You are on page 1of 1

Panalangin Kay Santo Niño

Para sa Pagpapagaling
MAHAL NA SANTO NIÑO, na sa kalaunan ng Iyong buhay,
Ay nagpagaling sa mga maysakit
at nagpatong ng Iyong mapagpagaling na kamay
sa mga lumpo, bulag, at sa may kapansanan
Masdan mo nang may habag ang mga pagdurusa
naming Iyong abang lingkod
Kung hindi mo man mamarapatin na kami’y pagalingin
ay pagkalooban mo nawa kami ng kalakasan
upang pasanin ang aming paghihirap at ialay ito sa Iyo.
Nagpakasakit ka nang lubos para sa amin.
Pagkalooban mo kami ng biyaya
na maialay ang aming mga pagdurusa
upang maging kaisa ng Iyong pagdurusa,
sa pagbabayad ng aming mga kasalanan
at mga pagkakasala ng iba,
para sa mga pangangailangan
ng maligalig na mundong aming ginagalawan,
at para sa pagpapalaya sa mga kaluluwa sa purgatoryo.

MAHAL NA BIRHENG MARIA,


mahabagin naming Ina,
ipanalangin mo kaming napapagal na mga anak mo.
O Mapagpagaling sa mga Maysakit,
O Mapang-aliw sa mga Nagdadalamhati,
ipanalangin mo kami sa iyong Anak na si Hesus. Amen

You might also like