You are on page 1of 27

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 5-Week 5:
Alamat ni Prinsesa Manorah

Self-Learning Module
Alamin

Isang mabungang araw sa iyo, minamahal kong mag-aaral. Lubos


akong natutuwa sa iyong patuloy na pagsisikap sa pagsagot sa mga gawaing
binalangkas para lalong madagdagan ang iyong kaalaman. Ang bawat
pagsasanay ay masusing inihanda para lubos mong maunawaan ang aralin.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang ang iyong
kasanayan sa pamantayan ukol sa:
1. natutukoy ang pinagmulan ng salita (etimolohiya) (F9PT-IIId-e52);
2. naisusulat muli ang maikling kuwento nang may pagbabago sa ilang
pangyayari at mga katangian ng sinoman sa mga tauhan; ang sariling
wakas sa naunang alamat na binasa (F9PU-IIId-e-54);
3. nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan
batay sa usapang napakinggan (F9PN-IIIf-53); at
4. napatutunayan ang pagiging makatotohanan/’di makatotohanan ng
akda (F9PB-IIIf-53).

Handa ka na ba? Halika at pagyamanin mo ang iyong kaalaman at


isipan sa modyul na ito.

Subukin

Bilang paghahanda sa ating aralin, gumawa ako ng isang pagsasanay


na susubok sa iyong kaalaman ukol dito.

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga katanungan. Piliin at


isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang mga Pilipino ay magigiliw sa mga bisitang dumarayo sa ating


bansa. Ang salitang may salungguhit ay nagpapakita ng
.
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw

1
2. Madalas ang paghikab ni Lita habang siya ay kumukuha ng
pagsusulit. Ang salitang may salungguhit ay nagpapakita ng .
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw

3. Matigas ang loob ni Ambet sa pagtulong sa kaniyang mga kamag-


anak. Ang sugnay na may salungguhit ay nagpapakita ng .
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw

4. “Apir tayo, mga kapatid”, ang masayang sabi ni Lito sa kaniyang mga
kapatid. Ang “apir” ay mula sa salitang .
A. ap hear C. up hear
B. ap here D. up here

5. Tagaktak ang pawis ni Mang Ben sa kabubuhat ng balde-baldeng galon


ng tubig. Ang salitang tagaktak ay nagmula sa salitang .
A. gak gak gak C. tak tak tak
B. tak gak gak D. tack tack tack

6. Si Aling Mameng ay may pitong pamangkin na mababait at masisipag.


Ang salitang pamangkin ay mula sa mga salitang .
A. para namang iyo C. para namang tayo
B. para namang akin D. para namang sa iyo

7. Dinalaw ng dalaga ang pook na pinagbaunan niya ng kamay ng


binata at napansin niya ang isang halamang tumubo na may tila
daliri. Ito ay hango mula sa akdang .
A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Saging
B. Alamat ng Mangga D. Alamat ng Lanzones

8. Matapos mamatay ang binata, kinuha ng diwata ang puso niya at


ibinaon sa bundok. Makalipas ang ilang panahon, tumubo at
namunga ng hugis-puso ang puno. Ito ay hango mula sa akdang .
A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Mangga
B. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Lanzones

9. Nagbuwis ng buhay si Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896 sa


Bagumbayan. Ang pangungusap ay nagsasaad ng na
pangyayari.
A. makatotohanan C. walang katotohanan
B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan

2
10. Sina Antonio Luna at Juan Luna ay pinatay sa Cabanatuan City
noong Hunyo 5, 1899. Ang pangungusap ay nagsasaad ng na
pangyayari.
A. makatotohanan C. walang katotohanan
B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan

Aralin
Alamat ni Prinsesa
5 Manorah

Ang mga akda gaya ng alamat, pabula, parabula, maikling kuwento,


nobela at iba pa ay karaniwang kapupulutan ng mga aral na maaari nating
maging gabay sa pamumuhay. Ang pagbabasa ng mga ganitong uri ng
panitikan ay makatutulong sa atin upang lalo pa nating makilala ang ating
pamayanan at kulturang pinagmulan.

Balikan

Bago ka tumungo sa bagong aralin, iyo munang sagutin ang susunod


na gawain upang mataya ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin.

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, sumulat ng pangyayaring nagpapakita


ng tunggaliang tao vs. tao at tao vs. sarili mula sa akdang, “Isang Libo’t
Isang Gabi.” Gayahin ang grapikong pantulong sa ibaba.

Tao vs. Tao Tao vs. Sarili

3
Tuklasin

Ngayon ay nasa bahagi ka na ng pagtuklas. Alamin natin ang iyong


ideya tungkol sa tatalakayin nating aralin sa pagbasa ng isang alamat.

Ang Buwang Hugis-Suklay


Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta

Noong unang panahon, may


isang mangingisda na nagpaalam
sa kaniyang asawa na lumuwas sa
kabayanan upang mamili ng mga
gamit sa pangingisda.
Nagpabili ang kaniyang
asawa ng kendi para sa kaniyang
anak na lalaki, at isang suklay na
hugis buwan.
Sinabi ng kaniyang asawa
na upang hindi niya makalimutan,
tumingala lamang siya sa
kalangitan at makikita niya ang
buwang hugis-suklay.
Sa araw na iyon, ang buwan ay talaga namang magsisimula nang
maging hugis-suklay.

Nagsimulang humayo ang mangingisda at matapos ang maraming


araw at gabi ng paglalakbay, narating niya ang kabayanan.

Agad-agad niyang binili ang mga kagamitan sa pangingisda at ang


kendi para sa anak. Ngunit sa kasamaang palad, nakalimutan niya ang
ipinagbilin ng asawa na dapat bilhin. Naghalughog siya sa buong tindahan
upang maalala lamang niya ang ipinabili ng asawa. Napansin ito ng
tagapangalaga ng tindahan.
“Maaari ko po ba kayong tulungan?”, tanong ng tagapangalaga sa
mangingisda.

“Hinahanap ko ang ipinabibili ng aking mahal na asawa.” tugon naman


niya.

4
“Pampapula ho ba ng labi?”

“Hindi.”

“Pitaka?”

“Hindi rin.”

“Unan?”

“Unan? Naaalala ko na! Sinabi niyang tumingala ako sa buwan.”


Masayang tugon ng mangingisda. (Sa orihinal na teksto, ginamit ang
salitang spoon upang magkasintunog sa moon. Sa salin na ito, ginamit ng
tagapagsalin ang salitang unan upang maging magkasintunog sa salitang
buwan.)
Tumingala ang tagapangalaga at nakita ang bilog na bilog na buwan
na siya ring nakita ng mangingisda sa kaniyang pagdating sa kabayanan
mula sa mahabang paglalakbay.

“Alam ko na. Makikipagpustahan ako sa ‘yo. Ito ang gusto ng asawa


mong bilhin mo para sa kaniya,” panghahamon ng tagabantay ng tindahan.

Agad-agad na inilagay ng tagabantay ang bilog na bagay sa isang supot.


Binayaran ito ng mangingisda at lumisan.

Sa kaniyang pagdating, nadatnan niya ang nag-aabang niyang asawa,


anak, ang kaniyang ina at ama.

“Kumuha ka ng kendi,” ang sabi niya sa kaniyang anak.

“Natandaan mo ba kung anong ipinabili ko sa ‘yo?”, ang tanong ng


kaniyang asawa.

Masayang itinuro ng mangingisda ang lukbutan na kinalalagyan ng


kaniyang binili para sa asawa.

“Wala naman dito ang suklay na hugis-buwan,” pasigaw na sabi ng


asawa.

Lumapit ang mangingisda sa kinalalagyan ng lukbutan, dinukot ang


supot at inabot sa asawa.

Pinunit ng asawa ang supot at nakita ang sarili sa salamin kasabay ng


panghahamak.

Ganoon na lamang ang pagkabigla ng mangingisda sa naging


reaksiyon ng asawa.

“Bakit ka nagdala ng mia noi? Ito’y isang pang-aalipusta!” pasigaw ng


asawa.
5
(Ang mia noi ay mga salitang Lao na
katumbas ng pangalawang asawa na mas bata sa
unang asawa. Ito’y bahagi ng lipunang Thai at
Lao.)
Hinablot ng ina ng lalaki ang salamin at
nagwika.

“Nakakadiri ka nga. Nagdala ka ng mia noi,


na napakatanda na at nangungulubot pa. Paano
mo ito nagagawa?”
Tumayo ang kaniyang anak na noo’y
nakaupo malapit sa kaniyang lola at hinablot ang
salamin.

“Lolo, tingnan ninyo. Kinuha niya ang


aking kendi at kinakain pa.” pagalit na sabi ng
bata.

“Tingnan ko nga ang masamang taong ito.”


Hinablot ng lolo ang salamin mula sa bata.
“Iniismiran pa ako ng kontrabidang ito! Sasaksakin ko nga ng aking patalim.”

Inilapag sa sahig ng lolo ang salamin at inundayan ng saksak.

“Sasaksakin din niya ako!” sigaw ng lolo.

Nang makita ito ng lolo, siya’y galit na galit na sinaksak ang salamin at
tuluyang nabasag.

“Ngayon ay hindi ka na makagagambala pa sa kahit sino!” ang sabi ng


lolo.

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa


sagutang papel ang iyong kasagutan.
1. Bakit tinawag na hugis-suklay ang buwan?
2. Saan patungo ang mangingisda at ano ang ipinabibili sa kanya ng
kanyang asawa at anak?
3. Ano ang dahilan ng pagkakagulo ng mag-anak? Ilahad.
4. Ano-ano ang mga kaugaliang ipinakita ng bawat karakter?
5. Magtala ng mga gawi, kilos, at karakter ng mga tauhan na nabanggit
sa akda.

Mahusay! Naibahagi mo ang iyong kaalaman sa iyong binasang alamat.

6
Ngayon, tingnan natin ang kaugnayan nito sa ating tatalakaying aralin.

7
Suriin

Ang bawat lugar, bagay o mga pangyayari ay may kani-kaniyang


katawagan o pangalan, ngunit alam mo ba kung ano ang pinagmulan ng
mga katawagan o pangalang ito? Ito ay tinatawag nating alamat. Halina’t
basahin natin ito.

Alamat ni Prinsesa Manorah


Salin ni Dr. Romulo N. Peralta

Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N.


Peralta) Isang alamat na pasalin-salin sa iba’t ibang panahon at henerasyon
mula noong panahon ng Ayutthaya at nagbigay-inspirasyon kay Haring
Rama V ng Thailand.
Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesang alamat ng Thai at ang
pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang
Janta kinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok
Grairat. Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Sila’y
nakalilipad at nagagawang itago ang kani-kanilang pakpak kung kanilang
nanaisin.
Sa loob ng kahariang Krairat
(Grairat), nakatago ang kagubatan ng
Himmapan kung saan din namamahay
ang mga nakatatakot na nilalang na
hindi kilala sa daigdig ng mga tao. Sa
loob ng kagubatan, nakakubli ang
maganda at kaaya-ayang lawa kung
saan ang pitong kinnaree ay masayang
dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi
(kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan
ng lawa, nakatira ang isang ermitanyo
na nagsasagawa ng kaniyang
meditasyon.
Isang araw, napadako ang isang
binata habang naglalakbay sa
kagubatan ng Himmapan. Siya ay si
Prahnbun. Nakita niya ang pitong
kinnaree na masayang nagtatampisaw
8
sa ilog. Namangha siya sa
nakabibighaning

9
kagandahan ni Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung mahuhuli niya ang
prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring
Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ang
prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa
sarili kung paano niya ito mahuhuli.
Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit na
kagubatan. Pinuntahan niya ito upang magpatulong sa kaniyang balak.
Sinabi sa kaniya ng ermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree
dahil agad- agad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng
ermitanyo na may isang dragon na nakatira sa pinakasulok-sulukan ng
kagubatan na maaaring makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa
ermitanyo at nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon.
Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni Prahnbun,
ngunit napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang
lubid na siyang ipanghuhuli niya sa
Prinsesa Manorah.
Nagpasalamat ang binata
at patakbong umalis na
dala-dala ang
makapangyarihang lubid
at patagong tinungo ang
ilog kung saan naglalaro
ang mga kinnaree.
Habang abala sa
paglalaro ang mga
kinnaree, inihagis ni
Prahnbun ang lubid at
matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang
pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa
kundi agad-agad na lumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin.
Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah
upang hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at
maibigay kay Prinsipe Suton na noo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo
papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si
Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa
Manorah ang prinsipe.
Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung
bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang
prinsipe at binayaran siya nito ng napakalaking halaga.

10
Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang
palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung
saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa
isa’t isa. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang
inang prinsesa at amang hari ang buong
pangyayari, masayang-masaya sila at agad-
agad nagbalak na magsagawa ng kasal para
kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah.
Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah
kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang
namuhay nang masaya’t matiwasay
habambuhay.

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa


hiwalay na papel ang iyong kasagutan.

1. Tungkol saan ang alamat na iyong binasa?


2. Paano sinimulan ng manunulat ang alamat?
3. Bakit gustong hulihin ni Prahnbun si prinsesa Manorah?
4. Ano ang naging reaksiyon ni prinsipe Suton nang makita si prinsesa
Manorah?
5. Makatotohanan ba o ‘di makatotohanan ang mga pangyayari sa akda?
Pangatuwiranan ang iyong sagot.

Ang kuwento ni Prinsesa Manorah ay isang alamat mula sa


pinanggalingang bansa nito. Ang alamat o legend sa wikang Ingles ay
tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, o pangyayari o
katawagan na maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng
katotohanan.
Ito ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan
ng mga bagay-bagay at ng mga pangyayaring mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang
salitang alamat ay panumbas sa salitang, “legendus” ng wikang Latin at
“legend” ng wikang Ingles na ang ibig sabihin ay “upang mabasa.”
Nang dahil sa pandarayuhan ng ating mga ninuno at noo’y wala pang
sistema ng panulat, ito ay nagpasalin-salin na lamang.

11
Binabati kita! Ngayon naman ay alamin mo ang mahahalagang
impormasyong magpapayabong pa sa iyong kaalaman at pinag-aaralan
ukol sa alamat. Narito at basahin mo nang may pang-unawa.

Ano ang tinatawag na kilos, gawi, at karakter?

Ang kilos ay kasingkahulugan ng gawa o paggawa, aktuwal na


kasanayan, o pagsasabuhay. Ang mga adhikain, pagpapahalaga, motibo,
iniisip at pagkatao ng isa ay makikita sa mismong ikinikilos at ginagawa.
Nagiging produkto ang kilos ng kung ano ang nasa loob ng isang indibidwal.

Ang gawi ay tumutukoy sa mga pang-araw-araw na nakasanayan ng


isang tao o grupo ng mga tao. Sa tagal at sa dami ng mga gumagawa ng
isang gawi ay maaaring maisama na ito sa kultura at tradisyon ng mga tao
sa isang lugar.

Ang karakter (o pag-uugali) ng isang tauhan ay ang paraan kung


paano siya nag-iisip, kumikilos at nagpapasya batay sa papel na
ginagampanan o binibigyang-buhay.

Sa isang alamat o kuwento, maituturing na mahalagang sangkap ang


kilos, gawi at karakter ng isang tauhang gumaganap upang lubos na
maunawaan ng mambabasa ang pagkamakatotohanan at ‘di
makatotohanan ng mga pangyayaring inilalahad. Nasasalig din dito kung
paano tatanggapin ng mga nakikinig o bumabasa ang mga aral at
mensaheng hatid nito.

Pagkilala sa Makatotohanan at ‘Di Makatotohanang mga Pahayag

1. Makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na nangyari o nangyayari


na may dahilan o basehan. Ito rin ay suportado ng mga ebidensiya o
katuwiran. Ginagamitan ito ng mga salitang nagpapahayag ng
batayan o patunay gaya ng batay sa, mula sa, ang mga patunay,
napatunayan, ayon sa, at iba pa.

Halimbawa:
a. Batay sa pagsisiyasat, totoong nagkasala ka.
b. Mula sa datos na aking nakalap, talagang laganap na ang
krimen sa ating bansa.
c. Ang mga patunay na aking nakalap ay makapipinsala sa iyo.
d. Napatunayang mabisa ang panukala ni Pangulong Duterte.
e. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na ang mga gamot na
inaangkat ng bansa ay makatutulong sa kasalukuyang krisis-
pangkalusugan.
12
2. ‘Di makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na walang basehan
kung bakit nangyari. Ito ay hindi suportado ng mga ebidensiya o
katuwiran. Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang
nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan o di-katiyakan tulad ng baka, sa
aking palagay, palagay ko, sa tingin ko, marahil, sa tingin ko, at iba
pa.

Halimbawa:
1. Baka mangyari ang mga sinabi sa pamahiin.
2. Sa aking palagay, totoo ang iyong mga sinasabi.
3. Palagay ko, mataas ang aking grado.
4. Sa tingin ko, mas masaya kung sama-sama tayo.
5. Marahil ang mga bagay na ito ay makasisira sa ating pagsasama.

Sa pag-aaral ng mga salita, mahalagang nalalaman natin ang


pinagmulan o etimolohiya upang magamit ito nang wasto at naaayon sa
sitwasyon.

Ano ang etimolohiya?

Ang etimolohiya o pinagmulan ng salita ay ang pag-aaral ng


kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig
sabihin sa paglipas ng panahon.

Paraan ng Pinagmulan ng Salita

 Pagsasama ng mga salita - Salita na nabuo sa pamamagitan ng


pagsasama ng dalawa o higit pang mga salita.

Halimbawa: Pamangkin – Para namang akin


Pangungusap: Si Aling Mameng ay may pitong pamangkin
na
mababait at masisipag.

 Hiram na salita - Banyaga ang mga salitang ito ngunit, inaangkop ang
salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng pag-uusap.

Halimbawa: Apir – Up here


Pangungusap: “Apir tayo, mga kapatid”, ang masayang sabi
ni Lito sa kaniyang mga kapatid.

 Morpolohikal na Pinagmulan - Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa


ugat ng salita. Posible na malayo na ang kahulugan nito sa orihinal
na ipinahihiwatig. Tumutukoy ito sa pag-aaral sa pagbabago ng
13
anyo at

14
istruktura ng mga salita. Nag-ugat ang salita mula sa iba pang salita
na nagbago ang kahulugan.

Halimbawa: obrero o manggagawa – obra


Pangungusap: Nag-aklas ang mga obrero dahil hindi
ipinagkaloob ng pamahalaan ang dagdag
sahod nilang hinihingi.

 Onomatopoeia - Naglalarawan sa pinagmulan ng salita batay sa tunog.

Halimbawa: Tagaktak – tak-tak-tak


Pangungusap: Tagaktak ang pawis ni Mang Ben sa
kabubuhat ng balde-baldeng galon ng tubig.

Pagyamanin

Ang pagkilala sa mga tauhan ng isang alamat ay nararapat lamang.


Sa pagsasanay na ito ay iyong susubukin kung nakilala mo ang mga tauhan
sa akdang iyong binasa.

Gawain 1. Nagmula saan?

A. Panuto: Tukuyin ang pinagmulan ng mga salita sa ibaba at piliin ang


tamang kasagutan sa loob ng kahon. Gayahin ang pormat at sagutin sa
hiwalay na papel.

ap hear balangay batanghay


para namang
fhotobambi
akin
para namang iyo photobomber tak tak tak tack tack tack
up here

15
Salita Etimolohiya

1. fotobam

2. barangay

3. apir

4. pamangkin

5. tagaktak

B. Panuto: Mula sa mga etimolohiya o pinagmulan ng mga salita na iyong


naging kasagutan, bumuo ng mga pangungusap na nagsasaad o
kinapalolooban ng gawi, kilos at karakter ng mga tauhan sa mga nabasa
mong halimbawa ng alamat. Gawin ito sa hiwalay na papel.

1.

2.

3.

4.

5.

16
Gawain 2. Punan Mo Ako!

Panuto: Kilalanin ang mga tauhan at bigyang-kahulugan ang kanilang


kilos, gawi at karakter batay sa usapang napakinggan (ipabasa ito sa
nakatatanda o sinomang makatutulong sa iyo). Isulat ang iyong sagot sa
loob ng grapikong pantulong. Gayahin ang pormat at sagutin sa hiwalay na
papel.

Pagbibigay-kahulugan sa:
Tauhang
Napakinggang Pahayag
Binabanggit Kilos Gawi Karakter

Alamat ni Prinsesa Manorah


Naisip niya na kung
mahuhuli niya ang
prinsesa, dadalhin niya
ito kay Prinsipe Suton,
ang anak ng Haring
Artityawong at Reyna
Jantaivee ng Udon
Panjah.

Agad-agad siyang naakit


sa kagandahan ni
Prinsesa Manorah.

Ang pinakabata sa
pitong anak na kinnaree
ng Haring Prathum at
Reynang Janta kinnaree.

“Napakahirap ang
manghuli ng kinnaree
dahil agad-agad itong
lumilipad kapag
tinatakot.”

Hindi natuwa nang


marinig ang balak ni
Prahnbun, ngunit
napapayag din itong
bigyan niya si Prahnbun
ng makapangyarihang
lubid na siyang
ipanghuhuli niya sa
Prinsesa Manorah.

17
Gawain 3. Patunayan Mo!

Panuto: Isulat sa loob ng grapikong pantulong ang mga makatotohanan at


‘di makatotohanang pangyayaring naganap sa akda at bigyan ito ng mga
patunay. Gayahin ang pormat at sagutin sa hiwalay na papel.

Patunay

Makatotohanan

Alamat ni Prinsesa Manorah

Patunay

‘Di makatotohanan

18
Isaisip

Ang isang akda gaya ng alamat ay kapupulutan ng aral o leksiyon na


maaaring maging gabay mo sa iyong buhay. Sa gawaing ito ay tiyak kong
mapatitibay mo ang mga aral na iyong natutuhan sa mga akdang iyong
nabasa/napakinggan.

Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba ng mga aral o kaalamang


nakapukaw sa iyong isipan. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Etimolohiya Gawi, kilos at karakter

Natutuhan ko na … Natutuhan ko na …
Makatotohanan at Alamat ni Prinsesa
‘Di Makatotohanan Manorah
Natutuhan ko na … Natutuhan ko na …

19
Isagawa

Ang pagbabasa ay isang gawaing nakalilibang at nakatutulong sa


lahat upang lalong malinang ang iyong kaalaman. Sa gawaing ito ay
masusubok naman ang iyong kakayahan sa pagbuo ng isang akdang
kapupulutan ng aral.

Panuto: Balikan ang, “Alamat ni Prinsesa Manorah” at sumulat ng gusto


mong maging wakas nito kung saan babaguhin o papalitan mo ang ilang
pangyayari at mga katangian ng sinoman sa mga tauhan at tukuyin ang
pinagmulan ng mga salita o etimolohiya. Bigyang-kahulugan ang kilos,
gawi, at karakter ng mga tauhan at patunayan ang pagiging makatotohanan
at ‘di makatotohanan ng akda. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Sariling wakas na may binago o pinalitang pangyayari at katangian ng sinoman sa tau

Etimolohiya

17
Kilos, gawi, at karakter

Makatotohanan at ‘di makatotohanan

Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan 5 4 3 2
puntos puntos puntos puntos
Nakagamit ng mga wastong salita na
kung saan natutukoy ang
pinagmulan nito
Nailahad nang tama at angkop sa
tema o paksa ang binuong sariling
wakas ng alamat
Nakapagpakita ng pagbabagong
ginawa sa gawi, kilos at karakter ng
tauhan sa isinulat na wakas
Nakatukoy ng patunay sa pagiging
makatotohanan at ‘di makatotohanan
sa mga pangyayaring inilahad
Kabuuan

1
Tayahin

Ang gawaing ito ay isinulat o ginawa upang masukat ang mga


kaalamang iyong natutuhan sa modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat


sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

1. Mahilig kumamot sa ulo si Jose kapag hindi niya alam ang isasagot o
sasabihin. Ang pariralang may salungguhit ay halimbawa ng
.
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw

2. Ang bunsong anak ni Mang Fidel ay mabait at mahinhin. Ang


pariralang may salungguhit ay halimbawa ng .
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw

3. Mapanlait sa kapwa si Aling Bebang dahil siya ay nabibilang sa


mataas na antas ng lipunan. Ang salitang may salungguhit ay
halimbawa ng
.
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw

4. Naninirahan sa dulo ng Barangay Matahimik ang pamilya nina Mang


Nelson at Aling Nelia. Ang salitang barangay ay nagmula sa lumang
bangkang Malay na tinatawag na .
A. balangay C. batangay
B. balanghay D. batanghay

5. Kahit saang lugar magpunta si Lorna, lagi siyang nagse-selfie. Ang


salitang selfie ay nagmula sa pagkuha ng litrato ng .
A. kaibigan C. kapatid
B. kalaro D. sarili

6. Maraming naiinis kay Juanito dahil mahilig siyang mag-fotobam. Ang


fotobam ay mula sa salitang .
A. fhotobambi C. photobomber

1
B. fotobhomb D. photobombom

2
7. Si Sultan Barabas ay namatay at inilibing sa hardin ng kaniyang
kaharian. Sa paglipas ng taon, may tumubong puno sa kaniyang
libingan. Ang bunga nito ay mapait ngunit nang mahinog ay matamis.
Ito ay hango mula sa akdang .
A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Mangga
B. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Bayabas

8. Pagkaraan ng ilang araw, magaling na si Aling Rosa at hinanap niya


ang kaniyang anak. Sa kaniyang paghahanap ay napansin niya ang
isang halamang may bungang maraming tila mata. Inalagaan niya
itong mabuti. Ito ay hango mula sa akdang .
A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Mangga
B. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Bayabas

9. Ang COVID-19 ay isang uri ng virus na nagmula sa China. Ang


sintomas nito ay pananakit ng lalamunan patungo sa puso at sa
katawan. Karaniwang mga hayop ang tinatamaan ng virus na ito. Ang
pangungusap ay nagsasaad ng na pangyayari.
A. makatotohanan C. walang katotohanan
B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan

10. Ayon sa DOH, may panibagong variant ang COVID-19 na kumakalat


sa ating mundo. Ang pangungusap ay nagsasaad ng _ na
pangyayari.
A. makatotohanan C. walang katotohanan
B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan

2
Karagdagang Gawain

Ang iyong pagsisikap na matapos ang modyul na ito ay lubhang


kasiya- siya. Natutuwa ako at ikaw ay nasa huling bahagi na ng ating
aralin. Binabati kita at aking aasahan na ang lahat ng iyong natutuhan sa
modyul na ito ay hindi mo kalilimutan.

Bilang huling gawain, lumikha ng iyong sariling alamat na


nagpapakita ng mga gawi, kilos at karakter kaugnay ng mga kilalang tao na
iyong natutunghayan sa inyong pamayanan.

Pamantayan:
Nilalaman – 10 puntos
Kaayusan ng ideya – 10 puntos
Wastong gamit ng mga salita – 10 puntos
Kabuuan – 30 puntos

2
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Peralta, R.N. et al. (2014), Panitikang Asyano 9 Meralco Avenue, Pasig
City. Department of Education – Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd- IMCS).

You might also like