You are on page 1of 2

Panukalang Proyekto

Proponent ng Proyekto: Millenials Organization, upang maibahagi ang talento at alam ng


bawat kabataan.

Pamagat ng Proyekto: Pak BoKaL (Pakinggan ang Boses ng Kabataan sa Lipunan)

Kategorya ng Proyekto: Programa

Kabuuang Pondong Gagamitin: Sariling pondo

Rasyunal:

Maraming kabataan ngayon ay naliligaw ang landas, nagbibisyo, gumagamit ng


ipinagbabawal na gamot, maagang nagbubuntis, o kaya nama’y nasasangkot sa hindi
makataong krimen.

Bilang isa sa kabataan ng bagong milenyo, maraming hamon ang aking hinaharap.
Maraming pagsubok at iba’t ibang tukso ang dumarating, maging ito man ay mabuti o hindi.
Maraming tanong ang naglalaro sa isipan ng bawat kabataan, kaya naman sila na ang
nagpapasyang tumuklas ng mga ito. Hindi maitatangging ilan sa mga kabataan ngayon ay
mali ang bawat persepsyon sa buhay, nasasalamin ng lipunang sa kanila nakaharap.

Ang programang Pak BoKaL o Pakinggan ang Boses ng Kabataan sa Lipunan ay


magbibigay ng pagkakataon sa kabataan na maibahagi ang kani-kanilang talento at
mabigyan ng sapat na atensyon ang bawat isa sa kanila. Sa paraang ito, maririnig ang boses
ng kabataan hindi lamang para sa pagbabahagi ng talento ngunit upang mabuksan ang
kanilang isipan sa tunay na gampaninsa lipunang kanilang ginagalawan.

Layunin:

1. Maibahagi ang bawat talento ng kabataan.


2. Mapakinggan ang boses ng kabataan.
3. Matuwid ang bawat landasin sa buhay.
4. Mabuksan ang isipan sa tunay na gampanin sa lipunang kanilang ginagalawan.

Panahon:

Ang Pak BoKaL ay isang taunang programa na may iba’t ibang uri ng patimpalak
tulad ng pampalakasan sa larangan ng pagkanta (amateur contest), patagisan ng gandang
may kaakibat na talino (beauty pageant) at iba pang programa para sa kabataan.
Mga taong sangkot: Kapitan ng Barangay

Opisyales ng Sangguniang Kabataan

Kabataan sa buong Barangay

Mga Kakailanganin: Sound System

Tarpaulin

Banderitas

Upuan

Komite:

Barangay Chairman: Mr. Macalintal

Head Organizer: Dhan Gilbert Hubog

Oraganizers: Rheyniel Gutierrez

Jondizt Lozada

Kenneth Esquibal

Choreographer: Alvin Tolentino

Inaprubahan ni: Inihanda ni:

Mr. Carmilo Flores Krizza D. Bathan

You might also like