You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
QUIZ NO. 1
ARALIN 1: PAGSASAGAWA NG KILOS TUNGO SA KABUTIHANG PANLAHAT
Pangalan: Petsa ng Pagsasagot:
Baitang at Pangkat: Pangalan ng Guro:

I. Panuto: Isulat sa papel ang letra ng pinakaangkop na sagot.


_______ 1. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Kapayapaan c. Katiwasayan
b. Paggalang sa indibidwal na tao d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
_______ 2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan
1. _______ 3. Ang mga birtud na ito ay napatatatag kapag tayo ay nakikipagkapwa.
a. Pagkakaibigan at pagkikisama c. Pagmamahal at katarungan
b. Katapangan at paninindigan d. Pagtutulungan at pagkakaisa
_______ 4. Siya ang nagwika ng, “layunin ng pagkakalikha sa tao ay nakakamit sa pamamagitan ng
pakikipagkapwa-tao”.
a. Manuel Dy b. Sto. Tomas de Aquino c. Esther Esteban d. Aristotle
II. Panuto: Punan ang nawawalang salita sa talata upang mabuo ang konsepto. Piliin ang tamang sagot sa ibaba.
makikipamuhay sa kapwa tao kabutihang panlahat kaganapan lipunan

 Ang (5) ____________________ ay tumutukoy sa isa o higit pang grupo ng mga tao na permanenteng
naninirahan sa isang lugar na pinakikilos ng iisang layunin tungo sa pagkakamit ng kabutihang-panlahat.
 Makakamit lamang ang kabutihang-panlahat kung ang bawat isa ay (6) _______________________.
Hindi ito makakamtan ng nag-iisa. Nabubuhay ang tao hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa
ibang tao.
 Ang (7)_____________________ ay palaging nakatuon tungo sa pagpapaunlad ng lahat ng tao.
Kinakailangang maging mas matimbang ang kahalagahan ng tao kaysa sa kahalagahan ng anumang bagay
sa mundo. Ito ay nakaugat sa katotohanan, binuo ng katarungan, at pinananatiling buhay ng pagmamahal.
 Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang (8)_________________.
III. Panuto: Isulat sa papel ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi wasto.
___________ 8. Ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito ay isang likas na katangian na
ikinatulad ng tao sa ibang nilalang.
___________ 9. Upang mapanatili ang kabutihang panlahat, hinihingi sa ilan ang mas malaki at mabigat na
pananagutan kaysa sa iba.
___________ 10. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang
diyalogo, pagmamahal at katarungan.

Quezon National High School


Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
Contact No.: (042) 373-7369 (Principal’s Office); (042) 373-7662 (Department Head’s Office)
Email Address: quezonhigh@yahoo.com

You might also like