You are on page 1of 3

KABANATA V

MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

Introduksiyon

Bawat tao’y biniyayaan ng Diyos ng bibig upang makapagsalita; ng tainga upang


makarinig; ng kamay upang makapagsalita; at ng mata upang makapagbasa at
makapanood. Pagsasalita, pakikinig, pagbabasa, pagsusulat at panonood – ang limang
makrong kasanayang pangkomunikasyon. Isang malaking kasiyahan para sa isang
magulang ang marinig na nakapagsasalita na ang kanilang anak. Hindi man
nakabibigkas nang tama sa umpisa, tila musika sa pandinig ng mga ito ang bawat
lumalabas sa labi ng kanilang munting anghel. Higit lalo ang kasiyahan ng magulang
kapag nakapagsasalita na nang maayos ang kanilang anak. Samantala, isang malaking
katuwaan naman para sa isang guro ang pagkakaroon ng magaaral na mahusay
magsalita sa klase, dahil magandang sukatan ito ng awtentikong pagkatuto ng mga
aralin. Siyempre, nakatutuwa ring makita ang mga anak na mahusay makinig sa
sinasabi ng mga magulang. Gayundin naman sa panig ng isang guro, isang katuwaan
ang pagkakaroon ng mag-aaral na mahusay makinig dahil nagiging tulay ito para sa
epektibong pagtuturo-pagkatuto. Maliban sa pakikinig, kailangang taglayin din ng mga
mag-aaral ang husay sa pagbabasa at pagsusulat sapagkat kabilang ito sa mga
pangunahing kasanayan na dapat malinang sa larangan ng edukasyon. Sa kabilang
banda, nagiging mahalagang batis din ng karunungan ang telebisyon, pelikula, google,
youtube at iba pa kung kaya’t itinuturing ang panonood bilang isang makrong
kasanayang pangkomunikasyon. Mga mga tiyak ding sitwasyong pangkomunikasyon
kung saan nagtitipon-tipon ang mga kalahok para sa mga tiyak na layunin. Kabilang dito
ang lektyur at seminar, simposyum at kumperensiya, round table discussion, small
group discussion, pasalitang ulat, at ang video conferencing. Masusing tatalakayin sa
kabanatang ito ang nabanggit na mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.

Pangkalahatang Layunin:

1. Magtatamo ng kasanayan sa mga tiyak na sitwasyong


pangkomunikasyon ng lipunang Pilipino.
2. Mailalapat nang kontekstuwal ang mga kasanayan sa sitwasyong
pangkomunikasyon.

Aralin 1. LEKTYUR AT SEMINAR

Nais ng mga Pilipino na magtamo ng karunungan at kasanayang kinakailangan


at napapanahon upang mas mapaunlad pa ang kahusayan sa pinag-aaralan at sa
propesyon. Dahil dito, kabi-kabila ang pagsasagawa ng mga forum, lektyur, seminar. Sa
araling ito, pag-aaralan natin ang katangian ng forum, lektyur, at seminar.

Mga Tiyak na Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:

1. Nakapagdidisenyo ng isang lektyur at seminar ayon sa hakbang at


paraan ng pagsasagawa nito.

Pagtalakay sa Paksa

Ang lektyur at seminar ay may layuning masinsinang matutunan ang isang


paksa na inorganisa nang mapatibay ang propesyonalismo. Binubuo ito ng 20
hanggang 70 kalahok. Ginagamit ito upang magbigay ng mga update sa dati ng
nalalaman at magpakikilala ng mga bagong kaalaman (San Juan, D.M., 2018).

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pinapaksa sa lektyur at seminar:

a. Pagsasanay sa mga pagsasalin

b. Pagsasanay sa paggamit ng mga social media sa pagtuturo

Naririto ang mga hakbang sa pagsasagawa ng lektyur at seminar


(www.eventbrite.com).

1. Tukuyin ang layunin ng lektyur at seminar gayundin ang bilang ng mga kalahok.
2. Magplano para sa badyet tulad ng badyet sa bulwagan, pagkain, imbitasyon,
tagapagsalita at iba pa para makapagdesisyon ng wastong halaga ng pagpapatala.

3. Pumili ng petsa ng pagdadaos ng lektyur at seminar, pagpapadala ng imbitasyon sa


kalahok at tagapagsalita, at pagpapatala. Pag-usapan din ang programa.

4. Pumili ng lugar na panggaganapan ng lektyur at seminar.

5. Tumukoy ng angkop na magiging tagapagsalita sa paksa.

You might also like