You are on page 1of 8

St.

Mary’s Educational Institute


Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

MODYUL 5 SA ARALING PANLIPUNAN 5


MARSO 07 – 11, 2022
PAKSA
ANTAS NG KATAYUAN NG MGA PILIPINO

PANGKALAHATANG IDEYA
Sa pagtatag ng isang panibagong pamahalaan sa ilalim ng pamamalakas ng mga Espanyol,
malaking pagbabago ang naranasan ng mga Pilipino sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhayn.
Maraming pagbabago ang dulot ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Kabilang dito ang
mga pagbabago sa panahanan, antas sa lipunan, katayuan ng kababaihang Pilipino, at sistema
ng edukasyon sa Pilipinas.

LAYUNIN
Upang mapagtagumpayang masagutan ang aralin at malinang nang lubos ang iyong pag-
unawa, kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:
 Nasusuri ang pababago sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol tulad ng
pagkakaroon ng organisadong poblasyon at uri ng tahanan;
 Natutukoy ang pagbabago sa larangan ng pagkakaroon ng sentrong pampamayanan at
iba pa; at
 Napaghahambing ang antas ng katayuan ng mga Pilipino sa lipunan bago dumating ang
mga Espanyol.
PAGPAPAHALAGA
Malaki ang naitulong ng mga paaralang ipinatayo ng mga Espanyol sa paghubog ng
kamalayan ng mga Pilipino. Nagkaroon ng mataas na antas ng marunong bumasa at
sumulat na mga Pilipino na maihambing sa ibang mga bansa sa mundo. Naging daan ito
upang sumigla ang pag-angat ng ekonomiya at pagkamulat ng mga Pilipino sa mga
makabagong embensyon na maging sa kasalukuyan ay napapakinabangan.

ARALIN

Page 1
St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

ARALING PANLIPUNAN
Magandang araw! Para sa araw
na ito, ating tutuklasin ang antas ng
katayuan ng mga Pilipino sa ilalim ng
pananakop ng mga dayuhang Kastila.

PANUTO: Bilang pagsisimula, iyo munang sagutan ang mga nakahandang tanong sa ibaba.
Ibahagi ang iyong sagot sa oras ng online na pag-aaral.
1. Ano ang iyong opinion ukol sa naging pagbabago ng panirahan ng mga Pilipino noong
panahon ng pananakop ng mga kastila?
2. Sa iyong palagay, ano ang mga naging papel ng mga kababaihan sa panahon ng
pananakop ng mga kastila?
3. Sa tingin mo, naging mabunga ba ang sistemang edukaasyon na mayroon ang Pilipinas
noon panahon ng pananakop ng mga kastila?

Page 2
St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

PAGBABAGO SA PANAHANAN
 Ang mga sinaunang Pilipino ay naninirahan sa mga ilog at baybayin. Permanente ang mga
pamayanang ito subalit kalat-kalat. Ang magkakalayong tirahan ng mga katutubo ay hindi
madaling pamahalaan kaya ninais ng mga dayuhan na tipunin sa isang lugar ang mga
katutubo.
 May dalawang pangkat ng mga Espanyol ang nanguna sa pagtatatag ng mga bagong
pamayanan sa kapuluan, ang hukbong militar at ang mga misyonerong Espanyol.
Magkatuwang ang simbahan at pamahalaan sa pamamahala sa bansa at pagpapalaganap
ng Kristiyanismo.
 Naging malaking suliranin ng mga misyonero at paring Kastila ang malalayo at hiwahiwalay
na tirahan ng mga katutubong Pilipino. Dahil dito, noong ika-27 ng Abril 1594, ipinatupad ni
Gobernador-Heneral Luis Perez Dasmariñas ang reduccion.
 Gobernador –Heneral Luis Perez Dasmariñas - ang gobernador-heneral na nagpatupad
ng reduccion.
 Isinaayos ang mga pamayanan batay sa modelo ng isang lungsod sa Spain at tinawag itong
pueblo.
 Pueblo – nangangahulugang kabayanan na binubuo ng mga magkakalapit na
barangay.
 Simbahan – ang sentro ng mga pueblo.
 Poblacion – ang sentro ng munisipalidad.

Page 3
St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

IBA’T IBANG URI NG TAHANAN


A. Bahay na Bato
 ang uri ng tirahan ng mga nakaaangat sa buhay noong panahon ng Kastila.
 Ito ay malalaking silid, malalapad na sahig na tabla, makakapal na kahoy na dingding at
may tanggapan ng mga panauhin.
 Maluluwang ang mga bintana na kadalasan ay yari sa kapis.
 Mayroon din itong maliliit na bintana sa ilalim na kung tawagin ay ventanilla. Bagaman
nabubuksan ito, may harang ito na kung tawagin ay balustrado.
 Ang malalaking bahay na bato ay mayroong malalaking silid, may sala at komedor o
kainan. Kalimitan, ang bahay na ganito ay makikita sa kabayanan.
Iba’t-iba ang bahagi ang matatagpuan sa mga bahay na bato.

OFICINA O Ito ang nagsisilbing tanggapan ng may-ari ng bahay para sa mga kasama
DESPACHO o katulong sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo.
CUARTOS Ito ay nagsisilbing silid-tulugan.
Ito ang lugar kung saan naglalaro ang mga kabataan, nagmemeryenda at
CALDA tumatanggap ng mga matalik na kaibigan.

Page 4
St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

Ang tanggapan ng mga mahahalagang bisita kung saan ang mga gamit at
SALA kasangkapan ay magaganda at maaaninag ang kanilang katayuan sa
buhay.
Ang tawag kung saan tinatanggap nila ang kanilang bisita upang
BALKONAHE makipagkwentuhan.
Ito ay nagsisilbing imbakan ng palat at tulugan ng mga katulong na lalaki
SILONG bilang hardinero.
Ito ang balkonahe, sng lugar kung saan ginagawa ang mga trabahong may
AZOTEA kinalaman sa tubig.
LETRINA O Ang palikuran. Ito ay may dalawang upuan na may butas at maaaring
COMUN gamitin nang sabay ng dalawang tao.
BAÑO Ito ang paliguan na mayroong dalawang bañera (bathtubs).
Ang bahagi ng bahay kung saan nagsasama-sama ang buong pamilya
ORATORIO upaang magdasal ng angelus o magrosaryo kung ika-anim na ng gabi.
CUARTO Ito ang malaking silid ng may-ari ng bahay.
PRINCIPAL
COMEDOR Ito ang lugar-kainan.

B. Bahay Kubo
 Sa panahanan naman ng mga karaniwang Pilipino ay masasalamin ang kasimplehan ng
kanilang pamumuhay at estado sa buhay. Sila ay kalimitang nasa kanayunan.
 Tulad ng mga sinaunang Pilipino, ang bubungan ng kanilang tahanan ay nanatiling yari sa
pawid o kugon at yari naman sa kahoy o kawayan ang kanilang dingding at sahig.
 Ang kawayan ay pinanipis at saka nilala upang maging sawali na siyang dingding ng
kanilang bahay.
 Ang iba naman ay gumamit ng dahon ng niyog, damong kugon o dahon ng anahaw na
pinagkabit-kabit ng mga yantok o ratan.

Page 5
St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

PANUTO: Bilang pagsisimula, magbigay ng limang (5) halimbawa ng mga gawing pambabae.
Maghanda para sa pagbabahagi ng iyong mga sagot sa klase.

PAGBABAGO SA KATAYUAN NG MGA KABABAIHAN


 Bago pa man dumating ang mga dayuhan, ang mga babae ay may mataas na katayuan sa
lipunan. Ngunit sa panahon ng kolonyalismo ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa
katayuan ng kababaihan, hindi na sila pinahihintulutan na makilahok sa mga gawaing
panlipunan, ekonomiko, at pampolitiko.
 Ang kababaihan ay tinuruan ng mga gawaing bahay tulad ng pagluluto, paglilinis ng bahay,
pagdidisiplina sa mga anak, at pag-aalaga sa pamilya.
 Hindi sila nakakadalo sa mga kasiyahan at pagtitipon ng walang kasamang bantay.
 Tinuruan silang maging mahinhin at maging maingat
sa kanilang puri at dangal. Tinuruan din silang
magburda, manahi, at tumugtog ng mga
instrumentong musikal.
 Sila ay itinuturing na pantahanan lamang at ang
kanilang pangunahing tungkulin ay maging isang
mabuting asawa at ina.
 Wala rin silang karapatang makilahok sa gawaing
pampulitikal at maging propesyunal.
SISTEMANG PANG-EDUKASYON

 Mahalagang salik ang edukasyon sa pagbabago sa kultura ng mga Pilipino. Sa sistemang


pinairal ng mga Espanyol sa PIlipinas, ang mga pari ang kanilang pinangasiwa dito. Ang
layunin nila ay maturuan ang mga Pillpino na mamuhay ayon sa pamamaraang Kristiyano.
Malaking bahagi rin ng edukasyon ng mga Pilipino noon ang wikang Spanish.
Page 6
St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

 Ipinatayo ang kolehiyo para sa kalalakihan. Ang mga kolehiyong panlalaking ipinatayo ng
mga Kastila ay:
 Kolehiyo ng San Ignacio - ang kauna-unahang kolehiyo para sa mga lalaki ay ang
na itinatag ng mga Heswita noong 1589.
 Kolehiyo ng Nuestra Señora del Rosario – itinatag naman ng mga Dominikano ang
noong 1611 na naging Unibersidad ng Santo Tomas noong 1645.
 Kolehiyo ng San Ildefonso - itinatag noong 1595 na naging Seminaryo ng San
Carlos ngayon sa Cebu.
 Escuela Pia na itinatag noong 1859 ay ang Ateneo de Manila ngayon.
 Nagtayo rin ng kolehiyo para sa kababaihan na
naglalayon na ihanda sa pag-aasawa o sa
pagpasok ng kumbento ang kababaihan. Ang ilan
sa mga kolehiyong pambabae ay ang:
 Kolehiyo ng Santa Potenciana (1594)
 Kolehiyo ng Santa Isabel (1596)
 Kolehiyo ng Sta Rosa (1750)
 Kolehiyo La Concordia (1869)
 Kumbento ng Asuncion (1892)

PAGTATAYA
PAGTATAYA BLG.1
PANUTO: Sagutan ang Pag-linang (1-5) sa pahina 203 ng iyong aklat sa Araling Panlipunan. Maaari
mo ring isulat ang mga sagot sa iyong iyong aklat o kwaderno sa Araling Panlipunan. Pagkatapos ay
kuhanan ng larawan ang iyong mga sagot. Ipasa ito sa Google Classroom ng asignatura.

PAGTATAYA BLG. 2
PANUTO: Sagutan ang Paglinang (1-5) sa pahina 204 ng iyong aklat sa Araling Panlipunan. Maaari
mo ring isulat ang mga sagot sa iyong iyong aklat o kwaderno sa Araling Panlipunan. Pagkatapos ay
kuhanan ng larawan ang iyong mga sagot. Ipasa ito sa Google Classroom ng asignatura.

Page 7
St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

SANGGUNIAN

Page 8

You might also like