You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

PANGALAN: Asmeenah C. Mohammad PETSA: March 13, 2022

PANGKALAHATANG LAYUNIN
Nakapagsisiysat nang masusi ang mag-aaral batay sa mga datos, pangyayari
at iba pang impormasyon mula sa akdang napakinggan: pabula at saling akdang
Asyano.

LAYUNIN
• Nabibigyang pansin ang pagkakasunod-sunod ng mga panyayari sa akdang
napakinggan.
• Nakakagunita ng mga mahahalagang impormasyon at paglalahat na
nauugnay sa akdang napakinggan.
• Nakakapakinig ng masusi at may layunin.
• Nakapaglalarawan at nakapaghahambing ng mga pangyayari mula sa akda
at sa tunay na buhay.

PAKSANG ARALIN
“Ang Hatol ng Kuneho”

SANGGUNIAN
Panitikang Asyano 9
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino
Aralin 2.1, Pahina 108 - 121
Mga Manunulat:
• Romulo N. Peralta
• Donabel C. Lajarca
• Eric O. Carino
• Aurora C. Lugtu

KAGAMITAN
• Zigzag Board
• Flipchart
PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Bago Makining (Motibasyon)


➢ Klase, sino ba sa inyo dito ang mahilig ➢ Ma’am, ako po.
tumulong sa kapwa?

➢ Oh Bryan! Sa anong paraan ka ➢ Tumutulong po ako ma’am sa aking


tumutulong sa iyong kapwa? kapwa kahit na hindi ko po sila kilala.

➢ Magaling Bryan. Ikaw naman Kikay, ➢ Opo ma’am.


tumutulong ka din bas a iyong
kapwa?

➢ Magaling! Ngayon kapag tumutulong ➢ Hindi naman po ma’am pero kapag


ka ba Kikay sa iyong kapwa, nagbibigay po sila ay tinatanggap ko
humihingi ka ba sakanila ng kapalit? nalang din po.

➢ Mahusay Kikay. Maraming salamat sa ➢ Walang anuman po ma’am.


inyong tugon ni Bryan.

B. Habang Nakikinig (Pagtalakay sa


Aralin)
➢ Ang sagot ng inyong mga kaklase ay
may kinalaman sa akdang ating
tatalakayin sa araw na ito. Ang
akdang ito ay nagmula sa pa
bansang Korea kung saan ito ay
pinamagatang “Ang Hatol ng
Kuneho”.

➢ Inaasahan ko na ang lahat ay ➢ Opo ma’am.


makikinig sa kwentong aking
isasalaysay sapagkat magtatanong
ako sa kalagitnaan ng aking
pagsasalaysay ukol sa inyong
opinyon, mungkahi at reaksyon sa
kwento. Nakakaintindihan ba tayo?

➢ Ngayon ay sisimulan ko na ang ating


kwento. Ipokus ang tainga sa
pakikinig at ipako ang pag-iisip sa
kawento.

➢ Bago tayo magpatuloy, sino sa inyo


ang makakapagsabi kung anong uri
ng nilalang ang mga pangunahing
tauhan natin?

➢ Sige, ikaw Lilo ang sumagot. ➢ Tao at mga hayop po ma’am.

➢ Tama. Magaling Lilo.

➢ Ikaw naman Sab ang sumagot. Ano ➢ Kumuha po siya ma’am ng troso para
ang ginamit ng lalaki upang iligtas makagapang palabas ng hukay ang
Tigre.
ang Tigre sa hukay?

➢ Magaling Sab.

➢ Kiko, ikaw naman ang sumagot. Sino ➢ Ang Puno ng Pino po.
ang unang humatol sa sitwasyon ng
Tigre at ng lalaki?

➢ Tama. Anong ang nagging hatol nito? ➢ Sumang-ayon po siya sa nais ng Tigre
na kainin ang lalaki.
➢ Mahusay Kiko. Ikaw naman Fara. Sino ➢ Ang baka po ma’am.
ang sumunod na humatol sa tigre at
lalaki?

➢ Tama. Ano naman ang nagging hatol ➢ Sumang-ayon din po siya tulad ng
nito. Puno ng Pino.

➢ Tama. Salamat, Fara. Ngayon naman ➢ Naging malupit po kasi ma’am ang
Lisa. Bakit ba pinili ng Puno ng Pino at mga tayo sa puno at baka. Marami
Baka na kainin nalang ng tigre ang pong hinanaing ang puno at baka sa
lalaki sa kabila ng pagtulong ng lalaki mga tao kaya sa tingin po nila ay
sa tigre? tama lang na parusahan ang lalaki.

➢ Mahusay Fara.

➢ Sino naman ngayon ang huling ➢ Ang kuneho po ma’am.


humatol sa tigre at lalaki? Noro, ikaw
naman ngayon ang sumagot sa aking
katanungan.

➢ Tama. Ano ang nagging hatol nito, ➢ Wala po siyang pinanigan sa


Sisi? dalawang panig. Ibinalik na lamang
po niya sa dating posisyon ang tigre
at ang lalaki para po hindi na nila
pag-awayan pa kung nararapat pa
na mamatay o hindi ang lalaki.

➢ Magaling Sisi.

C. Pagkatapos Makinig (Paglalapat)


➢ Gaano ba kahalaga ang pagtulong ➢ Mahalaga po ang pagtulong sa
sa kapwa? kapwa upang mapanatili po naman
ang pagkakaisa. Sa pamamagitan po
ng pagtulong ay mas mapapaigting
pa natin ang koneksyon sa pagitan
ng bawat isa sa atin.

➢ Mahusay! Gaano naman kahalaga ➢ Mahalaga po ang pagtanaw ng


ang pagtanaw ng utang na loob sa utang na loob sa taong nagpapakita
taong nagpakita ng kagandahang po sa ating ng kabutihang loob dahil
loob sa atin? mas nagiging inspirado po ang tao na
iyon na gumawa ng mabubuting
bagay dahil napagtatanto po niya na
nakakatulong po siya at ikinalulugod
naman po ito ng mga tao sa paligid
niya.

➢ Magaling!

➢ Sa tingin niyo ba ay tama ang naging ➢ Hindi po.


paghahatol ng puno at baka sa
sitwasyon ng tigre at lalaki.

➢ Bakit hindi? ➢ Dahil po hindi po tama na isisi po sa


lalaki ang kasalanan ng maraming
tao. Tama naman po na may
pagkukulag po takag ang mga tao sa
ating kalikasan pero hindi po tama na
ang gumanti at lalong hindi po tama
na isisi ang kasalan ng iba sa ibang
➢ Mahusay. Kailan man ay hindi tama tao po.
ang paghihiganti. Hindi rin tama na
ibuntong ang ating mga hinanaing sa
iba.

➢ Paano niyo mailalarawan ang ➢ Napakatalino po ng kuneho.


katangian ng Kuneho?

➢ Tama. Napatalas nga naman talaga


mag-isip ng Kuneho. Alam niya na
may pagkukulang din naman ang tao
subalit alam din niya na mali ang nais
mangyari ng tigre kung kaya’t ibinalik
na lamang niya sa hukay ang tigre at
pinagpatuloy naman ng lalaki ang
paglalakbay tulad ng kanilang dating
sitwasyon ng bago pa man
magkaroon ng hindi
pagkakaunawaan sa dalawa.
➢ Sa inyong palagay, isang mabuting ➢ Hindi po ma’am. Dapat po ay
kaugalian ba ang hindi pagtupad sa tinutupad po antin ang mga
pangako? pangakong binibitawan.

➢ Tama! Mahusay. Dapat talaga ang ➢ Malinaw po ma’am.


hindi natin pinapako ang mga
binibitawan nating pangako sa
sinuman, Tulad na lamang ng
pangyayari sa kwento kung saan
nangako ang tigre na hindi nito
sasaktan ang lalaki kapag tinulungan
ng lalaki ang tigre. Hindi ba’t
sinubukan pa ring kainin ng tigre ang
lalaki sa kabila ng pagsakip ng lalaki
sa tigre? Hindi tama iyon dahil ang
pangako ay dapat tinutupad upang
hindi mawalan ng tiwala sa atin ang
mga taong pinapangakuan natin.
Malinaw ba?

➢ Salamat sa inyong mga kasagutan.

D. Paglalahat
➢ Ngayon naman, upang masubok ko ➢ Opo ma’am.
kung talagang nakinig at naunawaan
ninyo ang kwento, ipapasalaysay ko
sa inyo ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa kwento. Bawat isa
sa inyo ay magsasalaysay ng
pangyayari sa kwento subalit dapat
ay sunod-sunod ang mga pangayyari
na inyong isasalaysay. Dudugtungan
niyo lamang ang panyayaring
isasalaysay ng inyong kaklase
hanggang sa matapos atin ang
kwento. Malinaw ba?
➢ Magsisimula tayo dito sa harapan sa
may kanan hanggang sa umabot
tayo sa hulihan.

➢ Sige, Bryan. Ikaw ang mauuna dahil ➢ Isang araw ay nahulog po ang isang
ikaw ang nasa unahan. Tigre sa may hukay.
➢ Sumisigaw ang tigre upang humingi
ng tulong.
➢ May dumaan na lalaki.
➢ Humngi ng tulong ang tigre sa lalaki at
nangako na hindi ito sasaktan ang
lalaki kapag tinungan ng lalaki ang
tigre.
➢ Tinulungan po ng lalaki ang tigre.
➢ Gusting kainin ng tigre ang lalaki dahil
gutom na gutom na ito.
➢ Nagmakaawa ang lalaki na wag
siyang kainin ng tigre.
➢ Humingi sila ng opinyon kung dapat
ba na kainin ng tigre ang lalaki.
➢ Unang humatol ang puno ng pino.
➢ Sumang-ayon ang puno ng pino sa
pagkain ng tigre sa lalaki dahil sa
maramig kasalanan daw ang mga
tao sa mga puno.
➢ Sunod na tinanong ang baka.
➢ Sumamg-ayon din ang baka dahil
malulupit raw ang mga tao.
➢ Huling humatol ang kuneho.
➢ Pinabalik ng kuneho ang tigre at lalaki
sa dating kinallagyan nito bago pa
man sila magkagulo.
➢ Bumalik sa lahat ang lahat. Nasa
hukay na ulit ang tigre at nagpatuloy
naman ang lalaki sa paglalakbay.
E. Ebalwasyon
➢ Upang naman masubok ang inyong ➢ Opo ma’am. Malinaw po.
pag-unawa sa kwento ay nais kong
gumawa kayo ng buod ng kwentong
ating tinalakay ngayong araw at i-
ugnay ito sa totong pangyayari sa
buhay ng isang. Isulat ito sa
kalahating papel. Siguraduhin na
mababangkit sa inyong boud ang
mga mahahalagang impormasyon sa
kwento. Siguraduhin din na
magkakasunod-sunod ang
pangyayari sa inyong gagawing
boud. Naintindihan niyo?

Pamantayan:

➢ Bibigyan ko kayo ng dalawampung


minute para matapos ang inyong
gawain.

F. Takdang Aralin
➢ Basahin ang pabulang mula sa ating
bansa na pinamagatang “Nagkamali
ng Utos” at gawan ito ng buod sa
isang boung papel.

You might also like