You are on page 1of 12

UNANG MISTERYO:

Pagkatapos ng Huling Hapunan, isinama ni Hesus ang


kanyang mga Apostol upang magdasal sa Getsemane, sa
paanan ng Bundok ng Olibo sa Jerusalem. Ang kanyang
tumitinding pagkabalisa sa mga bagay na magaganap ay
maliwanag sa kanya nang kanyang sambitin, “Ako'y puno
ng hapis na halos ikamatay ko." (Mateo 26:38) "Dala ng
matinding hinagpis, siya'y nanalangin nang lalong taimtim,
at pumatak sa lupa ang kanyang pawis na parang
malalaking patak ng dugo." (Lucas 22:44)
Ayon sa mga eksperto sa larangan ng Medisina, ang
bihirang kasong katulad ng kondisyong sinapit ni Hesus
dahil sa sukdulang puwersa ay tinatawag na
"hematidrosis" kung saan nasisira ang mga ugat malapit sa
mga glandula ng pawis. Sa paghalo ng dugo at pawis
ang katawan ng tao ay nagkakaroon ng kakayanang
magpawis ng dugo. Dahil din dito ang balat ay nagiging
marupok kaya't dito pa lamang sa Hardin ng Getsemane ay
nanghina na si Hesus dagdag pa ang kanyang matinding
pagkabahala.
Habang pinagninilayan ang inyong nabasa, ituon ang
inyong tingin kay Hesus na tahimik na nananalangin,
nagpawis ng dugo dahil sa sasapitin niya sa Krus at
tahimik na niyakap ang kanyang matatamasang Kalbaryo
PARA SA IYO.

DASALIN ANG UNANG DEKADA NG SANTO ROSARYO

Kuwaresma 2022 Sources : Catholic articles from catholicstrivingforholiness.com, www.apu.edu


on The Science of Crucifixion, & Rosary Meditations of St. Josemaria Escriva
IKALAWANG MISTERYO:

Ang paghampas sa haliging bato o "flogging" ay legal na


paunang proseso sa bawat pagpaparusa ng kamatayan ng
mga Romano. Ang ginagamit na instrumento ay ang
"flagrum" o maikling latigo na gawa sa pinagbuklod na
katad ng balat (leather) ng iba't ibang haba, na may
maliliit na bolang bakal at matatalim na piraso ng buto
ng mga tupa na nakatali sa mga ito. Ang paghampas ay
ginagawa upang pahinain ang biktima hanggang sa ito ay
halos mahimatay o mamatay na. pagkatapos ng paghampas
ang mga biktima ay nilalait pa ng mga sundalong Romano.
Ayon sa batas ng mga Hudyo, tatlumpu't siyam (39) na beses hinahampas sa
haligi ng bato ang mga biktima. Marami ang nagsasabing higit sa 39 na
hampas ang dinanas ni Hesus sapagkat napakaraming tao ang nanonood
noon at ang sundalong tagahampas ay nadala sa sigaw ng mga tao.

Habang hinahampas ang likod ng biktima nang buong


puwersa, ang mga bolang bakal ay magsasanhi ng
pagputok ng mga ugat, ang mga buto ng tupa ay hihiwa sa
balat hanggang sa laman hanggang mapunit nito ang
kalamnang bumabalot sa buto. ito ay magsasanhi ng
napakatinding sakit, pagkawala ng dugo na kadalasang
nauuwi sa "circulatory shock."
Habang pinagninilayan ang inyong nabasa, ituon ang
inyong tingin sa latigo at isipin ang bawat hampas, bawat
pasa, bawat dugong pumatak PARA SA IYO, para sa mga
kasalanan ng Sanlibutan.

DASALIN ANG IKALAWANG DEKADA NG SANTO ROSARYO

Kuwaresma 2022 Sources : Catholic articles from catholicstrivingforholiness.com, www.apu.edu


on The Science of Crucifixion, & Rosary Meditations of St. Josemaria Escriva
IKATLONG MISTERYO:

Isang koronang puno ng tinik ang kanilang ipinutong


kay Hesus. binigyan Siya ng balabal na kulay lila at
pakutya silang sumigaw “Narito ang Hari ng mga
Hudyo!” kasabay ng paghampas nila sa Kaniya.
Ang mga sundalo ay gumawa ng korona mula sa mga
sanga ng halaman na punong puno ng mahahaba at
matatalas na tinik na kung ihahambing ay mas mahaba
pa sa Acacia. Ang koronang ito ay hindi lamang basta
ipinatong sa ulo ni Jesus, kungdi ay idiniin nang mabuti
hanggang sa bumaon ito sa kanyang anit na nagbunga
ng mahigit sa 30 sugat. Ayon sa pagsusuri ng mga
doktor, ang ganitong klaseng sugat ay nagdudulot
nang malubhang pagdurugo, tinatayang 330 ml o 10%
- 12% ng kabuuang volume ng dugo ng isang tao ang
nawala kay Hesus mula sa mga sugat na ito, bukod pa
sa mga nawalang dugo Niya mula sa paghahagupit.
“Ikaw at ako… hindi ba’t atin din Siyang pinutungan ng
koronang tinik, hinagupit, at nilurhan muli?..” Ituon
natin ang ating tingin sa koronang tinik at damhin
ang sakit na dinanas ni Hesus nang idiin ito sa
kanyang ulo. Tahimik niyang tiniis ito PARA SA IYO.
DASALIN ANG IKATLONG DEKADA NG SANTO ROSARYO

Kuwaresma 2022 Sources : Catholic articles from catholicstrivingforholiness.com, www.apu.edu


on The Science of Crucifixion, & Rosary Meditations of St. Josemaria Escriva
IKAAPAT NA MISTERYO:

Ang balabal na kulay lila na isinuot kay Hesus ay nanikit


na sa Kaniyang mga malalalim na sugat. nang ito ay
hubarin muli ng mga sundalo mula sa Kaniya, ito ay
nagdulot ng muling pagdaloy ng dugo at panibagong
pananakit ng mga ito.
Matapos nito ay itinali ang mga kamay ni Hesus sa tulos
na kahoy na may bigat na 35 – 55 kilo at ito ay ipinabuhat
sa Kaniya patungo sa Golgotta kung saan ang daraanan
ay matarik at may habang 650 m. Dahil sa pagod, puyat at
panghihina dulot ng pagkawala ng dugo, hindi napigilang
mapatirapa ni Hesus. ang pagkakadapang ito kasama ng
mabigat na kahoy ay nagdulot ng matinding pinsala sa
kanyang katawan na hinihinalang nakaapekto sa
Kaniyang puso.
Si Hesus ay hinang-hina na dulot ng puyat, pagkawala ng
dugo mula sa pambubugbog at paghagupit kasama ng
pagputong ng koronang tinik, at pagod na Kaniyang
dinanas sa paglalakad sa matarik, mabato at mahabang
daan na tinatayang umabot sa apat na kilometro.
PARA SA IYO, tahimik na pinasan ni Hesus ang Krus na
pinabigat ng kasalanan ng sanlibutan. ituon natin ang
ating tingin sa Krus na pinasan ng Anak ng Diyos.

DASALIN ANG IKAAPAT NA DEKADA NG SANTO


ROSARYO
Kuwaresma 2022 Sources : Catholic articles from catholicstrivingforholiness.com, www.apu.edu
on The Science of Crucifixion, & Rosary Meditations of St. Josemaria Escriva
IKALIMANG MISTERYO:

Matapos mawalan ng maraming dugo mula sa paghampas,


Si Hesus ay sinasabing natuyuan na ng tubig sa katawan
(dehydrated) pagdating niya sa Burol ng Golgotha. Si
Hesus ay inalok ng dalawang klase ng inumin. ang una
pagkarating niya sa golgotha at ang ikalawa ay bago
siya malagutan ng hininga. Ang una ay alak na may
gamot na may halong mira na nagsilbing "analgesic"
upang maibsan nang kaunti ang sakit na lalo pang titindi
sa pagpapako sa Krus. Ngunit matapos matikman ito ni
Hesus ay inayawan niya ito.
At pinahiga na si Hesus sa Kahoy ng Krus upang ipako. Imposible na
ang makahinga ng maayos kapag ang tao ay nakapako sa Krus. Ang
mga kamay ay nakabanat sa magkabilang dulo na kadalasan ay
nagsasanhi ng "bone dislocation" dahil ang buong bigat ng katawan
ay bitbit ng mga kamay na nakapako. Ang mga paang nakapako ay
tumutukod lamang sa pako o kung may maliit na tukod na nakausli
sa ilalim ng mga paa. upang huminga ay kinakailangang iangat ang
buong katawan para lumabas ang hangin (exhale) mula sa baga
(lungs). Sa pagod, puyat, dami ng dugong nawala, dehydration, hindi
maipaliwanag na sakit sa buong katawan ay wala nang lakas ang
isang taong nakapako sa Krus upang huminga.

Sa posisyon niya sa Krus, ang dibdib ni Hesus at ang


lahat ng kanyang kalamnan sa may baga ay unti-unting
mapaparalisa. Ito ay mauuwi sa "asphyxia" o kawalan ng
oxygen sa katawan na tuluyan nang mauuwi sa
kamatayan.

DASALIN ANG IKALIMANG DEKADA NG SANTO ROSARYO

Kuwaresma 2022 Sources : Catholic articles from catholicstrivingforholiness.com, www.apu.edu


on The Science of Crucifixion, & Rosary Meditations of St. Josemaria Escriva
Awit ng Bukas Palad Ministry na hango sa PNALANGIN NI ST. FRANCIS XAVIER

Hindi sa langit Mong


Pangako sa akin
Ako naaakit na Kita'y mahalin
At hindi sa apoy
Kahit anong lagim
Ako mapipilit muli Kang sambahin
Naakit ako nang Ika'y mamalas
Nakapako sa Krus
Hinahamak-hamak
Naaakit ng 'Yong katawang may sugat
At nang tinanggap
'Yong kamataya't libak
Naaakit ako ng Iyong pag-ibig
Kaya't mahal kita
Kahit walang langit
Kahit walang apoy
Sa 'Yo'y manginginig
Huwag nang mag-abala
Upang ibigin Ka
Kung aking pag-asa'y
Bula lamang pala
Walang mababago
MAHAL PA RIN KITA

Kuwaresma 2022
Tinatayang mga 5 hanggang 7 pulgada ang haba ng
mga pakong ipinako kay Hesus. Ayon sa pag-aaral
hindi sa palad kundi sa "wrist" pinako si Hesus
sapagkat hindi kakayanin ng mga palad ang bigat ng
katawan. Dudulas ang kamay at maaaring mahulog ang
katawan ng biktima mula sa Krus.

Sa pagpako sa "wrist, " ang median nerve ay


matutusok na magsasanhi ng "Causalgia" kung saan
ang matinding sakit ay magpapanginig sa buong braso
na aabot sa spinal cord hanggang sa utak.

Habang ang kanyang katawan ay ulo ay dinudugo mula


sa pambubugbog at pagpuputong ng koronang tinik, si
Hesus ay tiniis pa ang kasuklam-suklam na pagpapako
sa pulso.

Matapos basahin ito, ituon ang iyong tingin sa mga


pako at damhin ang sugat na tinamasa ni Hesus, sa
kamay at paa PARA SA IYO.

Kuwaresma 2022
DIOCESE OF MALOLOS
COMMISSION ON SOCIAL ACTION

ANG BAGONG
DAAN NG KRUS

Sa Diwa ng

Alay Kapwa 2022

MANGHIRAM NG KOPYA SA MGA USHERS O SA PARISH


OFFICE. MANGYARI LAMANG PONG PAKIINGATAN AT
PAKIBALIK PAGKATAPOS GAMITIN,

MARAMING SALAMAT PO.

Kuwaresma 2022
WANT TO
SERVE JESUS
through HIS

Church?
SIGN UP HERE
Kuwaresma 2022
INTERACTIVE
REFLECTION
STATIONS

ON THE THREE PILLARS OF LENT

MAGBASA, MAGNILAY, AT
ISAGAWA ANG MGA
MUNGKAHING GAWAIN

Kuwaresma 2022
ANG
LIMANG
MISTERYO

NG
HAPIS
Kuwaresma 2022

You might also like