You are on page 1of 13

Masustansyang Malunggay Cupcake

------------

Pananaliksik na
iprinesenta sa
mga guro ng
Riverview Polytechnic and Academic School Inc.

Ipinasa kay:
Bb. Ayviciel B. Gatik

Ipinasa nina:
Bulayo, Michelle
Belingon, Dianne
Batig, Judy Anne
Castillano, Rea Janis
Castillo, Abigael
Mangandat, Claire
Tuguinay, Kurt

A.Y. 2018-2019
PAGKILALA

Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng taong tumulong para


magawa ang pananaliksik na ito.
Una sa lahat, nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa Panginoon sa pagbigay niya
ng sapat na katalinuhan para magawa ang pananaliksik na ito. Nagpapasalamat din kami sa
biyayang binigay niya sa amin tulad ng tiyaga, pang-unawa at respeto upang magkaisa
kaming mga mananaliksik hanggang sa matapos ang pananaliksik na ito.
Nagpapasalamat din kami sa aming mga guro sa walang sawang suporta at tiyaga nila
sa amin sa pagtama ng mga mali sa aming pananaliksik.
Maraming salamat at ang inyong tulong ay mananatili sa aming puso't isipan.
Maraming salamat!
TALAAN NG MGA NILALAMAN

1.) Pagkilala. . . . . . . . . . 1
2.) Abstract. . . . . . . . . . 2
3.) Unang Kabanata: Panimula. . . . . . . . 3
I. Panimula
II. Kahalagahan ng Pag-aaral
III. Layunin ng Pag-aaral
4.) Ikalawang Kabanata: Metodolohiya. . . . . .
I. Mga Sangkap
II. Mga Kasangkapan
III. Mga Hakbang
5.) Ikatatlong Kabanata: Resulta at Diskusyon. . . . .
I. Resulta
II. Diskusyon
6.) Ikaapat na Kabanata: Konklusyon at Rekomendasyon. . .
I. Konklusyon
II. Rekomendasyon
7.) Ikalimang Kabanata: Mga Sangunian. . . . . .
8.) Apendiks. . . . . . . . . .
I. Mga Mananaliksik
ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay ginawa ng mga estudyanteng nasa ika-11 baitang ng


RPASI. Ang pananaliksik na ito ay isang pagbabalangkas ng cupcake na dinagdagan ng
dahon ng malunggay. Ang cupcake ay isa sa mga pinakapaborito na pagkain. Naisip ng mga
mananaliksik na bigyan ng bagong lasa, gawing kakaiba at masustansya ang karaniwang
cupcake sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dahon ng malunggay. Ang pananaliksik na ito
ay maaaring makabenepisyo sa mga maybahay o tagaluto at estudyante. Ang pananaliksik na
ito ay may layuning makagawa ng masustansyang malunggay cupcake, kilalanin ang mga
benepisyo ng malunggay at kilalanin din ang tamang sukat ng mga sangkap para magawa ang
produkto. Maingat na sinunod ng mga mananaliksik ang mga sukat ng mga sangkap at ang
mga hakbang kaya matagumpay nilang natapos ang kanilang produkto. Kinilala din ng mga
mananaliksik ang mga benepisyong makukuha sa mga sangkap. Ang mga materyales ay
organisadong nakahanda pati na rin ang mga hakbang. Ang pananaliksik na ito ay maaaring
gamitin bilang mapagkakatiwalaang sangunian para sa mga gustong magluto ng
masustansyang malunggay cupcake. Isang rekomendasyon sa mga mananaliksik sa hinaharap
ang pagplano ng solusyon upang tumaas ang cupcake dahil ang ginawang produkto ay hindi
gaanong tumaas katulad sa orihinal na cupcake.
Masustansyang malunggay cupcake

UNANG KABANATA: PANIMULA

Noong 1796, lumabas ang isang klase ng pagkain na tinatawag na natin ngayon na
cupcake na unang isinulat sa libro ni Amelia Simmons sa American Cookery. Ang pagluto ng
cupcake ay mas nakilala noong 1828 noong inilathala ang libro ni Eliza Leslie na
pinamagatang Receipts kung saan nakasulat din ang resipi para sa iba’t ibang klase ng
cupcake. Upang maging kakaiba at masustansya ang produkto, ang mga mananaliksik ay
nagdagdag ng malunggay o moringa oleifera. Ang isang libra ng dahon ng malunggay ay
naglalaman ng potassium na mas mataas ng tatlong beses sa saging. Ito rin ay may lamang
protina na mas mataas ng dalawang beses sa gatas. Ang dahon ng malunggay ay
maihahalintulad sa bitamina C na taglay ng pitong dalandan. Nagtataglay rin ito ng calcium
na apat na beses na mas mataas sa karots

Kahalagahan ng pag-aaral
Ang pananaliksik na masinop na ginawa ng mga mananaliksik ay nakakabenpisyo sa
mga sumusunod:
1.) Nanay o tagaluto sa bahay, sa pamamagitan ng pagbasa at pagsunod sa mga hakbang
na nakasulat sa pananaliksik na maaaring makatulong sa kanila sa paggawa ng
masarap at masustansyang malunggay cupcake.
2.) Estudyante, magagamit nila ang pananaliksik na ito bilang sanggunian upang
makagawa ng masustansyang malunggay cupcake na maaaring ibenta o kainin sa mga
piknik.
3.) Mga mananaliksik, sa paggawa ng pananaliksik, matututunan nila na makinig,
ikonsidera at irespeto ang mga suhestiyon ng kanilang mga kagrupo. Maaari din
nilang ibahagi ang pananaliksik sa kanilang pamilya o mga kaibigan para malaman
din nilang pwedeng lagyan ng malunggay ang cupcake.

Layunin ng pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makagawa ng matagupay at
masustansyang malunggay cupcake. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makamit ang
mga sumusunod:
1. alamin ang tamang sukat ng mga sangkap upang makagawa ng malunggay
cupcake; at
2. kilalanin ang mga benepisyo na makukuha sa malunggay cupcake.

IKALAWANG KABANATA: METODOLOHIYA

Mga sangkap
 2 tasa ng harina  3 itlog
 100g ng dahon ng malunggay  ½ tasa ng vegetable oil
 1 tasa ng puting asukal  2 tbsp. baking powder
 ½ na tasa ng keso
 2 tasa ng harina- Ito ay may 8.9% protina na nagpapalambot sa produkto.
 100 g ng dahon ng malunggay- Nagtataglay ng 3.1g protina, 0.6g fiber, 96mg
calcium, 1.7mg iron, 0.07mg thiamine, 0.14mg riboflavin, 1.1mg niacin at
53mg ascorbic acid na nagpapasustansya sa produkto.
 1 tasang putting asukal- Ito ay may mataas na calorie. Pinapanatili nitong
malambot at mamasa-masa ang produkto.
 ½ tasa ng keso- Ito ay nagbibigay ng lasa sa produkto, ito ay nagtataglay ng
gatas at mayroon ding calcium, protina, phosphorus, zinc at bitamina A at
B12.
 3 itlog- Mayaman sa selenium, bitamina D, B6, B12 at mineral gayon din sa
zinc at iron. Ito ay nagsisilbing pambigkis sa produkto. Ang itlog na puti ay
ginagamit sa paggawa ng tumpang.
 2 kutsarita ng pampaalsa- Ito ay inihahalo para sa pagtaas ng cupcake.
 Palm oil- nababago nito ang hindi tigmik na asido(unsaturated acid) sa tigmik
na asido kapag inihalo ito sa mga sangkap.
 Vanilla- napapaganda nito ang lasa ng mga sangkap. Kapag wala ito, ang
produkto ay walang lasa. Ang vanilla ay mayaman sa antioxidants na
nakatutulong para maiwasan ang pagkasira ng mga tissues sa katawan.
 1 tasa ng gatas
 1 tbsp. na asin
 Sprinkles
 Icing: 3 puti ng itlog
½ tasa ng puting asukal
Pamapakulay ng pagkain

Mga kasangkapan:
 Oven  Plato
 Electric mixer  Kutsilyo
 Pansukat na kutsara  Muffin pan
 Rubber scraper  Chopping board
 Utility tray  Egg beat
 Blender

Mga hakbang:
a. Ipainit ang oven. Ihanda ang mga kailangang sangkap at kasangkapan.

b. Sa unang malaling mangkok, ilagay ang harina, putting asukal, itlog, asin, vegetable
oil, pampalasa at keso. Paghaluin ang mga sangkap ng mabuti at iwan muna.

c. Gamit ang blender, paghalu-haluin ang dahon ng malunggay, gatas at keso hanggang
sa mahalo ng mabuti at maging berde ang kulay.
d. Gamit ang electric mixer, paghaluin ang puti ng itlog hanggang sa ang hitsura ay tulad
ng tumpang.

e. Paghalu-haluin ang mga pingahalong sangkap sa isang malaking mangkok.

f. Ihanda ang muffin pan at ilagay dito ang mga pinaghalo-halong mga sangkap. Ilagay
sa oven sa loob ng 20-30 minutos.

g. Pagkatapos ng 20-30 minutos, ilabas ang cupcake mula sa oven at hayaang lumamig
muna. Kapag lumamig na, maaari na itong lagyan ng tumpang (icing) upang kaaya-
ayang tignan.

IKATLONG KABANATA: RESULTA AT DISKUSYON


Ang produktong ito ay maingat na plinano at ineksperimento ng mga
estudyante ng Cookery sa Riverview Polytechnic and Academic School Incorporated.
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng limampung piraso ng cupcake para ipatikim sa
iba’t ibang tao upang malaman kung naaamoy ba ang malunggay sa produkto. Ito rin
ginawa para malaman ng mga mananaliksik kung pwede ba itong mairekomenda sa
mga batang ayaw sa gulay at kung pwede bang pagkakitaan ang paggawa ng
masustansyang malunggay cupcake.

Ang cupcake na ito ay ginawa para sa lahat lalo na sa mga batang ayaw sa
gulay. Ayon sa lahat ng taong tumikim sa produkto, maaari nga itong mairekomenda
sa mga batang ayaw sa gulay dahil ang produkto ay masarap at nagtataglay ng
masustansyang malunggay. Ayon din sa kanila, may malakas na amoy ang cupcake.
Pwede rin itong pagkakitaan. Ang kabuuan ng lahat ng perang nagastos ay dalawang
daan at pitumpung piso. Makakagawa ng dalawampu’t lima o higit pang piraso ng
cupcake mula sa halagang ito. Ang produkto ay maibebenta sa halagang labing-
dalawang piso na makapagpapalabas ng limang daan at limampung piso.
Magkakaroon ng dalawang daan at walumpung pisong kita ang magbebenta nito.

Ang malunggay ay may mahabang listahan ng pagkagamit bilang medisina o


gamot. Ang malunggay ay maaaring makatulong sa mga taong may asthma,
hypertension, sakit sa balat, inflammation, kanser, diarrhea, sakit ng ulo at
malnutrition (https://news.abs-cbn.com/lifestyle/07/22/10/many-benefits-
malunggay). Ito rin ay nakapagpapalakas ng immune system at tumutulong sa mga
buntis sa pagpaparami ng gatas para sa kanilang sanggol. Ang malunggay ay
mayroong 3.1 g ng protina, 0.6 g ng fiber, 96 mg calcium, 1.7 mg iron, 0.07 mg
thiamine, 0.14 mg riboflavin, 1.1 mg niacin at 53 mg ascorbic acid na
nagpapasustansya sa produkto (Nutritional and Medicinal Properties of
Malunggay. (July 5, 2018). Retrieved on February 25, 2019 from
www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/library-health-news/380-nutritional-and-
medicinal-properties-of-malunggay).

Para matagumpay na magawa ang malunggay cupcake, dapat na sundin ang


tamang sukat ng mga sangkap na isinulat ng mga mananaliksik sa papel na ito. Ang
tamang sukat ng mga sangkap ay 2 baso ng harina, 3 dilaw na bahagi ng itlog, 1
kutsarang asin, 100 g ng dahon ng malunggay, ½ baso ng vegetable oil, 2 kutsara ng
vanilla, 1 baso ng asukal, 2 kutsarita ng baking powder, ½ baso ng keso at 1 baso ng
gatas. Para maging kaaya-aya ang malunggay cupcake, maglagay ng makulay na
tumpang upang mahikayat rin ang mga taong bumili o kainin ang produkto.

IKAAPAT NA KABANATA: KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


Mula sa ginawang pananaliksik, nahinuha ng mga mananaliksik na ang malunggay
cupcake ay napakasustansyang meryenda, panghimagas at pagkain ng lahat. Naglalaman ito
ng maraming bitamina at mineral na nakakatulong sa paglinang ng kalusugan ng bawat isa.
Ang produktong ito ay napakikinabangan ng estudyante, maybahay at mga ayaw sa gulay at
iba pa. Ang mga mananaliksik ay nagsasabing matagumpay na natapos ang aming
pananaliksik.
Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging batayan para makagawa ng masustansyang
malunggay cupcake. Maaari ding ibahagi ang pag-aaral na ito sa mga kamag-anak na
pwedeng makatulong sa kanilang pinagkakakitaan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito,
napatunayan na ang malunggay ay may magandang benepisyo lalo na sa ating kalusugan.
Ang pananaliksik na ito ay nanghihikayat sa mga mambabasa na magtanim ng malunggay sa
likod o paligid ng bahay. \Sa mga mananaliksik sa hinaharap, ang produktong ito ay hindi
gaanong tumaas kagaya ng orihinal na produkto, kaya kailangang magplano ng solusyon
upang mapaganda at mapasarap pa ang produktong masustansyang malunggay cupcake.

IKALIMANG KABANATA: MGA SANGUNIAN


Why use Cake Flour? (April 26, 2018). Retrieved on February 25, 2018 from
https://bakingamoment.com/why-use-cake-flour/
Nutritional and Medicinal Properties of Malunggay. (July 5, 2018). Retrieved on February
25, 2019 from
https://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/news/library-health-news/380-nutritional-
and-medicinal-properties-of-malunggay

What Every Baker Needs to Know About Sugar. Retrieved on February 25, 2019 from
https://www.finecooking.com/article/what-every-baker-needs-to-know-about-sugar

Nutrients in Cheese. Retrieved on February 25, 2019 from


https://www.healthyeating.org/Milk-Dairy/Nutrients-in-Milk-Cheese-Yogurt/
Nutrients-in-Cheese

Baking Ingredients and Function: A Breakdown. (June 20, 2016). Retrieved on February 25,
2019 from https://ueat.utoronto.ca/baking-ingredients-function/

Palm Oil. (May 2, 2018). Retrieved on February 25, 2018 from


https://bakerpedia.com/ingredients/palm-oil/

Christensen E. (April 30, 2012). Retrieved on February 25, 2019 from


https://www.google.com.ph/amp/s/amp.thekitchn.com/bakers-best-friend-vanilla-
extract-ingredient-spotlight-170316

Christensen E. What it really means to “Salt to Taste”. (January 23, 2013)


https://www.thekitchn.com/food-science-salting-to-taste-49868

The many Benefits of Malunggay. (July 22, 2010). Retrieved on February 25, 2019 from
https://news.abs-cbn.com/lifestyle/07/22/10/many-benefits-malunggay
APENDIKS

Name: Bulayo, Michelle Bulintao


Age: 16
Motto: “Do not put for tomorrow what you can do today”

Name: Belingon, Dianne Dinamling


Age: 18
Motto: “Nothing is impossible with God”

Name: Castillano, Rea Janis Hinumla


Age: 17
Motto: “If others can, why can’t I”

Name: Castillo, Abigael Tindungan


Age: 17
Motto: “There’s always time for everything”

Name: Mangandat, Claire Bulahao


Age: 19
Motto: “Age is an issue of mind over matter. If you don’t mind, it doesn’t matter”

Name: Batig, Judy Ann Dumalangay


Age: 18
Motto: “Nothing is Impossible, the world it says I’m possible”
Name: Tuguinay, Kurt Ngayungay
Age: 16
Motto: “Time is time, don’t waste it and value every minute because as they say,
TIME IS GOLD”

You might also like