You are on page 1of 2

Ruzcel Pastrana

Lovely Jane Jose

STEM 11A

Ano ang Plagiarism?

Ayon sa Diksyunaryo ng Merriam Webster, ang plagiarize ay nangangahulugang:

 Magnakaw at ipasa (ang mga ideya o salita ng iba) bilang sariling gawa
 Gumamit ng (produksyon ng iba) nang hindi kinukredito ang mapagkukunan
 Magsagawa ng pagnanakaw sa panitikan
 Ipakita bilang bago at orihinal ang isang ideya o produkto na nagmula sa isang
umiiral na mapagkukunan

Sinabi nito, ang pamamlahiya ay isang komplikadong konsepto na lumalawak nang lampas sa
simpleng pagkuha ng gawain ng isang tao at ipasa ito bilang iyong sarili.

Mga Uri/Anyo ng Plagiarism:

Minimalistic Plagiarism - uri ng plagiarism kung saan ang mga ideya o konsepto nanakuha o nabasa nila
mula sa kanilang sources ay kanilang ginamit pero sarili nilangsalita o paraphrasing

Full Plagiarism - Ang iyong ginawa ay parehong pareho mula sa iyong pinagkunan.Bawat salita o parirala
o talata ay gayang-gaya mula sa napagkunan.

Partial Plagiarism - dito ay 2 o mahigit pa ang iyong pinagkunan at kombinasyon ngmga ito ang
kinalabasan ng iyong ginawa. Dito ay nangyayari ang rephrasing opagbabago ng ilang salita.

Source Citation - uri ng plagiarism kung saan maaring binigay ang pangalan ng mayakda o pinagkunan
pero hindi na madaling mahanap dahil kulang o hindi sapat ang impormasyon na binigay. Minsan naman
ay mali ang ibinibigay ang pinanggalingan ng impormasyon o pinagsasama ang ilang sariling sinulat sa
akda ng iba. Ang isang ‘ghostwriter’ ang matatawag na isang ganap na plagiarist dahil gawain nila ang
sumulat ng mga sulatin na ginawa ng iba ang inaako na parang sila ang gumawa.

Self-Plagiarism - uri ng plagiarism kung saan inilathala mo ang isang material nanalathala na pero sa
ibang medium. Maaring sa iyong ginawang artikulo, libro atbp., aymay katulad o sadyang ginaya at hindi
mo kung saan mo ito nakuha o ginaya. Ito aykilala din bilang “recycling fraud

Ayon kay Lindsay Liedke, ang plagiarism ay isinasaalang-alang bilang isang paglabag sa
akademiko, kahit na ito ay hindi bawal sa isang kriminal o sibil na kahulugan. Kapag ang isang tao ay
gumawa ng plagiarism, anumang uri ito, ang kilos ay labag sa may-akda ng akda. Kaya naman ang aming
bigat ng aming parusa sa mga lalabag ay hindi nakabatay sa uri ng plagiarism na kanilang ginawa, sa
halip ay nakabatay ito sa kung ilang beses nila itong ginawa. Ito ang aming polisiya:
Kung mapag-alaman ng isang guro na ang kanyang estudyante ay nagkasala ng plagiarism,
marapat na ipagbigay alam niya muna ito sa nakatataas upang sila ang magdesisyon kung maaari bang
palagpasin ang pagnanakaw ng ideya ng estudyante at pagsabihan muna ito o parusahan ito ng paglabag
dahil masyadong mabigat ang kaso ito. At kung ulitin man ito ng estudyante matapos pagsabihan o
mapagpasyahan ng nakatataas na bigyan ng karampatang parusa ang kaso, ito ang maaari nilang gawin:

 Unang paglabag:
Sa unang pagkuha ng gawa ng isang taong hindi orihinal na pagmamay-ari ng
estudyante, maaaring magkaroon ng additional o dagdag na gawain ang estudyante
mula sa guro bilang pambawi sa kanyang kaso.
 Ikalawang paglabag:
Sa ikalawang beses ng paglabag, makatatamo siya ng bawas o minus na marka
sa isang tiyak na gawaing ibinigay ng guro.
 Ikatlong paglabag:
Sa ikatlong beses ng paglabag, napagkasunduan naming gawing mas mabigat
ang parusa bilang imbis na bawas lamang ay makatatamo ng zero na marka ang
estudyante sa gawaing kanyang ninakaw.
 Ika-apat na paglabag:

Sa pang-apat na beses na gawin ito ng isang estudyante, maaari siyang


makatanggap ng bagsak na grado para sa buong taon sa course o subject na iyon.

 Ikalimang paglabag:
Sa huli at pinakamabigat na paglabag, maaari nang maapektuhan ang buong
akademiko ng isang estudyante na maaaring makaapekto sa program na kinuha niya o
kung sa high school ay umulit siya ng isang taon.

Sources:

https://www.websitehostingrating.com/tl/plagiarism/

https://www.nida.edu.au/__data/assets/pdf_file/0012/7500/Plagiarism-policy-and-procedure.pdf

https://www.scribd.com/doc/45547574/Plagiarism?
fbclid=IwAR0THvG9rMpXLejcSqfltqrhF2oL_1FeDzCaVwgKN9e8XOaZv9h5Zf90HOY

You might also like