You are on page 1of 4

Learning Activity Sheet

FILIPINO 10
Panitikang Pandaigdig

IKALAWANG MARKAHAN
Aralin 2.7: Pagsulat ng Sariling Akda

Gawain 1: Magbalik-tanaw

Gumawa ng paglalagom sa kabuuan ng Modyul sa tulong ng grapikong


representasyon. Ituon ang sagot sa umiiral na kulturang natutuhan at
natuklasan mo sa mga aralin.

MODYUL 2 - Mga Panitikan ng mga Bansa sa Kanluran


Natutuhan ko sa Natuklasan ko na… Masasabi ko na…
modyul na….

Gawain 2: Naaalala Mo Ba? (14 PUNTOS )


Sa pamamagitan ng Text Connection Organizer, punan ng mga
natutuhan mo sa mga aralin sa IKALAWANG MARKAHAN. Gayahin ang
kasunod na pormat sa sagutang papel.

Aralin Ano ang aking Ano ang aking


nabasa? natutuhan?
Aralin 1
Aralin 2
Aralin 3
Aralin 4
Aralin 5
Aralin 6
Aralin 7
Alam mo ba na…

Kung halos araw-araw kang gumagamit ng internet, malamang


Malama na gumagamit ka ng social media tulad ng blog o pinaikling salita
para sa weblog na naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang paksa.
Para sa ilan ito ay ginagamit para gawing online diary (talaarawang nasa internet).
Nasubukan mo na rin marahil ang microblogs gaya ng twitter. Ito naman ay microblogging
na serbisyo na nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga
mensahe na kilala bilang tweets. Naaliw ka rin ng mga napapanood mong video sa youtube.
Sa pamamagitan ng multimedia sharing site na ito ay maaari mong ibahagi ang mga video at
nagbibigay-daan para sa mga gagamit (user) nito na mag-upload, makita at ibahagi ang mga
video clips. Ang mga videong ito ay maaaring husgahan ayon sa dami ng “likes” at ang dami
ng nakapanood ay parehong nakalathala. Gayundin, nasubukan mo na ring makipag-
ugnayan sa friendster. Nakatuon ang friendster sa pagtulong sa mga tao na makakikilala ng
mga bagong kaibigan, makibalita sa mga lumang kaibigan, at magbahagi ng mga nilalamang
midya sa web. Ginagamit din ang websayt sa pagtatala at pagtutuklas ng mga bagong
pangyayari, mga banda, kinagigiliwang libangan, at marami pang iba. At siyempre,
makakalimutan ba naman ang facebook. Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at
magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang
ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.

Gramatika at Diskorsal sa Pagsulat ng isang Organisado at Makahulugang Akda

GRAMATIKAL - ay tumutukoy sa kawastuhan ng mga pahayag.

Halimbawa:

Ang NANG ay ginagamit na:

Kasingkahulugan ng NOONG at UPANG

Nagsasaad ng PARAAN

Ang NG ay ginagamit na:

Sinusundan ng PANGNGALAN, PANG-URI at PAMILANG

DISKORSAL – ay paraan ng pagpapahayag o pakikipagtalastasan.

Dalawang Karaniwang Uri ng Kakayahang Diskorsal

1. Kakayahang Tekstuwal – kahusayan ng isang indibidwal

sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng mga

akdang pampanitikan, gabay instruksyunal, transkripsyon,

at iba pang pasulat na komunikasyon.


2. Kakayahang Retorikal – tumutukoy naman sa kahusayan ng isang indibidwal na
makibahagi sa kumbersyon.

- kakayahang unawain ang iba’t ibang tagapagsalita at makapagbigay

ng mga pananaw o opinyon.

PAGSUSURI

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan. ( 4 PUNTOS )


Isulat ang kahulugan ng mga salitang madalas mabasa sa social media.

Sakalam Forever

Hashtag Beast mode

Gawain 4: Pagtalakay sa Aralin


Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
1. Ano ang dalawang uri ng kakayahang diskorsal?
2. Tumutukoy ito sa kawastuhan ng mga pahayag.
3. Ano ang gamit ng NANG?
4. Ito ay paraan ng pagpapahayag o pakikipagtalastasan.
5. Ibigay ang gamit ng NG.

TANDAAN

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Sariling Akda

1.Ang akdang ilalathala sa hatirang pangmadla ay dapat na orihinal.


2.Ang paksa ng akda ay dapat na tumatalakay sa umiiral na kultura
ng alinman sa mga bansa sa Kanluran
3.Ang kabuuan ng akda ay hindi lalagpas sa 300 na salita na nakalimbag
sa Arial (font style) at 12 (font size).
4.Lagyan ng pamagat ang akda.
5.Maglaan ng talaan, sanggunian, at glosaryo.
PAGTATAYA
Pagsubok sa Kaalaman ( 5 PUNTOS )
Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. Ito ay pinaikling salita para sa weblog na naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa
ilang mga paksa.
a. Blog c. Friendster
b. Facebook d. Twitter

2. Ito naman ay microblogging na serbisyo na nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na


magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets.
a. Blog c. Friendster
b. Facebook d. Twitter

3. Nakatuon ang social media na ito sa pagtulong sa mga tao na makakilala ng mga bagong
kaibigan, makibalita sa mga lumang kaibigan, at magbahagi ng mga nilalamang midya sa
web.
a. Blog c. Twitter
b. Friendster d. Youtube

4. Sa pamamagitan ng multimedia sharing site na ito ay maaari mong ibahagi ang mga video at
nagbibigay-daan para sa mga gagamit (user) nito na mag-upload, makita at ibahagi ang mga
video clips.
a. Blog c. Twitter
b. Facebook d. Youtube

5. Ito ay paraan ng pagpapahayag o pakikipagtalastasan.


a. Diskorsal c. Kombensyonal
b. Gramatikal d. Retorikal

MGA SASAGUTAN LAMANG SA ARALIN 2.7


GAWAIN 2 ____ / 14
GAWAIN 3 ____ / 4
PAGTATAYA ____ / 5
KABUUANG ISKOR ____ / 23

You might also like