You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of San Carlos City
PANGALANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Capataan, San Carlos City, Pangasinan

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Summative Test 1

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng wika?


a. May maayos na pagkakasunod-sunod c. May paksa at tema
b. May hugis, anyo, at kulay d. Sinasalitang tunog

2. Ang nagbigay ng kahulugan na ang wika ay masistemang balangkas.


a. Finnocchiaro b. Gleason c. Brown d. Hill

3. Ito ang pundasyon ng lahat ng wika ng tao.


a. Sistema b. Simbolo c. bigkas d. tunog

4. Ito ang wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
a. Filipino b. Pilipino c. Tagalog d. Ingles/Tagalog

5. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita.


a. Pantulong na wika c. Ikalawang wika
b. Katutubong wika d. Unang wika

6. Kahulugan ng salitang Latin na lingua


a. Teorya b. Kamay c. wika d. dila

7. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon.


a. Wikang Panturo b. Wikang Ingles c. Wikang Opisyal d. Bilingguwal

8. Isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog.


a. dayalek b. salita c. dila d. wika

9. Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal.


a. Wikang Ladino b. Wikang Minoritaryo c. Wikang Opisyal d. Wikang Sardo

10.Kinikilalang lingua franca ng bansang Pilipinas.


a. Wikang katutubo b. Pilipino c. Filipino d. Tagalog

11. Sino ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa?


a. Francisco Balagtas b. Jose Rizal c. Manuel L. Quezon d. Jose Palma

12. Ang iyong lokal na diyalekto ay ______________ Ingles at Filipino.


a. di-gaanong singhalaga ng c. singhalaga ng
b. mas mahalaga kaysa d. dapat mapalitan ng

13. Ito ay nananatiling opisyal na wika kasama ang wikang Filipino.


a. Niponggo b. Mandarin c. French d. Ingles

14. Ipinagagamit sa pagtuturo mula kinder hanggang Baitang 3.


a. Pantulong na wika b. Katutubong wika c. Mother Tongue d. Wikang Ingles

15. Mga salita na nakapaloob sa Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
a. Pampanitikan b. Lalawiganin c. Pormal d. Balbal

16. Mas mabuting…


a. gamitin ang Filipino bilang tanging paraan ng pakikipag-usap sa buong bansa
b. gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa pangangailangan
c. gamitin ang Ingles lamang
d. Huwag gamitin ang Ingles o Filipino

17. Wikang naisabatas o naitadhana ng batas na maging wikang opisyal ng komunikasyon, transaksyon, o
pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa pamahalaan sa pasalita at lalo na sa pasulat na paraan.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal d. Mother Tongue

18. Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil


a. Ito ang salitang ginagamit sa Maynila, ang punong-lungsod
b. Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at Espanyol na mga dayuhang salita
c. Karamihan sa mga hukom na nasa assembliyang nagpatibay sa ating wikang pambansa ay mga Tagalog
d. Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong Quezon

19. Ito ang wikang Opisyal ng Pilipinas.


a. Pilipinas b. Filipinas c. Pilipino d. Filipino

20.“Ngayon, Bukas, at Magpakailanman” ito ang sikat na linyang binibitawan ni Mel Chiangco sa kanyang
programang “Magpakailanman” sa telebisyon.
a. Pantulong na wika b. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo

21.Ang paraan ng pagsasalita ni Boy Abunda bilang host ng “Tonight with Boy Abunda”, anong wika ang
kanyang ginagamit?
a. Pantulong na wika b. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo

22.Wikang pinagtibay ng pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang


kaniyang nasasakop.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal d. Wika

23.Ito ang ating kinikilalang wikang Pambansa sa Pilipinas.


a. Filipino b. Pilipino c. Tagalog d. Dayalek

24.Ito ay kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at nararapat na sumailalim sa pagkilala ng batas.
a. Pantulong na Wika b. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo

25.Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:


a. Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon ng guro at mag-aaral
b. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
c. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
d. Lahat ng ito

You might also like