You are on page 1of 60

1

LEARNING MODULE
NOTRE DAME OF MASIAG, INC.
S.Y. 2020-2021

Name ______________________________________________

Section ______________________________________________

Subject Teacher ______________________________________________

Class Adviser ______________________________________________

FOR PRIVATE USE


in the Notre Dame of Masiag, Inc.
Strictly not for Public Circulation
2

Foreword to Parents and Students

Welcome to Notre Dame of Masiag, Inc., Modular Learning Modality for school year 2020-2021. This Module was
prepared for use in the Archdiocesan Notre Dame Schools of Cotabato (ANDSC) system. Whenever necessary and appropriate,
the Subject Teacher made some revisions in order to best suit the needs of your particular school.
This set of Modules will be used with an accompanying official textbook available for sale or rental from the school.
For the schools that do not use a textbook, the subject teacher will provide another set of texts or excerpts that will serve as
Substitute of the textbook, which is called Appendix Text. On a regular basis, the student will be directed to do some activities
in his/her Activity/Assessment Notebook. Make sure you have these 3 sets of Materials for your classes: 1) Modules; 2)
Textbook or Appendix Texts; and 3) Activity/Assessment Notebook.
For our Blended Learning, the school will use online technologies to support our Modular Learning Delivery: the use
of online classrooms, links, video presentations, social media, emails, live calls, webinars, etc. Furthermore, the students are
highly encouraged to find supplementary ways of learning like reading materials, multimedia, online resources, and the aid of
the people in the homes. It goes without saying that the parents are the best partners of the school in the education of their
children. Now, more than ever, your children need your support in the delivery of learning.
We are hopeful that despite its few disadvantages, this new approach to education will yield the most for our students.
We also hope that this pandemic will soon end and we can see you face to face. At the beginning of this school year, may I
introduce to you the Vision-Mission and Core Values to be adapted by all the ANDSC schools starting this school year 2020-
2021. Our Module Designers have tried their best to incorporate these treasures in the Modules.
Thank you for choosing Notre Dame.
Rev. Fr. Arnold L. Fuentes, DCC
Director/Superintendent

VISION STATEMENT

Notre Dame of Maisg, Inc., a member of the Archdiocesan Notre Dame Schools of Cotabato, providing quality education rooted
in the gospel values and Marian ideals, envisions to be a center of excellence in the holistic development of human persons, equipped with
knowledge and life-enriching skills who are successful and responsible citizens contributing to the transformation of society.

MISSION STATEMENT

We commit ourselves to provide innovative programs for dynamic learning experiences in a safe and conducive environment;
foster a culture of peace, understanding and solidarity; develop leadership and exercise social responsibility; participate in nation building
and promote love for country; and collaborate with the local church in its mission of evangelization.

CORE VALUES – N.O.T.R.E. D.A.M.E.

N Noble A Notre Damean demonstrates high moral principles that embody nobility of character especially
honesty and integrity.
O Obedient A Notre Damean exemplifies fidelity to God and loyalty to country; follows school policies, rules
and regulations; and practices desirable family values.
T Transformed A Notre Damean displays positive disposition in life and an acceptable level of self-confidence and
maturity, and shows capacity for teamwork, collaboration and solidarity.
R Respectful A Notre Damean shows high esteem and regard to oneself, others, the community, country, nature,
environment, and other faiths and cultures.
E Enlightened A Notre Damean demonstrates academic excellence, critical and reflective thinking, and guided by
one’s conscience, makes good decisions and actions based on wise judgment.
D Disciplined A Notre Damean wills and obliges to do what is right and expected, and exercises self-control in
one’s dealings with the world and others.
A Accountable A Notre Damean displays commitment and responsibility in performing one’s tasks, and shows
leadership capacities and sense of volunteerism and initiative.
M Marian A Notre Damean emulates Mary’s virtues especially faith in God, generosity, humility,
prayerfulness, purity, simplicity, and service.
E Empathetic A Notre Damean shows sensitivity and understanding of the feelings, ideas, beliefs, cultures,
traditions, and experiences of others; and shows compassion, friendship, kindness and love.
3
Modyul 1: Mga Akdang
Pampanitikan Ng Timog Silangang Asya:
Maikling Kuwento, Nobela, Tula, Sanaysay, At Dula

Panimula at mga Pokus na Tanong

Naranasan mo na bang pagmalupitan ng iyong sariling ama? Ano ang iyong gagawin kapag sinasaktan ka
ng iyong ama sa tuwing siya ay lasing? Sa kabilang banda, anong pamana ang nais mong hilingin mula sa
iyong ina, at bakit ito ang iyong hihilingin? Mahihikayat ka kayang gawin ang tulad nang ginawa ng mga
tauhan mula sa iba’t ibang akdang pampanitikan ng Timog- silangang Asya na iyong pag-aaralan kung
mapagtantong malaki ang kaugnayan nito sa iyong sariling buhay?

Sa modyul na ito, mabibigyang sagot ang sumusunod na mga tanong:

 Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang iba’t ibang akdang pampanitikan mula
sa Timog-silangang Asya?
 Kailan masasabing malaki ang epekto sa iyo ng mga akdang pampanitikan mula sa
Timog-silangang Asya?
 Paano nakatulong ang mabisang paggamit ng wika sa pagpapalutang ng
kasiningan ng akda?

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA
 Takipsilim - pag-aagaw ng dilim at liwanag.
 Banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa paksa o kaya sa kuwento.
 Lunsaran - ginagamit para simulan ang isang gawain.
 Akdang Tuluyan - nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan.
 Kuwentong Makabanghay - nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan.
 Konotatibo - tumutukoy sa hindi tuwirang kahulugan.
 Denotatibo - tumutukoy sa literal na kahulugan.
 Nobela - mahabang salaysayin ng mga kawing- kawing na pangyayari na naganap
sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at
nahahati sa mga kabanata.
 Tunggalian - Ito ay pakikipagsapalaran o pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan
laban sa mga problemang kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa,
o sa kalikasan.
 Tula - ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng
salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.
 Pangangatwiran - uri ng pagpapahayag na ang pangunahing layunin ay magpatunay ng
katotohanan.
 Pang-ugnay - salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap.
 Tugon -sagot o reaksyon.
 Nagbunsod - nagtulak
 Akdang pampanitikan - ay tumutukoy sa mga akda tulad ng mga tula, maikling
kwento, pabula, parabula, epiko, alamat, sanaysay, talumpati at marami pang iba
na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaalaman, kaisipan, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin, ideya at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
 Sanaysay - isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng pananaw ng
may katha, pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, at pang-
araw-araw na pangyayari.
4

MGA SANGGUNIAN
Pinagyamang Pluma 9
https://www.youtube.com/watch?v=XYPUrXYGicg
http://www.youtube.com/watch?v=iv50xrsFNdU

SAKLAW NG MODYUL
Sa modyul na ito, mabibigyang-tugon ang mga tanong na nabanggit kapag pinag-aralan mo ang sumusunod na
mga aralin:

Aralin Blg. Pamagat Matututuhan mo na… Blg. ng Sesyon


Aralin 1 Aralin1 - Panitikan: Takipsilim  Nabibigyang-kahulugan ang malalim W1-W2
Sa Djakarta (Nobela na salitang ginamit sa akda batay sa
– Indonesia) denotatibo o konotatibong kahulugan.
 Napagsusunod-sunod ang mga
Wika: Mga Salita, Kataga, o pangyayari sa akda.
pahayag na nagpapakita ng  Napagsusunod-sunod ang mga
wastong pagkakasunod-sunod pangyayari gamit ang angkop na
mga pang-ugnay.
 Naihahambing ang ilang piling
pangyayari sa napanood na
telenobela sa ilang piling kaganapan
sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.
 Nasusuri ang mga pangyayari, at ang
kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano batay sa
napakinggang akda.
 Nasusuri ang maikling kuwento
batay sa:
- Paksa
- Mga tauhan
- Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
- estilo sa pagsulat ng awtor
- iba pa
Aralin 2 Aralin 2 - Panitikan: Bata, Bata  Nabibigyang-kahulugan ang malalim W3-W4
Paano Ka Ginawa? na salitang ginamit sa akda.
 Nauuri ang mga tiyak na bahagi
Wika: Mga Pahayag na Ginagamit sa akda na nagpapakita ng
sa Pagsusuri katotohanan, kabutihan at
kagandahan batay sa
napakinggang bahagi ng nobela.
 Nabibigyan ng sariling interpretasyon
ang mga pahiwatig na ginamit sa akda.
 Nagagamit ang mga pahayag na
ginagamit sa pagbibigay- opinion
(sa tingin/akala/pahayag/ko,iba pa).
 Nasusuri an tunggaliang tao vs. sarili
sa binasang nobela.
 Nasusuri ang pinanood na
teleseryeng Asyano batay sa
itinakdang pamantayan.
 Naisusulat ang isang pangyayari na
nagpapakita ng tunggaliang tao vs.
5
sarili.
Aralin 3 Aralin 3 – Putting Kalapati,  Natutukoy at naipaliliwanag ang W5
LIbutin itong Sandaigdigan magkasingkahulugang pahayag sa
ilang taludturan.
 Naiuugnay ang sariling damdamin
Wika: Paglalarawan (Pang-uri at sa damdaming inihayag sa
Pang-abay) napakinggang tula.
 Nailalahad ang sariling pananaw
ng paksa sa mga tulang Asyano.
 Naisusulat ang ilang taludtod tungkol
sa pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng rehiyong Asya.
Aralin 4 Panitikan: Tatlong Mukha ng  Nabibigyang-kahulugan ang malalim W6
Kasamaan na salitang ginamit sa akda.
 Naipaliliwanag ang salitang may
Wika: Pang-ugnay higit sa isang kahulugan.
 Nasusuri ang paraang ng
pagpapahayag ng mga ideya at
opinion sa napanood na debate o
kauri nito.
 Naisusulat ang sariling opinion sa
mga dapat o hindi dapat na katangian
ng kabataang Asyano.
 Nagagamit ang mga pang-ugnay sa
pagpapahayag ng sariling pananaw .
Aralin 5 Panitikan: Makapaghihintay ang ● Nabibigyang-kahulugan ang malalim na W7-W8
Amerika salitang ginamit sa akda.
● Nakabubuo ng paghuhusga sa
Wika: Mga Pahayag sa Pagiging Karakterisasyon ng mga tauhan sa
kasiningan ng akda.
Makatotohanan at Di-
● Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita
makatotohanan
habang nagbabago ang estruktura nito.
● Nasusuri ang makatotohanan ng ilang
pangyayari sa isang dula.
● Nagagamit ang mga ekspresyong
nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo,
talaga, tunay, iba pa).
● Naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta
ng isinagawang sarbey tungkol sa tanong na:
“Alin sa mga babasahin ng Timog-
Silangang Asya ang iyong nagustuhan?

INAASAHANG MGA KASANAYAN


Upang mapagtagumpayang masagutan ang aralin at malinang nang lubos ang iyong pag-unawa, kinakailangang
tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:
1. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga akda mula sa Timog- silangang Asya
2. Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag sa binasa.
3. Naipahahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa.
4. Naibibigay ang sariling puna sa kahusayan ng mga may-akda sa paggamit ng mga salita at
pagpapakahulugan sa akda.
5. Nailalahad ang damdamin o saloobin ng mga may- akda
6. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat akdang binasa
6
7. Naipaliliwanag ang sariling saloobin/impresyon tungkol sa mahahalagang mensahe at damdaming
hatid ng mga akda
8. Naibabahagi ang nadarama matapos mapanood ang mga video na may temang katulad ng mga aralin

CONCEPT MAP NG MODYUL


Kapaki-pakinabang ang pagbibigay-pansin mo sa binuong mapa ng mga aralin na pag-aaralan mo sa modyul na
ito.

PANITIKAN NG TIMOG-SILANGANG-ASYA

Aralin 1
Panitikan: Takipsilim sa Djakarta
Nobela – Indonesia
Wika: Transitional Devices

Aralin 2
Panitikan: Bata, Bata Paano Ka Ginawa?

Wika: Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagsusuri

Aralin 3
Panitikan: Puting Kalapati, Libutin itong Sandaigdigan
Tula
Wika: Paglalarawan (Pang-uri at Pang-abay)

Aralin 4
Panitikan: Tatlong Mukhan ng Kasamaan
Sanaysay
Wika: Pang-ugnay

Aralin 5
Panitikan: Makapaghihintay ang Amerika
Dula
Wika: Mga Pahayag sa Pagiging Makatotohanan At Di-
makatotohanan
7
PANIMULANG PAGTATAYA

Ngayon, oras na upang tuklasin natin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa
sa modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot mo sa sumusunod na mga tanong.

Pagkatapos masagutan at maiwasto ang mga ito, isaalang-alang ang mga naging kamalian at
tuklasin ang tamang sagot sa mga ito habang pinag- aaralan ang modyul na ito.

Kung handa ka na upang sagutin ang panimulang pagtataya ng araling ito, maaari mo nang
simulan ang gawain.

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang sagot sa
iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

1. Alin sa sumusunod na mga anyo ng panitikan ang sumasailalim sa mga terminong sukat, tugma, aliw-iw,
indayog, taludtod, saknong, at talinghaga?
a. Sanaysay c. Dula
b. Tula d. nobela

2. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa:


a. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
b. Pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
c. Pagtukoy sa pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
d. Pagkilala kung kailan naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos o pangyayari.

3. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling
kuwentong __________.
a. Kababalaghan c. Pangtauhan
b. Katutubong Kulay d. Makabanghay

4. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang pook o pangyayari
ay tinatawag na tulang ______.
a. Mapang-uroy c. Mapang-aliw
b. Mapaglarawan d. mapangpanuto

5. Kailangan natin ng oksihino para mabuhay. Batay sa katotohanang ito, alin naman sa sumusunod na mga
pangungusap ang nagsasaad ng opinyon?
a. Ikamamatay ng mga tao at hayop ang kawalan ng oksihino.
b. Mas marami ang oksihino sa probinsya kumpara sa siyudad.
c. Hindi magiging posible ang buhay sa ating planeta kung walang oksihino.
d. Di man natin nakikita’t nahahawakan ang oksihino, walang alinlangang mayroon ito.

6. Sa pangungusap na Nagtulong-tulong ang magkakabaranggay sa paglilinis ng lahat ng sulok ng kanilang


pamayanan. Sa wakas, wala nang biktima ng dengue”. Aling kataga ang maituturing na transitional device o
nag-uugnay sa mga pangyayari?
a. Sa c. sa wakas
b. ng lahat d. ng
8
7. Ano ang gamit ng mga salitang nasalungguhitan sa pangungusap na Nakadudurog-puso ang ginawang
pag-iwan ng ina sa sanggol na anak dahil lamang sa hangaring makapagtrabaho sa ibang bansa?
a. Nagpapaliwanag c. nangangatwiran
b. Nagsasalaysay d. naglalarawan

8. Anong aspekto ng pandiwa ang sumusunod na mga salita: kaaalam, kaiigib, kalalaba, kalilinis, kaluluto,
at kaaaral?
a. Perpektibo c. kontemplatibo
b. Imperpektibo d. perpektibong katatapos

9. Alin sa mga sumusunod ang di tamang pananaw hinggil sa isang nobela?


a. Maraming kabanata ang bumubuo sa nobela.
b. Madalas, hindi matatapos sa isang upuan ang pagbabasa sa nobela.
c. Maaaring mag-isa bilang isang kuwento ang bawat kabanata sa nobela.
d. Sumasaklaw ng iba’t ibang panahon ang mararaming pangyayari sa nobela.

10. Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang _______.


a. Pangkayarian c. Pantukoy
b. Pananda d. pangawing

11. Ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento gumagamit tayo ng mga:
a. Pantukoy c. Pandiwa
b. Pangatnig d. Pang-abay

12. Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng pahayag na Balang-araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y
makalaya sa pagkakaalipin, na hango sa akda mula sa Indonesia na Kay Estela Zeehandelar?
a. Maaalis ang pagkakabuhol ng tali at makalalaya na rin sa wakas.
b. Makalalaya mula sa pagkokontrol ng iba at makadarama ng ginhawa.
c. Balang-araw, mapababayaan at makawawala ang sinumang nakatali.
d. Ang pagluwag ng tali ay nangangahulugang ito’y napabayaan.

13. Ano ang pangunahing mensahe ng tulang Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus na nais ikintal sa puso
ng mga mambabasa?
a. Pahalagahan ang ina nang higit pa sa anumang materyal na bagay sa mundo.
b. Makontento sa anumang materyal na ipamamana ng iyong mga magulang.
c. May karapatang mamili ang sinuman sa uri ng mana na dapat tanggapin.
d. Angkop lamang na bigyan ng mga magulang ng mana ang kanilang anak.

14. Paano maisasagawa ang malikhaing panghihikayat sa mga akdang pampanitikan mula sa Timog-
silangang Asya?
a. Nakabatay ang panghihikayat sa nadaramang koneksyon o kaugnayan ng mga akda sa personal
na buhay.
b. Nakabatay ang panghihikayat sa kung gaano karami ang audience na hihimukin.
c. Nakabatay ang panghihikayat sa dami ng mga paraang gagamitin.
d. Nakabatay ang panghihikayat sa premyong salaping matatanggap ng audience.

15. _____ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap ay:
a. Kung c. Sa
b. Kapag d. Simula
9
16. Napakabuti ng iyong ama. Walang sandaling di siya nagbigay ng suporta sa inyong magkakapatid.
Napakalambing din niya sa inyo at sa inyong ina. Lumalabas dinkayo tuwing Sabado’t Linggo para
mag-bonding at magsimba. Subalit isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, narinig mo mula sa
usapan ng iyong mga kapitbahay na ang iyong ama ay dati palang drug addict, sugarol, basagulero, at
higit sa lahat, nagpabalik-balik noon sa kulungan. Ano ang nararapat na saloobin mo ngayon sa iyong
ama?
a. Magtanim ng sama ng loob sa’yong ama dahil sa paglilihim na ginawa niya hinggil sa
kaniyang naging buhay-nakaraan.
b. Di magbabago ang pagmamahal sa ama yamang ang nakaraan ay nakaraan, ang mahalaga,
masaya kayo ngayon.
c. Magdamdam at sasabihin sa ama ang natuklasan at ipamukha sa kaniya ang ginawa niyang
pagsisinungaling.
d. Kumbinsihin ang ina’t mga kapatid na layuan ang ama dahil sa natuklasang napakasamang
buhay ng ama noon.
17. Kilala ka bilang isang napakamatulunging anak at mag-aaral. Hindi mo kailanman ipinagdamot ang
iyong tulong sa sinumang nangangailangan. Dahil dito, lagi kang nakatatanggap ng papuri mula sa ibang
tao. Nang magbakasyon kayong buong mag-anak at maligo sa isang swimming pool, iyong napuna ang
isang batang tila nahihirapang lumangoy sa malalim na bagahi ng pool. Ano ang iyong gagawin gayong
ikaw mismo ay nahihirapang lumangoy?
a. Sasagipin mo ang bata kahit alam mong manganganib ang iyong buhay para lamang
mapanatili mo ang magandang imahe sa iba.
b. Magkunwaring di mo nakita ang bata para wala kang dahilang tumulong, tutal, ikaw mismo
ay hirap sa paglangoy.
c. Hayaan na lamang ang bata at isiping may ibang makakikita sa kaniya upang siya’y tulungan
at di na makonsensya.
d. Humingi ng tulong sa sinumang marunong lumangoy upang masagip ang bata mula sa tiyak
na kapahamakan.
18. Lagi kang sinasabihan ng iyong ama’t ina na umuwi agad pagkatapos ng eskuwela upang ‘di sila mag-
alala sa’yo. Gayunpaman, isang araw, nasalubong mo sa’yong pag-uwi ang isang kaibigang matagal mo
nang ‘di nakikita. Niyaya ka niyang magmeryenda’t mamasyal na naging sanhi ng pag-uwi mo nang
gabing-gabi. Pagdating mo sa bahay, batid mong galit na galit ang iyong mga magulang. Paano mo sila
pakikitunguhan?
a. Idahilang may pangkatang gawain kayong tinapos sa paaralan.
b. Ipagdiinang maaga kang umuwi pero sadyang napakahaba ng trapik.
c. Sabihin ang totoo upang maibigay ang nararapat na payo sa iyo.
d. Idahilang inutusan ng guro na tapusin ang isang mahalagang gawain.
19. “Haba ng hair,
Utak niya’y puro air,
Amoy mo ay wagas,
Dapat ka ngang magtawas”
Ang saknong na mula sa tulang isinulat ni Von Crisostomo Villaraza ay halimbawa ng tulang:
a. Mapagbiro c. Mapanghikayat
b. Mapaglarawan d. Mapang-aliw
20. Sa pangungusap na , Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso, ang salitang ginintuan
ay __________.
a. Nangangatuwiran c. nag-uugnay
b. Naglalarawan d. nagsasalaysay
10

ARALIN 1: PANITIKAN
TAKIPSILIM SA DYAKARTA
(10 sesyon-W1- W2)

Mababasa sa bahaging ito ng akda ang magkataliwas na kalagayan ng napakayamang si Raden


Kaslan at ang napakahirap at nagugutom na si Pak Idyo. Sumasalamin ang kalagayang ito hindi
lamang sa Dyakarta kundi maging sa ibang lipunang Asyano tulad ng ating bansa kung saan, sa kabila
ng pag-unlad ay napakarami pa rin ang patuloy na naghihirap at nagdaranas.

Handa mo bang pagbayaran ang pagkakasalang di mo naman sinasadyang ginawa? Ano ang
kahalagahan ng pagpapatawad sa sinumang di ninais makagawa ng kapahamakan? Sa kabilang banda, ano ang
iyong gagawin kung ikaw at ng iyong pamilya ay biktima ng matinding kahirapan?

Simulan natin ang bahaging ito ng modyul sa pamamagitan ng paggawa mo sa susunod na


gawain.

Gawain 1: Pagtugon sa Mapanghamong mga Tanong

Panuto: Anong matalinong pasya ang iyong isasagawa? Ilahad sa nakalaang patlang ang idinidikta ng
iyong puso’t isipan. Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY / ASSESSMENT NOTEBOOK.

1. Nasubukan mo na bang magutom o malipasan ng gutom? Ano ang ginawa mo upang agad mapawi ito?
__________________________________________________________________________
2. Ano kaya ang mararamdaman ng tao kung tatlong araw na siyang di
kumakain?_________________________________________________________________
3. Paano kung gusto man niyang kumain ay wala naman siyang makain o pambili ng pagkain?
__________________________________________________________________________.
4. Nangyayari ba ang ganitong matinding pagkagutom sa ilan nating kababyan? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________.
5. Ano ang posibleng mga sanhi ng gutom at labis na kahirapang nararamdaman ng mamamayan ng isang
bansa?
___________________________________________________________.

Gawain 2: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago

Panuto: Nasa ibaba ang halimbawa ng IRF Sheet. Punan ang unang hanay ng iyong sagot sa katanungan.
Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.
Kung ikaw ang magiging lider ng isang bayan o ng bansa, ano ang gagawin mo bilang lider
upang maiangat ang kalagayan ng mga mamamayang nagdaranas ng hirap at gutom?
11
Unang Tugon (Initial)

Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)

Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS

Ang iyong naging tugon sa dalawang gawain ay marahil nakabatay sa iyong obserbasyon o mismong
karanasan sa buhay. Tandaan ang mga naging tugon sapagkat maaaring mabago ang mga ito pagkatapos
mapag-aralan ang isang akdang pampanitikan mula sa Timog-Silangang Asya.

Ating linangin ngayon ang iyong kabatiran hinggil sa mga pagkakasalang nagawa na di naman
sinasadya. Kasabay nito, ilalantad ng tekstong babasahin ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap na
tao sa lipunan sa pamamagitan ng susunod na gawain.

Ang tunguhin mo sa bahaging ito ng modyul ay malinang ang iyong kabatiran at pagpapahalaga
sa akdang pampanitikan ng Timog- Silangang Asya, partikular na ang isang nobela mula sa Indonesia.
Makikita mo rin sana ang koneksyon ng akdang ito sa’yong sariling buhay bilang isang Asyano at sa
lipunang Pilipino.

Panuto: Basahin ang bahagi ng nobela mula sa Indonesia na Takipsilim sa Djakarta. Isinalin sa
Filipino ni Aurora E. Batnag at sagutin ang mga inihandang tanong. Isulat ang sagot sa iyong
ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK .
PAGBASA 1 Takipsilim sa Dyakarta
Mochtar Lubis
(Isinalin ni Aurora E. Batnag)

Sa harap ng restawran, maraming nakaparadang kotse sa bangketa. Nang dapithapong iyon, punóng-punó ang
restawran. Dumating ang isang Cadillac na pulángpulá ang kulay, naghahanap ng mapaparadahan ngunit okupado ang
mga paradahan sa bangketa, kayâ sa wakas, pumarada ito na ang dalawang gulong sa kaliwa ay nakasampa sa aspaltong
gilid ng kalsada.
Si Raden Kaslan ang nagmamaneho, kasáma ang asawa, si Fatma. Kung pagmamasdan ang cadillac, ang
magarang damit ni Fatma, ang kanyang kulay-gintong step-in, ang buhok na kaaayos lang sa parlor, makikita ang yaman
at luho ng dalawa. Pati na rin ang pagkakangiti ni Fatma kay Raden Kaslan.
Sa maaliwalas na dapithapong iyon, sina Raden Kaslan at Fatma na kakikitaan ng yaman at rangya ay bumaba sa
kanilang magarang kotse na kumikinang sa sikat ng papalubog na araw at nakaparada na bahagyang nakaharang sa
lansangan.
Naupo silá sa hardin sa harap ng restawran, sa isang mesang nakahiwalay sa karamihan, at nang makaupo ay nag-
usap tungkol sa mga mamahalin at maluluhong bagay.
Mula sa loud speaker sa likod ng bar ng restawran, may maririnig na masiglang musika sa mga mesa, kumakain
ang mga tao, umiinom, nag-uusap, at naghahalakhakan.
Umorder ng pagkain si Raden Kaslan at ni hindi muna tumingin sa presyong nakalista sa menu sa tapat ng
pangalan ng mga pagkain at inumin; pagkaraan, binalikan nito ang usapan tungkol sa mamahalin at maluhong ideya, na
tinugon ni Fatma ng maluhong ngiti.
12
Kaaya-aya ang dapithapong iyon, maaliwalas ang kapaligiran, matatanaw ang dumidilim nang asul na langit at
malalanghap ang sariwang hangin.
Isang lumang kalesa na walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang dumaan sa harap ng restawran, sakay
ang natutulog na kutsero, si Pak ldjo. Maraming taon nang nasanay ang kabayo sa paghila ng kalesa sa malaking siyudad,
kahit tulog ang kutsero, na madalas mangyari kung mainit ang sikat ng araw at sa araw na ito, wala pang pasahero si Pak
Idjo buong maghapon, hanggang sa makatulog na siya sa gutom patuloy na hinihila ng kabayo ang kalesa kahit tulog ang
kutsero, at kusang humihinto ito kapag may pumaparang pasahero, at magigising ang kutsero, sa biglang paghinto.O kaya
kapag pnapatigil ng pulis-trapiko ang mga sasakyan, titigil din ang matandang kabayo, na nakadikit halos ang busal sa
gilid ng katabing kotse o trak.
Sa ganitong paraan hinila ng kabayo ang kalesang namamasyal sa lansangan sa maaliwalas na dapithapong iyon.
Mula sa bakod ng bahay sa kabiläng kalye na malapit sa restawran, isang malaking asong nanghahabol ng pusa ang
biglang tumalon habang malakas na tumatahol. Nagulat ang kabayo, umalma sa aso’t pusa, at biglang nadapa. Tumama sa
pulang cadillac ang kaliwang poste ng kalesa at ang dulo ng poste na gawa sa pinaitim na tanso ay sumira sa chromium at
pintura, samantalang ang nakausling bakal sa bubungan ng kalesa ay tumama sa bintana kaya nabasag ang salamin.
Naalimpungatan ang natutulog na si Pak ldjo. Bumaba siya at tinulungang tumayo ang matandang kabayo, at
pagkaraa'y tumayo na lamang doon, nakatanga habang hinihimas ang tuhod at ulo ng kabayo.
Nagulat sa ingay ng banggaan ang mga kumakain at nag-inuman at nagtatawanan sa restawran. Biglang tumayo si
Raden Kaslan at sumugod sa kalye. Galit na galit siya nang makita ang nasirang chromium at pintura ng kanyang kotse at
ang nabasag na salamin.
"Hoy, Tanga! Wala ka bang mata? Tingnan mo, winasak mo'ng kotse ko, aaminin mo o hindi? Bayaran mo ito!"
sigaw ni Raden Kaslan na galit na galit.
Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at nanginginig ang boses, Si Pak ldjo ay walang iniwan sa isang
taong inaatake ng malaria. Ang totoo’y may sakit nga siyang talaga. Parang nakasabit na lámang ang tagpi-tagpi at
maruming damit sa napakanipis niyang katawan, at nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang kanyang namumula at
nagluluhang mata.
Magsasalita sana siya, pero hindi lumabas sa kanyang nangangatog na mga labi ang boses niyang nanginginig sa
takot at sa pagdurusa. Patuloy lámang ang mga kamay niya sa paghimas sa ulo ng kabayo.
Galit na galit na pinagmasdan siya ni Raden Kaslan bago ito nagbaling ng tingin kay Fatma, na mamahalin at
marangya ang ayos, sakâ tumingin uli sa nawasak na kotse, at lalo pang tumindi ang kanyang galit.
Ipapupulis kitá! Idedemanda kitá! Babayaran mong lahat ang nawasak na ito. Tingnan mo!” at padarag na itinuro
ang chromium sa pinto ng kotse "at ito” sabay turo sa bahaging nabakbak ang pintura "at ito pa" at sinipa ang isang
pirasong basag na salamin. "Babayaran mong lahat ito, di kukulangin sa isa, dalawang libong rupiah”, inangilan ni Raden
Kaslan si Pak Idjo, na halos himatayin nang marinig ang isa-dalawang libong rupiah, pero saglit lamang at nagkaboses din
ito. Paiyak itong nagsabi ng: "Alam ko pong akó ang me kasalanan, Tuan, pero patayin n'yo man akó, ala akóng ibabayad.
Pobre po ako. Mabuti pa ngang patayin n'yo na lang akő" patuloy ang kamay sa paghimas sa ulo ng kanyang matandang
kabayo.
Dinilaan ng kabayo ang kamay ni Pak ldjo, parang humihingi ng tawad sa kanyang pagkakasala. Nang marinig
ang Sinabi ni Pak ldjo, lalong nagalit si Raden Kaslan.Tumalikod itong walang kibo saka bumalik sa restawran at doon
tumelepono sa pulis-trapiko.
Maraming nag-uusyoso sa kalye, patuloy si Pak ldjo sa paghimas sa ulo ng kabayo, at nang bumalik si Raden
Kaslan at sinabing "Huwag kang tatakas. Tumawag akó ng pulis,” siya, kasama ang kabayo, ay libong beses na namatay
at humarap na sa lahat ng apoy sa impiyerno, hanggang sa dumating ang mga pulis sakay ng kanilang umaangil na
motorsiklo, tulad ng tunog ng mga baril na pumapatay.
Nang sandaling iyon, nagbalik sa isip ng matanda ang kanyang nayon, ang tunog ng baril at ang lumulusob na
mga tulisan na siyang dahilan kung bakit napilitan silang tumakas at magkanlong sa siyudad.
Samantala, bumalik na sa kani-kanilang mga mesa ang mga parokyano ng restawran, at itinuloy nila ang kainan,
inuman, at tawanan. Pang-araw-araw lamang na pangyayari ang banggaan. Pagdating ng mga pulis, bahala na ang mga
itong mag-ayos ng gulo.
Sinalubong ni Raden Kaslan ang mga pulis, nagpakilala siya sabay turo sa kutsero, at nagsabing, "Siya, siya ang
may kasalanan. Sa gilid nakaparada ang kotse ko, at ang kalahati ay nása bangketa na, pero binangga pa rin niya.
Daang ulit nang nakapag-ayos ng banggaan ang bata pang Puis, pang-araw-araw na lamang sa kanya ang ganitong
pangyayari, na madali namangayusin. Maliwanag naman kung sino ang may kasalanan.
Dapat akóng bayaran, ulit ni Raden Kastan.
Nang marinig ito, biglang nagsalita si Pak Idjo, sabay iyak, “Patayin niyo na lang akó, Tuan," sabi nitong
nakayuko sa harap ng pulis at magkasalikop ang mga kamay. "Mahirap lang akó, wala akong ibabayad.”
13
"Inaamin n'yo bang kasalanan n'yo, Bapak?”
“Inaamin ko, Tuan, patayin n'yo na lang akó, Tuan. Wala akong ibabayad. Mahirap ang akó"
Bakit mo binangga ang kotse kong nakaparada sa gilid ng kalye?” galit na galit na sabi ni Raden Kaslan.
"Nakatulog po akó, Tuan,” nanginginig na tugon ng kutsero.
“Nakatulog! Ano'ng klase kang kutsero? Nakatulog!" Nakaiinis talaga ang sagot ni Pak Idjo.
“Kung gusto mong matulog, Sa bahay ka matulog, huwag sa kalesa,at kung makaaksidente ka? Bakit ka natulog”
ang kanyang angil.
"Me sakit po ako,Tuan,” tugon ni Pak ldjo na lalo pang nanginig.
"Ha!" pang-uuyam ni Raden Kaslan. "Nakatulog, may sakít. May sakit ka palá, bakit lumabas ka pa' Sa bahay ka
na lang sana! Uminom ka ng gamut! Maaaksidente ka pa! Pa’no kung makasagasa ka ng munting batà at makapatay,
aber?”
Lalong nanginig si Pak Idjo. Sinabi niya, "Pero nagugutom akó,Tuan, at ang aking asawa at ang mga anak ay
nagugutom, Tuan. Kahapon pa kami hindi kumakain, Tuan.”
Saglit na nawalan ng kibo si Raden Kaslan, bago sumigaw, "Sinungaling! Ano’ng sakit mo?
Umiiyak at nanginginig na binuksan ni Pak Idjo ang kanyang damit at ipinakita ang kanyang likod.
“Hayan, Tuan, tingnan n’yo, at tinuro niya ang mga pigsa na sinlalaki ng kamao, mapupula at namamaga;
pagkaraan, itinaas niya ang kanyang sarong at ipinakita ang isang malaking pigsa sa hita. Mapula at namamaga ang buong
hita-nakakakilabot tingnan.
Parang naubos ang lahat ng lakas ng matanda pagkaraan nito. Nanginginig ang bawat himaymay ng kanyang
katawan, nangangatog ang kanyang mga ngipin, at patuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Nagpalipalipat ang tingin ng pulis sa kanya, kay Raden Kaslan, at kay Fatma, na mukhang napakarangya.
Binalingan ni Raden Kaslan ang pulis, itinaas ang isang kamay at nagsalitang parang mawawalan ng bait.
"Ano' ng gagawin mo sa ganitong kaso, Inspektor? Sino'ng magbabayad sa akin? Sino'ng may kasalanan?"
"Sino'ng may kasalanan?" ulit niya.
Patuloy na nanginginig at giniginaw si Pak Idjo. Patuloy niyang hinihimas himas ang ulo ng kanyang nmatanda at
payat na kabayo, at habang hinihintay ang sagot sa tanong ni Raden Kaslan, parang pahaba nang pahaba ang anino ng
kutsero at ng kanyang kabayo sa papalubog na araw, at ang kutsero at ang kabayo ay namatay at muling nabuhay nang
daan-daang beses.
Muling minura ni Raden Kaslan si Pak Idjo hanggang sa maisip niya sa wakas na imposible talagang mabayaran
siya ng matanda at pobreng kutserong ito.
“Hayaan n'yo na nga" sabi ni Raden Kaslan sa pulis. "Tena." Inakbayan niya si Fatma pabalik sa restawran.
Tuluyan nang nasira ang kasiyahan niya nang gabing iyon.
"Ang buwisit na yon," bulong ni Raden Kaslan. "Bagung-bago ang kotse. Kabibili lang"

Mga Pamprosesong tanong:


1. Ano ang kalagayan sa buhay ng mag-asawang Raden at Fatma?Ano-anong bagay ang magpapatunay rito?
2. Masasabi nga bang kasalanan ni Pak idjo ang pangangalesa nang tulog? Makatwiran ba ang dahilang nagtulak sa
kanya upang gawin ito? Ipaliwanag.
3. Ano ang nagtulak sa pamilya ni Pak Idjo para magtungo sa lungsod at ditto makipagsapalaran? Nangyari rin ba
ang ganitong kalagayan sa ating bansa ? Maglahad ng ilang patunay.
4. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang binabasa ang akda? Bakit ganito ang naramdaman mo?
5. Mapapatawad mo rin ba ang isang taong nakasira ng isang mahalaga at mamahalin mong gamit o ari-arian? Bakit
mahalaga ang pagpapatawad .

Tunay na ang sinundang gawain ang napagtibay ng kaalamang kapaki- pakinabang sa pag-aaral
ng akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya, partikular na sa Indonesia yamang makikita rito ang
kaugnayan sa’yong sarili mismo at maging sa lipunang Pilipino.

Ngayon naman, mula sa binasang kabanata ng nobela, linangin mo pa ang iyong pag-unawa sa
nobela sa pamamagitan ng pagsasagawa mo sa susunod na gawain.
14
Gawain 3: Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

Para sa susunod na gawain, iyong sagutan ang mga nakahandang pagsasanay upang linangin ang iyong
pag-unawa batay sa binasang nobela.

A. Panuto: Ayusin ang mga pangyayari sa akda ayon sa tamang pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng
paglalagay ng bílang 1 hanggang 10 sa mga patlang. Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT
NOTEBOOK.
__________ Bumaba mula sa sasakyan ang mag-asawang kakikitaan ng yaman at luho o marangyang pamumuhay.
__________ Samantala, isang lumang kalesa na walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang dumaan sa harap ng
restawran sakay ang natutulog na kutsero.
__________ Luhaang nagpaliwanag si Pak ldjo sa pulis na wala talaga siyang ibabayad sa nasirang sasakyan kaya't sa
huli'y nagdesisyon si Raden na hayaan na itò at pumasok na lang muli sa restawran nang galit na galit pa rin.
__________ Lumabas mula sa restawran ang may-ari ng Cadillac na si Raden Kaslan at galit na galit na sinigawan ang
takot na takot na si Pak Idjo.
__________ Nagpatawag ng pulis si Raden Kaslan upang ituro at mapapanagot sa pagkasira ng kanyang kotse si Pak Idjo.
__________Nagulat ang kabayo at umalma dahil sa naghahabulang aso't pusa kaya't bigla itong nadapa.
__________ Natutulog ang kutsero habang umaandar ang kanyang kalesa dahil sa init ng panahon at dahil na rin sa gutom
at sakít na kanyang nararamdaman.
__________ Pumarada ang puláng pulá at bagong-bagong Cadillac sa harap ng restawrang maraming nakaparadang kotse.
__________Tumama sa puláng Cadillac ang kalesa at sumira sa ilang bahagi nito.
__________Umorder ng pagkain ang dalawa nang hindi man lang tumitingin sa mga presyo ng pagkain.

B. Panuto: Batay sa talahanayan sa ibaba, ibigay ang Denotatibo at Konotatibong kahulugan ng ilang
salitang ginamit sa akda. Ang iba ay ginawa na para sa iyo. Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY NOTEBOOK.

Denotasyon Salita Konotasyon


Isang uri ng mahabang reptilya, ahas Isang taong traydor o tumitira ng patalikod
minsa’y makamandag,subalit
may uri ring walang kamandag
Buwaya
Kotseng kumikinang
Biglang nagising Naalimpungatang
natutulog
Magkasalikop ang
kamay
Apoy sa impiyerno

Sa tulong nang sinundang gawain, iyong napatunayang taglay mo na nga ang pag-unawa sa
banghay ng nobela. Ngayon naman, mapatutunayan mong kilala mo ang mga pangunahing tauhan sa
pamamagitan ng susunod na gawain.

Gawain 4: Pagkilala sa mga Pangunahing Tauhan

Panuto: Palutangin ang mga katangian ng mga pangunahing tauhan sa binasang akda yama ng malaki
ang kanilang papel na ginampanan sa daloy ng mga pangyayari. Gayundin, isulat ang mga detalyeng
magpapatibay sa mga babanggiting katangian. Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT
NOTEBOOK.
15

Raden Kaslan

Pak Idjo

Mahusay! Nagawa mo nang matagumpay ang mga sinundang gawain. Dumako naman tayo sa paglinang
ng iyong pag-unawa sa gramatika. Narito ang gawaing nakalaan para sa’yo.

Pag-unawa sa mga Salitang Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari


PAGBASA 2:
Linangin ang iyong kaalaman sa mga salitang Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari.
Basahin ang lunsarang pangwika sa ibaba.

“May kasabihan sa Ingles na"Give a man a fish and he will live for a day. Teach a man how to fish and be will
live for a lifetime". Sa kaso ng mga taong naghihirap at nagugutom, ang pinakamabuti pa ring pangmatagalang solusyon
ay bigyan silá ng kabuhayan. Halimbawa, kung bibigyan si Park Idjo at ang kanyang pamilya ng isang bag ng groseri para
maibsan ang kanilang gutom, ito ay tatagal lang ng isa hanggang dalawang araw. Ang pinakamabuting solusyon ay
mabigyan sila ng puhunan at gamit para sa pagtitinda ng mga pagkain sa kalye tulad ng mga inihaw at iba pang tanyag na
pagkain sa mga kalye ng Jakarta. Kailangan din nilang maturuan kung paano magluto ng masarap na paninda para balik-
balikan silá ng kanilang mga suki.
Naririto ang paraan ng pagluluto sa isa sa mga paboritong pagkaing inilalako nila sa kalye, ang Idonesian Saté.
Suriin mo ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga paraan sa pagluluto nito.
 Una, sa isang malaking mangkok ay paghalo-haluin ang toyo, tomato sauce, mantika mula sa mani, bawang,
paminta, at cumin.
 Sunod na ilagay sa pinaghalo-halong sangkap ang manok upang mababad. Ilagay sa ref sa loob ng 15 minuto.
 Sunod na sindihan ang ihawan o grill. Hayaan lang ito para uminit.
 Habang pinaiinit ang ihawan ay isalang ang kawali sa kalan na may katamtamang apoy. Igisa ang bawang at
sibuyas sa isang kawali. Ilagay na ang tubig, peanut butter, toyo, at asukal. Hayaang kumulo habang hinahalong
mabuti ang mga sangkap. Tanggalin sa kalan. Ilagay ang katas ng dayap at itabi.
 Balikan ang pinainit na ihawan. Pahiran ito ng kaunting mantika at sakà isa-isang ilagay ang manok na ibinabad.
Ihawin ng tig-limang minuto ang bawat bahagi hanggang sa maluto ang manok.
 At panghuli, hanguin ang inihaw na manok at ihain kasáma ang peanut sauce.
16
Napansin mo ba kung paano pinagsunod-sunod ang mga paraan sa pagluluto ng Indonesiam Sate? Ano-anong salita o
pahayag ang napansin mong nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga paraan ng pagluluto? Mahalaga ang mga
salitang ito upang magbigay ng signal sa mambabasa kung paano pagsusunod-sunurin ang mga pangyayari.
Mga Salitang Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari
Sa maraming pagkakataon, táyo ay nagbibigay ng mga pagkakasunod- sunod ng mga bagay, pangyayari, panuto,
at iba pa. Mahalaga kung gayon na alam natin ang mga salita, kataga, o pahayag na nagpapakita ng wastong
pagkakasunod-sunod para magamit natin ayon sa pangangailangan.
 Kapag ang pinagsusunod-sunod ay mga pangngalan, gumamit ng mga pang-uring pamilang na panunuran o
ordinal. Ang mga bilang na ito ay makapagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga tao, bagay, hayop Jugar, at
gawain.
Halimbawa: Una si Doris, pangalawa si Mario, pangatlo si Anna
 Kapag ang pinagsusunod-sunod ay proseso o paraan ng pagsasagawa ng isang bagay tulad ng sa pagluluto,
paglalaba, pagkukumpuni ng sasakyan, o paggawa ng iba't ibang bagay, o iyong mga tinatawag na tekstong
prosidyural, makatutulong ang paggamit ng sumusunod:
 Mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, kasunod, panghuli, at iba pa.
 Paggamit ng mga salitang hakbang + pang-uring pamilang o ang salitang step + pang-uring
pamilang
Halimbawa: STEP 1, STEP 2, STEP 3
Unang hakbang, Ikalawang hakbang, Ikatlong hakbang
 Kapag naman pangyayari sa kuwento ang pinagsusunod-sunod, madalas ay hindi na ginagamitan ng mga salitang
nagpapakita ng pagkakasunod-sunod o time sequence subalit mahalagang nabasa at naunawaańg mabuti ang
kuwento sapagkat mga pangyayari lang ang ilalahad na kailangang ayusin ayon sa kung paano naganap sa binása.

Gawain 5: Tiyakin na Natin

May naiisip ka bang ibang lutuin o anumang bagay na pwedeng iluto, gawin o buoin ng
pamilya ni Pak Idjo para makadagdag sa kanilang pagkakakitaan? Ano ito? Ilahad mo ang tawag ditto sa
unang kahon sa ibaba at pagkatapos ay isulat mo ang tamang pagkakasunod-sunod o hakbang sa
pagsasagawa nito.

Panuto: Gumamit ng mga salitang hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat ang sagot
sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.

Pamagat

____________________________________________________
Unang Hakbang ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
Ikalawang Hakbang ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
Ikatlong Hakbang ____________________________________________________

____________________________________________________
Ikaapat na Hakbang ____________________________________________________

____________________________________________________
Ikalimang Hakbang ___________________________________________________
17

Ikinagagalak ko ang kasanayang iyong natamo mula sa sinundang mga gawain.


Kung may nabago sa iyong dating pananaw hinggil sa salitang pagbibigay kapatawaran sa mga nagawang
kasalanan nang di sinasadya, nakabubuting ituloy mo ang paggawa sa susunod na gawain.

Gawain 6: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago (IRF)

Panuto: Balikan mo ang Mapa ng Konsepto ng Pagbabago na iyong nasimulan sa bahaging


PAGTUKLAS. Alin sa mga naging sagot mo sa bahaging Iang ng IRF ang nangangailangan ng pagbabago? Ilahad
mo rin ang mga dahilan kung bakit kinailangan mong palitan ang iyong mga naging sagot. Isulat ang sagot sa iyong
ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.
Kung ikaw ang magiging lider ng isang bayan o ng bansa, ano ang gagawin mo bilang lider upang
maiangat ang kalagayan ng mga mamamayang nagdaranas ng hirap at gutom?
Unang Tugon (Initial)

Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)

Dahilan/Mga dahilan:

Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLINANG


Umaasa akong iyong nadama ang kaugnayan ng akdang Takipsilim
Sa Dyakarta sa iyong sariling buhay bilang isang Asyano na nagpapahalaga sa kawalan ng diskriminasyon sa pagitan
ng mayaman at mahirap. Nalinang din ang iyong kaalaman sa pang-abay na pamanahon. Higit na mapapalalim ang
iyong pag-unawa sa susunod na bahagi ng modyul.

Bilang panimula sa bahaging ito, ibig kong magkaroon ka ng pansariling pagtataya. Sa iyong palagay, sa
tulong ng mga sinundang gawaing iyong isinagawa, masasabi mo bang malaki ang naitulong ng akdang
pampanitikan mula sa Timog-Silangang Asya, partikular na sa bahagi ng nobelang Takipsilim sa Djakarta mula sa
Indonesia upang higit mapagtanto ang kahalagahan ng pagpapatawad at kawalan ng diskriminasyon sa pagitan ng
mayayaman at mahihirap?
Pagkakataon mon a ngayon na palalimin mo pa ang iyong pagpapahalaga sa kahalagahan ng pagpapatawad
at kawalan ng diskriminasyon sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, gayundin ang malalimang pag-unawa sa pang-
abay na pamanahon sa pamamagitan ng sumusunod na mga gawain.

Gawain 7: Venn Diagram

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, isagawa ang makabuluhang paghahambing nang higit na makita’t
madama ang koneksyon nang lipunang Pilipino sa nobelang “Takipsilim sa Djakarta” at ihambing ito sa
Indonesia. Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.
18

Indonesia Pilipinas

Totoong malaki ang kaugnayan ng nobelang tinalakay sa kasalukuyang lagay ng lipunang


Pilipino.Damang-dama mo ang iyong kaugnayan dito yamang ikaw, tayo ay tuwirang apektado.
Ipagpatuloy pa ang pagpapalalim sa iyong pag-unawa’t pagpapahalaga sa tulong nang susunod na gawain.

Gawain 8: Pagsusuri sa mga Video

Panuto: Isang hamon ang magpatawad. Paano nga ba ito mapadadali? Panoorin mo ang sumusunod
na video at isagawa ang hinihiling ng bawat bahagi na may kaugnayan sa binasang akda partikular sa
“pagpapatawad”. Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.

Link #1 https://www.youtube.com/watch?v=XYPUrXYGicg

Mga mensahe ng link na ito hinggil sa salitang “pagpapatawad”

Para sa mga hindi makapanonood ng bidyu sa link, mag-isip ng mga telenobela na iyong napanood o
kuwentong nabasa na may kaugnayan sa akda partikular sa “pagpapatawad” Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY
NOTEBOOK.

PAGLALAHAT: Nang dahil sa link/telenobela na aking pinuntahan/napanood, naikintal sa aking puso’t


isipan na ang pagpapatawad ay
__________
__________________________________________________________________________________
. Kaya ako mismo ay ___________
___________________________________________________________________________________

Salamat sa akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya, partikular na sa Indonesia, ang Takipsilim sa


Djakarta. Ito ang nagbunsod upang mapalalim ang ating pagpapahalaga sa kahalagahan ng pagpapatawad nang
mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.
Ipagpatuloy pa ang pagpapalalim sa’yong pag-unawa’t pagpapahalaga sa nasabing nobela sa tulong ng
susunod na gawain.
19

Tunay na sa isinagawang mga gawain, naging maliwanag sa’yo ang lahat hinggil sa sanhi at bunga ng
kahirapan ng buhay sa ating bansa.
Nakapanlulumong malaman hindi ba? Masakit nga namang minsan
ang katotohanan ngunit nakatutulong ito nang maisagawa ang nararapat na aksyon tungo sa positibong
pagbabago.
Nararapat kung gayon na isagawa mo ang susunod na gawain.

Malapit mo nang matapos ang ikalawang aralin ng modyul na ito. Napuna mo ang pakinabang na dulot
ng pag-aaral sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya bagama’t dalawang bansa pa lamang ang
iyong napag-aralan. Sa kabilang banda, naunawaan mo na rin ang katuturan at gamit ng mga salitang nagsaad ng
pang-abay na pamanahon.

Ngayon, nakabubuting balikan mo ang Mapa ng Konsepto ng Pagbabago na iyong nasimulan sa


bahaging PAGTUKLAS at PAGLINANG nang mabatid ang anumang pagbabago sa iyong saloobin at pananaw.

Gawain 9: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago (IRF)

Panuto: Sa Mapa ng Konsepto ng Pagbabago na iyong nasimulan sa bahaging pagtuklas at paglinang,


iyong nang sagutin ang huling hanay ng IRF. Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT
NOTEBOOK.
Kung ikaw ang magiging lider ng isang bayan o ng bansa, ano ang gagawin mo bilang lider upang
maiangat ang kalagayan ng mga mamamayang nagdaranas ng hirap at gutom?

Unang Tugon (Initial)


Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)
Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM


Tunay na di matutumbasan ang kahalagahan ng pagpapatawad sa sinumang nagkamali, sinasadya man o hindi.
Sa kabilang banda, ang kahirapang kinakaharap ng bansa ay malulunasan din basta’t may pagkakaisa ang bawat
Pilipino. Lahat ng mga ito ay natutuhan buhat sa nobelang iyong pinag- aralan, ang “Takipsilim sa Dyakarta” ng
Indonesia.

Sa kabilang banda, sa gramatika, napalalim na rin ang itong pag-unawa’t pagkatuto sa mga kataga o salitang
ginagamit sa pang-abay na pamanahon.

Binabati kita! Ngayon, handa mo nang gawin ang huling bahagi ng araling ito.

INTEGRASYONG PAGPAPAHALAGA

Malaki ang naitulong ng akdang pampanitikan mula sa Timog-Silangang Asya, partikular na sa bahagi ng
nobelang Takipsilim sa Djakarta mula sa Indonesia upang higit mapagtanto ang kahalagahan ng pagpapatawad at
kawalan ng diskriminasyon sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Sa kabilang banda ,ang kahirapang kinakaharap
ng ating bansa ay malulunasan basta’t may pagkakaisa ang bawat Pilipino.
20

Ito na ang huling bahagi ng araling inilaan upang higit pang mapayaman ang iyong kaalaman at
mapagtibay ang anumang bagay na iyong natutuhan. Layunin ng bahaging ito ng modyul na sukatin ang iyong
natutuhan sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa pagsasakatuparan ng iyong proyekto.

Isaalang-alang na sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang ikaw ay makahikayat sa pamamagitan ng isang


book fair. Gawin mo ang susunod na gawain.

Gawain 10: Pagsuri Ng Akda Batay Sa Paksa, Tauhan, Pagkakasunod-Sunod


Ng Mga Pangyayari, Estilo Sa Pagsulat Ng Awtor, At Iba Pa.

Panuto: Balikang muli ang akdang “Takipsilim sa Dyakarta”. Sumulat ng isang pagsusuri sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga katanungang nakatala. Kalakip nito ang pamantayan sa paghahatol para sa gawaing ito. Isulat ang
sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.

Ang bawat manunulat ay may layunin sa paglikha ng isang akda. Madalas, ninanais niyang mang-aliw at magturo sa
kanyang mga mambabasa. Ninanais din ng manunulat na mag-iwan ng isang kakintalan o mahalagang aral na kukurot sa
puso't isipan ng mga mambabasa. Ang anumang layunin niya sa pagsulat ay isang mahalagang desisyong binubuo bago
pa man simulan ang pagsulat.
Balikang muli ang akdang "Takipsilim sa Dyakarta. Sumulat ng isang pagsusuri sa pamamagitan ng pagsagot sa
sumusunod na tanong:

1. Ano ang paksa o tema ng akda?


2. Sa iyong palagay, ano kayá ang nagtulak sa manunulat na kritiko ng administrasyon upang magdesisyong
sulatin ang akdang may ganitong tema?
3. Sino-sino ang mga tauhan? Ano-anong kontras sa ating lipunan ang ipinakita ng may-akda sa
pamamagitan ng mga tauhan?
4. Ano kayä ang layunin ng may-akda kung bakit inuna niyang ipakita ang karangyaan ng pamumuhay ni
Raden Kaslan at kasunod na ipinakita ang labis na kahirapan naman ni Pak ldjo? Ano ang masasabi mo sa
ginawang pagsunod-sunod ng mga pangyayari? Naging epektibo ba ito? Ipaliwanag.
5. Batay sa impormasyong nakalahad, sino ang manunulat? Ano ang kanyang naging gawain o katungkulan?
Paano mo maiuugnay ang kanyang background sa estilo ng kanyang pagsulat?
6. Ano ang napuna mong kalakasan ng akda? Ano naman ang kahinaan nito?
7. Ano ang aral na taglay nito?
8. Anong pagbabago ang maaaring mangyari sa iyong sarili o pagkatao pagkatapos mong mapagnilayan ang
aral na taglay nito?
Mga Pamantaya 1 2 3 4 5
Nailahad nang tama at maayos ang tema o paksa ng
akdang sinuri.
Naipaliwanag nang malinaw ang pagkakaiba sa lipunang kinakatawan ng
mga tauhan
Maayos na naipaliwanag ang pagiging epektibo ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa maayos na daloy ng akda.
Angkop ang paliwanag sa pag-uugnay sa background ng may-akda sa estilo
ng kanyang pagsulat.
Nasabi ang tama at maayos ang aral na taglay ng binasa.
Makatotohanan at nararapat ang inilahad na maaaring mangyari sa sarili o
pagkatao pagkatapos mapagnilayan ang aral na taglay ng akda.
Kabuoang Puntos
21
1-Maraming Kakulangan 3-Katamtaman 5-Napakahusay
2-Di-mahusay 4-Mahusay

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLIPAT


Mahusay! Nagawa mong matagumpay ang huling bahagi ng araling ito. Panatilihin ang anumang natutuhan
dito yamang patuloy itong pakikinabangan sa mga susunod pang mga aralin ng modyul na ito.

Ngayon, handa ka na sa ikatlong aralin, ang mundo ng tula sa sariling bansa.


Basahin ang mga tala tungkol sa Kuwentong Makabanghay.

PAGBASA 3: Ang Kuwentong Makabanghay

Ang isang kuwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng mga pangyayari ay tinatawag na isang
kuwentong makabanghay. Subalit, ano nga ba ang banghay?
Ang banghay ay ang maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang tuluyan tulad
ng maikling kuwento, anekdota, mito, alamat, at nobela. Ang mga akda ay makapag-iiwan lámang ng kakintalan sa isipan
ng mga mambabasa kung may mangyayari at kung masasagot ang mga katanungang tulad ng sumusunod: Ano ang
nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano ang naging wakas?
Mula sa banghay ay makabubuo ng balangkas kung saan makikita ang pagkakaugnay-ugnay at mabilis na galaw
ng mga pangyayari. Narito ang karaniwang balangkas ng mga akdang pasalaysay tulad ng maikling kuwento:

Panimulang Pangyayari: Pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning kaka- harapin.


Papataas na Pangyayari: Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes
o kapanabikan.
Kasukdulan:Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin.
Pababang Pangyayari: Matatamo ng pangunahing tauhan ang layunin.
Resolusyon: Magkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas

EBALWASYON

PAGSULAT NG JOURNAL
Bakit mahalagang magkakaugnay at maayos ang pagkakahanay ng banghay ng akdang tuluyan? Isulat ang
sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.

ARALIN 2: PANITIKAN: BATA, BATA


PAANO KA GINAWA? (10sesyon/Week3-
Week4)

Sa araling ito ay mararanasan mong maging kinatawan ng isang samahang makabayan. Simulan natin
ang bahaging ito ng aralin sa pamamagitan ng pagsagot mo sa sumunod na gawain.

Gawain 1: Simulan Natin

Ano-anong bagay ang maibabahagi mo tungkol sa iyong pamilya? Punan ang web organizer
upang maipabatid ang ilang impormasyon tungkol sa pamilyang iyong kinabibilangan. Kopyahin at isulat ito
sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.
22

Ilan kayo sa pamilya? Gaano kayo kadalas lumabas ng


sama sama?

Anong bagay o kaugalian ang Ano ang gusto mong mabago pa o


pinakagusto mo sa iyong pamilya? mapaganda tungkol sa inyong
pamilya?

Pagkatapos mong isagawa ang sinundang gawain, iyong tugunan ang hinihiling ng susunod na
gawain.

Gawain 2: Payabungin Natin

Panuto: Sa bahaging ito ng gawain, masusubok ang iyong pagkamasining. Sa iyong ACTIVITY/
ASSESSMENT NOTEBOOK, iguhit ang iyong paliwanag sa sumusunod na islogan.

Sa araling ito ay mararanasan mong maging kinatawan ng isang samahang makabayan. Susulat ka ng
isang pagsusuri tungkol sa isang tunggalian ng Pilipino sa kanyang sarili.
Gagawin mo ito sa paraan ng isang bukas na liham.

“Sa hirap at ginhawa, sa tuwina’y magkakasama


Katangiang ipinagmamalaki ng Pilinong pamilya”
Masasalamin sa iyong mga naging tugon sa dalawang sinundang Gawain na iyong lubos na
pinahahalagahan ang iyong pamilya.

Ngayon, ating linangin ang iba pang saloobin na taglay mo na makaaapekto sa pagpili ng mga bagay na
iyong pahahalagahan sa pamamagitan ng susunod na bahagi.

Ang tunguhin mo sa bahaging ito ng modyul ay malinang ang saloobing nakaaapekto sa iyong pagpili ng
mga bagay na lubos mong pahahalagahan sa pamamagitan ng pag-unawa sa isang akdang pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya, ang nobelang Bata, Bata Paano ka Ginawa mula sa Pilipinas.

Tunguhin mo ring makita ang kaunayan ng akdang ito sa’yong sariling buhay yamang ika’y isang
Pilipino.

Gawain 3: Payabungin Natin (Paglinang ng Talasalitaan)

Upang higit mong matamo nang lubos ang pag-unawa sa babasahing nobelang Bata, Bata Paano Ka Ginawa?,
makakabuting alamin mo muna ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY / ASSESSMENT NOTEBOOK.
23
Panuto: Salungguhitan ang mga salita sa loob ng pangungusap na kasingkahulugan ng mga salitang nása loob ng
panaklong.
(nag-anasan) 1. Nagbulungan ang mga tao nang kanilang marinig ang tulang binigkas ng batà.
(agawin) 2. Halos hablutin na ng mga batä ang kanilang toga dahil sa pagkainip sa tagal ng
programa.
(magulo) 3. May ilang batang malilikot sa linya kayā bantay na bantay silá ng kanilang magulang.
(masira) 4. Ayaw niyang mawasak ang búhay ng kanyang anak kaya't ganoon na lamang ang
ginawa niyang pagbabantay rito.
(bumirit) 5. Ang isang bata ay agad na bumanat ng kanta nang siya'y tawagin sa entablado.

Papuri ko sa’yo’y tanggapin dahil naging matiyaga ka sa pag-alam sa kasingkahulugan at kasalungat ng


mga nailistang salita na maaaring maging sagwil sa iyong pag-unawa sa babasahing nobela mula sa sarili nating
bansang Pilipinas na pinamagatang Bata, Bata Paano Ka Ginawa.
Kung gayon, handa mo nang gawin ang susunod na gawain.

Basahin ang nobelang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa” ni Lualhati Bautista. Matapos mong
basahin ang akda, sagutin mo ang inihandang mga tanong. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY /
ASSESSMENT NOTEBOOK.

PAGBASA 1 Bata, Bata Paano Ka Ginawa


ni Lualhati Bautista
A.Tauhan
Si Lea Bustamante ay isang mapag-aruga at mapagmahal na ina kay Ojie at Maya. Nagtratrabaho siya sa isang
organisasyon na kung saan ipinaglalaban ang karapatan ng tao o isang human rights organization. Nagkaroon ng dalawang
asawa at matiyagang binubuhay ang kaniyang dalawang anak. Naniniwala siya na mas mainam na sabihin na agad ang
totoo sa mga bata kaysa malaman pa nito sa iba. Siya ay maituturing na isang uri ng tauhang lapad sapagkat mula umpisa
ay hindi nagbago ang ugali at pananaw niya sa kaniyang buhay. Pinakita rin sa nobela kung gaano siya katatag na ina sa
kaniyang mga anak.
Si Raffy ang naging unang asawa ni Lea at iniwan niya nang magkaroon ng trabaho sa Surigao. Siya ang ama ni
Ojie. Bumalik sa Maynila upang makasama ang kaniyang anak. Mayroon na rin itong asawa at magtatatlong buwan na
itong buntis. Gusto niyang isama si Ojie sa Amerika upang makapiling na niya ito. Siya ay isang uri ng tauhang lapad
dahil hindi nagbago ang pakitungo nito kay Lea at ang pagmamahal nit okay Ojie, nandoon pa rin ang kaniyang
paglalaban na alagaan na lamang ni Lea ang mga bata kaysa sa magtrabaho pa ito sa organisasyon.
Si Ding naman ang pangalawang asawa ni Lea. Siya ang ama ni Maya. Naging karamay ni Lea sa mga panahong
hindi nabibigay ang nais ni Lea kay Raffy. Laging naroon sa kaniyang nanay. Siya ay isang uri ng tauhang bilog sapagkat
sa huli ay nagbago ang kaniyang pag-ibig kay Lea at nagpakasal sa iba.
Si Ojie ang panganay na anak ni Lea na nais sanang dalhin ni Raffy sa Amerika. Kahit na kinaiinisan si Maya ay
mahal na mahal niya ito at nais niyang ipakilala sa kaniyang tatay. Siya ay isang uri ng tauhang bilog sapagkat noong una
ay sumusunod ito kay Lea pero kalaunan ay naging pabaya ito sa pag-aaral at nakita na lamang ni Lea na nagsusugal ng
pool kasama ang matatanda.
Si Maya ang bunsong anak ni Lea. Masayin at madadal . Nanalo ng Ms. Kinder sa kanilang paaralan. Isang uri ng
tauhang lapad si Maya dahil hanggang sa huli ay ang pagmamahal niya kay Lea ang naging dahilan sa pagpili niya rito
kaysa sa pagsama sa kaniyang ama.
Si Johnny Deogracias ang katrabaho ni Lea at kung minsan ay tumutulong ito sa kaniya at may nangyari sa kanila.
Dinakip siya ng mga pulis at kinasuhan ng PDA. Isang uri ng tauhang lapad si Johnny dahil hanggang sa huli ay hindi
nagbago ang kaniyang pananaw at pinaglalaban niya pa rin ang karapatan ng tao kahit na siya ay nakulong na.
Si Mrs. Zalamea ang principal ng pinapasukang paaralan ng mga anak ni Lea, nagalaskahan silang dalawa ng
unang magkita at nagakita ng paghanga kay Lea dahil kayang-kaya ni Leang lumaban sa karapatan ng tao ngunit siya ay
hindi dahil nasa kapahamakan ang kaniyang trabaho kung saka-sakali siyang lumaban. Isang uri ng tauhang bilog dahil ng
unang magkita sila ni Lea at parang hindi ito gusto si Lea at sa huli ay naging mabuting magkaibigan silang dalawa.

B. Tagpuan
 Sa bahay ni Lea nangyari ang halos lahat ng pangyayari sa nobela.
24
 Sa mall at karnibal nagkita muling si Lea at Raffy at nagbonding kasama ang mga bata.
 Sa eskuwelahan nagsimula ang nobela sa paggradwayt ni Maya sa Kinder at dito rin nagtapos ang
nobela sa paggradwayt ni Ojie at ang pagbigay ni Lea ng talumpati.
 Sa loob ng kuwarto ng principal nagkasagutan si Lea at ni Mrs. Zalamea na kalaunan ay naging
mabuting magkaibigan.
 Sa trabaho ni Lea inilahad sa nobela ang ginagawa ng isang miyembro ng organisation kung paano nila
ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao.
 Manila ang pinanggaganapan ng kuwento sapagkat naisaad dito ang nangyari sa pagkamatay, paglibing
kay Ninoy Aquino at pagprotesta ng mga tao laban sa gobyerno.

I. Buod:
Nagsimula ang nobela sa pagmamartsa ng magtatapos sa kinder, isa si Maya, ang anak ni Lea kay Ding
ay gragradwayt ng oras ng iyon. Bago simulan ang pagbibigay ng honors ay may inilatag na isang programa ang paaralan,
yung ay ang Ms. Kinder ’83, kasali si Maya sa mga kalahok. Hindi hinayaan ni Lea na lagyan ng kahit na anong
panretoke sa mukha o kahit lipstick man lang si Maya dahil naniniwala si Lea na ang ganda ng isang bata ay wala sa
mayk-up o kung anong kolorete sa mukha. Tumulo ang luha ni Lea nang tanghaling Ms. Kinder ang anak, dali-dali niya
itong pinicturan ngunit ubos na ang kaniyang film. Ginawaran din si Maya bilang third honors. Nagkaroon ng konting
salo-salo sa bahay ni Lea na kung saan ang karamihan sa kanilang bisita ay mga bata, dumating naman si Pilar sa kanilang
bahay at inalok si Lea na isali si Maya sa contest ng Johnsons Johnsons at iisponsoran nito ang bata ngunit ayaw na itong
isali ni Lea sa kahit na anong contest. Nasa trabaho si Lea nang mga oras na iyon nang tumawag si Raffy sa kaniya upang
sila’y muling magkita at magka-usap. Humingi si Raffy ng pabor kung maaaring makasama niya si Ojie, pumayag naman
si Lea at agad na sinabi ito kay Ojie, ngunit hindi sang-ayon dito si Ding, nagpumilit namang sumama si Maya, at
mahigpit na binilinan ito ni Ding na alamin ang bawat kilos ni Lea at Raffy. Nang magkitang muli ang mag-amang Ojie at
Raffy ay masayang-masaya ang dalawa, pumunta sila sa isang karnibal at doon nagkaroon ng pagkakataon na magka-usap
muli ng masinsinan sina Raffy at Lea, dito na umiyak nang umiyak si Lea sa paglalabas ng sama ng loob nito kay Raffy,
nalaman ni Lea na mayroon na palang bagong asawa si Raffy at tatlong buwang buntis na ito. Tumira si Ojie sa kaniyang
ama sa loob ng isang buwan at pinayagan naman ito ni Lea ngunit ayaw itong paalisin ni Ding dahil wala raw
makakasama si Maya sa bahay pero wala nang magagawa pa si Ding. Nang makabalik na si Ojie sa bahay ni Lea ay
nagpatuli naman na ito, bagamang onse ayos pa lang ay gusto na nitong magpatuli. Nagka-usap muli sina Lea at Raffy at
sinabi ni Raffy na gusto niyang isama si Ojie sa Amerika. Araw na nang pasukan at sinamahan na ni Lea si Maya sa silid
nito, nalito pa ang guro sapagkat akala nito ay De lara din ang apelyido ni Maya. Nagkaroon ng isang miting ang lahat ng
magulang sa eskuwelahan at nagpakilala ang bawat magulang. Nainis si Lea at nung siya na ang magsasalita ay sinabi
nito na huwag nang sayangin pa ang kanilang oras. Nagbotohan naman sila ng officers at may isang lalaki doon na laging
isinasali ang pangalan ni Lea sa mga kandidato, muli ay nainis siya at saka nagsalita nang nagsalita. Nang mabasa ni Lea
ang balita ay dali-dali itong pumunta ng kaniyang opisina upang malaman ang nangyaring pagkamatay ni Ninoy Aquino,
laman ito ng balita at libo-libong tao ang nagprotesta dahil sa nangyari.Natapos na ang unang kuwarter ng pasukan at
ibinigay na sa mga bata ang kanilang report card at dahil sa malalim na pag-iisip ni Lea ay nagkapalit nang pirma ito sa
report card ng mga bata, kaya naman nagbigay siya ng sulat sa guro nito na kung maaari ay baguhin na lang at
magbabayad na lamang siya, pero ang sabi ng mga guro ng mga bata ay kanilan siyang kausapin ng principal. Nang
magka-usap ang principal at si Lea ay nalaman ng principal ang trabaho ni Lea at humanga ito sakaniya dahil kaya niyang
ipaglaban ang karapatan ng tao. Naging magkaibigan si Lea si Mrs. Zalamea. Nasa trabaho si Lea nang tumawag ang
kaniyang kapitbahay at ibinalita rito na naospital ang kaniyang mga anak. Pagdating niya sa ospital ay bukol sa ulo ang
natamo ni Ojie at gasgas naman ang kay Maya, galit na galit na dumating sina Ding at Raffy, nanermon nang nanermon
ang dalawa na para bang siya lahat ang ay kasalanan sa nangyari, dahil din sa galit ni Lea ay iniwan niya ang mga bata sa
kani-kanilang ama. Dahil sa inis ay tinawagan ni Lea si Johnny ay niyayang manood ng sine, pagkatapos nito ay inalok ni
Lea si Johnny na makipag-anohan sa kaniya, nung una ay ayaw nito pero kalaunan ay pumayag na rin. Nang makalabas
na ng ospital ang kaniyang mga anak ay naghanda siya ng kaunti upang makabawi sa mga ito dahil sa hindi niya
pagdalaw. Pagkaraan naman ng gabi ay tumawag ang asawa ni Johnny kay Lea at ibinalita rito ang pagkakakulong ni
Johnny sa salang PDA. Sumapit ang pasko at bagong taon, walang Ding na umuwi sa bahay ni Lea ngunit nang umuwi ito
ay sinabi ni Ding na may asawa na siya at nagpakasal sila noong pasko, at gusto nitong isama si Maya. Natapos ang
nobela sa pagpili ng kaniyang mga anak na sumama na lamang sa kaniya kaysa sa kanilang mga ama at ang paggradwayt
ni Ojie ng elementarya.
25
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa akda?
2. Paano nila pinaghandaan ang dinaluhan pagtitipon? Ano ang naging resulta?
3. Paano ipinakita sa akda na iginagalang ni Lea ang pasya ng kanyang anak kahit ito ay bata pa?
4. Kung ikaw si Lea, tuturuan mo rin ba ang iyong anak ng mga ganoong bagay
kahit bata pa siya?
5. Paano ipinakita ang pagtutulungan ng pamilya sa akda?

Tunay na ang sinundang gawain ang muling gumising sa’yong kamalayan na kapaki-pakinabang ang pag-
aaral ng akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya. Madarama mo ang kaugnayan ng akda sa iyong personal
na buhay.
Taglay mo na ngayon ang kaunawaan sa nobelang Bata, Bata Paano Ka Ginawa.. Ipagpatuloy mo ngayon
ang paglinang ng iyong pag-unawa sa teksto. Narito ang susunod mong gagawin.

Gawain 4: Sagutin Natin

Panuto: Ibigay ang iyong sariling interpretasyon sa mga pahiwatig na ginamit sa akda. Basahin at
unawaing mabuti ang mga pahiwatig na may salungguhit na ginamit. Kopyahin at isulat ang iyong sagot sa
iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.
1. Tinuruan sila ng mga titser ng chest out, stomach in.

2. Sa oras na iyon ay mataas na at mainit na ang araw.

3. Bubulong-bulong na isinalpak ng bata ang toga sa kanyang ulo.

4. Ang nanay ang may gusto ng tropeo

5. Padalhan mo ako ng isang milyong dolyar para pambili ng gown ng anak mo.

Gawain 5: Buoin Natin

Panuto: Batay sa pagbabanghay na iyong napag-aralan sa unang aralin, gawin mo ng maayos na banghay ang
nobelang Bata, Bata Paano Ka Ginawa? Punan ng wastong tala ang talahanayan. Kopyahin at isulat ito sa
ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

Simulang Pangyayari:

Papataas na Pangyayari:

Kasukdulan:

Pababang Pangyayari:

Wakas:
26

Matapos mong ilahad ang iyong natutunan sa pagbabanghay ng akdang tuluyan sa tulong ng
talahanayang iyong napunan, isang kagalakan naman ngayon na aming mabatid ang ilang natatanging
impormasyon tungkol sa nobelang binasa sa tulong ng susunod na gawain.

PAGBASA 2: Alamin Natin (Ang Nobela At Ang Tunggalian Nito)

Linangin at palawakin ang iyong kaalaman sa Nobela At Ang Tunggaliang Makikita Rito. Basahin ang
lunsarang pangwika bilang pagpapatuloy sa susunod na mga gawain.
Ang Nobela at ang Tunggaliang Makikita Rito
Ang iyong binasa ay isang buod lamang ng kabanatang nobelang Bata, Bata Paano ka Ginawa? ni Lualhati
Bautista. Sa buod pa lámang ay makikita na sa akda ang pagkamakulay, pagkamayaman, at pagkamakabuluhan nito
bilang isang akdang tuluyan. Ang mga pangyayari rito ay parang buháy na nakikita dahil karaniwang namamalas sa pang-
araw-araw na búhay ng tao.Ang isang nobela ay nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo. Ito ay may mahabang kawing
ng panahon at ginagalawan ng maraming mga tauhan. Kung hindi pagtutuonan ng pansin, di gaya ng maikling kuwento ay
hindi ito mabilis na mababasa sa isang upuan lamang.
Ang nobela gayundin ang maikling kuwento ay kakikitaan ng tunggaliang pumupukaw sa damdamin ng
mambabasa. Ang nobela ay hindi magkakaroon ng buhay kung walang tunggalian. Ito ay isang elementong nakapaloob sa
banghay. Ito ay ang labanan sa pagitan ng magkakasalungat na puwersa.
1. Pisikal (tao laban sa kalikasan)- Ang tunggaliang ito ay tumutukoy sa tao laban sa mga elemento at puwersa ng
kalikasan. Ito ay maaaring ulan, init, lamig, bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan, at iba pa.
2. Panlipunan (tao laban sa kapwa tao)- Dito naman ang tao ay laban sa kapwa tao o ang tao laban sa lipunang
kanyang ginagalawan. Ibig sabihin ang kanyang problema o kasawian ay dulot ng iba o ng bagay na may
kaugnayan sa lipunan gaya ng diskriminasyon o iba pang bagay na tila di-makatarungang nagaganap sa lipunan.
3. Panloob o sikolohikal (tao laban sa sarili)-Ito ay uri ng tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili. Masasalamin
dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng isang tao.

Gawain 6: Isulat Natin

Matapos mong basahin ang tala tungkol sa “Nobela at ang Tunggaliang Makikita Rito”, sagutin mo ang
sumusunod inihandang Gawain.
Panuto: Bigyang-pansin ang teleseryeng napanood o pinanood at suriin ang mga tunggaliang taglay nito.
Magbigay ng suportang detalye o paliwanag sa pagsusuring gagawin. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba. Kopyahin
at isulat ito sa inyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.

Pamagat ng Teleserye
Taglay ng teleseryeng ito ang tunggaliang ….

Pisikal Panlipunan Sikolohikal


(Tao laban sa) (Taon Laban sa Kapwa) (Tao Laban sa Sarili)

Patunay Patunay Patunay

Mga Pamantayan Puntos Marka


Ayon sa paksa ang teleseryeng sinuri 5
Malinaw na naipakita ang tunggalian ng tao sa kabuoan ng pagsusuri. 5
Nakapagbigay ng suportang detalye sa pagsusuri 5
Kabuoang Puntos 15
1-Maraming Kakulangan 3-Katamtaman 5-Napakahusay
2-Di-mahusay 4-Mahusay
27

Ikinagagalak ko ang kasanayang iyong natamo mula sa sinundang mga Gawain. Inaasahan na may nabago sa
iyong dating pananaw hinggil sa Nobela At Ang Tunggaliang Makikita Rito , nakabubuting ituloy mo ang paggawa
sa susunod na gawain.

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLINANG


Sa bahaging ito ng modyul, ang talakayan ay umikot sa nobelang mula sa ating bansang Pilipinas, isang
bansa sa Timog-Silangang Asya. Umaasa akong iyong nadama ang koneksyon ng akdang pampanitikang ito sa
iyong sariling. Nalinang din ang iyong kaalaman sa nobela at tunggaliang nakapaloob dito.
Ngayon, handa ka na sa susunod na bahagi ng modyul na ito.

Bilang panimula sa bahaging ito ng modyul, ibig kong magkaroon kang muli ng pansariling pagtataya. Sa
iyong palagay, sa tulong ng mga sinundang gawaing iyong isinagawa, masasabi mo bang malaki ang naitulong ng
akdang pampanitikan mula sa Timog-Silangang Asya, partikular na sa ating bansa upang higit mong madama ang
halaga ng iyong pamilya?

Ngayon, pagkakataon mo nang palalimin ang iyong pagpapahalaga sa ating mga ina, gayundin ang
malalimang pag-unawa sa mga Pahayag na Ginamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong Gamit ng Salita sa
pamamagitan ng sumusunod na mga gawain.

PAGBASA 2: Alamin Natin (Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay


ng Opinyon at Mga Wastong Gamit ng salita)

Sa pagbibigay ng opinyon, mahalagang matutuhan ang wastong gamit ng mga salita upang maging kapani-
paniwala o kahika-hikayat ang pahayag.
Basahin at suriing mabuti ang wastong paggamit sa mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon at mga wastong gamit
ng salita.
Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon
at Mga Wastong Gamit ng Salita
Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ang pagbibigay ng opiyion. Sa mga pangyayaring nagaganap o
namamalas sa paligid. Sa pagbibigay ng opinyon, makabubuti kung táyo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-
uusapan upang masusing mapagtimbangtimbang ang mga bagay- bagay at maging katanggap-tanggap ang ating mga
opinyon. Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon.
Pagbibigay ng Matatag na Opinyon
 Buong igting kong sinusoportahan ang…
 Kumbinsido akóng …
 Labis akóng naninindigan na…
 Lubos kong pinaniniwalaan….
Pagbibigay ng Neutral na Opinyon
 Kung akó ang tatanungin…  Sa aking pananaw…
 Kung hindi akó nagkakamali…  Sa ganang sarili ...
 Sa aking pagsusuri…  Sa tingin ko...
 Sa aking palagay…  Sa totoo lang…

Sa pagbibigay ng opinyon, mahalagang matutuhan ang wastong gamit ng mga salita upang maging kapani-
paniwala o kahika-hikayat ang panayag.
28
Nang at Ng
Ginaganmit ang nang sa sumusunod na pagkakataon:
 bilan pangatnig sa mga pangungusap na hugnayan; ito ay panimula sa sugnay na di makapag-iisa
Halimbawa: Ang Pilipinas ay lalong nakilala sa buong mundo nang mapili ang Underground
River sa Palawan bilang isa sa New Seven Wonders of the World.
 bilang pang-abay
Hambawa: Nakatapos nang mabilis sa mga gawain ang mag anak na nagtulungan.
 Sa gitna ng dalawang salitang-ugat o dalawang pandiwang inuulit
Halimbawa: Parami nang parami ang mga turistang dumarating sa bansa.
Ginagamit ang ng sa sumusunod na pagkakataon:
 bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat
Halimbawa: Ang nanay ay naghanda ng pagkain sa bahay.
 bilang pagpapakita ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian
Halimbawa: Ang programa ng pamahalaan para sa pamilya ay maganda.

Din/Rin at Daw/Raw
Ginagamit ang rin at raw sa sumusunod na pagkakataon:
 kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na y at w
Halimbawa: Gusto raw niyang mamasyal sa Pilipinas.
 kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa y at w
Halimbawa: Mas mahal daw ang pumunta sa ibang bansa.

Subukin at Subukan
Ginagamit ang subukin kung sumusuri at nagsisiyasat sa uri, lakas, o kakayahan ng isang tao o bagay.
Halimbawa: Subukin mo ang husay ng mga Pilipino.
Ginagamit ang subukan kapag gustong maláman kung ano ang ginagawa ng isang tao o bagay nang
palihim.
Halimbawa: Subukan mo kung ano ang ginagawa ng mga pinuno ng bansa kapag nagtitipon.

Pahirin at Pahiran
Ginagamit ang pahirin kung ang ibig sabihin ay pag-alis ng isang bagay.
Ginagamit ang pahiran kung ang ibig sabihin ay paglalagay ng bagay sa isang lugar o karaniwan ay sa
isang bahagi ng katawan.
Halimbawa: Pahirin mo ang luha sa iyong mata upang mapahiran ng gamot.

Sundin at Sundan
Ginagamit ang sundin kung ang pahayag ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral.
Halimbawa: Sundin mo ang payo at utos ng iyong magulang.
Ginagamit ang sundan kung ang pahayag ay nangangahulugan na gayahin o puntahan ang pinuntahan ng
iba.
Halimbawa: Sundan mo ang ginagawa ng iyong magulang upang maging matagumpay ka rin
sa búhay.

Gawain 7: Subukin Natin

Para sa susunod na gagawin, subukin mo ang iyong kakayahan sa paggamit ng mga Pahayag na Ginagamit sa
Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong Gamit ng Salita. Ngayon ay iyong sagutan ang nakatalang paghahanay.
Panuto: Sumulat sa kahon ng iyong opinyon o komento kung paanong nakatutulong sa ating buhay ang
pagsasagawa ng kabutihang asal sa ating kapwa. Gumamit ng isa sa bawat pares ng salitang nakalahad sa bilang para sa
iyong susulatin. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.

1. Subukin/subukan
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
29
2. Nang/ng
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
3. Pahiran/pahirin
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
4. Rin/daw
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
5. Sundin/sundan
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Gawain 8: Pagkuha ng Mensahe Mula sa Mga Video

Panuto: Mag-isip ng mga programa sa telebisyon o teleseryeng napanood mo na may kaugnayan sa paksa “Bata,
Bata Panu ka Ginawa?” Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.

______________
Pamagat

Ilista ang mga detalye Isa-isahin ang mga pahayag na


tungkol sa nilalaman ng ginagamit sa pagbibigay ng Opinyon
iyong napanood. batay sa nakalap na impormasyon.

PAGLALAHAT: Mula sa teleserye/ programang pantelebisyon na aking sinuri, aking napagtantong,


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Napalalim ba ang iyong pagpapahalaga sa iyong pamilya sa tulong ng sinuring video? Walang alinlangang
naunawaan mo nang lubusan ang dahilan ngayon kung bakit sa nobelang Bata, Bata Paano Ka Ginawa?,

Ipagpatuloy mo pa ang pagpapalalim sa pagpapahalaga sa iyong pamilya sa pamamagitan ng paggawa mo sa


susunod na gawain.

Gawain 9: Subukin Mo Pa

Panuto: Bumuo ng isang simbolo na angkop na naglalarawan sa iyong pamilya. Sa loob nang iginuhit na simbolo,
ilahad ang mga dahilan kung bakit mo ito napili. Huwag mong kaliligtaang isama ang mga salita/pahayag na gingamit sa
Pagbibigay ng opinyon. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.

Gawain 10: Tiyakin Na Natin

Panuto: Ipahayag ang iyong sariling opinyon gamit ang mga wastong pahayag sa pagbibigay ng opinyon.
Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.
30
Sumulat ng iyong opinyon batay sa editorial cartoon na makikita sa ibaba. Suriin kung ano ang ipinahihiwatig ng
editorial cartoon na ito at kung paano ito makatutulong sa bansang Pilipinas upang lalo itong umunlad at maging kaaya-
aya sa global na pamayanan. Gumamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon.

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

Totoong tumulong ang gawaing katatapos mo lang isagawa nang mabigyang-diin ang katotohanan sa
iyong tunay na pagpapahalaga sa iyong pamilya.

Sa puntong ito naman, ating dagdagan ang makabuluhang simbolong iyong nabuo/napili kanina hinggil
sa iyong pamilya sa pamamagitan ng susunod na gawain.

May malawak ka ng pag-unawa sa aralin. Nabatid mo na ang kaugnayan sa’yong buhay ng akdang
pampanitikang pinag-aralan mula sa Timog- Silangang Asya, Bata, Bata Paano Ka Ginawa na mula
mismo sa sariling bansa.

Subukan mong paglimiing muli ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng susunod na gawain.

INTEGRASYONG PAGPAPAHALAGA
Pagkakataon mo na ngayon na palalimin mo pa ang iyong pagpapahalaga sa kahalagahan ng
pagpapatawad at kawalan ng diskriminasyon (Enlightened) sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, gayundin
ang malalimang pag-unawa sa pang-abay na pamanahon sa pamamagitan ng sumusunod na mga gawain.

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM


Damang-dama kong napalalim na ang iyong pagpapahalaga sa iyong pamilya lalong-lalo na sa iyong
sariling ina sa tulong nga mga isinagawang gawain nang dahil sa naging lunsaran nating akdang pampanitikan
mula sa Timog- Silangang Asya, sa Pilipinas sa nobelang Bata, Bata Paano Ka Ginawa?

Sa kabilang banda, napalalim na rin ang itong pag-unawa’t pagkatuto sa mga salitang naglalarawan (pang-
uri). Mainit na komendasyon ang ibig kong tanggapin mo! Ngayon, handa mo nang gawin ang huling bahagi ng
araling ito.

Ito na nga ang huling bahagi ng aralin na talaga namang inilaan upang higit na mapayaman ang iyong
kaalaman at mapagtibay ang anumang bagay na iyong natutuhan. Layunin ng bahaging ito na sukatin ang iyong
natutuhan sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa pagsasagawang iyong proyekto.
Isaalang-alang na sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagsagawa ng isang
pagsusuri. Makatutulong ang susunod na gawain.
31

Gawain 11: Palawakin Natin

Panuto: Ikaw ay naatasang sumulat ng isang sanaysay kaugnay ng mga pangyayaring nakikita mong
nararanasan ng taong tunggalian sa kanyang sarili. Gawing gabay ang pamantayang na nasa ibaba. Isulat ang
sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.

Mga Pamantayan Laang Puntos Aking Marka


Akma sa paksa ang sanaysay na nabuo. 5
Malinaw na naipakita ang tunggaliang tao laban sa kanyang sarili. 5

Nakagamit ng wastong pahayag sa pagsusuri at wasto ang gamit ng mga 5


salita.
Nakahihikayat at nakapagbibigay-linaw ang kabuoan ng sanaysay na 5
nagawa.
Kabuoang Puntos 20
1-Maraming Kakulangan 3-Katamtaman 5-Napakahusay
2-Di-mahusay 4-Mahusay

Katapusang Bahagi ng Paglilipat


Magaling! Naging makabuluhan ang pagsasagawa mo sa huling bahagi ng araling ito. Huwag kaliligtaan
ang kasanayang natamo.

Ngayon, walang alinlangang handa ka na sa ikaapat na aralin ng modyul na ito, ang mundo ng no bela
buhat sa Indonesia.

EBALWASYON

Gawain 12: Maikling Pagsusulit

Panuto: Para tayahin ang iyong natutuhan sa buong aralin, iyong sagutan ang sumusunod pagsasanay. Piliin ang
angkop na salitang pupuno sa diwa ng pangungusap. Punan ng wastong gamit ang patlang upang mabuo ang pahayag sa
bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT
NOTEBOOK.

(sundin, sundan) 1. _________natin palagi ang mga batas ang mga batas sa ating bayan upang lalong umunlad ang
Pilipinas.
(pahirin, pahiran) 2. _________mo na ang luha sa iyong mga mata. Makabubuting gumawa na lang tayo ng
magagandang bagay para sa bansa.

(subukin, subukan) 3. _________ natin puntahan ang iba pang magagandang lugar sa bansa para Makita nating
mayaman nga ang Pilipinas.
(daw, raw) 4. Mas maganda ___________ kung pag-aaralan mo ang kasaysayan at panitikan ng Pilipinas
upang higit mong maunawaan ang kanilang kultura.
(nang, ng) 5. Paganda __________ paganda ang mga bagay na nababalita tungkol sa Pilipinas.
ARALIN 3: PUTING KALAPATI, 32

LIBUTIN ITONG SANDAIGDIGAN


(5sesyon/Week5)

Sa araling ito ay mararanasan mong maging manunulat at magbibigkas ng tula tungkol sa


pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng bansang Asyano.

Simulan natin ang bahaging ito ng modyul sa pamamagitan ng paggawa mo sa susunod na gawain.

Gawain 1: Pagtugon sa Mapanghamong mga Tanong

Panuto: Ano-ano ang sinisimbolo ng isang kalapati para sa iyo? Isulat ang iyong sagot sa mga nakalaang bilog at
saka ipaliwanag sa patlang ang iyong sagot. Kopyahin at isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT
NOTEBOOK.

Paliwanag:
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Gawain 2: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago

Panuto: Nasa ibaba ang halimbawa ng IRF Sheet. Punan ang unang hanay ng iyong sagot sa katanungan.
Kopyahin at isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.
Ano-ano ang epekto ng isang mapayapang lugar o kalooban sa buhay ng isang tao? Paano makakamit ang
bagay na ito?

Unang Tugon (Initial)

Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)

Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS


Ang iyong naging tugon sa dalawang gawain ay marahil nakabatay sa iyong obserbasyon o
mismong karanasan sa buhay. Tandaan ang mga naging tugon sapagkat maaaring mabago ang mga ito
pagkatapos mapag-aralan ang isang akdang pampanitikan mula sa Timog-Silangang Asya.
33

Ang tunguhin mo sa bahaging ito ng modyul ay malinang ang saloobin patungkol sa kapayapaan sa
pamamagitan ng pag-unawa sa isang akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya,ang Puting Kalapati,
Libutin Itong Sandaigdigan.
Tunguhin mo ring makita ang kaugnayan ng akdang ito sa’yong sariling buhay.

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan

Upang higit mong matamo nang lubos ang pag-unawa sa bahaging tulang Puting Kalapati,Libutin Itong
Sandaigdigan, makakabuting alamin mo muna ang magkasingkahulugang pahayag sa mga taludlod. Isulat ang sagot sa
inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK..
Panuto: Bilugan ang magkasingkahulugang pahayag sa mga taludtod na naka- tala sa bawat bilang. Piliin sa loob
ng kahon ang gamit ng mga salitang binilugan at saká ipaliwanag sa patlang kung bakit ito ang iyong naging sagot.
Konotasyon Denotasyon Intensidad ng Kahulugan
1. Puting kalapati, maglibot ka sa mundo.
Maglakbay ka hanggang sa makakaya mo.
Gamit:
Paliwanag:_________________________________________________________________________________________
2 Maririkit at mababangong bulaklak sa parang
Ito ang nais ng magagandang bulaklak sa aming bayan.
Gamit:
Paliwanag:_________________________________________________________________________________________
3. Papaniwalain mo ang daigdig sa kapayapaan
Habang humihinga ka sa gabing tahimik.
Gamit:
Paliwanag:_________________________________________________________________________________________
4 Pangitiin mo ang iyong mga labi sa bawat oras
Gamitin mo ang iyong bibig sa pakikipagtalastasan
Pigilin mo ang bunganga sa katakawan.
Gamit:
Paliwanag:_________________________________________________________________________________________
Ang tunguhin mo sa bahaging ito ng modyul ay malinang ang iyong kabatiran at pagpapahalaga sa akdang
pampanitikan ng Timog- Silangang Asya, partikular na ang isang tulang mula sa Malaysia. Makikita mo rin sana
ang koneksyon ng akdang ito sa’yong sariling buhay bilang isang Asyano at sa lipunang Pilipino.

Papuri ko sa’yo’y tanggapin dahil naging matiyaga ka sa pag-alam sa kahulugan ng mga


magkasingkahulugan sa pahayag sa mga taludtod na maaaring sagwil sa iyong pag-unawa sa babasahing tula
mula sa Malaysia na pinamagatang Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan.
Kung gayon, handa mo nang gawin ang susunod na gawain.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga saknong sa tulang Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan.
Pagkatapos, iyong sagutin ang mga nakalaang prosesong tanong. Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT
NOTEBOOK.
34
PAGBASA 1 Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan
isinalin sa Filipino ni A.B Juliana.
Sa mga pangyayaring walang kasakitan,
Kung saan ang tao'y naghihinala't tuwina'y may agam- Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala
agam Sa iyong hininga, hanging sariwa nagmula
Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan Itong sandaigdigan,paniwalain mo sa kapayapaan
Sa kanyang puting pakpak na hanap sa kapayapaan Habang puso'y pumipintig sa gabi ng katahimikan
Habang sagisag ng pagkakasundo'y patuloy na
bumabandila. Ngunit ikaw na palamara
Tulad ng alabok,humayo ka't mawala
Puting kalapati,libutin itong sandaigdigan Pagkat mundo mo't bantayog ay gumuho na
Ang hanging panggabi'y iyong panariwain Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda
Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin. Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa
Itong aming mga labi'y iyong pangitiin.

Mga Pamprosesong tanong:


1. Tungkol saan ang tulang binasa? Ano ang sinisimbolo ng kalapati?
2. Ano raw ang gagawin ng kalapati sa paglilibot nito sa mundo?
3. Ano-ano ba ang puwedeng gawin ng tao upang magkaroon ng ganap na kapayapaan sa mundo?
4. Sino kaya ang itinuturing na taksil sa tula?
5. Nakaranas ka na ba ng pagtataksil? Isalaysay ang pangyayari kung naranasan mo na ito.
6. Ano ang naging epekto sa iyo ng sagot mo sa bilang 5.

Tunay na ang sinundang gawain ang muling gumising sa’yong kamalayan na kapaki-pakinabang ang
pag-aaral ng akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya. Madarama mo ang kaugnayan ng akda sa iyong
personal na buhay.
Taglay mo na ngayon ang kaunawaan sa tulang Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan
.Ipagpatuloy mo ngayon ang paglinang ng iyong pag-unawa sa teksto. Narito ang sumusunod mong gagawin.

Gawain 4: Naiuugnay ang Sariling Damdamin sa Damdaming Nakita sa Tula


Panuto: Para sa susunod na gawain, iyong sagutan ang mga nakahandang pagsasanay upang linangin ang iyong
pag-unawa batay sa binasang tula. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.
Ang tulang binása bagama't maiksi ay kakikitaan ng malalim na damdamin ng may akda patungkol sa paghahanap
ng kapayapaan at pag-asa sa buhay. Isulat ang iba pang damdamin ng may-akda na makikita sa tula gayundin ang iyong
sariling damdamin kaugnay ng binasang tula sa pamamagitan ng pagkompleto sa diagram.

Damdamin ng may-akda sa tula

Ang aking damdamin kaugnay ng tula


35

`Tunay, di matatawaran ang gamit ng mga salitang naglalarawan upang higit na kapana-panabik at
makulay ang bawat tagpo sa ating buhay. Batid nating magiging nakababagot ang buhay kung wala ang mga
pang-uri.
Ngayon, ating ipatuloy na linangin ang iyong pag-unawa sa mga salitang naglalarawan sa pamamagitan ng
susunod na gawain.

Gawain 5: Mga Pag-uri, Hahanapin Ko’t Isasaayos Ko

Panuto: Hanapin ang pang-uring lantay at mga uri nito na mababasa sa tulang “Puting Kalapati, Libutin Itong
Sandaigdigan” ni Usman Awang. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.

LANTAY PAHAMBING PASUKDOL

Mahusay! Nagawa mo nang matagumpay ang mga sinundang gawain. Dumako naman tayo sa paglinang ng
iyong pag-unawa sa gramatika. Narito ang gawaing nakalaan para sa’yo.

Linangin ang iyong kaalaman sa mga Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin at
basahin at suriin ang ilang mahalagang tala tungkol sa kababaihan sa Malaysia kung saan nagmula o naisulat ang tulang
tinalakay.
PAGBASA 2:
lba't Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
May iba’t ibang paraang ginagamit upang maipahayag ang emosyon o damdamin ng mga tao. Ilan sa mga ito ay
sa pamamagitan ng:
1. Padamdam at maikling sambitla. Ito'y isang uri ng pangungusap na walang paksang nagpapahayag ng matinding
damdamin. Ginagamitan ito ng bantas na tandang padanmdam (!).
Halimbawa:
Galing! Sakít! Sarap! Grabe!
Aray! Ay! Yehey! Wow!
Maaari ring isama ang mga padamdam at maikling sambitlang ito sa parirala o sugnay upang maging higit na
tiyak ang damdamin o emosyong nais ipahayag.
Halimbawa: Yehey, maganda ang tingin sa akin ng mga tao!
2. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak damdamin o emosyon ng isang tao. Padamdam ang tawag sa ganitong
uri ng pangungusap. Nagpapahayag ito ng damdamin gaya ng galit, tuwa, lungkot, inis, o gigil. Nagtatapos ito sa
tandang padamdam.
Bagaman may mga pagkakataong ang damdamin ng nagpapahayag ay hindi gaanong matindi ngunit mahihinuha
pa rin ang damdamin. Ang ganitong pahayag ay nása anyong pasalaysay o paturol na pangungusap
Halimbawa:
 Kasiyaban: Natutuwa akó at isa akóng babaeng Pilipina.
 Pag-ayaw: Pasensiya na, pero hindi ko gusto ang pagtrato ninyo sa inyong kababaihan.
 Pagkainis: Nakakainis talaga ang mga laláking walang respet sa mga babae.
 Pagtataka: Bakit ganoon kababa ang inyong tingin sa akin?
 Pagmamalaki: Ako'y isang babaeng malaya!
3. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diretsahang paraan.
Halimbawa:
 Mas maganda sigurong hindi ka na magsalita (kahulugan: manahimik na lámang)
 Sana kunin ka na ni Lord! (kahulugan: mamatay ka na sana.)
 Isa kang anghel sa langit. (kahulugan: mabait at mabuti ang tao)
36
Ilang Mahalagang Tala Tungkol sa Kababaihan ng Malaysia
Ayon sa sanaysay na "Katayuang Legal ng Kababaihan sa Isang Multi- Racial na Lipunang Malaysian" na isinalin
ni Ruth Elynia S. Mabanglo, sa batayang historikal at tradisyonal, magkaiba ang mga ideolohiya at pagpapahalaga ng
pangunahing racial groups sa Malaysia: ang mga Malay, Tsino, at Indian. Sabihin pa, hindi laging angkop sa pananaw ng
lahat ng lahi ang mga batas ng bansa. Sa liwanag na ito, sinasalamin ng lipunang Malaysian mismo ang Malaysian Law
na kasangkot sa mahirap na proseso ng integration, subalit mapanibughong binabantayan ang bawat racial identity.
Gayunpaman, nagkakatulad ang kababaihang Malaysian sa iisang back- ground anuman ang pinagmulan nila. Ito
ang background ng inferiority sa kanyang asawa. Laging mababa sa kanyang asawa ang isang maybahay. Laging
nakahihigit ang sayáng dulot ng pagsilang ng isang anak na laláki kaysa sa isang anak na babae. Sa katunayan,
nakapamumuhay lämang noon ang isang batang babae sa anino ng kanyang kapatid na laláki, pagkaraa'y nagkakaisip
siyang dinodominahan ng kanyang asawa, at sa pagtanda'y namumuhay na kapiling ang kanyang anak na laláki. Umiikot
ang búhay ng isang babae sa mga lalaki sa kanyang búhay. Ganito noon at magpahanggang ngayon, sa malawak na
kasaklawan, ang lipunang Malaysia.
Pag-usapan Natin: Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK
1. Tungkol saan ang binásang talata?
2. Anong masasabi mo sa kalagayan ng kababaihan sa Malaysia?
3. Paano mo ihahambing ang katayuan ng mga Pilipina sa katayuar ng kababaihan ng Malaysia ayon sa
binasang talata?

Gawain 6: Tiyakin na Natin

Panuto: Ibigay ang iyong damdamin tungkol sa kalagayan ng kababaihan sa Malaysia at iba pang bansa sa
Asya tulad ng Pilipinas gamit ang mga paraan ng pagpapahayag na nakatala sa bawat bilang. Magbigay ng dalawang
pangungusap sa bawat paraan. Kopyahin at isulat ito iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.
1. padamdam o sambitla

_________________________________________________________________
______________________________________________________________

2. pangungusap na nagpapahayag ng tiyak na damdamin

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. pagpapahayag ng damdamin sa hindi diretsahang paraan

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ikinagagalak ko ang kasanayang iyong natamo mula sa sinundang mga gawain.

Kung may nabago sa iyong dating pananaw hinggil sa salitang pagbibigay kapatawaran sa mga nagawang
kasalanan nang di sinasadya, nakabubuting ituloy mo ang paggawa sa susunod na gawain.

Gawain 7: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago (IRF)


Panuto: Balikan mo ang Mapa ng Konsepto ng Pagbabago na iyong nasimulan sa bahaging PAGTUKLAS. Alin
sa mga naging sagot mo sa bahaging I ng IRF ang nangangailangan ng pagbabago? Ilahad mo rin ang mga dahilan kung
bakit kinailangan mong palitan ang iyong mga naging sagot. Kopyahin at isulat ang sagot sa inyong
ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.
37
Ano-ano ang epekto ng isang mapayapang lugar o kalooban sa buhay ng tao? Paano makakamit ang bagay
na ito?

Unang Tugon (Initial)


Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)

Dahilan/Mga dahilan:

Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLINANG


Sa bahaging ito ng modyul, ang talakayan ay umiikot sa tulang mula sa Malaysia , isang bansa sa
Timog-Silangang Asya. Umaasa akong iyong nadama ang koneksyon ng akdang pampanitikang ito sa
iyong sariling buhay . Nalinang din ang iyong kaalaman sa mga iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng
emosyon o damdamin.
Ngayon, handa ka na sa susunod na bahagi ng modyul na ito.

Bilang panimula sa bahaging ito ng modyul, ibig kong magkaroon kang muli ng pansariling pagtataya.
Sa iyong palagay, sa tulong ng mga sinundang gawaing iyong isinagawa,masasabi mo bang malaki ang
naitulong ng akdang pampanitikan mula sa Timog-Silangang Asya, particular na sa bansang Malaysia upang
higit mong madama ang halaga ng kapayapaan.
Pagkakataon mo na ngayon na palalimin pa ang iyong pagpapahalaga sa kapayapaan, gayundin ang
malalimang pag-unawa sa paglalarawan (Pang-uri at Pang-abay) sa pamamagitan ng sumusunod na mga gawain.

Gawain 8: Venn Diagram

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, isagawa ang makabuluhang paghahambing tungkol sa kapayapaang
natatamo ng ating bansa ngayon nang higit na makita’t madama ang koneksyon nang lipunang Pilipino sa tulang “Puting
Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan” at ihambing ito sa Malaysia. Kopyahin at isulat ito sa iyong
ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

Malaysia Pilipinas

Totoong malaki ang kaugnayan ng tulang tinalakay sa kasalukuyang lagay ng lipunang Pilipino.
Damang-dama mo ang iyong kaugnayan dito yamang ikaw, tayo ay tuwirang apektado.

Ipagpatuloy pa ang pagpapalalim sa iyong pag-unawa’t pagpapahalaga sa tulong nang susunod na gawain.
38

Gawain 9: Pagsusuri sa isang Islogan

Panuto: KAPAYAPAAN, KAPAYAPAAN, KAPAYAPAAN… Ito ay isang bagay na inaasam o ninanais ng


lahat. Ito ang madalas nating marinig saang lugar man tayo sa mundo pumunta. Kaugnay ng salitang ito ay iyong suriin
ang isang islogan tungkol sa kapayapaan. Kopyahi at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT
NOTEBOOK.
Kapayapaan
Ang kapayapaan ay hindi lámang makikita sa kawalan ng giyera o pisikal
na labanan kundi sa pagkakaroon ng kapayapaan sa kalooban.

1. Kahulugan ng Islogan Para sa Iyo


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Paano mo maipapaliwanag ang pagkakaroon ng...
2. Kapayapaan sa Sarili
______________________________________________________________________________________
3. Kapayapaan sa Tahanan
______________________________________________________________________________________
4. Kapayapaan sa Pakikipagkapwa
______________________________________________________________________________________
5. Kapayapaan sa Mundo
______________________________________________________________________________________

PAGLALAHAT: Mula sa islogan hinggil sa kapayapaan , aking napagtantong


___________
____________________________________________________________________________________

Salamat sa akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya, partikular na sa Malaysia, ang “Puting


Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan”. Ito ang nagbunsod upang mapalalim ang ating pagpapahalaga sa
kahalagahan ng kapayapaan .

Ipagpatuloy pa ang pagpapalalim sa’yong pag-unawa’t pagpapahalaga sa nasabing tula sa tulong ng


susunod na gawain.

Malapit mo nang matapos ang ikatlong aralin ng modyul na ito. Napuna mo ang pakinabang na dulot
ng pag-aaral sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya bagama’t tatlong bansa pa lamang ang
iyong napag-aralan. Sa kabilang banda, naunawaan mo na rin ang pagsulat ng taludtod na naglalarawan ng
pagpapahalaga ng pagiging mamamayan ng Asya

Ngayon, nakabubuting balikan mo ang Mapa ng Konsepto ng Pagbabago na iyong nasimulan sa


bahaging PAGTUKLAS at PAGLINANG nang mabatid ang anumang pagbabago sa iyong saloobin at
pananaw.

Gawain 10: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago (IRF)


Panuto: Sa Mapa ng Konsepto ng Pagbabago na iyong nasimulan sa bahaging pagtuklas at paglinang, iyong
sagutin ang huling hanay ng IRF. Kopyahin at isulat ito sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.
39
Ano-ano ang epekto ng isang mapayapang lugar o kalooban sa buhay ng tao? Paano
makakamit ang bagay na ito?

Unang Tugon (Initial)


Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)
Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

May malawak ka ng pag-unawa sa aralin. Nabatid mo na ang kaugnayan sa’yong buhay ng akdang
pampanitikang pinag-aralan mula sa Timog-Silangang Asya, “Puting Kalapati,Libutin Itong Sandaigdigan.”

Subukan mong paglimiing muli ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng susunod na gagawin.

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM

Damang-dama kong napalalim na ang iyong pagpapahalaga sa ating kapayapaan sa tulong nga ng mga
isinagawang gawain, nang dahil sa naging lunsaran nating akdang pampanitikan mula sa Timog-Silanagang
Asya,sa Malaysia sa tulang “Puting Kalapati,Libutin Itong Sandaigdigan.”

Sa kabilang banda, napailalim na rin ang iyong pag-unawa’t pagkatuto sa mga salitang naglalarawan (pang-
uri). Mainit na komendasyon ang ibig kong tanggapin mo! Ngayon, handa mo nang gawin ang huling bahagi ng
araling ito.

INTEGRASYONG PAGPAPAHALAGA
Tunay na sa isinagawang mga gawain , naging maliwanag sa’yo ang lahat hinggil sa kahalagahan ng
kapayapaan hindi lamang sa ating bansa kundi pati na sa ating sarili . Ang Disiplina sa sarili ay isa sa mga paraan
upang makamit natin ang inaasam nating kapayapaan. Nakatutulong din ito upang maisagawa ang nararapat na
aksyon tungo sa positibong pagbabago.

Ito na nga ang huling bahagi ng aralin na inilaan upang higit na mapayaman ang iyong kaalaman at
mapagtibay ang anumang bagay na iyong natutuhan. Layunin ng bahaging ito na sukatin ang iyong natutuhan sa
pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa pagsasagawa ng iyong proyekto.

Isaalang-alang na sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang ikaw ay makasusulat ng taludtod na


naglalarawan ng pagpapahalaga ng pagiging mamamayan ng Asya. Gawin mo na ang susunod na gawain.

Gawain 11: Pagsulat ng Taludtod na Naglalarawan ng Pagpapahalaga ng


pagiging Mamamayan ng Asya at May Damdamin ang Isinulat na Sariling
Taludturan.
Panuto: May paligsahan sa inyong paaralan hinggil sa pagsulat ng tulang may temang pagpapahalaga
ng pagiging mamamayan ng kontinenteng Asya. Isa ka sa mga kalahok para sa inyong klase. Gamitin mo ang
mga dati mong kaalaman gayundin ang mga natutuhan sa araling ito tungkol sa tula upang makabuo ng mga
taludtod ng tulang kaugnay ng paksang nabanggit. Gamitin ang rubric sa ibaba para magabayan ka sa iyong
bubuoin. Isulat ito sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK.
40
Mga Pamantayan Laang Puntos Aking Puntos
May orihinal at akma sa paksa ng tula. 5
Hindi bababa sa tatlo hanggang limang taludturan ang nabuo. 5
Naging kawili-wili at mapanghikayat basahin. 5
Kabuong puntos 15

1-Maraming Kakulanagan 3-Katamtaman 5-Napakahusay


2-Di-mahusay 4-Mahusay

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLIPAT


Mahusay! Nagawa mong matagumpay ang huling bahagi ng araling ito. Panatilihin ang anumang
natutuhan dito yamang patuloy itong pakikinabangan sa mga susunod pang mga aralin ng modyul na ito.

Ngayon, ay unawain mula ang mga element ng tula.

Basahin ang mga tala tungkol sa Elemento ng Tula

PAGBASA 3: ANG TULA


Elemento ng Tula

Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating
damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw. Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito
ay nagangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, paggamit ng magkakatugmang salita
upang madama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat. Ang tula ay isang mabisang paraan
ng pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, imahinasyon, at mithin sa buhay. Sa pamamagitan ng tula naipararating
ng may katha sa mga bumabasa o nakikinig ang kanyang nararamdaman at naiisip. Bunga nito, taglay ng mga tula ang
iba't ibang paksa. Narito ang ilan sa mga karaniwang nagiging paksa ng mga tula partikular sa Asya.
1. Tulang Makabayan- Maraming tulang Asyano partikular sa Timog Silangang Asya ang nagsasaad ng maalab
na pagmamahal sa bayan. Marami sa mga bayani o kilaláng Asyano ang nakasulat ng mga tulang nagpapahayag ng
kanilang damdaming nasyonalismo. Ang iba naman ay nagbibigay-diin sa mga natatanging kasaysayan ng isang bansa,
makasaysayang mga pook, magagandang tanawin, at maging ng temang may kinalaman sa búhay ng mga dakilang tao o
pinunò ng bansa. Ilan sa mga tanyag na tulang may paksang makabayan ay ang "Pahimakas” ni Dr. Jose Rizal na pinag-
aaralan hindi lámang sa Asya kundi maging sa buong mundo.
2. Tula ng Pag-ibig- Ang ganitong uri ng tula ay punumpuno ng damdamin. Ang paksa ng tulang ito ay may
kinalaman sa pagmamahalan ng dalawang magsing-irog, maalab na pagsinta ng isang lalaki sa babaeng kanyang
minamahal. Maging ang kasawian sa pag-ibig ay bahagi ng paksa ng tulang ito.
3. Tulang Pangkalikasan- Ang paksang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalikasan sa búhay ng tao
gayundin ang kadakilaan, kagandahan, at karilagan ng kalikasan na nakaaakit sa mga makata na sumulat ng mga tulang
may ganitong paksa.
4. Tulang Pastoral-Ang paksang ito ay nagbibigay-diin sa mga katangian ng buhay sa kabukiran, gayundin sa
kagitingan at kadakilaan ng mga magsasakáng matiyagang nagbubungkal ng mga lupa, at maging ang kahalagahan ng
pagsasaka sa ekonomiya ng bansa. Kilalá ito lalo na sa mga bansang agrikultural sa Asya partikular sa Pilipinas,
Indonesia, at Vietnam.

Bukod sa mga nabanggit na paksa ay may ilan pang paksang malimit gamitin ng mga makata sa paggawa
ng tula. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
 Iba't ibang uri ng pamumuhay at pag-uugali
 Dignidad sa paggawa
 Paksang may kinalaman sa pang-araw-araw na búhay
 Paksang pangkaluluwa at pangkagandahang-asal
 Paksa tungkol sa pagkabigo o paghihirap
41
EBALWASYON

PAGSULAT NG JOURNAL
Paano nakatutulong sa iyong buhay ang mahalagang kaisipang hatid ng mga tulang napag-
aralan? Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

ARALIN4 : PANITIKAN: TATLONG


MUKHA NG KASAMAAN
(5sesyon/Week6)

Sa araling ito’y mararanasan mong makalahok sa isang debate batay sa paksa na may kaugnayan sa
sanaysay na tatalakayin.

Sa araling ito’y mararanasan mong makalahok sa isang debate batay sa paksa na may kaugnayan sa
sanaysay na tatalakayin.

Simulan natin ang bahaging ito sa pamamagitan ng paggawa mo sa susunod na gawain.

Gawain 1: Reaksyon sa Natatanging Tanong

Panuto: Bigyan-tugon ang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng paglalagay ng pagpapaliwanag. Kopyahin


at isulat sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.
Paano maiwawaksi sa buhay ng tao ang tatlong mukha ng kasamaan- ang kasakiman, galit, at
kamangmangan – sa batas ng sandaigdigan?

_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Pagkatapos mong isagawa ang sinundang gawain, iyong tugunan ang hinihiling ng susunod na
gawain.

Gawain 2: Simulan Natin

Panuto: Bilang pagpapatuloy sa pagtalakay ng aralin, iyong sagutan ang inihandang pagsasanay. Ito ay bilang
paghahanda sa akdang pampanitikang tatalakayin. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT
NOTEBOOK.

Ang búhay ay maiksi, ayon sa Santiago 4:14,"Ang buhay ay parang usok lámang, sandaling lumilitaw at agad
nawawala”, Naniniwala ka ba rito?. Ngayon ay sumulat ka ng tatlong bagay na sa iyong palagay ay pinakamagagandang
nagawa mo sa loob ng maikling panahon pa lámang ng iyong búhay. Kopyahin at isulat ang sagot sa inyong
ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.
42

Ako ay___________taong gulang.

Pinakamagandang nagawa ko sa Pinakamagandang nagawa ko sa


aking buhay. aking buhay.

Pinakamagandang nagawa ko sa
aking buhay.

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS


Ano ang natuklasan sa sarili sa iyong sinagutan? Naging madali ba ang pagbibigay-kahulugan mo sa
Tatlong Mukha ng Kasamaan?
Anuman ang iyong naging tugon, tiyak na malilinang ito sa susunod na gawain.

Ang tunguhin mo sa bahaging ito ay maipagpatuloy ang paglinang sa iyong kabatiran at pagpapahalaga sa
akdang pampanitikan ng Timog-silangang Asya, partikular na ang isang sanaysay mula sa Myanmar. Iyo ring makikita
ang kaugnayan ng akdang ito sa’yong sariling buhay at buhay ng sinumang Asyano.

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Bilugan ang mga salitang may magkakaparehong kahulugan sa bawat pangkat ng salita sa kahon. Isulat
ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

-pagsubok -hawak -ipunin -ambisyon -gahaman


-problema -kamal -masaid -kasawian -makasarili
-suliranin -sawal -simutin -panagimpan -mapagbigay
-tagumpay -tamasa -ubusin -pangarap -matakaw

Pagbati ko’y sumaiyo! Iyo nang naunawaan ang mga salitang maaaring makasagabal sa iyong pag-
unawa sa Sanaysay mula sa Myanmar na pinamagatang ”Tatlong Mukha ng Kasamaan.”

Dumako na tayo ngayon sa susunod mong gawain.

Panuto: Basahin ang bahagi ng sanaysay na “Tatlong Mukha ng Kasamaan” na isinulat ni U Nu.
Pagkatapos, sagutin ang inihandang mga tanong.
Sa iyong pagbabasa, iyong lagyan ng marka ang salitang hindi gaanong nauunawaan ang
kahulugan at kilalanin ang kasing kahulugan nito gamit ang diksiyonaryo o halawin ang kahulugan
batay sa konteksto. Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

PAGBASA 1:
Tatlong Mukha ng Kasamaan
ni U Nu
(Isinalin ni Gng. Salvacion M. Delas Alas)
May tatlong mukha ng kasamaan ang sangkatauhang makasalanan: kasakiman, galit/poot, at kamangmangan sa
batas ng sandaigdigan. Ang mga bagay na ito ay batas ng kalikasan, kahit ang isang tao ay naniniwala sa mga aral ni
43
Buddha, Muslim, Katoliko, o isang Ateista. Sinasabing tatlo ring bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang tao.
Ito ay pagtanda, karamdaman at kamatayan.
Nag aangkin din ang isang nilalang ng limang katangian mula sa kanyang pagsilang. Ang kakayahang
magpahalaga sa nakikita niyang kagandahan sa kapaligiran, magpahalaga sa musika at awitin, magpahalaga sa pagkaing
kanyang naiibigan, makapag-uri ng iba't ibang halimuyak at sa kagandahan ng sining ayon sa kanyang pamantayan.
Ngunit ang mga angking katangiang ito ng tao ay hindi panghabang panahong mapapanaligan ng tao, sapagkat
ang mga ito ay katulad ng panahong lumilipas. Hindi rin tututol ang marami kung sasabihing ang kayamanan ay
nawawala, sapagkat walang sinumang makapagpapatunay na ang kayamanan ay nadadala ng isang tao sa kanyang
libingan, kaya lámang, may iba't ibang pananaw ang mga tao sa materyal na yamang angkin nila habang sila ay
nabubuhay. Ang hindi alam ng marami, kahit sila ang pinakamayaman sa daigdig, ang yamang angkin nila ay ni wala sa
isang milyong bahagi sa paniniwala ni Samsara The Cycles of Rebirth na hindi nakatitighaw sa mga taong walang
kapasiyahan dahil sa kasakiman.
Sinasabi rin na ang pagkagahaman ng isang tao sa kayamanan ay bunga ng sobrang kasakiman, kayā nalilimutan
ng marami ang tunay na gamit nito sa sangkatauhan. Sa batas na makatao ay sinasabi na ang lahat ng yamang materyal ay
dapat gamitin ng sinumang tao sa kanilang pangangailangan. Ngunit nang makilala ng tao ang kanyang pagkamakasarili,
ginamit ang materyal na yaman sa sariling kapakanan na siyang nagdulot sa lipunan ng maraming bagay na:
1. Nahahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao ang maniap at mayama.
2. Ang mahihirap ay laging umaasa sa mayayamang may puhunan, sapagkat kalimitan ang isang negosyanteng
nagbibitiw ng puhunan ay laging nag-isip kung papaano niya pakikinabangan ang kanyang puhunan na hindi
inisip ang kalagayan ng maliliit.
3. Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaan, ang mahihirap ay laging napagsasamantalahan, samantalang sila ay
nagkakamali ng yaman. Bunga ng ganitong pamamaraan ang mahihirap ay natutong magnakaw, pumatay, at ang
kababaihan ay nagbebenta ng sariling katawan.
4. Sa mga aral ni Buddha ay sinasabing may apat na dahilan kung bakit ang isang nilalang ay maagang namamatay.
Ito ay ang Karma, labis na pag-iisip dahil sa kahirapan, kakulangan sa pagkain, at kakulangan sa buhay na isa sa
pangunahing kailangan ng tao. Totoo, ang paniniwalang ito ni Buddha, sapagkat abala ang mayayaman sa
kanilang pagbubuhay hari, dahil sa pagsasamantala nila sa malilit? Ganito ba ang batas na makatao, samantalang
ang nagsasamantala ay nagpapasasa sa pawis ng malilit, silang mga biktima ay laging api? Dahil sa apat na
dahilan ay hindi maiiwasan ng maliliit na magkaroon ng karamdaman.
5. Paanong ang maliit ay makapagtatamo ng wastong edukasyon na siyang makapagpapaunlad sa kanilang buhay?
Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami nang parami ang mga uri ng
napagsasamantalahan.
6. Paano uunlad ang bansa kung ang higit na nakararami sa kanyang mga mamamayan ay mangmang? Anong
kaisipang bago ang aambag ng mga mangmang sa kaunlaran?

Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nang matuklasan ng tao kung paano nila
pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitawang puhunan. May natatandaan ba kayong alamat na ikinuwento sa
inyo ng mga Lolo at Lola ninyo?
Ganito ang isang alamat tungkol sa punongkahoy na may pangalang Padaythabin (punongkahoy na
pinagmumulan ng pangangailangan ng tao).
Sang-ayon sa alamat noong unang panahon, lahat ng pangangailangan ng tao ay nakukuha sa naturang puno,
kaya walang suliranin ang mga mamamayan sa pagkain, damit, at tahanan. Dahil sa bagay na iyon mistulang nasa paraiso
ang mga tao, sapagkat ang punong Padaythabin ay balon ng kayamanan. Ngunit nakilala ng mga tao ang kasakiman.
Inabuso nila ang mahiwagang puno. Biglang naglaho ang puno.
Mula noon, maraning tao ang nagutom, dahil sa pagkawala ng mahiwagang puno. Nakilala ng mga tao ang
krimen. Natuto siláng pumatay at magnakaw.
Ngayon ay maihahambing natin ang punong Padaythabin sa kayamanang likas sa ating bansa, sa ating paligid, at
ilalim ng lupain. Kung ang bawat likas na yaman ng ating bansa ay gagamitin sa kapakanan ng mga nakararaming
mamamayang nangangailangan siguro'y walang taong magugutom, pumapatay o mababawasan ang kasamaan ng
sangkatauhan.
Ngayon ay hindi ganito ang larawan ng sangkatauhan. Ang dahilan, nakilala ng mga tao ang kasakiman. Ang
maraming mahihirap ay nangangarap na yumaman. Ang maraming mayayaman, patuloy at patuloy pa ring nangangarap
na magkamal nang katakot-takot na yaman na walang katapusan.
Ganito ang batas ng tao sa kanyang sarili dahil sa kasakiman sa pagkakanal ng materyal na bagay, kahit para
siláng lintang sumisipsip ng dugo sa kanílang pinagsasamantalahan. Ang mga dahilang ito marahil ang sanhí kung bakit
44
may mayayaman sa kasalukuyan na hindi káyang ubusin ang naipong mga yaman kahit sampung ulit siláng mamumuhay
sa daigdig. Samantalang ang mga biktima ng tatlong mukha ng kasamaan ay mistulang basahan ang saplot sa kanilang
katawan.
Ang may-akda nito ay dating Primne Minister ng Burma. Nais níyang bigyang-aral ang mga taga-Burma ukol sa
kalagayang panlipunan ng kanilang bayan.
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Anong tatlong mukha ng kasamaan ang binanggit sa seleksiyon? Isa-isahin ang mga ito.
2. Bakit tila naging napakalayo ng agwat ng mayaman at mahirap sa lipunan?
3. Sa iyong palagay, bakit naging napakadali sa isang tao ang masilaw sa materyal na bagay?
4. Sang-ayon ka bas a lahat ng sinabi ng may-akda sa seleksiyon? Pangatwiranan.
5. Anong aral ang iyong nakuha mula sa nakuha sa “Alamat ng Padaythabin”? Paano ito maaaring mangyari
sa ating buhay?
Oo, isa na namang akdang pampanitikan mula sa Timog-silangang Asya ang katatapos mo lamang na
binasa’t inunawa, ang bahagi ng sanaysay na “Tatlong Mukha ng Kasamaan” ng Myanmar. Nakita mo ba ang
kaugnayan ng akdang ito sa buhay mo bilang isang Asyano?

Taglay mo na ngayon ang pag-unawa sa sanaysay na Tatlong “Mukha ng Kasamaan” ng Myanmar.


Ngayon, iyong ipagpatuloy ang paglinang ng iyong pag-unawa sa teksto. Narito ang susunod mong isasagawa.

Gawain 4: Buoin Natin

Ilahad nang may panunuri ang iyong sariling ideya at kapag ang sarili ay nakita sa katauhan ng iba.
Panuto: Para sa iyong susunod na gawain, iyong buoin ang concept map upang ipahayag ang iyong sariling ideya
at ideyang nakuha mula sa binasang alamat. Kopyahin at isulat sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.
Ang Alamat ng “Padaythabin" ay nabanggit sa seleksiyong binása. Ipagpalagay na ikaw ang puno ng Padaythabin
at isa sa taumbayan. Buoin ang concept map sa ibaba upang maipahayag ang iyong sariling ideya at ideyang nakuha
mula sa binasang alamat.
Alamat ng Padaythabin

Buod ng Alamat:

Sariling ideyang gagawin kung ikaw ang nása kalagayan ng


punong Padaythabin at nakita mo ang kasakimang ginawa
ng tao.

Sariling ideyang gagawin kung ikaw ang isa sa nakakita sa


kasakiman ng taumbayang umabuso sa biyaya ng
mahiwagang puno.

ALAMIN NATIN
Bilang dagdag sa iyong kaalaman, iyong basahin at pag-aralan ang mga tala tungkol sa
Pangangatwiran (Pakikipagdebate).
PAGBASA 2: PANGANGATWIRAN (Pakikipagdebate)

Ang pangangatwiran ay isang uri ng pagpapahayag na ang pangunahing layunin ay magpatunay ng katotohanan
at pinaniniwalaan at ipatanggap ang katotohanang iyon sa nakikinig o bumabasa. Ang isang nangangatwiran ay dapat
45
magtaglay ng sapat na kaalaman tungkol sa paksang pinangangatwiranan. Kailangang ang katwiran ay nakabatay sa
katotohanan upang ito ay makahikayat at makaakit nang himdi namimilit.
Sa isang mabisang pangangatwiran, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod:
1. Malalim na kaalaman at pagkaunawa sa paksang ipagmamatuwid
2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
3. May sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay sa pagmamatuwid.
4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapanghikayat.
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukás na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang
ilalahad.
Isang paraan upang maipakita ang kasanayan sa pangangatwiran ay sa pamamagitan ng pakikipagdebate. Ito ay
binubuo ng pagtatalo ng dalawang koponan o pangkat na nagbibigay-katwiran sa isang proposisyon o paksang
napagkasunduan nilang pagtalunan. Kadalasan, binibigkas ang pagtatalo subalit mayroon din namang pasulat.
Mga Hakbang sa Paghahanda sa Pakikipagdebate
1. Pangangalap ng Datos- Ito ang mga katotohanang gagamitin sa pagmamatuwid at kinukuha ang mga
ito sa napapanahong aklat, sanggunian, magasin, at pahayagan. Dalawang sanggunian ang karaniwang
pinagkukunan ng mga datos: ang sariling karanasan at ang pagmamasid ng ibang awtoridad sa paksa.
Maituturing na awtoridad ang isang tao kung siya ay dalubhasa o kilala sa kanyang larangan.
2. Ang Dagli- Ito ang balangkas ng inihandang mga katwiran. Sa ibang salita, ito’y pinaikling
pakikipagdebate. Mayroon itong simula, katawan, at wakas. Sa simula ay inihahayag ang paksang
pagtatalunan at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan. Ginagawa rin dito ang pagbibigay- katuturan sa
mga termino at pagpapahayag sa isyu. Sa katawan naman inilalahad ang mga isyung dapat na sagutin.
Bawat isyu ay binubuo ng mga patunay, mga katibayan o mga katwirang magpapatotoo sa panig na
ipinagtatanggol.Ang wakas ay ang buod ng isyung binigyang-patunay.
3. Pagtatanong- Bahagi ng pagdedebate ang pagtatanong. Narito ang ilang paalala sa pagtatanong sa
debate.
a. Magtanong lámang ng mga tanong na ang sagot ay oo o hindi.
b. Huwag payagang magtanong ang kalaban kung ikaw ay nagtatanong. Maaaksaya ang iyong
oras ng pagtatanong.
c. Kung lumalabag sa alituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat ipaalam sa
tagapangasiwa ng pagdedebate.
4. Panunuligsa -May panunuligsa (rebuttal) din sa debate. Narito naman ang mga dapat tandaan sa
panunuligsa.
a. Ilahad ang mga mali sa katwiran ng kalaban.
b. Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban.
c. Ipaliwanág ang kahinaan ng katibayan ng kalaban
d. Ipaalam kung labas sa buod ang katwiran o katibayan ng kalaban.
e. Magtapos sa pagbubuod ng sariling katwiran at katibayan.

Gawain 5: Gawin Natin

Panuto: Ilahad ang iyong pangangatwiran sa sumusunod na katanungan. Pangatwiranan mo ito


sa sampu o higit pang pangungusap. Isulat sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

Sa iyong palagay, alin ang higit na makabubuti para sa tao ang maging mayaman o matalino?

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
46
Linangin ang iyong kaalaman sa mga salitang pang-ugnay. Alam naman natin kung gaano kahalaga ang
mga tulay sa ating buhay.
ISAISIP NATIN
Ang Mga Pang-ugnay at mga Pahayag
na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw
May tatlong pang-ugnay sa wikang Filipino. Ito ay ang sumusunod:
A. Pang-angkop- Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda
lámang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.
 Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng
panuring.
Halimbawa:
mapagmahal na tao
o Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n, tinatanggal o kinakaltas ang n at
ikinakabit ang -ng.
Halimbawa:
huwarang mamamayan
 Ang pang-angkop na ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito
sa unang salita.
Halimbawa:
mabuting nilalang
B. Pang-ukol- lto ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap.
Narito ang mga kataga/pariralang malimit na gamiting pang-ukol.

Sa ng
Kay/ kina alinsunod sa/kay
laban sa/ kay ayon sa/kay
hinggil sa/kay ukol sa/kay
para sa/kay tungkol sa/ kay

C. Pangatnig - Tawag sa mga kataga/salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. Narito ang iba't
ibang uri ng pangatnig.

at ni o kaya maging
man saka pati dili kaya gayundin
kung alin sa halip kung sino siya rin kung saan
kung gayon datapwat subalit bagkus samantala
habang maliban bagaman kung sa bagay
kundi kapag sakali sana pagkat
sapagkat kasi kung kaya palibhasa dahil sa
sanhi ng anupa samakatuwid sa madaling salita
Ang natalakay na mga pang-ugnay ay mabisang gamit sa pagbibigay ng sariling pananaw. Sa pagbibigay ng
sariling pananaw ay maaaring banggitin o magpahayag batay sa sariling damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan o
naranasan. Ang ganitong pahayag ay makikilala sa paraan ng pagkakalahad ng nagsasalita o nagsusulat. llan sa mga
pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw ay ang sumusunod:
 Kung akó ang tatanungin nakikita  Anupa't ang pananaw ko sa bagay na
kong… iyan ay…
 Sa ganang akin…  Alinsunod sa...naniniwala akó…
 Para sa akin…  Lubos ang aking paniniwala sa bagay na
 Palibhasa' y naranasan ko kaya masasabi iyan masasabi kong…
kong…
47
Gawain 6: Subukin Pa Natin

Panuto: Bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga Pang-ugnay. Sagutan ang nakahandang
pagsasanay. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.
1. Pag-ugnayin ang mga salitang mabuti at mamamayan sa pagpapahayag ng mga bagay na ginagawa
ng taong nagtataglay ng ganitong katangian gamit ang dalawang pang-angkop.
 na: _____________________________________________________________________
 ng: _____________________________________________________________________
2. Gamit ang pangatnig na maliban ay sabihin kung ano ang iba pang katangiang dapat taglayin ng
mabuting tao bílang karagdagan sa mga katangiang natalakay na. _________________________________
_____________________________________________________________________
3. Gamit ang isang pangatnig ay ipahayag ang sanhi ng pagiging sakim ng tao.__________________
_____________________________________________________________________
4. Ipahayag kung paano magkakatulungan at maiiwasan ang malaking agwat ng pamumuhay ng
mayayaman at mahihirap sa ipunan.
 sa halip: _____________________________________________________________________
 kundi:_____________________________________________________________________

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLINANG


Ikinagagalak ko ang kasanayang iyong natamo mula sa sinundang mga gawain, sa panitikan at gramatika.
Sa bahaging ito ng modyul, muling napagtibay ang kahalagahan ng isang akdang pampanitikan, ang
“Tatlong Mukha ng Kasamaan” na hango sa Myanmar, isang bansa sa Timog-Silangang Asya. Umaasa akong iyong
nadama ang kaaugnayan ng akdang pampanitikang ito sa iyong sariling buhay bilang isang mamamayan.
Sa kabilang banda, nalinang ang iyong kaalaman sa mga salitang ginagamit bilang pang-ugnay sa pagbuo ng
mga pangungusap na nagsasaad ng opinyon.
Ngayon, handa ka na para sa susunod na bahagi ng modyul na ito.

Bilang panimula sa bahaging ito ng modyul, ibig kong magkaroon ka ng pansariling pagtataya. Sa iyong
palagay, sa tulong ng mga sinundang gawaing iyong isinagawa, masasabi mo bang malaki ang naitulong ng akdang
pampanitikan mula sa Timog-silangang Asya upang higit mong madama ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
kalayaan?
Ngayon, pagkakataon nang palalimin mo pa ang iyong pagpapahalaga sa taglay mong kalayaan, gayundin
ang malalimang pag-unawa sa mga salitang pang-ugnay sa paglalahad ng iyong opinyon sa pamamagitan ng
sumusunod na mga gawain.

Gawain 7: Tiyakin Natin

Panuto: Unawaing mabuti ang isinasaad ng mga sumusunod na larawan. Sumulat ng talatang binubuo ng lima
hanggang sampung pangungusap na nagpapahayag ng iyong pangangatwiran sa mensaheng nais ipabatid ng mga ito.
Isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.
48

PAGLALAHAT: Nang dahil sa larawang aking sinuri, naikintal sa aking puso’t isipan na ang tatlong mukha
ng kasamaan ay :
___________
_________________________________________________________________________________

Gawain 8: Tiyakin Pa Natin

Panuto: Tingnan ang unawaing mabuti ang larawan at iyong sagutan ang sumusunod na katanungan. Isulat ito sa
iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Anong kaisipan ang mahihinuha sa larawan?
2. Possible bang makamit ng isang lipunan ang isang mapayapa, maayos, at tahimik na kumonidad?
3. Sa iyong palagay, ano kaya ang susi upang maiwaksi ang kasamaan sa mundo?

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM


Hindi maikukubling nadama mo ang kahalagahan ng kapayapaan nang dahil sa mga
gawaing kaugnay ng akdang iyong pinag- aralan buhat sa Timog-Silangang Asya, sa Myanmar ukol sa
sanaysay na Tatlong Mukha ng Kasamaan.

Sa kabilang banda, napalalim na rin ang pag-unawa’t pagkatuto sa mga pang-unay na ginagamit sa
paglalahad ng opinyon. Muli, mainit na komendasyon ang ibig kong tanggapin mo! Ngayon, handa mo nang
gawin ang huling bahagi ng araling ito.

INTEGRASYONG PAGPAPAHALAGA
Ngayon, pagkakataon nang palalimin mo pa ang iyong pagpapahalaga sa taglay mong kalayaan
(Empathetic), gayundin ang malalimang pag-unawa sa mga salitang pang-ugnay sa paglalahad ng iyong opinyon sa
pamamagitan ng sumusunod na mga gawain.

Ito na nga ang huling bahagi ng aralin na talaga namang inilaan upang higit pang mapayaman ang
iyong kaalaman at mapagtibay ang anumang bagay na iyong natutuhan. Layunin ng bahaging ito na sukatin
ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa pagsasakatuparan ng iyong proyekto.

Makatutulong ang susunod na gawain upang mapagtibay ang iyong natutuhan sa mga
pagkikipagtalo/pakikipagdebate.

Gawain 9: Palawakin Pa Natin

Iyong ipahayag ang iyong husay sa pagmamatuwid batay sa napapanahong isyu o paksa na may kaugnayan sa
paksa ng sanaysay.
49
Panuto: Ikaw ay naatasan upang gumawa ng isang sanaysay na nagsasaad ng iyong pagmamatuwid ukol sa
sumusunod na paksa, “Alin ang higit na makabubuti para sa tao, ang maging mayaman o matalino?” Gawing batayan ang
pamantayang inihanda para sa iyo. Isulat ang sanaysay sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.
Mga Pamantayan Laang Iyong
puntos puntos
Katanggap-tanggap at makatotohanan ang mga impormasyon at katibayang 5
inihain.
Napaniwala at nahikayat ang mga nakikinig na panigan ang iniharap na pananaw. 5
Nagamit nang wasto at batid ang takdang oras na laan sa pagbibigay ng patunay. 5
Nakagamit ng pang-ugnay sa pakikipagtalo at naibigay ang uri ng mga ito. 5
Kabuoang Puntos 20
1- sadyang di-mahusay 3- katamtaman 5- napakahusay
2- di-gaanong mahusay 4- mahusay

EBALWASYON
Gawain 10: Madali Lang ‘ Yan

Panuto: Tukuyin ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap.Ikahon ang pangatnig sa bawat


pangungusap. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.
1. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.
2. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo.
3. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.
4. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.
5. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya.
6. Hindi pumasok sa paaralan si Nelia dahil sumakit ang kanyang ngipin.
7. Hindi siya matipid sa pagkain palibhasa marami ang perang baon niya.
8. Si Janice ang kakanta dahil siya ang pinakamagaling na mang-aawit sa klase natin.
9. Hindi niya makuha ang tamang sagot bagama’t nakinig siya sa sinabi ng guro.
10. Nagmadaling pumunta si Ted sa istasyon ngunit hindi niya naabutan ang tren.

ARALIN 5: PANITIKAN:
MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA
(10sesyon/week7-week8)

Sa araling ito’y gagawa ka ng pagsusuri ng ilang pangyayari sa akdang binasa batay sa pagiging
makatotohana nito sa buhay.

Simulan natin ang bahaging ito ng modyul sa pamamagitan ng paggawa mo sa nakahandang


gawain.
50
Gawain 1: Pagtugon sa Mapanghamong mga Tanong

Panuto: Ipagpalagay na nakatapos ka nang iyong pag-aaral sa kolehiyo at nabigyan ka ng pagkakataong mamili
kung saan mo gustong magtrabaho, anong bansa ang pipiliin mo kasama ang Pilipinas? Isulat ang iyong sagot sa
nakaguhit na eroplano at sa mga ulap ay ilagay ang iyong dahilan kung bakit mo napili ang bansang ito.
Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

Gawain 2: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago

Panuto: Nasa ibaba ang halimbawa ng IRF Sheet. Punan ang unang hanay ng iyong sagot sa katanungan.
Kopyahin at sagutan sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.
Bakit mahalaga ang maayos na paghabi ng mga tauhan sa akda? Bilang kabataan,bakit mahalagang
ialay natin ang ating lakas at talino sa pagpapabuti ng kalagayan ng ating Inang Bayan?
Unang Tugon (Initial)

Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)

Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS


Ang iyong naging tugon sa dalawang gawain ay marahil nakabatay sa iyong obserbasyon o
mismong karanasan sa buhay. Tandaan ang mga naging tugon sapagkat maaaring mabago ang mga ito
pagkatapos mapag-aralan ang isang akdang pampanitikan mula sa Timog-Silangang Asya.
Ngayon, oras na upang iyong galugarin ang mundo ng paksang nakalaan para sa araling ito sa
pamamagitan ng susunod na gawain.

Ang tunguhin mo sa bahaging ito ng modyul ay maipagpapatuloy ang paglinang sa iyong kabatiran at
pagpapahalaga sa akdang pampanitikan ng timog-Silangang Asya, partikular na ang isang dula mula sa ating
sariling bansa. Muli mo rin sanang Makita ang kaugnayan ng akdang ito sa’yong sariling buhay at sa lipunang
Pilipino.
51
Basahin ang bahagi ng dula mula sa ating sariling bansa ang “ Makapaghihintay ang Amerika” ni
Dionisio S. Salazar. Basahin ang akda at sagutin ang mga inihandang tanong. Isulat ang sagot sa iyong
ACTIVITY/ACTIVITY NOTEBOOK.

PAGBASA 1 Makapaghihintay ang Amerika


ni Dionisio S. Salazar
BUOD NG AKDA
Sa bahay ng mga Cortez, sa Maynila ay makikita sa kanilang sala si Ligaya na nakasandal sa kanilang sofa at
bumabasa ng “pocketbook.” Isa siyang Propesor sa isang malaking pamantasan sa Maynila. Habang nagbabasa ay
maiinip siya sa kahihintay sa byenan at mga anak na nanuod ng sine. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na rin ang
kaniyang byenan at mga anak. Ipinagmalaki ni Boy, ang kaniyang anak na lalaki ang kanilang napanoud sa sine.
Naipahayag din ni Marta, ang kaniyang byenan na mahusay na ang mga gumaganap na artistang Pilipino ngayong
panahon. Habang nagkukuwentuhan ay nabanggit ni Boy ang sinabi sa kaniya ng kaniyang ama na si Fidel na kung gusto
nitong pumunta sa Amerika.
Matapos ang kuwentuhan ay nagbihis ng pambahay ang mga anak ni Ligaya habang naiwan naman sa sala ang
magbyenan. Nagkuwentuhan sila tungkol sa pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika at ang mga suliranin ng lipunan.
Nag-isip sila ng paraan para sa darating na kaarawan ni Fidel bukas. Malungkot si Ligaya dahil muling malalayo nanaman
ang kaniyang asawa sa kaniyang piling kaya naman minabuti nang magbyenan na kausapin si Fidel sa balak nito. Napag-
usapan din nila ang hindi patas na pagtalaga sa posisyon sapagkat napili si Fidel sa isa sa mga itataas ang posisyon sa
ospital. Ang pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika ay labis na ipinag-aalala ni Ligaya dahil kakaiba ang uri ng
pamumuhay ng mga tao doon at panibagong buhay ang kanilang matatamasa kung doon magtratrabaho si Fidel. Naituon
naman ang kanilang usapan sa Amerika, kung anong klase ng pamumuhay mayroon sila at ang mga sawimpalad na mga
dalagang ina na bunga ng sinasabing makabagong kabihasnan. Ang katotohanang ang ating panahon ay henerasyon ng
panggagay, panghuhuwad, panloloko, krimen, pagsasamantala at iba pang mga sakit ng lipunan.
Dumating si Fidel na nakabarong Tagalog at masuyong hinagkan ang kabiyak nitong si Ligaya. Tinawag naman ni
Marta ang kaniyang mga apo upang magbigay galang sa kanilang kadarating pa lamang na ama. Ikinumusta naman ni
Fidel ang panonoud ng sine ng mga anak, aktibo naman itong ibinahagi ang kanilang karanasan at napanood. Pagkatapos
ay inalok naman ni Marta ang kaniyang mga apo upang magluto ng hapunan. Naiwan ang mag-asawa sa sala. Sinabi
naman ni Fidel na may naitalaga na bilang isang assistant director sa ospital na kaniyang pinapasukan. Saka naman
ipinilit uli ni Fidel ang kaniyang balak na pumunta ng Amerika dahil mas giginhawa raw ang kanilang buhay sa Amerika
kaysa sa Pilipinas. Hindi na masikmura ni Fidel ang katiwaliang nagaganap sa bansa at ang kawalan ng hustisya.
Todo naman ang pagkumbinsi ni Ligaya na manatili na lamang sila sa Pilipinas hanggang sa may narinig silang
sumisigaw magnanakaw sa labas ng kanilang bahay hanggang sa may narinig silang putok ng baril. Nagpapatunay ito sa
mga sinabi ni Fidel na pasasaan ang kanilang buhay sa Pilipinas kung kabi-kabila ay may krimeng nagaganap. Nang
tinawag na sila ni Rosa, ang kanilang anak na babae upang maghapunan. Nabanggit ni Boy na tuwing papasok na siya sa
paaralan ay ihahatid at isusundo siya ng kaniyang ama naitanong ni Fidel kung ano ang gustong maging ni Boy paglaki
nito.
Matapos ang kumain ay naupo sa sofa si Fidel at nag-isip-isip tungkol sa mga nasabi ng kaniyang asawa at ng
kaniyang mga anak. Kinaumagahan ay lumabas ng bahay si Fidel upang ikuha ang kanilang dyaryo. Pagbalik niya ay
sinorpresa siya ng kaniyang pamilya. Masayang ibinigay ng kaniyang mga anak at ng kaniyang ina ang kanilang regalo
kay Fidel. Nakapagdesisyon na si Fidel na huwag nang pumunta ng Amerika at manirahan na lamang sa Pilipinas.
Masayang- masaya naman na ibinigay ni Ligaya ang kaniyang regalo kay Fidel sa pamamagitan ng pagsabi nito na
madaragdagan nanaman ang kanilang pamilya. Masaya namang naibigkas ni Ligaya ang “Makapaghihintay ang
Amerika.”

Mga Pamprosesong tanong:


1. Bakit naisipan ni Fidel na tumungo at magtrabaho sa Amerika gayong mayroon naman siyang matatag na
trabaho rito sa Pilipinas?
2. Bakit gayon nalang ang hinanakit ni Fidel sa pamahalaan? Ano ang tinutukoy niyang sakit ng lipunang para
sa kanya ay wala ng lunas o kagalingan?
3. Sa iyong palagay, ano kaya ang nararapat gawin ng ating pamahalaan upang maiwasan, kung hindi man
ganap na masolusyunan ang paglaganap ng brain drain sa bansa?
4. Bilang kabataan, paano ka makatutulong upang magamot ang sakit na kanser na binanggit ni Fidel na patuloy
na nagpatuloy na nagpapahirap sa maraming mamamayang Pilipino?
52
Gawain 3: Payabungin Natin

Para sa susunod na gawain, iyong sagutan ang mga nakahandang pagsasanay upang linangin ang iyong pag-
unawa batay sa binasang dula.
Panuto: Bilugan ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang may diin mula sa mga salitang ginamit sa ikalawang
pangungusap. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

1. Napagwari ng binata na isang kahibangan ang tumungo sa ibang bansa at doon gugulin ang lakas at talinong
natamo sa pag-aaral dito sa Pilipinas. Napag-isipan niyang mas kailangan siya ng kanyang bansa at ng kanyang
pamilya.
2. Sadyang nakararahuyo ang malaking kikitaing dolyar, magagandang oportunidad, at ang maraming materyal
na bagay na makukuha sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Kaya't di nakapagtatakang maraming Pilipino ang naakit
na umalis ng bansa.
3. Nabagabag siya nang lubusan sa malaking hamong haharapin ng asawa sa pakikipagsapalaran nito sa ibang
bansa. Nangamba siyang bakâ hindi nito makayanan ang nasabing hámon.
4. Nakahahabag ang kalagayan ng mga Pilipinong nagnanasang makapag- aral ngunit di magawa sanhi ng
kahirapan ng buhay. Ang ganitong kalagayan ng mga kabataang Pilipino ay tunay na kaawa-awa.
5. Nagiging hungkag at malungkot ang buhay ng mag-iina kapag nangingibang-bansa ang asawa. Ang
pagdiriwang ng mahalagang okasyon sa kanilang búhay ay kalimitang walang sigla.

Dagdag kaalaman hinggil sa Brain Drain

ALAM MO BA?
Isa sa mga suliraning kinakaharap ng Pilipinas sa kasalukuyan ay ang paglaganap ng brain drain sa bansa. Ito ay
isang sakit sa ating lipunan kung saan ang ating mahuhusay na guro, doctor, nars, at iba pang mga propesyonal na sa halip
na sa ating Inang Bayan ialay ang kanilang talino at galling ay napakikinabangan ng ibang bansa.

Sa tulong nang sinundang gawain, iyong napatunayang taglay mo na nga ang pag-unawa tungkol sa dula.
Ngayon naman, mapatutunayan mong kilala mo ang mga pangunahing tauhan sa pamamagitan ng susunod na
gawain.

Gawain 4: Pagbubuo ng Kritikal na Paghuhusga


sa Karakterisasyon ng mga Tauhan
Para sa susunod na gawain, iyong sagutan ang mga nakahandang gawain upang linangin ang iyong pag-unawa
batay sa binasang dula.
Panuto: Suriin kung anong papel ang ginampanan ng mga tauhang nakatala rito at saka ipaliwanag kung
bakit ito ang iyong sagot. Sa huli ay bumuo ng kritikal na paghuhusga sa pagiging epektibo ng bawat tauhan at sa
epekto nito sa pagiging masining ng akda. Kopyahin at isulat ito sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT
NOTEBOOK.

Mga Tauhan Fidel Ligaya Marta at iba pa (Maaaring


Magdagdag ngtauhan)
Uri ng Tauhan ayon sa
papel na ginampanan
Uri ng Tauhan ayon sa
katauhan at paliwanag
sa sagot
Epektibo ba o hindi ang
tauhan sa papel na
kanyang ginagampanan?
Ipaliwanag
53

Mahusay! Hindi maipagkakailang katatapos mo lamang na binasang dula ay isang akdang


pampanitikan ng Timog-Silangang Asya, sa ating bansang Plipinas. Mangyari pa, kitang-kita’t damang-dama
mo ang kaugnayan ng akdang ito sa buahy mo bilang isang Asyano at sa lipunang Pilipino.

Dumako naman tayo sa paglinang ng iyong pag-unawa sa gramatika, particular na ang tungkol sa mga
pahayag sa pagiging makatotohanan at di-makatotohanan.

Palawakin ang iyong kaalaman sa mga Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon.
Basahin ang lunsarang pangwika na nakatala sa ibaba.

Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon.


PAGBASA 2:

Bahagi ng buhay ng tao ang makarinig o makakuha ng impormasyon, kaalaman o iba pa. Kaya nararapat lamang
na maging maingat sa pagpili at pagtanggap ng mga nasabing impormasyon. Kinakailangan ng masusing pagbeberipika at
pagsusuri upang malaman kung ang mga ito'y makatotohanan o hindi.
Ang isang pahayag ay makatotohanan kung ito'y may suportang datos, pag-aaral, pananaliksik, at suportang
impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa lahat. Ang ganitong uri ng pahayag ay karaniwang may siyentipikong
basehan gaya ng agham at siyensiya.
Sa pagpapahayag ng katotohanan, kailangang maging tumpak at wasto ang mga pahayag, salita, at gramatikang
gagamitin sa pagpapahayag. Ang mga parirala sa ibaba ay ilan sa mga ginagamit sa pagpapahayag ng katotohanan.
 Batay sa pag-aaral totoong…
 Mula sa mga datos na aking nakalap, talagang…
 Ang mga patunay na aking nakalap ay tunay na…
 Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na…
 Isang mabisang pag-aaral at pagsusuri ang isinagawa kaya napatunayang…
 Napatunayang mabisa ang…
 Mula sa pagbeberipika ng mga datos at impormasyon, napatunayan ang…
Samantalang mayroon ding mga pahayag na ginagamit sa pagsasabi ng mga bagay na walang katiyakan o walang
sapat na basehan. Ang mga ito at opinyon lamang ng isa o iilang tao o pangkat. Ang ganitong pahayag ay karaniwang
hindi suportado ng datos o siyentipikong basehan. llan sa mga ganitong uri ng pahayag ay ang mga sari-sariling kuro-kuro
o palagay ng tao, pamahiin, opinion page sa pahayagan, at iba pang katulad. Ilan sa mga ekspresyong ginagamit sa
ganitong pahayag ay ang sumusunod:
 Naniniwala ako…  Marahil ang bagay na ito ay…
 Sa aking palagay…  Puwedeng ang mga pangyayari...
 Ang opinyon ko sa bagay na ito…  Sa ganang sarili..
 Palagay ko...  Sa tingin ko...
 Baka ang mga pangyayaring…

Gawain 5: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago (IRF)

Panuto: Balikan mo ang Mapa ng Konsepto ng Pagbabago na iyong nasimulan sa bahaging PAGTUKLAS.
Alin sa mga naging sagot mo sa bahaging I ang ng IRF ang nangangailangan ng pagbabago? Ilahad mo rin ang mga
dahilan kung bakit kinailangan mong palitan ang iyong mga naging sagot. Kopyahi at isulan ang sagot sa iyong
ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

Bakit mahalaga ang maayos na paghabi ng mga tauhan sa akda? Bilang kabataan,bakit mahalagang
ialay natin ang ating lakas at talino sa pagpapabuti ng kalagayan ng ating Inang Bayan?
Unang Tugon (Initial)
54
Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)

Dahilan/Mga dahilan:

Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLINANG


Tunay na nagpatibay ang kahalagahan ng isang akdang pampanitikan, ang dulang “Makapaghihintay
ang Amerika,” na halaw mismo sa ating bansang Pilipinas, isang bansa sa Timog-Silangang Asya. Umaasa
akong muli mong nadama ang kaugnayan ng dulang ito sa iyong sariling buhay bilang isang Asyano at isang
Pilipino.
Ngayon, handa ka na sa susunod na bahagi ng modyul na ito.

Totoong malaki ang kaugnayan ng nobelang tinalakay sa kasalukuyang lagay ng lipunang Pilipino.
Damang-dama mo ang iyong kaugnayan dito yamang ikaw, tayo ay tuwirang apektado.

Ipagpatuloy pa ang pagpapalalim sa iyong pag-unawa’t pagpapahalaga sa tulong nang susunod na


gawain.

Gawain 6: Pagbibigay-Interpretasyon sa mga larawan

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan. Iugnay ito sa salitang “Brain Drain”. Pagkatapos, bumuo ng isang
sanaysay na bumubuo ng mga pangungusap na nagsasaad ng Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohan at Opinyon.
Lumikha ng sariling pamagat. Isulat ito sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

PAGLALAHAT: Nang dahil sa mga larawang ipinakita, naikintal sa aking puso’t isipan na ____
. Kaya ako mismo ay ___________________________________
________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Naging makabuluhan ba para sa’yo ang sinundang gawain? Nawa’y nadama mo kung gaano
kahalagang malaman ang mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Makatotohan at Opinyon. Salamat sa akdang
pampanitikan ng Timog-Silangang Asya, partikular na sa ating sariling bansa ang “Makapaghihintay ang
Amerika.”

Ipagpatuloy pa ang pagpapalalim sa’yong pag-unawa’t pagpapahalaga sa nasabing dula sa tulong ng


susunod na gawain.
55

Natapos mo na ang huling aralin ng modyul na ito. Napuna mo ang pakinabang na dulot ng pag-aaral sa
mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya. Sa kabilang banda, naunawaan mo na rin ang katuturan at
gamit ng mga salitang nagsaad ng pang-abay na pamanahon.

Ngayon, nakabubuting balikan mo ang Mapa ng Konsepto ng Pagbabago na iyong nasimulan sa


bahaging PAGTUKLAS at PAGLINANG nang mabatid ang anumang pagbabago sa iyong saloobin at
pananaw.
Gawain 7: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago (IRF)

Panuto: Sa Mapa ng Konsepto ng Pagbabago na iyong nasimulan sa bahaging pagtuklas at paglinang, iyo
nang sagutin ang huling hanay ng IRF. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT
NOTEBOOK.
Bakit mahalaga ang maayos na paghabi ng mga tauhan sa akda? Bilang kabataan,bakit
mahalagang ialay natin ang ating lakas at talino sa pagpapabuti ng kalagayan ng ating Inang Bayan?

Unang Tugon (Initial)


Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)
Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM


Masasabi mo ngayon na sa dalawang akdang pampanitikan mula sa Timog-Silangang Asya na iyong
pinag-aralan, unti-unting naibabaon sa’yong puso ang halaga ng mga ito anupa’t malaki ang epekto ng mga
ito sa’yo bilang isang Asyano.

INTEGRASYONG PAGPAPAHALAGA
Ang katapatang-loob sa ating sariling bansa ay makatutulong upang maging maunlad ang ating
bansa. Sa kabilang banda, ang kahirapang kinakaharap ng ating bansa ay malulunasan din basta’t may
pagkakaisa ang bawat Pilipino. Lahat ng mga ito ay natutuhan buhat sa dulang iyong pinag- aralan, ang
Makapaghihintay ang Amerika.

Binabati kita! Ngayon, handa mo nang gawin ang huling bahagi ng araling ito.

Ito na ang huling bahagi ng araling inilaan upang higit pang mapayaman ang iyong kaalaman at
mapagtibay ang anumang bagay na iyong natutuhan. Layunin ng bahaging ito ng modyul na sukatin ang
iyong natutuhan sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa pagsasakatuparan ng iyong proyekto.

Sa mga kasanayang iyong natamo, natitiyak kong handang-handa ka na upang maisagawa ang isang
malikhaing pagsulat ng isang pagsusuri ng pagiging makatotohanan.

Gawain 9: Pagsuri ng pagiging Makatotohanan ng Ilang


Pangyayari sa Isang Dula
Panuto: Basahin at unawain ang mga tala na nakalahad. Isulat ito sa iyong
ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK at kalakip nito ang pamantayan sa paghahatol para sa gawaing ito.
56
Ipagpalagay na ikaw ay isa sa kabataang naanyayahang maging kaba hagi ng Samahan ng mga Manunuri ng
Panitikang Pilipino. Ang isang gawaing ipinagagawa sa iyo ay ang pagsulat ng isang pagsusuri ng pagiging
makatotohanan ng ilang pangyayari sa dulang iyong nabasa sa araling ito o kung nais ay maaari ring magsaliksik ng iba
pang dula.
Ang gagawin mong pagsusuri ang magiging basehan upang ikaw ay maging kabahagi ng nasabing samahan.
Isulat mo sa isang buong papel ang lahat ng mga makatotohanang pangyayari sa dula. Gamitin mo ang iyong mga
natutuhan sa kabuoan ng araling ito upang maging gabay mo sa iyong pagsusuri. Sa hulí ay ibigay mo ang iyong kaisipan,
pananaw, at saloobin tungkol sa sinuring akda.
Ang gagawin mong pagsusuri ay dapat na makasunod sa rubric.

Mga Pamantayan Laang Aking


Puntos Puntos
Ang mga pangyayaring sinuri ay nakabatay sa isang dula. 5
Makatotohanan at maliwanag ang pagsusuring natapos. 5
Naipahayag nang malinaw ang kaisipan, pananaw, at 5
saloobin tungkol sa sinuring akda.
Kabuoang Puntos 15
1-Sadyang di-mahusay 3-Katamtaman 5 -Napakahusay
2-Di-gaanong mahusay 4-Mahusay

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLIPAT


Mahusay! Mula sa aking puso, komendasyon ang ibig kong tanggapin mo sapagkat naisakatuparan
mo nang mahusay ang proyekto ng unang markahan.

Tunay na kapaki-pakinabang ang pag-aaral sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya


sapagkat damang-dama mo ang iyong koneksyon bilang isang Asyano at pakikinabangan mong totoo sa pang-
araw-araw na pamumuhay ang mga aral na natutuhan.

PAGBASA 3:
Tauhan bilang Elemento ng akdang Pasalaysay.

Ang tauhan ay isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay tulad ng maikling kuwento, pabula, parabula, at
alamat. Nakasalalay sa maayos at makatotohanang pagkakahabi ng mga tauhan ang pagiging epektibo ng isang akda. Ang
uri, dami, o bilang ng mga tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng mga tauhang
magpapagalaw sa isang kuwento sapagkat ang pangangailangan lámang ang siyang maaaring magtakda nito. Ayon sa
Manwal sa Pagsusulat ng Maikling Kuwento ang mga karaniwang tauhang bumubuhay sa anumang akdang tuluyan ay
ang sumusunod:
1. Pangunahing Tauhan: Siya ang pinakamahalagang tauhan sa akda. Sa pangunahing tauhan umiikot
ang kuwento, mula sa simula hanggang sa wakas.
2. Katunggaling Tauhan: Siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel
na kanyang ginagampanan sapagkat sa mga tunggaliang ito nabubuhay ang mga pangyayari sa akda.
3. Pantulong na Tauhan: Ang pantulong na tauhan gaya ng ipinahihiwatig na katawagan ay karaniwang
kasáma ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing tungkulin nito sa akda ay ang maging kapalagayang loob o
sumuporta sa tauhan.
4. Ang May-akda: Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi nang magkasama sa loob ng
katha. Bagama't ang naririnig lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang
kamalayan ng makapangyarihang awtor.
Bukod sa mga uri ng tauhang nabanggit ay may iba pang pangkatawagan ang tauhang gumaganap sa kuwento
batay sa kanilang karakter o pagkatao. Ito ay ang taubang bilog at taubang lapad.

Ang tauhang bilog o round character ay may katangiang tulad din ng nasa isang totoong tao. Nagbabago ang
kanyang katauhan sa kabuoan ng akda. Maaaring magsimula siyang mabait, masipag, at masunurin subalit dahil sa ilang
mga pangyayari ay nagbago ang kanyang katauhan. Mahalagang maging epektibo ang paghabi ng mga tauhan upang ang
tauhan ay maging makatotohanan o maging isang tauhang bilog.
57
Ang tauhang lapad o flat character ay ang tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang sa
katapusan ng akda. Bihirang magkaroon ng ganitong uri ng tauhan sa mga akda subalit minsan ay kinakailangang
maglagay nito upang higit na lumutang ang tauhang binibigyang-pansin.

EBALWASYON

Pagsulat ng Journal
Bakit mahalaga ang maayos na paghahabi ng mga tauhan sa akda? Sagutin ito sa iyong activity
notebook.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA________________________________________________________
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang sagot sa
iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK.

1. Alin sa sumusunod na mga anyo ng panitikan ang sumasailalim sa mga terminong sukat, tugma, aliw-
iw, indayog, taludtod, saknong, at talinghaga?
a. Sanaysay c. Dula
b. Tula d. nobela

2. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa:


a. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
b. Pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
c. Pagtukoy sa pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
d. Pagkilala kung kailan naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos o pangyayari.

3. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang
maikling kuwentong __________.
a. Kababalaghan c. Pangtauhan
b. Katutubong Kulay d. Makanbanghay

4. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang pook o


pangyayari ay tinatawag na tulang ______.
a. Mapang-uroy c. Mapang-aliw
b. Mapaglarawan d. mapangpanuto

5. Kailangan natin ng oksihino para mabuhay. Batay sa katotohanang ito, alin naman sa sumusunod na
mga pangungusap ang nagsasaad ng opinyon?
a. Ikamamatay ng mga tao at hayop ang kawalan ng oksihino.
b. Mas marami ang oksihino sa probinsya kumpara sa siyudad.
c. Hindi magiging posible ang buhay sa ating planeta kung walang oksihino.
d. Di man natin nakikita’t nahahawakan ang oksihino, walang alinlangang mayroon ito.

6. Sa pangungusap na Nagtulong-tulong ang magkakabaranggay sa paglilinis ng lahat ng sulok ng


kanilang pamayanan. Sa wakas, wala nang biktima ng dengue”. Aling kataga ang maituturing na
transitional device o nag-uugnay sa mga pangyayari?
a. Sa c. sa wakas
b. ng lahat d. ng

7. Ano ang gamit ng mga salitang nasalungguhitan sa pangungusap na Nakadudurog-puso ang ginawang
pag-iwan ng ina sa sanggol na anak dahil lamang sa hangaring makapagtrabaho sa ibang bansa?
58
a. Nagpapaliwanag c. nangangatwiran
b. Nagsasalaysay d. naglalarawan

8. Anong aspekto ng pandiwa ang sumusunod na mga salita: kaaalam, kaiigib, kalalaba, kalilinis,
kaluluto, at kaaaral?
a. Perpektibo c. kontemplatibo
b. Imperpektibo d. perpektibong katatapos

9. Alin sa mga sumusunod ang di tamang pananaw hinggil sa isang nobela?


a. Maraming kabanata ang bumubuo sa nobela.
b. Madalas, hindi matatapos sa isang upuan ang pagbabasa sa nobela.
c. Maaaring mag-isa bilang isang kuwento ang bawat kabanata sa nobela.
d. Sumasaklaw ng iba’t ibang panahon ang mararaming pangyayari sa nobela.

10. Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang _______.


a. Pangkayarian c. Pantukoy
b. Pananda d. pangawing

11. Ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento gumagamit tayo ng mga:
a. Pantukoy c. Pandiwa
b. Pangatnig d. Pang-abay

12. Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng pahayag na Balang-araw, maaaring lumuwag ang tali at
kami’y makalaya sa pagkakaalipin, na hango sa akda mula sa Indonesia na Kay Estela Zeehandelar?
a. Maaalis ang pagkakabuhol ng tali at makalalaya na rin sa wakas.
b. Makalalaya mula sa pagkokontrol ng iba at makadarama ng ginhawa.
c. Balang-araw, mapababayaan at makawawala ang sinumang nakatali.
d. Ang pagluwag ng tali ay nangangahulugang ito’y napabayaan.

13. Ano ang pangunahing mensahe ng tulang Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus na nais ikintal sa
puso ng mga mambabasa?
a. Pahalagahan ang ina nang higit pa sa anumang materyal na bagay sa mundo.
b. Makontento sa anumang materyal na ipamamana ng iyong mga magulang.
c. May karapatang mamili ang sinuman sa uri ng mana na dapat tanggapin.
d. Angkop lamang na bigyan ng mga magulang ng mana ang kanilang anak.

14. Paano maisasagawa ang malikhaing panghihikayat sa mga akdang pampanitikan mula sa Timog-
silangang Asya?
a. Nakabatay ang panghihikayat sa nadaramang koneksyon o kaugnayan ng mga akda sa personal
na buhay.
b. Nakabatay ang panghihikayat sa kung gaano karami ang audience na hihimukin.
c. Nakabatay ang panghihikayat sa dami ng mga paraang gagamitin.
d. Nakabatay ang panghihikayat sa premyong salaping matatanggap ng audience.

15. _____ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap ay:
a. Kung c. Sa
b. Kapag d. Simula

16. Napakabuti ng iyong ama. Walang sandaling di siya nagbigay ng suporta sa inyong magkakapatid.
Napakalambing din niya sa inyo at sa inyong ina. Lumalabas dinkayo tuwing Sabado’t Linggo para mag-
bonding at magsimba. Subalit isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, narinig mo mula sa usapan ng
59
iyong mga kapitbahay na ang iyong ama ay dati palang drug addict, sugarol, basagulero, at higit sa lahat,
nagpabalik-balik noon sa kulungan. Ano ang nararapat na saloobin mo ngayon sa iyong ama?
a. Magtanim ng sama ng loob sa’yong ama dahil sa paglilihim na ginawa niya hinggil sa
kaniyang naging buhay-nakaraan.
b. Di magbabago ang pagmamahal sa ama yamang ang nakaraan ay nakaraan, ang mahalaga,
masaya kayo ngayon.
c. Magdamdam at sasabihin sa ama ang natuklasan at ipamukha sa kaniya ang ginawa niyang
pagsisinungaling.
d. Kumbinsihin ang ina’t mga kapatid na layuan ang ama dahil sa natuklasang napakasamang
buhay ng ama noon.

17. Kilala ka bilang isang napakamatulunging anak at mag-aaral. Hindi mo kailanman ipinagdamot ang
iyong tulong sa sinumang nangangailangan. Dahil dito, lagi kang nakatatanggap ng papuri mula sa ibang
tao. Nang magbakasyon kayong buong mag-anak at maligo sa isang swimming pool, iyong napuna ang
isang batang tila nahihirapang lumangoy sa malalim na bagahi ng pool. Ano ang iyong gagawin gayong
ikaw mismo ay nahihirapang lumangoy?
a. Sasagipin mo ang bata kahit alam mong manganganib ang iyong buhay para lamang
mapanatili mo ang magandang imahe sa iba.
b. Magkunwaring di mo nakita ang bata para wala kang dahilang tumulong, tutal, ikaw mismo
ay hirap sa paglangoy.
c. Hayaan na lamang ang bata at isiping may ibang makakikita sa kaniya upang siya’y tulungan
at di na makonsensya.
d. Humingi ng tulong sa sinumang marunong lumangoy upang masagip ang bata mula sa tiyak
na kapahamakan.

18. Lagi kang sinasabihan ng iyong ama’t ina na umuwi agad pagkatapos ng eskuwela upang ‘di sila mag-
alala sa’yo. Gayunpaman, isang araw, nasalubong mo sa’yong pag-uwi ang isang kaibigang matagal mo
nang ‘di nakikita. Niyaya ka niyang magmeryenda’t mamasyal na naging sanhi ng pag-uwi mo nang
gabing-gabi. Pagdating mo sa bahay, batid mong galit na galit ang iyong mga magulang. Paano mo sila
pakikitunguhan?
a. Idahilang may pangkatang gawain kayong tinapos sa paaralan.
b. Ipagdiinang maaga kang umuwi pero sadyang napakahaba ng trapik.
c. Sabihin ang totoo upang maibigay ang nararapat na payo sa iyo.
d. Idahilang inutusan ng guro na tapusin ang isang mahalagang gawain.

19. “Haba ng hair,


Utak niya’y puro air,
Amoy mo ay wagas,
Dapat ka ngang magtawas”
Ang saknong na mula sa tulang isinulat ni Von Crisostomo Villaraza ay halimbawa ng tulang:
a. Mapagbiro c. Mapanghikayat
b. Mapaglarawan d. Mapang-aliw

20. Sa pangungusap na , Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso, ang salitang
ginintuan ay __________.

a. Nangangatuwiran c. nag-uugnay
b. Naglalarawan d. nagsasalaysay
60

Pagbati mula sa aking puso! Natapos mo nang mahusay


ang proyekto ng Unang markahan.

You might also like