You are on page 1of 10

PORTFOLIO

FILIPINO 110
IMERSYON SA PAGTUTURO
NI: KRISTIAN SKYZER B.
NAVARRO
ANAZEL ESTILO
TAGAPAGLINANG NG KURSO
ASDASD

Talaan ng nilalaman:

INTRODUKSYON; PAHINA 2
MGA NAPAPALOOB;
A. MGA NATUKLASAN PAHINA 3
B. MGA PATUNAY/ LARAWAN PAHINA 4
PAGLALAPAT/ APLIKASYON PAHINA 5
C. REPLEKSYON PAHINA 6
RUBRIKS PAHINA 7
INTRODUKSYON

Ang edukasyon ay kailangan ng bawat isa, lalo na ng mga bata dahil ito ang
tanging paraan upang matuto ang mga bata at hindi sila maging walang alam sa mga
bagay dito sa mundo. Tanging ang edukasyon ang nagbibigay kagandahan ng buhay sa
karamihan lalo na sa mga mahihirap. At ang pagiging guro ay mahirap, sa pagtuturo ay
hindi madali kaya saludo ako sa mga guro sa buong mundo.
Ang buong pangalan ng aking tinuturuan ay si Stefano Alcones siya ay nag iisang
anak nina Lynn Alcones at Edgar Alcones, Si Stefano ay may edad na 17 na taong gulang
at siya ay angking pinsan na kasalukuyang nakatira sa amin sa kadahilan na yumaong na
ang kanyang mga magulang at kmi nalang ang nag aalaga sa kanya. Kaya’t ngayon
habang wala pang nagaganap na face to face classes siya ay kasalukuyang tumutulong sa
gawaing bahay at sa pagbabantay sa kaniyang lolo at lola. Higit sa lahat upang di niya
maaksaya ang kanyang oras pagkatapos ng kanyang mga modules at pag aaral at
pagbabasa sa mga ito at pag wala naman siyang ginagagawa ay naglilinis siya ng bahay
at nag ehersisyo.
Si Stefano kasama ang kanyang Lolo, Lola, Tiyahin tsaka nag – iisang pinsan ay
kasalukuyang namumuhay at naninirahan sa Barangay Liong Roxas city. Sa lugar na ito
rin siya lumaki at nagkaroon ng matino at mabuting pag iisip at mga karanasan sa buhay.
Sa kanyang pagtanda.
Sa kasalukuyan siya ay nag aaral sa Capiz National High School sa ika sampung
baiting Sa Paaralan din na ito nakapagtapos ang kanyang magulang at ibang kapamilya
at yun ang rason kung bakit siya dito pinag aaral ng kaniyang mga magulang. At ang isa
ring rason kung bakit dito siya nag aaral dahil malapit at isang sakayan lng mula sa
kanilang bahay. Ngunit bago siya dito nag aral, nag aral muna siya ng kanyang
elementarya sa Donjose Acevedo Elem. School. Paaralang elementarya na naroon
mismo malapit sa kung siyaan sa naninirahan.
Sa ngayon, ay nag aaral siya ng Mabuti upang siya ay makakuha ng mataas na
grado para makuha niya ang kursong gusto niyang kunin pagtapos ng high school. At
makapag aral sa kursong inhenyero. Dahil Ang kanyang pangarap balang araw na nais
maabot ay isang maging magaling na inhenyero upang matulungan niya ang kaniyang
pamilya at makapagtayo ng sariling negosyo upang magkaroon siya ng mabutang
pamumuhay sa pagtanda.
ASDASD

MGA NAPAPALOOB
A. Mga natuklasan:
1. Anong katangian mayroon ang iyong mag-aaral?
 Ang aking mag-aaral na tinuturuan ay may mga katangian na madaling
maiinip sa aking itinuturo sapagkat iba ang kanyang interes o ibang mga
bagay ang kanyang nais na gawin subalit noong inilapat ko ang mga
estratehiyang aking nabasa at napag aralan ay mas lalong siyang nag pukos
sa topikong aking tinatalakay, Nagiging aktibo din naman siya ngunit higit
sa lahat ay madali siyang matuto.

2. Ano-ano ang kahirapan ng iyong mag aaral sa pagkatuto ng wika/Filipino?


 Sa aking obserbasyon sa aking mag aaral ay Di lahat ng mga bata ay
magkakatulad ang interes sa mga bagay - bagay kaya ang pagkaranas ng
hirap sa pagtuturo ay hindi na bago. Ang aking tinuturuan ay mahilig
Manood ng mga Anime na naka subtitle sa wikang engles Kaya may mga
pilipinong salita na madali lng bigkasin ay hindi niya masyado naiintindihan
sa madaling salita nahihirapan siya na intindihin ang wikang filipino at
nahihirapan na magsalita ng tuloy tuloy gamit ang wikang Filipino sa
kadahilan na nasanay siya sa pagbabasa ng mga wikang banyaga.

3. Ano-ano ang mga hamong iyong nakakaharap sa pagtuturo ng wika/Filipino?


 Higit sa lahat, Ang pagtuturo ay hindi madali dahil may mga oras na
mahihirapan o mawawalan ka nang gana sa pagtuturo. Ang mga hamong
aking nakakaharap sa pagtuturo ay ang mismong pagtuturo sa estudyante
na aking tinuturuan dahil may mga oras na hindi nakikinig at hindi
interesado ito ang nagiging dahilan ng hindi niya pagkakaintindi sa klase.
At Isa pa ay ang kung ano – ano ang kanyang iniisip habang kami ay nag ka
klase at nauuwi sa hindi niya pag kakaintindihan sa topikong aking
tinatalakay.
B. MGA PATUNAY / LARAWAN
MAY 30, 2021 JUNE 2, 2021 JUNE 4, 2021

JUNE 7, 2021 JUNE 9, 2021 JUNE 11, 2021

JUNE 14, 2021 JUNE 16, 2021 JUNE 30, 2021


ASDASD

PAGLALAPAT / APLIKASYON
Ano-ano ang mga istratehiyang iyong inilapat upang higit na mapasigla ang pagtuturo o
pagkatutong proseso?

 Sa pagtuturo ang pinakamahalaga ay ang mabuting kumonikasyon ng Guro at


estudyante, Mahalaga ito lalo na sa mga mag – aaral na hindi gaano interesado
sa klase at sa kanilang pag –aaral. Ang aking estratehiyang ginawa upang higit na
mapasigla ang pagtuturo at ang kanyang pagkatuto, Una inalam ko muna ang
mga bagay na kanyang gusto at nakahiligang gawin. Upang ma e lapat ko sa
aking pag tuturo at nang kami ay magkakaroon ng mabuting kuminikasyon sa
klase. Pangalawa ay pag sasabi ko ng punch lines na nakakatawa o kundi man
hugot words na nang galling sa mga salitang aming tinatalakay. At sa ganoong
paraan ang aking klase sa aking estudyante ay masaya at magsigla at higit sa
lahat ay nakuha ko na ang kanyang atensyon sa buong klase.

 Nagbibigay ako ng mga gawaing nakakatuwa at dito ko na ilalapat ang mga bagay
na kanyang nahihiligan tulad ng paggamit ng Loptop, Sa paggamit niya ng loptop
ay hindi siya nababagot at nagiging masigla, at doon ko rin siya pinapanood ng
mga Video na may kaugnayan sa aming klase, tulad nlng mga pag tatanghal sa
teatro na tungkol sa ibong adarna at Florante at Laura.
REPLEKSYON
Ang aking repleksyon sa aking isinagawang imersyon sa loob ng siyam na araw ay napagtanto
ko na ang pagtuturo ay hindi madali. Dito sa aking ginawang immersion ay nalaman ko na kung
ano pa ang mga dapat kung mapabuti sa kasalukayan kung kakayahan sa pagtuturo, at
kinakailangan mo rin ng mahabang pasensya sa pang araw – araw na pagtuturo sa mga mag
aaral at lalong lalo na ang kompyansa mo sa sarili na dapat ay kaya mong gawin at panindagan
ang propesyong iyong tinatahak. Kailangan dapat ay isa alang – alang mo at intindihin ang mga
pangangailangan ng iyong tinuturuan, kagaya nalang ng kung ano ang kanyang kagustuhan at
kung hanggang saan ang kaniyang kakayahan upang ikaw ay makapag ayos ng lesson plan ayon
sa kung ano ang interes ng iyong mga mag aaral. Subalit napag alaman ko din na hindi sa lahat
ng oras ay magiging aktibo ang estudyante kaya kailangan din ng malawak na pag iisip sa
pagtuturo. Sa aking pagtuturo ay napatunayan ko sa aking sarili na masaya kapag
nakakapagbibigay ka ng kaalaman sa estudyante at higit sa lahat masarap tingnan na ang iyong
mga estudyante ay masaya habang ikaw ay nag kaklase. At sa pamamagitan nitong isinagawang
immersion ay nahihikayat ko din ang aking sarili na mag aral ng mabuti.
ASDASD

Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon


Pangalawang Semestre, Taong-Aralan 2020-2021
Rubriks para sa Pagtataya ng Portfolio
Imersyon sa Pagtuturo

Pangalan: Seksyon: Petsa:

Batayang Inilaang Iskor


Mga Nilalaman Mga Puna
Iskor Guro (90%) Sarili (10%)

I - Pabalat (Nakasaad ang nilikhang pamagat ng Portfolio) 5

II - Pahinang Pamagat (Nilikhang Pamagat, Pangalan


5
ng istudyante at guro o tagapaglinang ng kurso)

III - Talaan ng Nilalaman (may pahina) 5

IV – Introduksyon (Hindi hihigit sa limandaang (500) salitang


pangnilalaman) Isaad dito ang mga personal na impormasyon ng 15
batang tinuruan.

IV - Mga Napapaloob

A. MGA NATUKLASAN:
1. Anong katangian mayroon ang iyong mag-
aaral?
2. Ano-ano ang kahirapan ng iyong mag-aaral
20
sa pagkatuto ng wika/ Filipino?
3. Ano-ano ang mga hamong iyong
nakakaharap sa pagtuturo ng wika/
Filipino?

B. MGA PATUNAY/ LARAWAN (with 10


captions)

PAGLALAPAT/APLIKASYON 10
Ano-ano ang mga istratehiyang iyong
inilapat upang higit na mapasigla ang
pagtuturo-pagkatutong proseso?

C. REPLEKSYON
(Mga reyalisasyon/ natutunan mula sa isinagawang 20
imersyon bilang guro sa darating na panahon)

V – MGA KARAGDAGANG DAHON (logbook at iba


5
pa)

VI – KALINISAN, KAAYUSAN,
5
AT PAGKAMALIKHAIN

KABUUANG ISKOR 100

Mga Palatandaan (Legend):


N – Natugunan
HN – Hindi Natugunan
K - Kulang

You might also like