You are on page 1of 4

FILIPINO 4

2ND
SUMMATIVE TEST
1ST QUARTER

Name: _____________________________________________

Suriin ang patalastas at sagutin ang mga tanong.

_____1. Tungkol saan ang patalastas? Ito ay tungkol sa ___________.


A. produkto
B. pagbili
C. magulang
D. katalinuhan

_____2. Ano ang epekto ng patalastas na ito?


A. Nakapagpapatalino sa tao
B. Nagiging mapanuri sa pagbili
C. Nakapagpapaganda sa magulang
D. Natututo ng maraming kaalaman

_____3. Makatotohanan ba ang impormasyong hatid ng patalastas?


Bakit?
A. Opo, dahil puwede ito sa mga bata.
B. Opo, dahil may magandang epekto ito.
C. Hindi po, dahil kailangan pa rin ang pag-aaral nang mabuti upang maging matalino.
D. Hindi po, dahil para lamang ito sa mga matatanda.

_____4. Magpapabili ka ba ng “Magic Capsule” na nabanggit sa patalastas? Bakit?


A. Opo, dahil puwede ito sa batang tulad ko.
B. Opo, dahil magiging matalino ako nito.
C. Hindi po, dahil hindi naman ako sigurado sa magiging epekto nito.
D. Hindi po, dahil hindi naman lahat ng patalastas ay nagsasabi ng tamang mensahe.

_____5. Ano ang una mong gagawin sa mga patalastas na iyong nabasa? Bakit?
A. Bibilhin ko agad ito upang hindi ako maunahan ng iba.
B. Pagninilay-nilayan ko ito nang mabuti upang malaman ko ang katotohanan.
C. Paniniwalaan ko ang sinasabi nito upang maging masaya ang gumawa nito.
D. Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan upang bumili rin nito.

Lagyan ng tsek (/) ang bilang na tumutugon sa pagninilay ng katotohanan mula sa mga patalastas na
nabasa at ekis (x) naman kung hindi.

______1. Pinag-aaralan ko muna nang mabuti ang gusting ipaabot na mensahe na aking napanood.

File created by DepEd Click.


______2. Binabasa at sinusuri ko ang mensahe ng patalastas upang hindi ako maluko.

______3. Naikukumpara ko ang totoo sa hindi totoong sinasabi ng patalastas.

______4. Pinaniniwalaan ko ang mga patalastas lalo na kung ito ay ipinakikilala ng aking paboritong artista.

______5. Tinatangkilik ko ang mga produkto dahil sa magandang patalastas nito sa telebisyon.

Lagyan ng tsek (/) kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng tamang pamamaraan sa pagtuklas ng
katotohanan at ekis (x) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

___1. Nagbakasyon si Pia sa probinsiya. Kinuwento ng kaniyang Tiyo na maraming aswang sa lugar nila.
Takot na takot si Pia dahil naniwala agad siya dito.

___2. Binigyan si Bing ng kaniyang matalik na kaibigan ng isang sachet ng Wonder Juice. Sinabihan siya na
inumin ito upang tumalino siya. Ikinuwento niya sa kaniyang ina ang tungkol dito. Nagsaliksik siya subalit
wala siyang makitang impormasyon tungkol dito. Kaya naman, itinapon niya na lamang ito.

___3. Sinasabihan ka ng iyong kapitbahay na suspendido ang pasok buong linggo dahil sa paparating na
bagyo. Sumangguni ka muna sa iyong guro kung ito ay totoo. Ang sabi niya, Huwebes at Biyernes lamang
ang walang pasok.

___4. May naglalako ng alahas sa lugar ninyo. Ang sabi ng tindera, tunay na ginto ang kaniyang ibinibenta
kaya may kamahalan ito. Nawili ang nanay mo kaya bumili siya kahit sinabihan mong huwag agad
maniwala dito.

___5. Ikinuwento ng kaibigan ni Dan sa kaniya na magnanakaw ang tatay ng isa nilang kamag-aral. Kaya
naman, hindi niya ito pinapansin.

Magkakaroon ng pag-uulat tungkol sa inyong barangay sa loob ng klase. Ang bawat isa ay inatasang
magbabahagi. Dahil dito, ano ang iyong dapat gawin upang makakuha ng tamang impormasyon
tungkol sa inyong barangay?

Pupunta ako sa tanggapan ng kapitan ng aming barangay


upang makahingi ng kailangang impormasyon na nais kong
malaman.

Tatanungin ko ang aking magulang tungkol sa aming barangay


dahil alam kong sa lugar na ito siya ipinanganak.

Mag-iinterbyu ako sa aming mga kabarangay upang maraming


impormasyon akong makalap.

Gagawa ako ng survey sa aking mga kaibigan na doon din sa


barangay namin nakatira.

Maglilibot ako sa buong barangay upang hikayatin ang


aking kabarangay na bigyan ako ng kanilang mga ideya
tungkol sa aming lugar.

File created by DepEd Click.


KEY:

1. D
2. D
3. A
4. D
5. D
1. /
2. /
3. /
4. /
5. X
6. X

File created by DepEd Click.


File created by DepEd Click.

You might also like