You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
MARIKIT INTEGRATED SCHOOL
BRGY. MARIKIT, PANTABANGAN, NUEVA ECIJA

IKATLONG MARKAHAN
PAMPANAHUNANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Pangalan:____________________________________ Iskor: _______/40_


Baitang at Antas: ____________________ Petsa: _________________

PANUTO:
1. Basahin nang mabuti ang mga tanong.
2. Gumamit lamang ng itim o asul na panulat.
3. Magsagot nang may katapatan.

I. TAMA o MALI (Tx1). Isulat ang “T” kung ang pangungusap ay totoo at isulat naman ang “M”
kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.
______1. Ang buhay ng tao ay panlipunan.
______2. Ang tuon ng katarungan ay sa sarili.
______3. Dapat igalang ang karapatan ng ating kapwa.
______4. Ang pagkakaisa ay nagbubunga ng kapayapaan.
______5. Hindi dapat gamitin ang lakas sa paggalang sa batas.
______6. Dapat isaalang-alang ang pagiging patas sa lahat ng tao.
______7. Ang lipunan ay pangkat ng mga tao na kumikilos tungo sa iisang mithiin.
______8. Hindi makatarungan ang pagbibigay sa ating kapwa ng nararapat sa kanya.
______9. Sa simbahan pangunahing iniaalay ang kabutihan na iyong ginagawa sa lipunan.
______10. Ang karapatan ng isang tao ay nagtatapos kapag umiral na ang karapatan ng kanyang kapwa.

II. PAMILIAN (Tx2). Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero.

Para sa bilang 1 - 4
a. dignidad b. kapayapaan c. katotohanan d. pagkakaisa

______1. Alin ang nagdudulot ng pagkakaisa?


______2. Alin ang nagbubunga ng kapayapaan?
______3. Alin ang taglay ng tao na nakatuon sa pag-unawa sa iba?
______4. Alin ang taglay ng tao kung saan siya ay nagbibigay ng nararapat sa kanyang kapwa?
Para sa bilang 5 - 6
a. batas sibil b. legal na batas c. moral na batas d. lahat ng nabanggit

______5. Alin ang batas na nakabatay sa batas moral?


______6. Alin ang batas na maituturing na panloob na aspekto ng katarungan?

III. CROSSWORD (Rx1). Kumpletuhin ang puzzle na nasa ibaba. Gamitin ang mga clues na
ibinigay upang mabuo ang puzzle.

ACROSS
4. Ang ___________ ay personal o interpersonal na ugnayan ng tao sa iba.
5. Maliban sa kapayapaan at pagkakaisa, ang ____________ ay maaaring layunin ng isang lipunan para sa
mga mamamayan.
7. Ginagabayan ng mga _________ ang anak upang maiwasan ang di-makatarungang gawain.

DOWN
1. __________ ang tawag sa pangkat ng mga tao na kumikilos tungo sa iisang mithiin.
2. Para sa __________ ang lahat ng pagsisikap at pagkilos ng isang lipunan.
3. Sa __________ pangunahing inaalay ang kabutihan na ginagawa sa lipunan.
4. Ang ___________ ay isang gawi na gumagamit ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang
indibidwal.
6. Dapat ginagamit ang lakas sa paggalang sa ____________.
IV. SANAYSAY (Tx5). Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng tatlo hanggang limang
pangungusap. Isulat ang sagot sa inilaang puwang.

1. Ano ang pinakamalaking hamon sa pagpapairal sa katarungang panlipunan sa lipunang Pilipino?

2. Para sayo, nagiging epektibo ba ang batas upang ganap na maging maayos ang ugnayan ng lahat ng
tao sa kanyang kapwa at kalipunan?

Address: Brgy. Marikit, Pantabangan, N.E.


Tel. No.: 09194238244 501825
Email Address: 501825@deped.gov.ph
SCHOOL ID
ANSWER KEY:

I. TAMA o MALI

1. T
2. M
3. T
4. T
5. M
6. T
7. T
8. M
9. M
10. T

II. PAMILIAN

1. B
2. D
3. C
4. A
5. A
6. C

III. CROSSWORD

You might also like