You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN:
Sa loob ng isang oras na talakayan, 75% sa mga mag-aaral ng BSED-3B ay
inaasahang:

a. Nabibigyang pagpapakahulugan ang salita ayon sa sitwasyong


pinanggagamitan.

b. Natutukoy ang mga tauhan sa kwento.

c. Naiuugnay ang mga pangyayari mula sa kwento sa totoong buhay.

d. Naipamamalas ang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagsasadula


tungkol sa hinihinging sitwasyon.

II. PAKSANG ARALIN

PAKSA: Maikling Kwento: "Ang Kwento ni Mabuti" ni Genoveva Matute

SANGGUNIAN: BANTAYOG III, Pahina 113-114

MATERYAL: DLP, flashcard, laptop, speaker, manila paper.

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

*PAGBATI
Magandang Umaga/Hapon klas! -Magandang Umaga/Hapon din po Ma’am.

*PANALANGIN
*PAGTALA NG LUMIBAN
*PAGGANYAK

-okay klas, May ipanonood akong maikling


video sa inyo. Manood kayong mabuti kasi
may mga itatanong ako mamaya tungkol sa
inyong napanood. Naiintindihan klas? -Opo Ma'am.
-(pagkatapos panoorin) Okay. Tungkol saan
ang napanood niyo klas? -Tungkol po sa estudyanteng naiinis sa
kaniyang guro.

-Tungkol po sa pagmamalasakit ng guro sa


mga mag-aaral nito.

-Tungkol po sa pangarap ng guro para sa mga


batang hinuhubog niya.

-Tungkol po sa dedikasyon ng guro sa kanyang


propesyon.
Magaling. Tungkol sa pagiging isang guro na
walang hinangad kundi ang kabutihan lamang
ng kinabukasan ng mga bata.

Ngayon, Ano ang nahihinuha niyo na ating


paksang tatalakayin?
-Tungkol po sa Guro Ma'am.
- Tungkol po sa mga pangarap ng kabataan
ma'am.
-May kaugnayan po sa Guro na may
pagpapahalaga sa mag-aaral at propesyon nito.
*PAGLALAHAD
-Okay. Magagaling! Ang ating pag-aaralan
ngayon ay isang kwento na pinamagatang
"Ang Kwento ni Mabuti" ni Genoveva Edroza
Matute na may kinalaman sa dedikasyon ng
isang guro sa kaniyang propesyon.
Handa na ba kayong Magbasa klas? -Opo Ma'am.

*PAG-ALIS NG SAGABAL

Pero bago natin basahin ay, bibigyang


kahulugan muna natin ang mga talasalitaan sa
kwento, upang mas maintindihan niyong
mabuti.

Buuin ang mga letra para makuha ang


kasingkahulugan ng mga salitang
nasalungguhitan sa pangungusap.
1. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng
buhay.
2. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging
salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.
3. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat
na luklukan.
4. Nakasasaling ng damdamin.
5. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging
isang pagtighaw sa kauhawan naming sa
kagandahan at ako’y humanga.
Okay! Bago tuluyang basahin, ibibigay ko na
yung mga katanungang kailangang masagutan
pagkatapos basahin.

*Ano ang dahilan kung bakit Mabuti ang


tawag nila sa guro?
*Sa dinami dami ng salita, bakit kaya Mabuti
ang laging sinasambit ng guro?
*Anong aral ang napulot niyo sa kwento?

-(pagkatapos basahin) Nagustuhan niyo ba


ang akda klas? -Opo Ma'am.
Mabuti naman kung ganun. Sinu-sino ang mga
tauhan sa kwento? -Fe at si Mabuti ma'am.
Okay. Ano nga ba ang dahilan kung bakit
Mabuti ang tawag nila sa guro? -Kasi po sa bawat pagbanggit niya ng kanyang
mga sasabihin sa klase ay may kasamang
"mabuti".
-Kasi po sa tuwing may nakakalimutan siyang
sasabihin, "mabuti" ang binabanggit nito.
Tama! Sa lahat ng binabanggit niya, hindi
nawawala ang salitang "mabuti". Na hindi
naman naiiwasan ng isang guro, Kumbaga
ekspresyon na niya ito.

Okay. Sa tingin niyo klas, Sa dinami dami ng


salita, bakit kaya Mabuti ang laging sinasambit
ng guro? -Para sa akin po, ito ay may kinalaman sa
kanyang personal na buhay.

Paano mo naman iyan nasabi? -Kasi sa buhay niya po, hindi maganda ang
dinaranas niya at ayaw niya pong matulad sa
kanya ang mga bata, kaya lagi niyang
ipinapasok sa utak nila ang "mabuti", para
maging mabuti ang mga ito.
Maaari. Ano pa klas? -Maaari din pong, gusto niyang ikubli sa mga
bata ang mga karanasan niyang di maganda sa
pamamagitan ng pagsasabi lagi ng "mabuti".
Maari din. At maaari din namang gusto niyang
maging mabuti ang impresyon ng mga bata sa
kanya bilang guro. Di ba? -Opo.

Okay. Ano nga ba ang problema ni Mabuti


bakit nabanggit niya kay Fe sa kanilang
pagtatagpo sa sulok na doon din siya umiiyak? -Base po sa kwento ma'am, mukhang broken
family po si Mabuti.
Paano mo naman nasabi yan? -Kasi po nung namatay yung asawa niya,
dalawang araw at gabi na ibinurol sa ibang
bahay.

Tama. Maaari. Ano pa? -Maaari din pong kabit siya o di kaya ay may
kabit ang asawa nito.
Maaari din naman. Hindi man saktong
binanggit sa kwento, si mabuti ay may
problema tungkol sa kanyang pamilya. -Opo Ma'am.

Sa tingin niyo klas, ano ang magandang


katangian ni Mabuti bilang isang guro? -May malasakit po siya sa mga mag-aaral.
-Hindi po niya dinadala sa loob ng klase ang
personal na suliranin.
-Isa po siyang inspirasyon sa mga bata.
-Kahit may kinakaharap siyang problema,
hindi naging hadlang iyon para magampanan
ng mabuti ang kanyang propesyon.
Tama lahat ng binanggit niyo klas. Dapat ang
isang guro ay maging huwarang modelo sa
mga mag-aaral. Dahil siya ang humuhubog sa
karunungan ng mga ito para sa magandang
kinabukasan.

Ano naman ang hindi magandang katangian


nito? Meron ba? -Meron po. Sana di niya binigyan si Fe ng
agam agam na may dinaranas din itong
problema dahil mas naging curious ang bata.
Baka hindi makapagpokus ito at iisipin nalang
kung ano ang problema ng guro niya.
Okay. Kung maaari, bilang isang guro, wag
ipahalata sa mga bata na may suliranin kang
kinakaharap. Makakaapekto ito sa iyong
pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. -Opo.
Ano kaya ang ibig ipahiwatig ni Mabuti sa
katagang ito: " lyon lamang nakararanas ng
mga lihim na kalungkutan ang maaaring
makakilala ng mga lihim na kaligayahan." -Ang mga taong may lihim na problema, ang
nagkakaroon ng lihim na kalungkutan o
sinasarili ang lungkot at sila rin yung taong
nakararanas ng kasiyahan na palihim.
Tama. Kung sinasarili natin ang mga suliranin
sa buhay, sarili lang din natin ang
makaramdam ng lungkot at saya ng patago.

Bilang guro, dahil nga lalabas na kayo para


magturo, ano ang mga katangiang dapat
taglayin ng isang mabuti at epektibong guro? -Malawak ang kaalaman sa paksang itinuturo.
-May haplos personal
-malikhain
-Masayahin
-Pantay pantay ang trato sa mag-aaral.
-Mapagmahal
-May respeto
-Marunong makisalamuha sa mga mag-aaral
-Walang iyinatangi
-Maging modelo sa lahat ng bagay.
Tama. At ano naman ang dapat iwasang gawin
ng isang huwarang guro? -Iwasang ihalo ang personal na buhay sa loob
ng klase
-Iwasang gumawa ng kahiya hiya sa harapan
ng mga mag-aaral
-Iwasang sumali sa mga sugal
-Iwasan ang mga masasamang gamot.
Okay. Magaling. Bilang mga pangalawang
magulang ng mga estudyante sa loob ng
paaralan, ang mga guro ay dapat maging
maunawain, pasensyosa, mapagbigay at
maalalahanin. Ituring nila ang mga bata na
parang sarili nilang mga anak at ituro sa kanila
ang dapat nilang matutunan bilang paghahanda
sa kanilang kinabukasan. Ang propesyon ng
isang guro ay sinasabing ang pinaka- NOBLE
na trabaho dahil sila ang humuhubog,
naghahanda at nagtuturo ng tamang pag-
uuagali, kaalaman at kabuuan ng pagkatao ng
isang bata at mga kabataan. Kaya dapat nilang
makuha ang atensyon, respeto sa kanila at
pagmamahal ng kanilang mga estudyante para
sila matuto at maniwala sa mga guro.
Naiintindihan niyo ba mga guro sa hinaharap? -Opo.
*PAGPAPAHALAGA
Ano naman ang aral na napulot niyo sa
kwento klas? -Sa lahat ng problema na dinaranas sa buhay,
mayroon at mayroong isang tao na
makakaintindi sa iyo.
-Kung may pananalig sa Diyos, malalampasan
lahat.
-Lahat ng tao may problema, nasa tao kung
paano ito haharapin.
-Bilang isang guro, maging isang huwaran
parin sa kabila ng problemang kinakaharap.

Ikaw, bilang isang guro, ano ang taglay mong


katangian na magiging sandata mo para
maging epektibo ka sa pagtuturo? -Pagiging masiyahin ko po ma'am.
-May kaalaman ako sa asignaturang aking
ituturo ma'am.
-Ang pagiging malikhain ko ma'am.
-May sense of humor po ako ma'am
-Madali po akong makisalamuha ma'am.

*PAGLALAHAT
Asahan ko ang lahat ng mga yan klas a.
Ngayon naman, Mayroon akong dalawang tsart
dito at pupunan niyo ng mga datos na hinihingi
sa pamamagitan ng pagsulat sa Manila paper.
Naintindihan klas? -Opo.

*EBALWASYON
Okay. Magaling. Ngayon naman klas ay
Papangkatin ko kayo sa tatlong pangkat. Mula
sa grupong inyong kinabibilangan, sagutin ang
mga katanungang hininihingi sa pamamagitan
ng pagsasadula:

Unang Pangkat– Ikaw ay naging isang guro sa


isang paaralang malayo sa kabihasnan. Walang
sapat na mapagkukunan ng panibagong
kaalaman, walang maayos na palikuran at
kulang ang mga kagamitang pampagtuturo.
Nasanay ka na sa mga marurusing at maiingay
na mga estudyante sa paaralang iyon. Isang
araw ay inalok ka ng isang kilala at
pampribadong institusyon sa bayan.
Tatanggapin mo ba ang magandang
oportunidad o mananatili sa piling ng mga
batang nangangailangan sa iyo bilang isang
pangalawang ina?

Pangalawang Pangkat – Narinig mong nag-


uusap ang mga kaklase mo tungkol sa isa
niyong guro. Nalaman mong usap-usapan na sa
bayan ang pagpapakasal niya sa nobyo niyang
German. Balak daw nilang manirahan na sa
ibang bansa. Ang gurong iyon pa naman ang
pinakamalapit sa iyong puso. Marami kayong
mga bagay na pinagkakaisahan at natutunan sa CRITERIA:
isa’t isa. Ano ang gagawin mo kung totoo nga
ang mga narinig mo? Kaakmaan sa Paksa---- 50%
Kaayusan---- 20%
Pangatlong Pangkat– Magreretiro na sa Pagganap----30%
serbisyo ang inyong guro. Ilang beses ka na Kabuuan-----100%
niyang pinagalitan sa klase. Magdaraos ang
buong klase ng isang malaking salu-salo.
Linapitan ka niya bago ang araw ng
pagdiriwang ng naturang okasyon. Kinausap ka
niya na pumunta ngunit may lakad sana ang
buong pamilya sa araw na iyon, ang unang
pagkakataong mamamasyal ang pamliya niyo.
Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro
sapagkat minsan lamang siya kung mang-
imbita ngunit nakatakda rin ang pamamasyal
ng inyong pamilya. Saan ka dadalo? Sa salu-
salo o sa pamamasyal?

Mahuhusay. Nawa'y may napulot kayo sa ating


aralin na pwedeng iugnay sa inyong nalalapit
na practicum. Sana'y magtagumpay kayo sa
inyong tatahaking landas.
IV. PAGTATAYA
Tama o Mali. Sagutin kung tama ba o mali ang isinasaad ng sumusunod na mga
pangungusap.

1. Siya’y tinatawag naming lahat na Mabuti kung siya’y nakatalikod.


2. Ang ama ng batang may kaarawan ay konduktor.
3. Tagpuan ang tawag sa pangunahing ideya o paniniwala ng kwento.
4. Si Mabuti ay balo.
5. Ang may akda ng kwento ay si Jose Corazon de Jesus.
6. Anim na taong gulang na ang anak ni Mabuti.
7. “Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga
lihim na kaligayahan” ay pangungusap ni Mabuti.
8. Ang tagpuan ay sa kusina kung saan siya nakita ni Mautiing kumakain.
9. Ibig nilang maging manggagamot ang anak ng kanilang guro.
10. Ang salitang mabuti ay palaging binabanggit ng guro.

V. TAKDANG ARALIN
– Gumawa o gumuhit ng isang larawan ng gurong nagpapakita ng katangiang gusting-gusto mo
sa isang guro. Idikit o iguhit ito sa isang malinis na puting papel (bond paper). Tukuyin ang
katangian at ipaliwanag kung bakit iyon ang katangiang gusto mo sa isang guro.
Unang Pangkat– Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralang malayo sa kabihasnan. Walang
sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman, walang maayos na palikuran at kulang ang
mga kagamitang pampagtuturo. Nasanay ka na sa mga marurusing at maiingay na mga
estudyante sa paaralang iyon. Isang araw ay inalok ka ng isang kilala at pampribadong
institusyon sa bayan. Tatanggapin mo ba ang magandang oportunidad o mananatili sa piling ng
mga batang nangangailangan sa iyo bilang isang pangalawang ina?

Pangalawang Pangkat – Narinig mong nag-uusap ang mga kaklase mo tungkol sa isa niyong
guro. Nalaman mong usap-usapan na sa bayan ang pagpapakasal niya sa nobyo niyang German.
Balak daw nilang manirahan na sa ibang bansa. Ang gurong iyon pa naman ang pinakamalapit sa
iyong puso. Marami kayong mga bagay na pinagkakaisahan at natutunan sa isa’t isa. Ano ang
gagawin mo kung totoo nga ang mga narinig mo?

Pangatlong Pangkat– Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses ka na niyang
pinagalitan sa klase. Magdaraos ang buong klase ng isang malaking salu-salo. Linapitan ka niya
bago ang araw ng pagdiriwang ng naturang okasyon. Kinausap ka niya na pumunta ngunit may
lakad sana ang buong pamilya sa araw na iyon, ang unang pagkakataong mamamasyal ang
pamliya niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro sapagkat minsan lamang siya kung
mang-imbita ngunit nakatakda rin ang pamamasyal ng inyong pamilya. Saan ka dadalo? Sa salu-
salo o sa pamamasyal?

You might also like