You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
Rizal National High School
SENIOR HIGH SCHOOL

Name: Sampayan, Precious Lyneth C. Score:_______________


Grade/Section: 11-HUMSS B Parent/Guardian’s Signature:__________________

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Ikatlong Markahan
1st SUMMATIVE TEST

I. Panuto: Tukuyin ang tamang paksang angkop sa bawat pahayag sa ibaba. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa inyong papel.
1. Ano ang pinakamabisang paraan sa paglikha ng paksa ng iyong sulatin?
a. Gawing positibo, maiksi at kakaiba ang pamagat ng iyong likha.
b. Sumangguni sa mga sikat na manunulat sa paggawa ng pamagat.
c. Lumikha ng sariling pamagat ng walang isinasaalang-alang na iba
d. Lumikha ng pamagat na kakaiba kahit negatibo ang maging dating nito.

2. Ito ang susi para sa makabuluhang nilalaman ng isang teksto.


a. Piliting maging sikat sa paggawa ng sulatin
b. Gawing mahusay at perpekto ang ginagawang sulatin
c. Gawing maayos ang nilalaman nito kahit hindi kongkreto ang daloy ng impormasyon.
d. Huwag kang matakot na ipahayag ang iyong personal na nararamdaman sa iyong sinusulat

3.Dahil sa lumalaganap na pandemya napilitan ang bawat isa na mamalagi sa tahanan, nakita ang tunay na
diwa ng pagmamahalan ng bawat sambahayan dahil nagkaroon ng malaking panahon ang bawat isa na
maipadama ang kanilang pagkalinga sa bawat miyembro ng pamilya.
a. Diwa ng Pamilya b. Pandemyang Problema c. Pandemyang Sama-sama d. Tahanang walang Pasintabi
4. At nagsimulang tumulo ang luha sa kaniyang mata na tila ba isang bangungot na naman ang kaniyang
haharapin. Ang sugat na humiwa sa kaniyang puso ay napakalalim indikasyon ng masasakit na
pinagdaanang kaniyang sinapit sa kamay ng mapang-abusong kasuyo.
a. Pusong Sugatan b. Sanlaksang Luha c. Nagdurusang Puso d. Mahal kong Abusado
5. Nagtaasan ang buhok sa kaniyang buong katawan. Pumasok ang kakaibang lamig dulot ng hindi
maipaliwanag na pangyayaring nagpalaki ng kaniyang ulo na tila ba nakatingin sa kaniya ang nilalang na
hindi nya nakikita. Nangilid ang luha sa kaniyang mga mata sanhi ng hindi maipaliwanag na nararamdaman.
a. Dulot ay kaba b. Nanlalaking ulo c. Kakaibang Nilalang d. Dala ng matinding Takot
6. Patuloy ang pagbuhos nang malakas na ulan kasabay ang paghagupit nang malakas na hangin,
nagbagsakan ang matataas na punongkahoy na sinabayan nang malalakas na kulog at matatalim na kidlat.
a. Trahedya sa Lupa b. Malakas na Bagyo c. Hagupit ng Kalikasan d. Kalikasang Nagpupunyagi
7. Ang bayan ng Orani ay binubuo ng dalawampu’t siyam (29) na barangay. Ang populasyon nito ayon sa
census noong nakaraang 2015 ay nasa 66,909 na katao. Ang kanilang katutubong wika na ginagamit dito ay
Tagalog, Kapampanagan at Marivelenyo.
a. Bayan ng Orani b. Bayang Katutubo c. Bayang Minamahal d. Bayan ng mga Banal
8. Ano ang mas nauna, itlog ba o manok?
a. Itlog o Manok b. Itlog ang Nauna c. Manok ang Nauna d. Ano ang mas Nauna?
9. Sa paglipas ng ilang buwang pagtitiis nalampasan ng magkapatid na AG at AJ ang mga dinanas nila sa
panahon ng pandemya tulad ng ibang mamamayan sa buong mundo nag-uumapaw ang kanilang kaligayahan
dahil sa wakas ay napuksa na ang pandemya na Covid-19 at bumalik na sila sa dati nilang buhay na
nakasanayan.
a. Panahon ng Pagtitiis b. Welcome Back Covid-19 c. Covid-19: Bunga ng Pagtitiis d. Ang Pagwawakas ng
Covid-19
10. Ang Mahalya Soap ay mabibili sa napakamurang halaga. Ito ang sabon na nakapuputi ng kutis ay
nakakikinis pa. Garantisadong ang kutis ay magkakaroon ng buhay.
a. Kutis Kinesa b. Mahalya Soap c. Pampaputi ng Kilikili d. Garantisadong Mahusay
11. Ang tamang pagluluto ng adobong manok ay ilagay ang mantika sa mainit na kawali, igisa ang bawang,
isunod na ihulog ang karne, lagyan ng toyo, paminta at isunod ang suka, pakuluan hanggang maluto.
a. Adobong Baboy b. Halinang Magluto c. Tamang Paggigisa d. Pagluluto ng Adobong Manok
12. Ang blog ay isang paraan ng modernong pagsulat kung saan may paraan ang paggawa nito. Una,
magsasign -up ka sa gmail. Ikalawa, magtala ng mga kaukulang impormasyon mula sa mga tanong sa gmail.
Kapag nakapagtala na, puwede ng gumawa ng blog gamit ang sariling gmail account. Ano ang paksa ng
binasang teksto?
a. Blogging b. Kompyuter c. Mag sign-up d. Gmail Account
13. Magkahawak-kamay na tinalunton ng matalik na magkaibigan ang baybayin ng dagat, Nang mapagod na
ay naupo sila sa pinong buhanginan, Ito ang hinihintay na pagkakataon ni Zaldy upang masabi kay Belen
ang tunay niyang nararamdaman para rito. “Mahal Kita, Belen!!”
a. Mahal Kita, Belen b. Pinong Buhanginan c. Magkahawak -Kamay d. Ang Pag-ibig ni Zaldy
14. Tsaa na walang kaparis Guyabas Tea siguradong ikaw ay masisiyahan dahil napakalakas makaginhawa
ng pakiramdam. Ito ay nakatutulong din upang tunawin ang ibang kolesterol sa katawan dulot ng pagkain ng
matatabang pagkain.
a. Paalam Taba b. Masisiyahan Ka c. Goodbye Kolesterol d. Guyabas Tea, Tsaa na Walang Kaparis
15. Dahil sa mga karumal-dumal na mga pangyayaring hindi makatao, dapat nga ba na ibalik ang parusang
kamatayan sa ating bansa lalo’t higit sa mga mabibigat na kaso?
a. Hindi Makatao b. Mabibigat na Kaso c. Karumal-dumal na Pangyayari d. Parusang Kamatayan,
Dapat nga ba?

II. Panuto: Punan ang patlang sa ibaba ng tamang sagot na may kaugnayan sa araling tinalakay.
1. Dapat alam mong _________ ang iyong binasa mula sa pangunahing ideya patungo sa mga pantulong na
ideya.
2. Ang ______________________pagbasa ay tumutukoy sa detalyadong pagsusuri ng isang teksto batay sa
kung paano ito isinulat.
3. Ang primarya ay_______________antas o lebel ng pagbasa.
4. Analitikal ang antas ng pagbasa kapag ito ay gumagamit ng __________________ pamamaraan.
5. Pag-ugnay-ugnayin ang mga konsepto at ______________ na ibinabahagi sa loob ng ada.
6. Bagamat iba-iba ang estilo ng mga manunulat bawat isa ay may gustong ipahatid sa _____________ at
iyon ay dapat na igalang at respetuhin ng bumabasa ng akda.
7. Ang pagbasa ay isang _____________kasanayan.
8. Ang ___________ay isang proseso ng pagbibigay kahulugan ng simbolo at salita.
9. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ______________ at ideyang ibinabahagi sa loob ng akda.
10. Ang pag-unawa sa binasa, napagdudugtong dapat ang mga bago at _________ kaalaman.

III. Panuto: Gamit ang kaalamang iyong natutunan, magsaliksik hinggil sa problemang kinakaharap
ng ating bansa, Matapos makapagsaliksik, pumili ng dalawang uri ng teksto sa ibaba na iyong
isusulat. (15 puntos)
a. Naratibo b. Prosidyural c. Deskriptibo d. Persweysibo e. Impormatibo f. Argumentatibo

Pamantayan sa Pagmamarka
I. Nilalaman ng teksto
15- Ang katangian at kalikasan ng teksto ay napakahusay na naipakita.
12- Mahusay na naipakita ang katangian at kalikasan ng teksto.
9- Mahusay-husay na naipakita ang katangian at kalikasan ng teksto.
6- Medyo mahusay na naipakita ang katangian at kalikasan ng teksto.

II. Pagkamalikhain
15- Napakamalik hain at kaiga-igaya ang pagkakasulat ng akda.
12-Malikhain at maayos ang pagkakasulat ng akda.
9- Medyo malikhain ang pagkakasulat ng akda.
6- Kinakitaan ng konting pagiging malikhain sa pagsulat ng akda.

You might also like