You are on page 1of 4

Gawain

Panuto: Manood ng isang pelikulang Filipino at isang pelikulang Internasyonal na tumatalakay


sa dulog realismo, marxismo, feminisno at pormalismo. Pumili lamang dalawang dulog na
nabanggit na nais palulatangin sa inyong napanood na pelikula at sagutin ang sumusunod na
mga katanungan:

1. Sa anong paraan nagkahawig ang mga eksena ng napanood na pelikula?


Ipaliwanag.

Internasyunal (Me Before You)


- Ang pelikulang ito ay nakasentro sa buhay ng isang babae na si Louisa Clark na
masipag na naghahanap buhay para sa kanyang pamilya. Dahil natanggal sya sa dati
nitong trabaho, siya ay nag-apply at kalaunan natanggap na mag-alaga sa isang
mayaman at paralisadong lalaki na si William Traynor. Siya ay naging paralitiko nang
ito’y mahagip ng motor habang siya’y tumatawid sa daanan. Dahil sa hindi nito
matanggap ang kanyang kalagayan, nag-iba ang ugali ni William at naging masungit
na naging dahilan para ayawan ng mga nakaraang tagapag-alaga nito buhat ng
kanyang kakaibang personalidad. Dito, matutunghayan ang pagpupursigi’t sipag ni
Louisa para mapasaya’t maalagaan ng maayos si William na unti-unting nagpabago
sa ugali ng binata. Mas naging malapit si William kay Louisa dahil sa dedikasyon at
kakaibang personalidad nito para maasikaso’t maalagaan ang lalaki. Ngunit sa huli,
dahil hindi matanggap ni William ang buhay nya bilang isang paralitiko, pinili nitong
pumunta sa Switzerland para isagawa sa kanyang sarili ang assisted suicide kung
saan legal na winakasan ang kanyang buhay. Sa huli, dahil nakita ni Will ang
dedikasyon at mga pangarap ni Louisa para sa sarili’t pamilya, nang pumanaw ito ay
binigyan nya ito ng liham at pinamanahan nya ito ng pera para magamit ni Louisa
para matupad ang mga pangarap nito at magkaroon ng mas maayos na buhay kung
saan hindi na ito proproblemahin ang pinasyal na kakulangan.

Lokal (Caregiver)
- Si Sarah Gonzales ay dating guro na piniling mangibang bansa para mabigyan ng
maayos na buhay ang kanyang mga anak at suportahan ang kanyang asawa na si
Teddy at sa United Kingdom. Tulad ng sa internasyonal na pelikula, naging caregiver
din si Sarah sa London kung saan naging tagapagalaga sya ni Mr. Morgan na isang
mayaman ngunit masungit na matanda. Dahil sa masamang ugali ni Mr. Morgan,
hindi rin nagtatagal ang mga tagapag-alaga nito dahil lagi niya itong tinataboy o
kaya’y pinapagalitan. Ngunit dahil sa dedikasyon at pagmamahal ni Sarah sa
kanyang trabaho at sa matanda, unti-unti ring nagbago ang pakikitungo ni Mr.
Morgan sa kanya at mas napalapit ang matanda sa kanyang tagapag-alaga. Nakita ng
matanda ang malasakit at pagmamahal ni Sarah sa kanya at sa kanyang pamilya, kaya
mas binigyan niya ito ng importansya. Sa sa lumalalang kalagayan ng matanda ay
unti-unting nanghina si Mr. Morgan at sa huli ay pumanaw dahil sa kanyang mga
karamdaman. Nang mamatay ang matanda ibinilin nito sa kanyang anak na ibigay
ang libro na pinakaiingat-ingatan ng matanda. Dito nabasa ni Sarah ang liham ni Mr.
Morgan kung saan nagpapasalamat ito sa kanyang serbisyo, pagmamahal, at
dedikasyon na ibinigay nya para sa matanda.

2. Sa anong paraan nagkakaiba ang mga eksena ng napanood na pelikula?


Ipaliwanag.

Internasyunal (Me Before You)


- Sa pelikulang ito, mapapansin na wala pang asawa ang protagonista na si Louisa at
may dating karelasyon si William na makikita sa isang eksena na dumalaw sa kanya
para ipaalam na magpapakasal na ito sa kanyang matalik na kaibigan. Nahaluan din
ito ng konting romansa dahil unti-unting nahulog si William at Louisa sa isa’t isa
ngunit ito’y hindi yumabong dahil may karelasyon si Louisa at ayaw ding makagulo
ni William sa buhay ng dalaga. Naiba rin ito dahil mas pinili ni William na mamatay
(assisted suicide) sa Switzerland dahil sa hindi nya tanggap ang kanyang sitwasyon
at ayaw niyang maging pabigat habambuhay. Isa pa sa kapansin-pansing pagkakaiba
ay may halong komedya ang palabas na ito dahil sa karakter ni Louisa kung saan ito
ay laging nagbibigay ngiti at saya sa bawat eksena na kasama nya si William. Panghuli,
matutuklasan sa pelikula na nasa Paris na si Louisa habang binabasa ang liham na
ibinigay sa kanya ni William. Mas nangibabaw ang saya sa pangwakas ng pelikula
dahil pinakita ang uni-unting pagtupad ni Louisa sa kanyang pangarap.

Lokal (Caregiver)
- Mababakas sa pelikulang ito ang pagkakaroon ng anak at asawa ni Sarah na si Teddy.
Ang asawa niya ang laging dahilan ng mga luha ni Sarah sa ibang bansa dahil ito ay
nagseselos sa unti-unting tagumpay na nakakamit ni Sarah sa kanyang trabaho. Isa
pa ay namatay lamang si Mr. Morgan at hindi nahaluan ng komedya o romansa ang
pelikula dahil nakapokus lamang ito sa mga sakripsiyo’t paghihirap na nararanasan
ng mga OFW sa kanilang trabaho’t pamilya. Mas marami ding kinakaharap na
pagsubok ang bida sa pelikulang ito tulad ng aspektong pang-pamilya, trabaho at iba
pa dahil pinapakita rito ang katatagan at pagpupursigi ng karakter ni Sarah upang
mataguyod ang pamilya. Sa pangwakas na parte, mas pinili ni Sarah na manatili sa
London kaysa sa sumama pauwi sa kanyang asawa dahil mas pinili niyang bigyan ng
maayos na buhay ang kanyang anak hanggang sa lumaon ay nakasama niya ang mga
ito sa London. May halong pait at saya ang naging wakas ng pelikula dahil
naghiwalay sila ng asawa nya sa huli ngunit nakasama naman niya ang kayamanan
ng kanyang buhay.

3. Sa aling eksena naipakita ang dulog sa pelikula?


Feminismo (Internasyonal)
- Masasaksihan ang kalakasan ng bidang babae (feminismo) sa mga eksena kung saan
walang sawang nag-aalaga at nagsasakripisyo si Louisa para magampanan nya ng
maayos ang kanyang trabaho bilang isang caregiver at masustentuhan ng maayos ang
kanilang pamilya. Matutunghayan din ito sa pangwakas na parte kung saan matatag
na tinggap ni Louisa ang desisyon ni William na magsuicide sa Switzerland at hayaan
maging masaya hanggang sa huli ang binata kahit na sa loob nito ay unti-unting
nadudurog dahil hindi na nya makakapiling muli si William. Isa pang eksena kung
saan mababakas ang feminismo ay ang pagtupad ni Louisa sa pangarap nya sa Paris
na ibinilin ni William sa kanyang liham. Dito makikita ang dedikasyon nya na abutin
ang kanyang pangarap para sa kanyang pamily, kay William, at para sa sarili.

Realismo
- Makikita ang dulog na ito sa parte kung saan pinili ni William na wakasan ang buhay
dahil hindi niya matanggap na mabuhay sa sitwasyong nararanasan nya. Ipinakita
dito na may mga taong pinipili na wakasan ang kanilang buhay para hindi na
masaktan sa katotohonan o sitwasyong kinakaharap nila sa buhay. Hindi
matutumbasan ng kahit anong salapi ang kasiyahan ng isang tao dahil may problema
na darating at susubok sa katatagan natin tulad na lamang ng pagiging paralitiko ni
William. Hindi siya masaya o kontento sa buhay kahit na siya’y mayaman dahil may
kakulangan pa rin sa kanya, ang kakayahang makalakad at makagalaw.

Feminismo (Lokal)
- Tulad lamang ng sa internasyonal na pelikula masasaksihan rin ang dulog Feminismo
sa parte kung saan nangibang bansa si Sarah upang magkapagtrabaho siya bilang
isang caregiver at maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang
babae na matapang na hinarap ang buhay gamit ang determinsayon at tibay bilang
sandata sa mga hamon na ipinupukol sa kanya ng buhay. Isa pang eksena ay nung
komprontahin niya si Mr. Morgan at sabihin sa kanya kung gaano kaimportante ang
trabaho [nito sa kanya para matustusan ang pamilya. Dito makikita ang tapang ng
isang babae na walang sawang nasisikap at nasasakriprisyo para sa kaniyang pamilya.
Pinatunayan niya sa eksenang ito na hindi siya magpapatalo sa sungit at galit na
ibinabato sa kanya ng matanda. Sa huling parte naman ng pelikulang ito, makikita
ang pagiging matatag ni Sarah nang magdesisyon siyang hindi sumama at hiwalayan
ang asawa para manatili sa London at bigyan ng maayos na buhay ang mga anak.
Makikita rito ang kalakasan ni Sarah na manatiling matapang na harapin ang buhay
bilang isang single mom sa isang banyagang bansa.

Realismo (Lokal)
- Masasaksihan sa pelikulang ito ang dulog Realismo sa parte kung saan nararanasan
ni Sarah ang hirap at pagod dulot ng trabaho bilang isang caregiver sa ibang bansa.
Makikita rin dito ang pangungulila ng isang ina sa kanyang mga anak at ang wala
nitong sawang pagkayod para maibigay ang pangangailangan ng kanyang mga anak.
Sa palabas din na ito, maiintindihan natin kung bakit maraming Pilipino ang
nagingibang bansa, nagsasakripsiyong mahiwalay sa mga mahal sa buhay at nagtitiis
sa ibang paghihirap upang mas mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya.

4. Ipaliwanag ang iyong naging konklusyon sa iyong napanood na pelikula.


- Sa kabuuan, makikita sa parehong pelikula na napakalaki ng parte ng mga caregivers
at mga OFW sa ating lipunan. Handa nilang tiisin ang hirap at pagod para
magampanan ng maayos ang kanilang trabaho at maibigay ang sapat na alaga sa tao.
Napagtanto ko rin na ang mga kababaihan lalong lalo na ang mga ina ay handang
magsakripsyo at harapin ang hamon ng buhay para maibigay ang maayos na buhay
sa pamilya at maiahon ang kanilang antas sa lipunan. Tulad na lamang ni Sarah,
gagawin niya ang lahat at sasalagin ang mga problema para lamang sa kinabukasan
ng kaniyang mga anak. Si Louisa na hindi sumuko para bigyan ng pag-asa’t buhay
ang natitirang oras ni William upang maranasan ang galak at pagmamahal hanggang
sa huling buhay nito. Kaya’t dapat nating bigyang ng importansya ang mga caregivers
at mga OFW dahil sa sakripisyo’t dedikasyon nila para makatulong sa mga taong
nangangailan ng serbisyong medikal sa ibang bansa at sa pagmamahal nila para sa
kanilang pamilya.

You might also like