You are on page 1of 38

1

Sining
Ikaapat na Markhan – Modyul 4:
Paggawa ng Hugis-Tao at Maskara
Sining – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Paggawa ng Hugis-Tao at Maskara
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Bumuo ng Kontekstuwalisadong Modyul

Manunulat : Jackie Lou L. Lacaste Manunulat : Desiree M. Daiyan


Melanie B. Antonio Editor : Melissa O. Cacal
Editor : Anna Grace Gallardo Tagasuri : Kirby J. Ladjahassan
Tagasuri : Division Quality Assurance Team Tagaguhit : Myca G. Tamba
Lira Z. Sesdoyro
Tagaguhit : Reynaldo A. Simple Tagapamahala:
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Estela R. Cariño Mariflor B. Musa
Octavio V. Cabasag Freddie Rey R. Ramirez
Rizalino G. Caronan , Annabelle M. Marmol
Ruby B. Maur Arnaldo G. Ventura
Cherry Grace D. Amin Aurelia B. Marquez
Rosalyn C. Gadiano
Felipe L. Argueza Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Inilimbag sa MIMAROPA ng Kagawaran


Edukasyon , Region 2 ng Edukasyon MIMAROPA Region
Office Address: Regional Government Center, Office Address: St. Paul Road, Meralco Ave.,
Carig Sur, Tuguegarao City, Pasig City
3500 Telefax: (02) 853-73097
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov .ph
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1
Sining
Ikaapat na Markhan – Modyul 4:
Paggawa ng Hugis-Tao at Maskara
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga magaaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Marami pong Salamat.

2
Alamin

May iba’t ibang bagay ang makikita sa ating


kapaligiran. Makikita natin sa labas at loob ng paaralan.
Tulad ng mga punong-kahoy at halamanan. Nagbibigay
ng pagkain, damit at sa atin ng kagamitan.
Subukan mong pagmasdan ang iyong paligid. Ano
ang iyong nakikita?
Isang napakagandang biyaya na binigay sa atin ng
lumikha. Na dapat nating ipagpasalamat sa kanya.
Ang likhang sining ay nagpapakita ng kahusayan ng
isang manlilikha gamit ang kanyang imahinasyon. Isa itong
napakagandang biyaya na binigay sa atin ng lumikha na
dapat nating gamitin at payabungin.
Gumagamit ang manlilikha ng iba’t ibang kagamitan
upang makabuo at makagawa ng hugis-tao at maskara.
May kanya-kanya tayong talento pagdating sa sining na
maipagmamalaki natin. Kung saan ang batang tulad mo
ay dapat hubugin ang talentong itinatago mo.
Samahan mo pa ng sipag, tiyaga at pagmamahal sa
paglikha mo ng sariling sining at masasabi mo sa sarili
mong kaya mo at mapagtatagumpayan mo ito.

Ang modyul na ito ay may tatlong aralin :


• Aralin 1 : Paggawa ng Hugis-Tao at Maskara
Gamit ang Clay/Luwad/Putik o Arina
(flour)-Asin (salt) Mixture
• Aralin 2 : Paggawa ng Hugis-Tao at Maskara
Gamit ang Papel o Diyaryo (Paper
Mache)

3
• Aralin 3 : Paggawa ng Hugis-Tao at Maskara
Gamit ang Paper plate o Karton

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. makalikha ng maskara at hugis ng tao gamit ang ibat-


ibang niresiklong materyal tulad ng karton, papel,
basket, dahon, tali, clay, cardboard, bilao, paper
plate, buto, flour-salt mixture, paper mache at iba
pang kagamitan. (MELC A1PR-IVf-1, AIPR-IVg, A1PR-IVh);
2. natutukoy ang mga likhang-sining na gawa sa mga
niresiklong mga materyal; at
3. napahahalagahan ang mga patapong bagay sa
pamamagitan ng paggamit nito sa likhang-sining.

Subukin

Panuto: Tukuyin ang mga kagamitang maaring gamitin sa


paggawa ng hugis-tao at maskara. Kulayan ng pula
ang bilog kung ito ay maaring gamitin; at asul kung
hindi.

1. 6.

4
2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

5
Aralin 1 - Paggawa ng Hugis-Tao at Maskara
Gamit ang Clay/Luwad/Putik o Arina (flour)-Asin
(salt) Mixture

Balikan
Panuto:Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang bagay
ay gawa sa 3-D na niresiklo at ekis ( ) naman kung hindi.

1._________ 4.________

2._________ 5.________

3._________

Tuklasin

Panuto: Pagmasdan ang larawan. Pag-aralang mabuti


at pagkatapos sagutin ang mga tanong tungkol dito.

6
A B

1. Ano ang nasa larawan A? sa larawan B?


_______________________________________________
2. Alin sa dalawang larawan (A at B) ang gawa sa
pamamagitan ng resiklo?
________________________________________________
3. Nais mo rin bang gumawa nito?

Suriin
Ang paggamit ng clay/ luwad o putik ay isa sa
materyal na ginagamit upang makagawa ng palayok,
banga, at mga kagamitan sa pagluluto na gawa sa putik.
Isa ring likhang-sining ay ang paggawa ng hugis -
tao at maskara sa pamamagitan ng paggamit ng
clay/luwad o putik o ng Arina (flour)-Asin(salt) mixture. Sa
araling ito matutuhan mong gumawa ng hugis-tao at
maskara mula sa niresiklong mga materyal.

7
Mga Halimbawa ng Clay pot

Aralin 2 - Paggawa ng Hugis-Tao Gamit ang


Clay/Luwad/Putik

Ang clay / luwad / putik ay maaaring gamitin upang


makalikha ng magandang bagay tulad ng hugis-tao
Halimbawa:

Mga Kagamitan: clay/luwad/putik, walis tingting

Pamamaraan:

1. Kumuha ng clay at gawing hugis bilog. Ito ang


magsisilbing ulo ng gagawing hugis-tao.
2. Muling kumuha ng clay at gawing hugis bilohaba
(oblong). Ito ang gagamiting katawan sa hugis-tao.
3. Muling gumawa ng apat na hugis bilohaba na maliliit
na gagamiting braso at mga binti ng hugis-tao.
4. Gamit ang maiksing walis tingting, pagdugtungin ang
ginawang bilog na hugis at ang bilohaba na hugis na
magsisilbing katawan ng hugis- tao.
8
5. Ikabit ang braso sa katawan gamit ang walis tingting.
Gawin rin ito sa binti ng hugis-tao.
6. Muling kumuha ng clay at lagyan ng mata, ilong bibig
at tainga ang hugis-bilog.
7. Gumawa rin ng kamay at paa.

Paggawa ng Hugis-Tao at Maskara Gamit ang Arina (flour)-


Asin(salt) Mixture

Ang arina (flour)-asin(salt) mixture ay maaari ring


gamitin upang makabuo ng hugis-tao at maskara.
Halimbawa :

Paggawa ng Arina (flour ) – Asin (salt ) Mixture

Mga Kagamitan: 1 tasa ng arina (flour)


½ tasa ng asin(salt )
½ tasa ng tubig
food color at maliit na palanggana
9
Pamamaraan:

1. Ihanda ang isang (1) tasa ng harina, kalahating tasa


(½ ) tasa ng asin , at kalahating ( ½ ) tasa ng tubig.
2. Kapag gumamit ng food color tunawin muna ito sa
tubig na ihahalo.
3. Paghaluin sa palangga ang harina, asin, at unti-unting
lagyan ng tubig.
4. Imasa ng mabuti ang mga sangkap. Gawing parang
bola.
5. Kapag ito ay malagkit dagdagan ng kaunting arina
at kapag ang minasa ay tuyo dagdagan ng kaunting
tubig.
6. Maari ng gumawa ng hugis-tao at maskara gamit ang
arina (flour)-asin (salt) mixture. Sundin lamang ang
paraan ng paggawa ng hugis-tao sa pamamagitan
ng clay/luwad/putik.

Paggawa ng Maskara Gamit ang Arina (flour ) – Asin


(salt ) Mixture

Mga Kagamitan: Arina (flour) – Asin (salt) Mixture


Lobo
Tali

Pamamaraan :

1. Palobohin ang lobo at ito ang magsisilbing


hulmahan ng gagawing maskara.

10
2. Balutin ng arina ( flour) -asin (salt ) mixture ang
kalahating bahagi ng lobo.
3. Kapag natapos ng balutin, lagyan ng hugis na
magsisilbing mata, ilong at bibig nito.Patuyuin.
4. Kapag tuyo na, tanggalin ang lobo at butasan ang
hugis na para sa mata ,ilong at bibig.
5. Lagyan ng butas sa magkabilang gilid upang
paglagyan ng tali.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang kagamitang ginamit sa paggawa ng
hugis tao at maskara sa sumusunod na larawan. Kulayan
ng dilaw ang bituin kung gawa sa modelling
clay/luwad/putik at kulayan ng pula ang bituin kung
hindi.

1. 2. 3.

4. 5.

11
Gawain 2

Panuto: Ang sumusunod na pangungusap ay hakbang sa


paggawa ng arina (flour)-asin(salt) mixture. Isulat ang
masayang mukha kung ang pahayag ay wasto;
at isulat ang malungkot na mukha kung hindi wasto.

1.Ang arina (flour) - asin(salt) mixture ay maaaring


gamitin sa paggawa ng hugis-tao at maskara.
2.Kapag gumamit ng food color, kailangang
tunawin ito sa tubig na ihahalo.
3. Kapag ang minasa ay malagkit, dagdagan ng
kaunting tubig.
4.Kapag ang minasa ay tuyo, dagdagan ng
kaunting arina.
5.Kailangan paghaluin ng mabuti ang arina(flour),
asin (salt) at tubig.

Isaisip

Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang upang


mabuo ang diwa. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

Clay hugis – tao maskara


Arina (flour)-Asin(salt) mixture

12
Sa Araling ito, natutunan ko na maaaring
gamitin ang _________ , at _________
upang makagawa ng sariling _________ at
______________.

Isagawa

Panuto: Pumili ng isa sa sumusunod na gawaing-sining na


nais mong gawin.

1. Paggawa ng hugis-tao gamit ang totoong putik o


luwad.
2. Paggawa ng hugis-tao gamit ang pinaghalong arina at
asin.
3. Paggawa ng hugis-tao gamit ang modeling clay.
Panuto: Tukuyin kung ang hugis-tao at maskara ay
gawa sa clay luwad/putik o gawa sa arina(flour)-
asin(salt) mixture. Isulat ang C kung ito ay gawa sa
clay/luwad/putik at isulat ang A kung gawa sa
arina(flour)-asin(salt) mixture
4. Paggawa ng maskara gamit ang modeling clay.
5. Paggawa ng maskara gamit ang pinaghalong arina at
asin.

Sumangguni sa rubrik sa pahina 31 para sa iyong


sariling pagtataya ng iyong likhang-sining.

13
Tayahin

Panuto: Tukuyin kung ang hugis-tao at maskara ay gawa


sa clay luwad/putik o gawa sa arina (flour)-asin(salt)
mixture. Isulat ang C kung ito ay gawa sa clay/luwad/putik
at isulat ang A kung gawa sa arina(flour)-asin(salt) mixture.

_________1. _________4.

_________2. _________5.

_________3.

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Umisip ng iba pang materyal o bagay na


maaaring gawing hugis-tao o maskara. Isulat ito
sa inyong sagutang papel.

Aralin 2 : Paggawa ng Hugis-Tao at Maskara


Gamit ang Papel o Diyaryo (Paper Mache)

Balikan

Panuto: Suriin ang bawat hugis-tao kung ito ay gawa sa


clay/luwad/putik o gawa sa arina (flour)-asin (salt)
mixture. Isulat ang tsek ( / ) kung gawa sa
clay/luwad/putik at ekis ( x ) kung gawa sa arina
(flour)-asin (salt) mixture.

_____1. _____4.

_____2. ______5.

15
_____3.

Tuklasin

Panuto: Pagmasdan ang larawan. Pag-aralang mabuti


at pagkatapos sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

A. B.

1. Ano ang nasa larawan A? sa larawan B?


_______________________________________________
2. Sa anong materyal gawa ang larawan A? ang
larawan B?
________________________________________________
3. Nais mo rin bang gumawa nito?
________________________________________________

16
Suriin

Ang Paper mache ay isa ring pamamaraan upang


makagawa ng hugis-tao at maskara gamit ang mga
lumang papel at diyaryo.

Halimbawa:

Paggawa ng Hugis-Tao

Kagamitan : papel o diyaryo, tali, pandikit, tubig


Pamamaraan:

1. Gumawa ng balangkas ng isang tao. Sa


paggawa ng balangkas ng katawan ng
tao, kumuha ng diyaryo o papel at ilukot
ito. Ito ang magsisilbing katawan ng
balangkas ng tao.

2. Muling kumuha ng papel o diyaryo, ilukot ito


at idugtong sa naunang ginawang
katawan ng balangkas at ito ang
magsisilbing ulo.

17
3. Muli, kumuha ng papel o diyaryo, ilukot,
at itali sa ginawang katawan at ito ang
magsisilbing kamay ng ginawang
balangkas.

4. Maglukot muli ng papel o diyaryo at itali


sa ginawang katawan at ito ang
magsisilbing paa ng balangkas ng tao.

5. Talian ang bahagi ng katawan upang


manatili ang hugis .

6. Kumuha ng panibagong papel o diyaryo at punit-


punitin ito nang maliit at ibabad sa tubig ng
magdamagan.

7. Hanguin ang ibinabad na diyaryo o papel, pigain at


pagkatapos ay dikdikin at ilagay sa isang lagayan.

8. Pagsamahin ang dinikdik na diyaryo o papel at


pandikit at haluin.

9. Balutan ng dinikdik na papel o diyaryo ng may


pandikit ang ginawang balangkas at ihugis nang
maayos at makinis.

10.Patuyuin ang hinulmang tao at kulayan.

18
Paggawa ng Maskara

Kagamitan : papel o diyaryo, tali, pandikit, tubig,


cardboard, gunting, lapis
Pamamaraan:

1. Gumuhit ng hugis-ulo ng tao sa cardboard


o karton at gupitin.

2. Bumuo ng mga bahagi ng mukha gaya


ng mata , ilong, at bibig.

3. Kumuha ng papel o diyaryo at gupitin ito ng


malilit na mahahabang piraso.

4. Gumawa ng pandikit. Maghalo ng ½ tasa


ng glue at ¼ tasa ng tubig. Paghaluing
mabuti . Isawsaw sa tubig na may glue ang
ginupit na papel at ipatong ito sa ginawang hugis-ulo
ng tao.

5. Muling magsawsaw ng ginupit na papel sa


pinaghalong tubig at pandikit at idikit
sa hugis-ulong ginawa.Gawin ito ng tatlong
layer upang kumapal.

7. Patuyuin. Lagyan ng butas para sa mata


at ilong. Kulayan pagkatapos.

19
Pagyamanin

• Gawain 1
Panuto : Sagutin ang tanong.
Ano-ano ang mga kagamitan sa paggawa
ng hugis-tao at maskara sa paraang Paper Mache.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

• Gawain 2
Panuto : Suriin ang bawat hugis-tao at maskara.
Tukuyin kung ito ay gawa sa papel o diyaryo. Isulat
ang buwan kung ito ay gawa sa
papel o diyaryo; at isulat ang araw kung hindi.

1. 4.

2. 5.

3.

20
Isaisip

A. Pumili ng sagot sa loob ng kahon sa ibaba at isulat sa


patlang.

Sa araling ito, natutunan ko ang paggamit ng


_________________ upang makagawa ng sariling hugis
tao at maskara.

Papel o diyaryo,Clay/ luwad

B. Panuto: Pagsunod-sunurin ang hakbang sa paggawa


ng hugis -tao sa pamamaraang paper mache. Lagyan ng
bilang 1-5 ang loob ng kahon.

Balutan ng dinikdik na papel o diyaryo ng may


pandikit ang ginawang balangkas at ihugis nang
maayos at makinis. Patuyuin ang hinulmang tao at
kulayan.

Pagsamahin ang dinikdik na diyaryo o papel at


pandikit at haluin.

Hanguin ang ibinabad na diyaryo o papel, pigain at


pagkatapos ay dikdikin at ilagay sa isang lagayan.

21
Kumuha ng panibagong papel o diyaryo at punit-
punitin ito nang maliit at ibabad sa tubig ng
magdamagan.

Gumawa ng balangkas ng isang tao sa


pamamagitan ng paglukot ng diyaryo o papel. Talian
ang bahagi ng katawan upang manatili ang hugis .

Isagawa

Panuto: Gumawa ng maskara sa pamamaraang Paper


Mache. Magpatulong sa nakatatanda at mag-ingat sa
paggawa nito.
Sumangguni sa rubrik sa pahina 31 para sa
iyong sariling pagtataya ng iyong likhang-sining.

Tayahin

Panuto : Basahing mabuti ang tanong sa bawat bilang.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot .
1. Tingnan ang hugis-tao.Anong pamamaraan
ang ginamit sa paggawa nito ?

a. clay b. arina-asin mixture c. paper mache

22
2. Tingnan ang maskara.Anong pamamaraan
ang ginamit sa paggawa nito ?

a. clay b. arina-asin mixture c. paper mache

3. Alin sa mga larawan ang kagamitan sa paper mache ?

a. b. c.

4. Alin sa sumusunod na hugis-tao ang gawa sa paper


mache ?

a. b. c.

5. Alin sa sumusunod na maskara ang gawa sa paper


mache ?

a. b. c.

23
Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat


ang inyong sagot sa inyong sagutang papel.
1. Naibigan niyo ba ang mga Gawain sa araling ito?
Bakit?
2. Ano ang inyong naramdaman habang ginagawa ang
bawat gawain?
3. Sa iyong palagay, ano ang katangian ng gumagawa
ng paper mache?

24
Aralin 3 - Paggawa
ng Hugis-Tao at
Maskara Gamit ang Paper Plate o Card
Board

Balikan
Panuto: Suriin ang bawat hugis-tao. Tukuyin kung saan
gawa ang bawat isa. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.
Isulat lamang ang titik sa patlang bago ang bilang.

A. clay/luwad/putik
B. arina (flour)-asin(salt) mixture
C. Paper Mache

____1. ____4.

____2. ____5.

____3.

25
Tuklasin

Panuto: Pagmasdan ang larawan. Pag-aralang mabuti at


pagkatapos sagutin ang mga tanong tungkol dito.

A. B.

1. Ano ang nasa larawan A? sa larawan B?


_________________________________________________
2. Ano ang ginamit sa paggawa sa larawan A? sa
larawan B?
_________________________________________________
3. Nais mo rin bang gumawa nito?
_________________________________________________

Suriin

Ang maskara ay karaniwang ginagamit sa mga


pagdiriwang at mga dula-dulaan.
Ginagamit ito ng mga tao upang hindi agad makilala
ang katauhan ng isang tao. Isinusuot ito upang masiyahan
ang mga bata kung dumadalo sila sa isang Birthday Party.

26
Sa dula-dulaan naman, nagsusuot ng maskara upang
maipakita kung ano ang kanyang katauhan. Ipinapakita
nito kung anong hayop siya gaya ng nasa larawan.

Narito ang iba pang kagamitan na maaaring


gamitin sa paglikha ng maskara.
karton tali buto
papel cardboard sticks
dahon paper plate

Tingnan ang maskara. Ano-anong kagamitan ang ginamit


sa paggawa nito?

(paper plate, colored paper, stick)

27
Paggawa ng Maskara

Mga Kagamitan : karton/ paper plate, gunting, tali,


krayola at iba pa.

Pamamaraan:

1.Kumuha ng kapirasong karton/paper plate na


kasinlaki ng mukha, gunting, tali at krayola.

2. Umisip ng paboritong hayop at iguhit ang mukha nito


sa kapirasong karton/paper plate.

3. Kulayan ang nagawang maskara ayon sa


kagustuhan.

4. Gupitin na sinusundan ang hugis ng mukha ng hayop,


mga mata at bibig nito.

4. Lagyan ng tali sa magkabilang tainga.

Paggawa ng Hugis-Tao

Mga Kagamitan : karton, gunting, krayola, pentel


pen

28
Pamamaraan:

1. Kumuha ng karton at guhitan ng hugis-tao.

2. Lagyan ng mata, ilong, bibig at tainga.

3. Kulayan ang iginuhit na hugis-tao pagkatapos ay


gupitin ito.

Pagyamanin

• Gawain 1
Panuto: Piliin ang mga kagamitan na maaaring
gamitin sa paggawa ng maskara at hugis-tao.
Kulayan ng asul ang kahon kung ang nasa
larawan ay gamit sa paggawa ng maskara at hugis-
tao at berde kung hindi.

1. 4.

2. 5.

29
3.

• Gawain 2
Panuto: Pagtambalin ang maskara sa Hanay A sa
katangian nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B

_______1. A. gawa sa platong


papel

_______2. B. maskara na hugis


hayop

_______3. C. maskara gawa sa


karton

_______4. D. hugis-tao gawa


sa karton

_______5. E. ginagamit sa
parada

30
Isaisip

Pumili ng sagot sa loob ng kahon sa ibaba at isulat sa


patlang.

Sa araling ito, natutunan ko ang paggamit ng


_________________ upang makagawa ng sariling hugis
tao at maskara na maaring mga pigura naman ng mga
hayop.

Karton, paper plate,diyaryo,papel

Isagawa

Panuto: Gumawa ng maskara ng paborito mong hayop


na gawa sa paper plate o karton.

Tayahin

Panuto : Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at isulat


ang M kung ang pahayag ay mali.

_______1. Ang maskara ay karaniwang ginagamit sa mga


pagdiriwang at mga dula-dulaan.

31
_______2. Ang karton at paper plate ay maaaring gamitin
sa paggawa ng maskara at hugis -tao.
_______3. Maaaring gumawa ng maskara na hugis-hayop.
_______4. Ang maskara ay ginagamit upang agad
makilala ang katauhan ng isang tao.
_______5.Maaaring gumamit ng buto bilang palamuti sa
paggawa ng maskara.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa paggawa ng iyong maskara, bigyan ang iyong


sarili ng marka gamit ang rubrik sa ibaba.

Narito ang rubrik ng iyong likhang-sining.

Rubrik
Pamantayan Iskor
Natapos sa takdang oras, malinis at kaaya-
5
aya
Malinis at kaaaya-aya ngunit hindi natapos
4
sa takdang oras
Natapos sa takdang oras ngunit hindi malinis
3
at kaaya-aya.
Hindi natapos sa takdang oras at hindi malinis
2
at kaaya-aya
Nakagawa ngunit hindi natapos sa takdang
1
oras
Hindi nakagawa ng likhang-sining 0

32
33
Tayahin Pagyamanin
Balika
1. c Gawain 1 Gawain 2 n
2.c 1. 1.x
3.c Isaisip B 2. 2./
4.a 5,4,3, 2 &1 3. 3./
5. a 4. 4.x
5. 5. /
Aralin 2
Tayahin
1. a
2. c
3. a
4. a
5. c
Pagyamanin
Gawain 1 Gawain 2 Balikan Subukin
1. 1. 1. / 1. 6.
2. 2. 2.x 2. 7.
3. 3. 3./ 3. 8.
4. 4. 4.x 4. 9.
5. 5. 5./ 5. 10.
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
34
Arts 1 MELC Curriculum Guide
Sanggunian
Pagyamanin
Tayahin Balikan
Gawain 1 Gawain 2
1. T 1.b
1. 1.A/B
2. T 2. a
2. 2. E
3. T 3.b
3. 3. B
4. M 4.a
4. 4. C
5. T 5.C
5. 5. D
Aralin 3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like