You are on page 1of 3

Katapatan, Kaagaran: Kailan sisimulan?

Ni: Althea Kate Cadalin

Isang mapagpalang araw sa bawat isa

Ako’y nasa inyong harapan, maglalahad ng mga aral na makatotohanan

Ako’y inyong pakinggan, imulat iyong isipan

Pagiging tapat, pagiging maaga, kahalagahan nito sa’ting buhay aking ilalahad

Unang paksa, ito’y pagiging maaga

Pagiging maaga sa lahat ng bagay, tunay na mahalaga

Ito ay isang sikreto sa pagiging matagumpay na tao

Kaakibat nito’y pagkakaroon ng pagpapahalaga sa oras mo

Oras na di dapat inaaksaya bagkus ito’y pinamamahalaan ng tama

Isa, dalawa, tatlo, kamay ng orasan ay tumatakbo

Apat, lima, anim, matalinong paggamit nito’y isaalang alang natin

Isang magandang katangian na dapat taglayin

Lalo na’t ngayon, oras ang isa sa matinding kalaban natin

Mga katagang ‘bahala na si batman’, ‘marami pang bukas at maging’ ‘Filipino time’

Iyong maririnig na sinasambit ng bawat madla

Kung kaya’t ito ay nagbubunga sa di matagumpay na paggawa

Mga gawaing mahalaga, nagiging palpak, di maayos na naisasagawa

Kaibigan, idilat iyong mga mata, ika’y mag umpisa

Laging pakatatandaan na ang pagiging maaga, di nangangahulugang pagpapahalaga lamang sa iba

Kundi ito’y isang katotohanan na mahal mo ang iyong oras at mayroong kang paggalang sa’yong sarili

Ugaling tumutulong upang maging produktibo

Pagiging maaga, na magdadala sayo sa tunay na tagumpay at ligaya.


Sa kabilang banda, pagiging tapat ugaling kaya aya

Mahalaga sa anumang oras,panahon o pagkakataon

Ugaling dapat na umiiral lalo na sa makabagong henerasyon

Katapatan na magbibigay ng kaginhawaan sa iyong damdamin at isipan

Sandali lamang aking kaibigan at ako ay iyong pakinggan

Mensaheng ilalahad, bigyang pansin at gawing aral

Aral na iyong madadala hanggang sa ikay tumanda

Katapatang gagabay sa iyong buhay

Upang makamtan inaasam na kapayapaan.

Ano ba para sa iyo ang tunay na kahulugan ng pagiging tapat?

Ito ba ‘y pag-ako sa kasalanang iyong ginawa?

O ang pagiging pranka sa iyong kapwa?

O baka naman ang pagbibigay ng totoong saloobin sa sa mga isyu ng lipunan gaya na lamang sa politika?

Aba kaibigan laliman iyong pag unawa

Hindi man natin maipagkakaila, minsan, pagiging tapat ay hindi natin nagagawa

Kung kaya’t, ito’y nagbubunga ng pagsisisi’t pangamba

Isang ugaling hindi tama kaya katahimikan hindi lubos na natatamasa

Katapatang magdadala sa iyo sa mga bagay na magagagawa mong maging masaya at malaya

Pagiging tapat sa puso sa isip at sa gawa

Pagiging tapat sa pamilya, kaibigan at sa kapwa

Pagiging tapat sa diyos na mapagpatawad at mapagpala

Pagiging tapat sa poong lumikha.


At ngayon, bago ko tuldukan ang mensaheng inilahad.

Aking iiwanan ang mga katanungang ito sa inyong mga palad

Una, hahayaan mo bang mabahiran ng kasinungalingan ang iyong pangalan?

Pangalawa, hahayaan mo bang tumakbo ang orasan ng walang nagagawa para sa mga mamamayan?

Oh, hahayaan ang sarili na maging sandata sa pagtuligsa sa kasinungalingan nang manaig ang katapatan
para sa bayan!

Ang oras ay tumatakbo

Kaibigan,kailangan ko na ang sagot mo!

Maraming salamat!

You might also like