.

Sagot: ballpen o Pluma

26. Nagbibigay na, sinasakal pa.

Sagot: bote
27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.

Sagot: sandok

28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.

Sagot: kampana o batingaw

29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.

Sagot: bayabas

30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.

Sagot: balimbing

31. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Sagot: posporo

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw


Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-


hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit


keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng


dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng  


gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito


kabigat  ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.

Mga aral ng pabula:


Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi
mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na
kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan.

You might also like