You are on page 1of 6

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Ikatlong Markahan

Modyul 1 - Una at Ikalawang Linggo


Katarungang Panlipunan

Mga Kasanayang Pampagkatuto


9.1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan
EsP9TTIIa-9.1
9.2. Nakapasusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga
tagapamahala at mamamayan EsP9TTIIa-9.2
9.3 Napatutunayan ng may pananagutan ang bawat mamamayan na
ibigay sa kapwa ang nararapat sa kaniya EsP9TTIIb-9.3
9.4 Natutugunan ang pangangailangan ng kapuwa o pamayanan sa mga
angkop na pagkakataon EsP9TTIIb-9.4

Unang Pagsubok
Panuto: Magtala ng tatlong gawaing nagpapakita ng katarungan at
kawalang katarungan. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.

Makatarungan Kawalang Katarungan

Hal. pagpila ng maayos Hal. hindi pagsunod sa batas


trapiko

1
Balik-tanaw
Panuto: Suriin ang bawat larawan sa ibaba. Isulat sa sagutang-papel
ang letra ng larawang nagpapakita ng pakikilahok at bolunterismo.

Maikling Pagpapakilala sa Aralin

Gawain
A. Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga kaugnay
na tanong.

2
Mga Tanong
1. Anong isyu ang mahihinuha mula sa sitwasyong binasa?
2. Bakit maituturing na paglabag sa katarungang panlipunan ang
ginawa ni Kap. Dimaunahan.

B. Panuto: Basahin ang news clip at sagutin sa iyong sagutang papel


ang mga kaugnay na tanong.

3
Mga Tanong
1. Ano ang masasabi mo sa kusang-loob na pagtulong ni Angel Locsin
sa mga nangangailangan? Ipaliwanag.
2. Sa kasalukuyang panahon, na ang mundo ay nakakaranas ng
pandemya, masasabi bang makabuluhan ang ginagawang pagtulong ni
Angel Locsin sa ating mga kababayan? Pangatwiranan.

Tandaan
● Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat para
sa kanya.
● Ang katarungan ay gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay
ng nararapat sa isang indibidwal.
-Sto. Tomas de Aquino
● Ang mga sumusunod ay katangian ng isang makatarungang tao:
1. Ginagamit ang buong lakas sa paggalang sa bata at sa karapatan
ng kanyang kapwa.
2. Isinasaalang-alang ang pagiging patas sa lahat ng tao.
3. Kakayahang salungatin ang iyong mismong sarili, ang ibang tao at
ang mundo sa hindi pagiging patas ng mga ito.
● Katangian ng Katarungang Panlipunan

1. pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat


2. paggalang sa karapatan ng bawat tao
3. pagpapaliban sa pansariling interes
4. pagsusuri sa kabuuang sitwasyon

4
Pag-alam sa mga Natutuhan
A. Panuto: Tsekan (✔) ang patlang kung ang mga gawain ay
nagpapakita ng katarungan at ekis (x) kung hindi.
____1. pagpapasahod ng tama
____2. pagtawid sa tamang tawiran
____3. pagtatapon ng basura sa lansangan
____4. paglabag sa batas trapiko
____5. pagbibigay ng libreng edukasyon

B. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong sa ibaba. Ipaliwanag ang


iyong opinyon gamit ang 3-5 pangungusap.
1. Bakit mahalagang maging makatarungan ka sa iyong kapwa?
2. Bakit mahalaga ang pag-iral ng katarungang panlipunan?
3. Paano mo maipapakita sa iyong simpleng paraan ang pagiging
makatarungan?

Pangwakas na Pagsusulit
A.Panuto: Suriin ang mga gawain sa ibaba. Isulat ang KP kung ang gawain
ay nagpapakita ng katarungang panlipunan at KK naman kung
kawalang katarungan.

A. Paglilista ng Kapitan ng barangay sa mga pangalan ng mga kamag-anak upang


mapabilang sa tulong pinansyal na bigay ng gobyerno kahit pa hindi sila kwalipikado.
B. Pagbibigay ng pribadong kompanya ng libreng pabahay sa mga tapat nitong
empleyado.
C. Pagtiyak ng may-ari ng karinderya na ang mga pagkaing ipinagbibili ay malinis.
D. Pagtatangal ng kompanya sa isa nilang empleyado nang hindi dumaan sa
tamang proseso.
E. Pagbibigay ng pamahalaan ng tulong sa mga taong nangangailangan.
F. Pandaraya sa halalan o eleksiyon ng isang kandidato.
G. Pagkuha ng pera mula sa pondo ng organisasyong kinabibilangan.
H. Paglabag sa mga karapatang pantao ng manggagawa sa pabrika.
I. Pagtulong sa mga nangangailangan sa oras ng sakuna at pandemya.
J. Pagrespeto sa mga kababayan nating kabilang sa LGBT Community
.

5
B. Panuto: Buoin ang mahalagang konseptong iyong natutunan mula sa katatapos

na aralin. Kunin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

May 1.) _________________________ang bawat 2.)____________________

na ibigay sa 3.) ___________________ang 4.) _________________________

para sa 5.) _____________________.

You might also like