You are on page 1of 3

BUHAY ESTYUDYANTE

NEWS REPORTER(Xandra/Jennylyn): Ngayong kasagsagan ng pandemya napailalim sa online class at modular ang mga
estyudyante. Malaking pagbabago ito para sa mga kabataang mag-aaral. Marami ring huminto muna sa kanilang pag-
aaral dahil sa kakulangan sa gadgets at internet para sa online class.

: Ayon sa Atlantic fellows tumaas ang porsyento ng mga estudyante na nagkakaroon ng depresyon at nagpapatiwakal
dahil sa pandemya. Ang ibang estudyante ay hindi na naalagaan ang kanilang sarili sapagkat inuuna nila ang kanilang
responsabilidad bilang isang magaaral.

NARRATOR(Jedidiah Hipolito): May isang estudyante na kilala sa kanilang paaralan sa kanyang tanging galing sa
maraming bagay, ngunit hindi batid ng nakararami ang kanyang pinagdadaanan na depression. Ang kadahilanan ng
kanyang katalinuhan ay hindi dahil siya ay magaling ngunit dahil sa kanyang nararamdamang presyon at espektasyon ng
marami.

(habang nasa online class)

TEACHER 1 (Brent Avena): Good Morning! Class may magaganap na programa ngayon sa ating math club ang napili
naming magiging representative ay si Ana sana suportahan niyo siya.

NARRATOR(Jedidiah Hipolito): Naatasan si Ana na maging representative ng kanilang klase.

(nang matapos ang online class padabog na sinabi ni Ana)

STUDENT 1 (Iris Buan): HAYYY ako nanaman, tambak nako sa mga gawain dahil sa pagiging leader bawat grouping, ano
nanamang dagdag gawain ito…

NARRATOR(Jedidiah Hipolito): Maraming humahanga kay Ana, ngunit may mga estyudyande din na naiingit sakanya.

(Pinag uusapan sa chat ng kanyang mga kaklase si Ana)

STUDENT 2 (Kevin Songco): Napaka pabibo niya talaga palibhasa pasipsip sa mga Guro kaya siya lagi ang napupuri at
napipili.

STUDENT 3 (Fatima Balaoro): KAYANGAAA nakakainis siya hindi man niya sabihin na ibigay niyo nalang po sa iba para
mabigyan naman sila ng pagkakataon, gusto niya kase siya lang ang nabibigyan ng atensiyon at nasasabihan na
magaling!!!

NARRATOR (Jedidiah Hipolito): Dumating na ang araw ng kanyang kompetisyion, at maraming nag aabang sa resulta ng
kanyang ipapakitang kakaibang galing.

(habang nagaganap ang kompetisyon)

STUDENT1 (Iris Buan): Bat ko nakalimutan yung formula ano kaya masasagot dito.

NARRATOR (Jedidiah Hipolito): Hanggang matapos ang kompetisyon hindi parin naalala ni Ana ang formula na gagamit
kaya alam niya sa sarili niya na maraming mali ang nagawa at hindi na ito umaasa na mananalo pa.

: Na stress si Ana sa kakaisip ng kanyang nagawa sa kompetisyon kaya naisipan nyang mag scroll sa tiktok para malibang

(habang nag sscroll sa tiktok si Ana may napadaan sa kanyang fyp)

TIKTOKER (Richard Cariño): kamusta kaibigan? Kung hindi mo na kaya magdasal ka lang at mabibigyan ka ng daan,
huwag mo isipin ipahamak ang iyong sarili dahil ito ay isang kasalanan, ang buhay ay sagrado na kailangan pangalagaan,
maniwala ka lang sakanya at ang hinaharap mo ay mabibigyan ng solusiyon.

NARRATOR (Jedidiah Hipolito): Nakapag isip isip si Ana tungkol dito ngunit bigla siyang kinabahan nang makita nyang
tinatawagan siya ng kanyang guro.
(habang naka call si Ana at ang kaniyang guro)

TEACHER 2 (Tanya Dungo): Ana, Bakit naman ang dami mong hindi nasagutan?! Hindi kaba nag-aral at nag hensayo?
Binigay ko lahat ng kailangang aralin. Anong ginawa mo?! Inaasahan ko pa namang masasagot mo lahat ng tanong.

STUDENT 1(Iris Buan): Pasensya na po ma’am nakalimutan ko po ung formula. Pangako po pag bubutingin ko po sa
susunod.

TEACHER 2 (Tanya Dungo): Wag na! nawawalan nako ng tiwala sayo. Sana pala binigay ko nalang Ian, siguro may tyansa
pa tayong Manalo hay..

(pinatay na ng guro ang kanilang call)

NARRATOR (Jedidiah Hipolito): Hindi kinaya ni Ana ang bigat ng kanyang nararamdaman.

: Madaming pumapasok sa kaniyang isip, kaya nakaisip siya ng hindi kanais nais na bagay. Nag sisimula na itong saktan
ang kanyang sarili at humantong sa gusto nya na itong tapusin ang kanyang buhay.

(nagtatangka na si Ana na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtitiwakal ngunit sa labis na pag iisip ng
kanyang nagawa bigla niyang naalala ang napanood nya sa tiktok)

NARRATOR (Jedidiah Hipolito): Napaiyak nalang si Ana nang maalala ang sinabi ng lalake sa tiktok na tila bang
pinapaalala sakanya ang kahalagahan ng buhay.

STUDENT 1(Iris Buan): Teka tama ba itong ginagawa ko? Hindi mali ito.. (walang tigil sa pag-iyak)

(nanalangin si Ana)

STUDENT 1 (Iris Buan): Panginoon Ama, patawarin niyo po ako sa aking nagawa nadala lang po ako sa bigat ng aking
damdamin. Hindi ko po intensyon na sayangin ang buhay na bibigay ninyo Patawarin niyo po ako (umiiyak).

NARRATOR (Jedidiah Hipolito): Kinabukasan inanunsyo na ang nanalo sa kompetisyon, mangiyak ngiyak si Ana ng
makita nyang nanalo parin sya sa kompetisyon.

NARRATOR (Jedidiah Hipolito):. Sana naunawaan niyo ang gusto ko iparating sainyo, na ang buhay ay sagrado na
kailangan natin pangalagaan. Tandaan kung may problema magdasal lang at wag mawawalan ng pag-asa. At muli ako si
Ana sana may natutunan kayo sa aking kwento. At diyan na magtatapos ang kwento ng aking BUHAY ESTYUDYANTE

SCRIPT WRITTER: Jennylyn Salas and Xandra Rodriguez

Members:

Fatima Balaoro

Iris Buan

Tanya Dungo

Jedidiah Hipolito

Brent Avena

Richard Carino

Yuan Manalo

Kevin Songco

You might also like