You are on page 1of 4

GERONA CATHOLIC SCHOOL

Pob. 1, Gerona, Tarlac


A.Y. 2020 - 2021
Junior High School Department
GRADE 9 (St. Albert the Great & St. Pedro Calungsod)
ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahang Pagsusulit

Pangalan: _________________________________________ Puntos:


Taon/Seksyon: _____________________________________ Petsa: ____________

Itinalagang
Uri ng Pagsusulit Marka
Puntos
Tama o Mali 10
Kaalaman sa Katawagan 10
Pagtutuos 20
Kaalaman 10
Kabuuang Puntas 50

I. TAMA o MALI:
Panuto: Isulat sa patlang kung ang nakaguhit na mga salita sa bawat bilang ay TAMA o MALI.

___________________ 1. Pangunahing layunin ng ipinag-uutos na ekonomiya ay paunlarin ang ekonomiya


ng bansa at tumubo ang mga pribado at publikong nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon
___________________ 2. Ang Edukasyon ay nagiging salik na nakakaaapekto sa pangangailangan at
kagustuhan dahil hinuhubog nito ang panlasa ng tao sa pagkain, babasahin, pananamit, panoorin, lugar na
tinitirhan at iba pa.
___________________ 3. Si Karl Marx ang “Ama ng Kalakalan”.
___________________ 4. Sa Sistemang Komunismo ang pamahalaan at ilang pribadong tao ang gumagawa
ng desisyon at pagpaplano para sa ikauunlad ng bansa.
___________________ 5. Ang Pangangailangan sa Pagsapi o Pag-anib ay may katangiang mas ninanais ng
isang tao na magkaroon ng pagtutulungan sa mga gawain sa halip na may kompetisyon sa bawat isa.
___________________ 6. Ang Komisyon ay isang uri ng sahod na ibinibigay sa isang ahente at ito din ang
kabuuang bahagdan na nakukuha mula sa pagbenta ng isang produkto.
___________________ 7. Ang kasaganaan ay tumutukoy sa pagdedesisyon ng ayon sa sariling pagpapasiya na
walang sinasaktan na ibang tao.
___________________ 8. Ang Pangangailang Panlipunan o Love/Belonging ay ang pagnanais ng isang tao
na matanggap sya sa lipunang kanyang ginagalawan.
___________________ 9. Ang Pangangailangan sa Pagkamit ay may pagnanais na makaimpluwensiya,
makapagturo, o makahikayat ng iba.
___________________ 10. Ang katangian at sariling paghahangad ng tao ang nagtutulak sa kaniya na
maghangad ng iba’t ibang bagay.
II. KAALAMAN SA KATAWAGAN
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

________________________________1. Isang Amerikanong ekonomista at tagapagbunsod sa Teoryang


Batayan ng Kaunlarang Panlipunan.
________________________________2. Ito ay tumutukoy sa mekanismong ginagamit para sa paglalaan,
pagtatakda, at pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman upang masagot ang kakapusan.
________________________________3. Kanino nagmula ang ideyang kapitalismo na hango sa doktrinang
laissez-faire?
________________________________4. Siya ay kilalang Amerikanong sikologo na nagpapaliwanag ukol sa
baytang ng pangangailangan.
________________________________5. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na mahalaga sa ikabubuhay ng tao
tulad ng pagkain, damit, tirahan at gamot.
________________________________6. Ito ay tumutukoy sa mekanismong ginagamit upang maisagawa ang
alokasyon
________________________________7. Ito ang bahagdan ng kit ana ibinabayad sa mga manunulat ng aklat,
kompositor at imbentor.
________________________________8. Ito ang unang baiting ng pangangailangan ng tao.
________________________________9. Siya ay isang sikologo na gumawa ng teorya na Human Motivation
Theory.
________________________________10. Ito ay tumutukoy sa paglikha, pagbuo, at paggawa ng mga produkto
at serbisyo na tutugon sa pangangailangan ng tao.

III. KAALAMAN
Pagtutuos: Isulat ang kumpletong komputasyon ng mga sumusunod na katanungan. Limang (5) puntos
kada numero.

1. Nagtatrabaho si Mark bilang isang manggagawa sa pabrika kung saan siya ay sumasahod ng Php
650.00 bawat araw, Php 30.00 rito ay bahagi ng COLA. Kapag siya ay pinag-overtime ng
tagapangasiwa ng kompanya ng apat na oras, magkano ang sasahurin ni Mark sa araw na ito?
2. Si Ian ay isang call center agent na may sahod na Php 750.00 isang araw at bukod dito binigyan din
siya nga Php 50.00 na COLA ngunit siya ay itinalaga sa panggabing pasok. Magkano ang kaniyang
sasahurin sa loob ng isang araw?

3. Si Nicolie ay nagtatrabaho sa Panaderya ni Byker. Siya ay sumasahod ng Php 247.00 kada araw, Php
10.00 dito ay bahagi ng COLA. Miyerkules ang kaniyang araw ng pahinga, ngunit pinapasok sya ng
kanyang amo dahil sa dami ng gawa. Magkano ang kaniyang sasahurin sa araw ng kanyang pahinga?

4. Si Soya ay isang tauhan ng Restawran kung saan sya ay sumasahod ng Php 537.00 bawat araw at
bukod dito ay mayroon din syang Php 23.00 na COLA, dahil lumiban sa trabaho ang isa sa kanyang
kasama nakiusap ang may-ari na siya ay mag-overtime ng apat na oras. Magkano ang sasahurin ni Soya
sa araw na ito?
IV. KAALAMAN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bilang isang mag-aaral, Ano ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan at pangangailangan at


kagustuhan?

2. Paano maisasakatuparan ng tao ang ibat ibang digri ng Herarkiya ng Pangangailangan (A Hierarchy of
Needs) para sa pagtamo ng ganap na kasiyahan? Ipaliwanag.

Rubrik
Ang pagsagot sa tanong ay nagtataglay ng pagiging lohikal, malinaw at organisado. Napakahusay
5 ng pagpapaliwanang (Buo, Maliwanag)
Ang pagtatalakay ay maayos at organisado at may katamtamang pagpapaliwanag.
4
Matatanggap ang pagpapaliwanag, ang ibang punto ay hindi malinaw at kaayusan ng nilalaman ay
3 hindi organisado.
Walang pagkakaisa ang mga punto na ginamit at kailangang isaayos.
2
Ang sagot ay malayo sa paksa
1

Inihanda ni:
Inaprubahan ni:
Mr. Jomark T. Rebolledo
Guro sa Araling Panlipunan 9 Sr. Cresencia R. Sanchez, Op
Punong-guro

You might also like