You are on page 1of 2

Preliminaryong Pagsusulit

Introduksyon sa Pananaliksik

Plagiarism

Plagiarism-ilegal na pangongopya o panunulad. Angplagiarism ay nakuha mula sa Latin

“plagiaries” na ang literal na ibigsabihin ay kidnapper.

Ayon sa diksyunaryo ay isang paraan ng pagnanakaw; ito ay kung saan ang isang tao ay gumamit o nang
hiram ng ideya o gawa ng iba at hindi nilagay ang pinagkunan.

May limang uri ng plagiarism :

Minimalistic Plagiarism

-uri ng plagiarism kung saan ang mga ideya na nakuha o nabasa nila mula sa ibang batis ay kaniyang
ginagamit ngunit iniiba ang mga salita.

Full Plagiarism

- Ang iyong ginawa ay parehong pareho mula sa iyong pinagkunan.Bawat salita o parirala o talata ay
gayang-gaya mula sa napagkunan.

Partial Plagiarism

-dito ay dalawa o mahigit pa ang iyong pinagkunan at kombinasyon ng mga ito ang kinalabasan ng iyong
ginawa. Dito ay nangyayari ang rephrasing o pagbabago ng ilang salita.

Source Citation

-uri ng plagiarism kung saan maaring binigay ang pangalan ng may akda o pinagkunan pero kulang o
hindi sapat ang impormasyon na binigay. Minsan naman ay mali ang ibinibigay na pinanggalingan ng
impormasyon o pinagsasama ang ilang sariling sinulat sa akda ng iba.

Self Plagiarism

-uri ng plagiarism kung saan inilathala mo ang isang material na nalathala na pero sa ibang midyum.
Maaring sa iyong ginawang artikulo, libro atbp., aymay katulad o sadyang ginaya at hindi mo alam kung
saan mo ito nakuha o ginaya.
PAANO MAIIWASAN ANG PLAGIARISM?

1.Isulat ang mga “notes” habang ginagawa ang pananaliksik. Gumawa ng listang mga pangunahing ideya
at sumusuporta sa detalye. Gamitin ang mga tala para isulat ang iyong gawain. Gumamit ng direktang
quotes para suportahan ang iyong mga ideya sa halip na gawing yun lamang ang basehan ng iyong
pagsulat.

2. Magtago ng rekord ng lahat ng libro,mga pahina,at may katha na iyong ginamit. Kabilang dito ang
impormasyon na galing sa libro, artikulo,internet, diagrams, charts, at iba pa. Mas mabuting sumulat ng
mas higit pa sa iyong kailangan.

3.Magtanong sa guro kung papano kilalanin ang mga pinagmulan ng iyong impormasyon.Kadalasan ito
ay ang paggamit ng footnotes at bibliography

Footnotes

-paraan ng pagkilala ng direktang “quotes” galing sa gawa ng

iba.

Bibliography

- alpabetikong listahan ng libro, artikulo,websites at iba pa na iyong ginagamit sa pagkolekta ng


impormasyon.

You might also like