You are on page 1of 1

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Paano binibigyang- kahulugan ni Franklen ang konsensya? May iba- iba ba kayong depinisyon ng
konsensya? Ano ito?

- Ayon kay Franklen ang konsensya ay ang sariling hukom ng isang tao, humahatol ito kung ano ang tama
at mali para sa kanyang sarili, at ayon sa kanya nakakatulong ito sa isang tao upang ituwid ang kanyang
asal. Para naman sa akin ang konsensya ito ay ang boses o konsepto na umiiral sa loob ng kaisipan ng
isang tao na nagbibigay ng hudyat o gabay tungo sa kamalian o kaayusan ng isang gawain, wika, o
pangyayari sa iyong buhay.

2. Ano- ano ang iba’t ibang paraan ng paglinang at pangngalaga ng isang mabuting konsensya?

- Ang iba’t ibang paraan ng paglinang at pangangalaga ng konsensya ay ang pagbabasa kung saan ito ay
makatulong sa atin upang matutuhan ang mga pamantayan ng Diyos. Hindi ka magkakakaroon ng
konsensya kung hindi mo pa nababasa o naiisip kailanman kung ano ang magandang balita ng Diyos, ang
panghuli ay ang pagdarasal, sa pamamagitan ng pag dadasal ay mas mapapalakas pa ang ating
konsensya at maitutuwid ang mga maling nagagawa.

3. Magbibigay ng pangyayari kung saan sinusunod niyo ang inyong konsensya.

- Para sa akin ang pangyayari na sinusunod ko ang aking konsensya ay kapag may ginawa akong mali o
hindi tama, dahil napapaisip ako kung ano ang magiging epekto nito sa aking sarili o sa ibang tao kung
sakaling maitutuloy ko ang aking maling gawain. Sa pamamagitan ng pagsusunod ko sa aking konsensya
ay nakakatulong ito upang malaman ko kung tama ba o mali ang aking ginagawa at kung
makakapagdulot ba ito sa aking ng kapahamakan.

You might also like