You are on page 1of 2

Ang Kwento ni Mabuti

GENOVEVA EDROZA-MATUTE
MGA TAUHAN SA KWENTO:

Mabuti - isang guro. may mabuting pananaw sa buhay. hilig magsabi ng "mabuti" kaya siya
binansagang mabuti ng mga mag-aaral.mayroong malaking pangarap para sa kanyang isang
anak.

Fe- estudyante ni Mabuti. nakita nya si mabuti na umiiyak sa silid-aklatan kung saan
umiiyak din sya doon.hindi naman sa kanya sinabi ni mabuti ang problema dahil sabi nya ay
bata pa si Fe.

BUOD NG KWENTO

Ang kwento ni mabuti ay isang maikling kwento tungkol sa guro at ina na binansagan ng
kanyang mga mag.aaral na Mabuti. ang kwento ay ikinikwento ng kanyang mag.aaral na si
Fe na nakita niyang umiiyak sa sulok ng silid-aklatan kung saan nag-usap sila tungkol sa
problema ni Fe. nang tinanong na ni Fe ang problema ni Mabuti ay hindi sinabi ni Mabuti
ang problema dahil alam nya na hindi pa ito mauunawaan ni Fe.mayroong isang anak na
babae si mabuti kung saan may malaking pangarap siya para sa anak. gusto niyang maging
mang-gagamot ang anak. nagkuwento pa si mabuti ng tungkol sa mga kaligayahan nya sa
anak. isang araw, nabalitaan ni fe na namatay ang tatay ng anak ni mabuti. ibinurol ito sa
ibang bahay na hindi tinitirhan ni mabuti at ng kanyang anak. noon ay naunawaan ni Fe ang
lihim na kalungkutan ni mabuti.

ARAL NG KWENTO:

Sa karakter ni mabuti ay masasalamin natin ang isang malakas na tao. hindi ipinapakita
ni mabuti sa iba ang kanyang kalungkutan dahil gusto niyang ang makita sa kanya ng iba o
ng kanyang mga estudyante ay kabutihan o pagiging positibo. sa panahon ngayon,
napakaramin problema ang kinahaharap nating mga tao. kakambal na yan ng buhay. ang
mga mahihina ay malulungkot at mawawalan ng pag-asa. ang iba nga ay nagpapakamatay
pa. ngunit sa kwentong ito ay nakita natin si mabuti na malakas nyang nilabanan ang
kalungkutan at mga problema nya sa buhay. hindi siya pinanghinaan ng loob. bagkus
patuloy siyang nagpapatuloy sa buhay at nagagawa pa niyang mangarap ng mataas para sa
kanyang anak. maiintindihan natin sa kwentong ito na hindi tayo dapat madaig ng mga
problema sa ating buhay. tignan natin ang mundo bilang isang paraiso na puno ng
kagandahan at kabutihan.unawain natin na normal sa tao ang kalungkutan at sa
pagtanggap sa kalungkutang iyon ay makakamit natin ang kaligayahan na matagal na nating
inaasam.

This study source was downloaded by 100000835867706 from CourseHero.com on 03-15-2022 00:13:38 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/46503133/Ang-Kwento-ni-Mabutidocx/
ANG KWENTO NI MABUTI
NI
GENOVEVA EDROZA-MATUTE

Naomi Jewel V. Delantar


V- Masipag

This study source was downloaded by 100000835867706 from CourseHero.com on 03-15-2022 00:13:38 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/46503133/Ang-Kwento-ni-Mabutidocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like